Andrea's POV
"Yes, were you able to get it? I need that copy tomorrow. I want it to be clear and concise as usual. Please finish it ASAP" binaba ko na ang telepono ko. Napismid ako sabay inom ng wine. "One down and you are mine " Ang saya ko ngayon. Pero napalitan ito ng inis ng maalala ko ang aking kapatid. I can't help but felt jealous. Ang lapit lapit lang niya kay Nick. I am willing to be his secretary mapalapit lang ako sa kanya. I have been with other guy, trying to move on from him, pero bumabalik pa rin ako kay Nick. Iba ang halik niya. Iba pa rin ang hawak at haplos niya. Hinahanap hanap ko ito sa ibang lalake pero wala. Tanging si Nick lang ang nagparamdam sa akin non. " Oh, Nick I miss you, Babalik ka rin sa akin Nick". I swear. Umakyat ako para kumain. Papasok na ako ng restaurant ng makita kong seryosong nag uusap si Nick at Jessica habang kumakain. They don't look like they are dating pero tila nagpupuyos ang puso ko sa galit at selos. I faked a smile bago lumapit sa kanila. " Nick, sabay himas ko sa balikat nito". Nakita kong nagulat si Jessica sa inasal ko. Pero binalewala ko siya at umupo katabi ng upuan ni Nick. " Bakit di mo ko hinintay? d ba sabi ko sabay tayong kakain?" paglalambing ko. "Girlfriend?" painosente kong tanong sabay tingin kay Jessica. Tumigil ito sa pagkain sabay punas ng bibig. Timitig ito sa akin at diretsong sinabi na ... " Yes! meet my girlfriend, Jessica!". Para akong tinamaan ng kidlat sa sagot ni Nick. Nakita ko rin kung paanong nabilaukan si Jessica sa sinabi nito. Ang mas masakit, kita ko kung paano niya ito alalayan at asikasuhin. Tinataboy ni Jessica ito, pero pinipilit pa rin ni nick na tulungan si Jessica. Kita ko ang pag aalala niya dito. I never experience this kind of treatment from him. We've been together for two months nung nasa abroad kame, pero d ko maalala na tinitigan niya ako tulad ng pagtitig niya kay Jessica ngayon. I might be, blinded by jealously, kasi alam ko naman na nagpapanggap lang si Nick para iwasan ako. At masakit kasi napilitan siyang magpanggap para lang iwasan ako. O para saktan ako. No, hnd ako magpapatalo. Alam ko galit lang siya at may natitira pang pagmamahal sa puso niya para sa akin. Yes, I believe we have loved each other. "Gusto mong makipaglaro Nick? Then I'm on. " sabi ko sa sarili. Pinilit kong ngumiti. Sabay lingon kay Jessica. "Hello Jessica, I'm Andrea, Nicks Ex". pagpapakilala ko. Nakipagkamay sa akin ang aking kapatid at tila nagmamakaawa ang mata nito. Pinisil ko ang kamay niya ng mahigpit. Nakita ko ang pagngiwi ng mukha niya dahil nasaktan at napansin iyon ni Nick. Hinila niya ito. D ko mapigilang masaktan dahil sa pagprotekta nito kay Jessica. Pinilit ko pa ring ngumiti . " Would you mind if I share a table with you?" tanong ko kay Jessica. " Sure, sure" maamong tupang sabi nito. Nakita kong nagtiim baga si Nick. Natatawa ako sa itsura nito. " Nicholas, Nicholas! panalo ako ngayon. What Andrea wants, Andrea will get it. You wait and see" bulong ko sa sarili. Nick's POV Kita ko na tila d apektado si Andrea sa sinabi ko. Relax pa itong nakikipag usap kay Jessica. Matalino si Andrea, kaya napagtanto niya siguro na nagsisinungaling lang ako para iwasan siya. Napansin ko rin na tila takot si Jessica kay Andrea at kahit anong sabihin at tanungin nito ay sumasagot lang siya. Hindi na namin natapos ang usapan para bukas dahil andoon si Andrea kasama naming kumakain. Tila enjoy na enjoy p itong ikwento kay Jessica ang mga alaala namin nung nasa abroad. Nagpaalam na si Jessica dito nung nasa elevator na kame. "Bye, Nick" sabay halik niya sa akin malapit sa labi. sabay kindat nito bago magsara ang elevator. D agad ako nakaiwas dahil sa bilis ng pangyayari. Nakatitig si Jessica sa akin na tila nagtatanong. "I'm sorry about earlier, it was sudden and I need your help. Ayokong umasa siya sa akin kaya I said that earlier" guilty kong sabi . Walang reaksyon si Jessica at tila ang lalim ng iniisip. Nabibingi ako sa katahimikan niya. " Aren't you gonna say anything?" nagtataka kong tanong. Tumingin lang ito sa akin at nagbuntonghininga. "Teka teka, why do I have a feeling na you are hiding something from me? Hindi ako sanay na d mo ako sinasagot or binubulyawan, are you guilty of something?" " Ako? Guilty? at bakit naman ako maguilty guilty. Di lang ako makapaniwala sa nangyari kanina. nagulat ako na pinakilala mo akong girlfriend mo. May pa Dream on ka pa nung nasa kotse tayo, na kesyo I'm a vile women chuchu na cheap ako, na d ka magpapavictim sa akin. Na d ka papatol sa sa secretary. Tapos sinabi mo yun kanina". tila walang hinga na sabi nito habang papasok kame ng elevator. I can't believe na naalala niya lahat ng sinabi ko. This woman is holding a grudge. Nakakatakot. It took a while bago ako nakapag salita. " Teka Teka, did I say na totohanin ko yun? Well I just said it para iwasan na ako ni Andrea. D ibig sabihin nun totohanin natin yun. Hell yeah, It was a big mistake to introduce you as my girlfriend You cannot even play a simple role. I thougt you are efficient and flexible. But you prove me wrong again". "Excuse me Sir! Me being efficient and flexible are not applicable in your so called play. Abah, sa acting Sir kailangan ng practice, paghahanda." You caught me off guard earlier. Tsaka maganda kalaban ko kanina. Anong Laban ko." paliwanag nito. " You are more beautiful than her" wala sa sariling sagot ko. Nakita kong gulat na napatigtig sa akin si Jessica . At mas lalo akong nagulat nung may marinig akong tumatawa sa likod ko. Dalawang may edad na mag asawa sa likod namin. May kasama pala kame sa elevator. Di ko man lang napansin. Tila gusto kong lamunin ako ng lupa. Naiimagine ko na ang headline sa dyaryo na "The Mighty Nicholas Ford is having a Petty argument with his secretary". Nakita ko ring tila nahihiya din si Jessica nung napansin niyang may kasama kame sa elevator. Sabay kameng humingi ng pasensiya ni Jessica nung tumigil ang elevator at dali daling lumabas.Scarlett’s POV Natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko si George ang tinutukoy namin… si Nick pala.Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at tumingin sa kanya.Kumpara sa nararamdaman ko, mas matindi ang pinagdadaanan ni Jessica.Nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa kanya, pero higit sa lahat, humanga ako.Ang tagal na naming magkasama dito, mahigit isang buwan na… at ilang beses ko lang siyang nakitang umiyak, masasabi kong napakatatag niyang babae.Tahimik siyang lumalaban. Hindi siya nagpapadala sa emosyon, pero ramdam mo ang lalim ng sakit na tinatago niya.“Kailangan mo nang harapin si George,” muling balik ni Jessica sa usapan namin.“Carly, listen,” malumanay niyang sabi, “I don’t know why there is fear in your heart. Is it because, hindi naiparamdam ni George nang buo ang pagmamahal niya sayo? Is it because he’s not saying I love you to you? Is it because…”“No!” mabilis kong putol sa sinasabi niya.Ramdam ko naman na mahal ako ni George. I mean, he’s good, he’s kind, h
Jessica’s POVTahimik akong nakatayo sa gilid ng ilog Thames. Dito sa London. Suot suot ko ang isang makapal na coat, marahang hinihipan ng malamig na hangin ang aking buhok habang nakatingin sa malawak na tanawin sa harap ko. Tila kay payapa ng paligid.Sa di kalayuan, tanaw ko ang London Eye, mabagal na umiikot, kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. Ang langit ay may halong kulay kahel at lilang gumuguhit sa ulap, tila pininturahan ng isang mahinahong kamay.Huminga ako ng malalim. Halos mag-iisang buwan na ako dito. Ngunit, tila kahapon lang. Napangiti ako nung makita ko ang dalawang magkasintahang naghahalikan. Ngunit, sa di inaasahan, bigla kong naalala si Nick. Gumuhit ang sakit sa aking mukha. Pinipilit kong tanggapin, ngunit kay hirap. Minsan, naiisip ko, sana, hindi ko na lang nalaman ang totoo. Dahil ang masayang alaala namin ni Nick ay isang malaking kasalanan. Ipinilig ko ang aking ulo. “ Jes!” lakad takbong sigaw ni Scarlett. “ Be careful Carly! Sigaw ko. Kita n
Elmer’s POV“Sir, successful na pong na-transfer ang lahat ng pera mula sa account na ito papunta sa account ng anak ninyo.”Nanlaki ang ngiti sa aking mga labi. “Hahaha! Sa wakas… wala na akong iisipin pa.”“Maraming salamat!” Masaya akong tumayo at lumabas ng bangko, pakiramdam ko ay gumaan ang lahat.Habang naglalakad papunta sa kotse, doon ko pa lang binuksan ang cellphone ko.“Shit.” Apat na oras na pala akong nawala sa radar. Hindi ko nabasa ang sunod-sunod na mensahe mula sa organisasyon.Pero imbes na kabahan… napangiti pa ako.“Wala nang mahihita sa akin ang organisasyon,” bulong ko sa sarili habang sumasakay sa kotse.“Unti-unti nang nawawasak ang pundasyon nito. Kalahati ng miyembro, isa-isang nawawala, nagtatago, at tulad ko… inaalis ang pondo sa mga account na hawak ng organisasyon.”“Sa wakas… sa secret base.”Napangiti ako habang iniisip ang laki ng perang nailigtas ko.Ligtas na ako. Wala nang kapangyarihan ang organisasyon na kunin sa akin ang pera. Kailangan ko lan
Underground third person POV“Va te faire foutre!” malakas na sigaw ni Leon, nanginginig sa galit, habang dinuduro ang bawat isa sa mga miyembro ng organisasyon.Walang ni isa mang kumibo. Walang nagulat. Lahat sila, alam na kung bakit nag-aalab si Leon. Maraming mga transaksyon ang nahuli.Mabibigat ang hakbang ni Leon habang palakad-lakad sa gitna ng silid. Matalas ang kanyang tingin, parang blade na kayang sumugat kahit walang galaw. Isa-isa niyang tinitigan ang mga kasamahan, tila binabasa ang laman ng kanilang mga isipan.“Paano nangyari ang lahat ng ito?”“Anong nangyayari sa inyo?”“Nagiging inutil na ba kayo lahat?!”Sunod-sunod, parang kidlat ang kanyang mga tanong.Walang sumagot. Walang may lakas ng loob.“Tsk!”Napailing si Leon, nilingon ang malaking monitor sa dingding. Nanliit ang kanyang mga mata. Halos kalahati ng mga miyembro, wala sa meeting.Isang mapait na tawa ang binitawan niya. “Ahaha… hahahaha!” Mabilis ang pagbago ng emosyon, mula sa galit, sa tawa, papunta
Nick’s POVBumalik ako sa kasalukuyan nang biglang tumunog ang cellphone ko, sabay putol sa mga alaala ng huling usapan namin ni Jessica.“Hello, kumusta po, General Reyes?”“Magandang balita, Nick,” sagot niya, bakas ang sigla sa tinig. “Nagamit namin lahat ng impormasyong naibigay mo. Lima sa mga transaksyon ng organisasyon ay aming napigilan. Nahuli ang mga taong sangkot.”Napangiti ako, hindi ng saya, kundi ng muling nabuhay na determinasyon.“Bilyon-bilyon ang nawala sa kanila. Masasabi kong yumanig ang pundasyon ng organisasyon dahil sa mga nabunyag na transaksyon,” sabi ni General, malalim ang tinig.“Masaya po ako sa balita,” sagot ko, malamig ang boses at matalim ang titig ko sa kawalan. Kulang pa 'yan… kulang pa 'yan sa ginawa nila sa daddy ko. Sa pagkitil nila sa buhay ng taong pinakamahalaga sa amin ni Jessica.“Mabubuwag na po kaya ang organisasyon dahil sa nangyari?” tanong ko, bahagyang may pag-asa.“’Yan ang hindi ko pa masabi,” sagot niya, biglang bumigat ang tono.
Nick’s POVMag-isang buwan na ang lumipas mula nung huli kaming mag-usap ni Jessica. Umalis siya papuntang abroad kasama si Scarlett. Hindi ko na siya ginulo. Gusto ko kasing igalang ang kahilingan niya, ang hiling niyang magkaroon ng oras para sa sarili. May mga update naman akong naririnig kay George tungkol sa kanya, kaya kahit papaano, panatag ako.Pero... namimiss ko siya.Gusto kong malaman kung ayos na ba siya. Kung mas gumaan na ba ang loob niya. Kung napapatawad na ba niya ang lahat, kasama ako. Ang dami kong tanong… at ang dami ko ring takot.Hindi ko makalimutan ang huli naming pag-uusap sa condo ni George.~~Flashback – George’s Condo~~Pagkagising ni Jessica, hinayaan nila kaming mag-usap sa sala. Tahimik na pumasok sa kwarto sina George at Scarlett. Naiwan kaming dalawa, kami lang. Walang ibang tunog kundi ang kaba sa dibdib ko.Tahimik. Mabigat ang paligid. Ramdam ko ang tensyon sa hangin.Jessica was fidgeting, playing with her fingers, halatang kinakabahan.Mahabang