Share

Chapter 6

Author: Real Silient
last update Last Updated: 2025-01-04 00:57:57

Jessica's POV

Nauna akong pumasok sa hotel room at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko alam bakit ang init init ng mukha ko. Dahil ba sa pagkapahiya kanina kasi may kasama kame o dahil sa sinabi ni Sir Nick na mas maganda ako. Teka teka, bakit ako apektado sa sinabi niya. Bakit parang masaya ang puso ko dahil doon.

" Erase erase Jessica, hnd mo dapat maramdaman yan. Siya ang lalakeng mahal ng kapatid mo. Ang kailangan mong gawin ay iwasan ito". kastigo ko sa sarili.

Kita ko kung paano titigan ni Ate Andrea si Sir Nick . Hindi ko inaasahan na ganoon pala ito magmahal. Kahit babaero, handa pa rin niya itong tanggapin. Alam ko nasaktan ito kanina sa ginawa ni Sir Nick, ngunit d ko man lang ito madamayan dahil Takot kasi akong mahuli kame.

aah Hindi ko na alam anong gagawin, litong lito na ako. Paano pag nalaman ni Sir Nick na kapatid ko si Ate Andrea, aaah lagot ako. aaah.

"Inhale, exhale! 2 days to go and your done. Di mo na makikita si Sir Nick. All you have to do is to do your job perfectly" pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Matagal bago ako nakatulog kagabi. Kaya kita ang eyebags ko sa ilalim ng mata ko. Tinakpan ko na lang ito ng makeup.

Nagulat ako pagbukas ko ng pinto nasa mesa na si Sir Nick at inaayos ang pagkain.

" Today is a busy day and we have to hurry. The panel decided that the design should be shown together. Hindi na siya isa isang presentation tulad ng nabanggit . I believe natanggap mo din ang email nila."

Guilty, nagmamadali kong binuksan ang email ko. Uu nga at 9am siya magsisimula.

Dali dali akong umupo sa mesa at mabilis na kumain. Dapat ako ang naghanda nito. Naghihintay ako na sitahin niya ako dahil sa palpak ko ngaun, pero tahimik lang itong kumakain. Tila ang lalim ng iniisip. D ko mabasa kung ano ang nararamdaman nito ngayon. Di ko na ito kinulit at inubos ko na lang ng mabilis ang aking pagkain.

8:30am pa lang andoon na kame ni Sir Nick sa conference room. May apat na malalaking LCD na nakapaligid sa amin. Halos puno na rin ang mga upuan. Apat na companya ang maglalaban para sa project na ito. Para siyang BGC project na gagawin sa Pampanga.

Kanina pa tahimik si Sir Nick. D ko alam kung kinakabahn ba ito o ano man. Nakito kong pumasok na rin si Ate. Ngumiti ito kay Sir Nick. Di ko alam na kasama pala ang Companya namin sa bidding na ito. Akala ko d na nila kayang hawakan ito.

Huminga ako ng malalim ng sabihin ng host na ihanda na ang design ng bgc of pampanga.

D pa man na present ni Sir Nick and design niya, napahanga ako dito. Bilang, artist kita ko kung gaano kadetalyado ang paggawa nito.

Nagbilang ang MC para sabay nila itong iflash sa screen. Nung lumabas ang lahat ng design narinig ko ang paghanga sa mga nandoon at ang pagtataka sa mata nila. Tumingin akonkay Sir Nick at nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Tinignan ko isa isa ang design at nagulat ako na ang design ng kompanya namin ay halos parehas ng kay Sir Nick.

Tinitignan ko si Sir at kita ko ang galit sa mata nito. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako.

Ramdam ko ang galit na umaapoy sa kanya.

Unang nagpresent ang Laviste Land Inc kasunod ng dalawa pang kompanya.

At napansin ko halos lahat parehas ng sa amin. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Please prepare the presentation" utos nito sa akin.

Tumayo na ito at confident na nagsimulang ipaliwanag and design niya. Nung akala nilang patapos na ito, nagulat sila sa sorpresa nito.

May files itong binuksan sa kanyang laptop na may lock

" As you can see, the design that I prepared is like the head of an eagle. This is my 3D nd animated presentation and the future of the city. I didn't include it there on my first presentation because I want you to look beyond what is shown. " pagsisimula nito.

Kita ko ang tiwala nito sa kanyang sarili. Habang nagsasalita ito at nagpapaliwanag tila ito kumikinang. Hindi ko alam kung bakit tila lumalakas ang tibok ng aking puso habang pinapanood siya. Para akong nanood ng concert ng paborito kong Artista. Napapatulala ako sa galing niya.

Kaya pala walang label ang ibang design niya dahil nakalaan pala ito para sa pagtatanim ng puno, hiking area tulad ng sa korea. Reservoir, rainforest, solar energy,pathway energy and flood control.

Nung matapos siyang magpaliwanag. Halos lahat ng andoon ay tumayo at pinalakpakan siya. Kasama na ako doon.

Ang galing niya.

Tila lumundag ang aking puso ng tumingin ito sa akin at ngumiti.

Ngumiti din ako sa kanyan at nagcongratulate.

Nawala ang ngiti ko nung makita ko ang talim ng tingin ng ate ko sa akin. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Nag anounce na ang MC ng pagkatapos ng presentation. D pa nila sinabi kung sino ang nanalo dahil pag aaralan pa nila ito. Sa ganitong proseso eniemail lang ng result..

Pagkatapos ng lahat ng presentation, Halos lahat ng tao doon dinumug si Sir Nick. Sa reaksyon pa lang ng mga critiques and business owner, kita na kung sinong nanalo.

Hindi ko alam, pero ang saya ko para sa kanya. Grabeh napahanga ako sa galing niya. Isa na ako ngayon sa mga tagahanga niya.

Alam ko namang magaling siya, kaya lang natakpan kasi yun ng mga bali balita na babaero siya Kaya siguro nahusgahan ko siya noon.

Kita ko ang saya sa kanyang mata habang nakikipag usap at nakikipagkamay sa mga taong nandoon.

Nagulat ako ng may maramdaman akong may humila sa akin. Dinala niya ako sa isang sulok.

" Parang ang saya mo na natalo ang kompanya natin" tila sarcastic na sabi nito.

" Ate! hnd naman, tsaka wala pa namang resulta." pagpapaliwag ko.

" Actually Im happy for him too, beside we will work together naman in this project kasi makikipagpartner siya sa Laviste Land Inc. kapag implementation na. " tila masayang sabi nito.

"Hindi ako sure ate kasi sa pagkakabasa ko sa plan niya, yung CMT Construction ang hahawak sa project" Tila inosenteng sabi ko. Tsaka ko lang narealize nasabi ko na pala ang hindi dapat sabihin. Tinakpan ko ang aking bibig at tila gulat at takot. Patay na naman ako kay Sir Nick.

Ewan ko ba kung bakit masyado akong honest sa Ate ko.

"What? are you sure? tila gulat na sabi nito. All these years ang CMT ay nakafocus sa design and engineering. Yes they have construction pero small business lang kasi d nila kaya ang ganitong project" pagpapaliwanag nito.

" Talaga ate? ganoon ba yun?' palusot kong sabi

"Bago ka pa nga sa Industriya, you need to learn more". Sabay tapik nito sa ulo ko sabay alis.

Huming ako ng malalim at tumingin kay Sir Nick. Buti na lang di naniwala si Ate kung hnd patay ako. Nakita ko kasi ang future expansion and collaboration ng CMT which includes construction na. And that is a secret project na pinatatrabahuan ni Sir Nick.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unstoppable Desire    Chapter 255

    Nick’s POV“Hello, General.”“The mission has completed… Nick, Scarlett were sent to the hospital. She’s with George. Jessica…. ”“No. Just tell me the hospital.” I cut him off. I didn’t want to hear anything else unless it came from her.“Batangas. My men will bring you there...” Malungkot ang tono niya. Mabigat. Para bang… may gustong sabihin.“Salamat. Maraming salamat, General.”Binaba ko agad ang tawag at walang inaksayang oras,.. tinawagan ko si George. Isa. Dalawa. Lima. Sampung tawag. Walang sagot.“Fu**!.. sumagot ka George!**”Tiningnan ko ang orasan. Ilang oras na kaming nasa biyahe. Pagod na pagod na ako, bugbog pa ang katawan, pero wala akong pakialam. Walang tulog. Walang kain. Hanggang makarating ako kay Jessica.“Jess...” bulong ko habang pinipisil ang kamay ko. One hour later.. Ospital sa Batangas“Brrrrrrrrrr—SKRRRT!!!”Mabilis ang preno ng sasakyan. Tumigil kami sa harap ng ospital. Mabilis akong bumaba. Bumungad agad sa akin si George, nakaupo sa malamig na semento

  • Unstoppable Desire    Chapter 254

    George’s POVTulala pa rin akong nakaupo sa sulok ng emergency room habang inaasikaso ng mga doktor si Scarlett. Nanginginig ang mga kamay ko, malamig ang pawis sa aking noo.Ang eksena ng pagsabog... paulit-ulit na gumuguhit sa isip ko. Para akong sinasakal sa bawat ulit nito. Parang sirang plaka, hindi natatapos, hindi humihinto.Pinunasan ko ang luhang hindi pa rin natutuyo sa aking mga mata."Jes... I am so sorry..." mahina kong bulong, halos pabulong sa hangin, kasabay ng pag-ikot ng sakit sa dibdib ko.Bumalik sa akin ang lahat. Lahat ng alaala naming dalawa. Lahat ng sandaling hindi ko kailanman inakalang magiging alaala na lang...Flashback – 9 taong gulang na George

  • Unstoppable Desire    Chapter 253

    Scarlett’s POVMabilis kaming lumabas ni George, halos magkandarapa sa pagtakbo palabas ng kwarto.“Nasaan na si Jessica, George?” tanong ko habang nanginginig ang boses. Ramdam ko ang lamig sa palad ko, at ang kaba sa dibdib ko na parang sasabog.Kita ko sa mukha ni George ang labis na pag-aalala. Pawis ang noo niya kahit malamig ang paligid.“Andito siya kanina” tila sarila ang kausap.“Stay behind me,” utos niya habang dahan-dahan kaming lumabas papunta sa deck.Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang ilang mga tauhan ng yate, nakaluhod at nakaposas, binabantayan ng SWAT.

  • Unstoppable Desire    Chapter 252

    Jessica’s POVMasakit ang buong katawan ko. Akala ko sanay na ako sa sakit, pero hindi pala. Parang binasag ang binti ko sa lakas ng pagkakasipa. Ramdam ko rin ang pamamaga sa pisngi at labi ko.“Ouch…” Pilit kong itinayo ang sarili ko. Kailangan kong sundan si George… kahit paika-ika.Habang dahan-dahan akong lumalakad papunta sa kwarto kung saan dinala si Scarlett, bigla….“BANG! BANG!” “Aaah!” Napasigaw ako. Tumigil ang puso ko sa gulat. Ang tunog ng putok, sobrang lapit, parang tumama sa pader mismo sa tabi ko.Napakapit ako sa dingding. Nanginginig ang mga kamay ko. Pero hindi

  • Unstoppable Desire    Chapter 251

    Nick’s POV “Saan niyo ako dadalhin?” tanong ko habang patuloy sa pagtakbo ang sasakyan.“Iuuwi na kita,” sagot ng lalaking halatang nasa singkwenta pataas na ang edad.“Bakit ayaw niyo pong magpakilala?”“Makikilala mo rin ako... sa tamang panahon. Ang importante ngayon, masigurado nating ligtas ka.”“Magpakalayo ka muna. Kalimutan mo ang iyong paghihiganti.”Natigilan ako. Kilala niya ako. Alam niya kung sino ako... at kung ano ang nasa puso ko.“P-Paanong...?”“Ang tatay mo ang pumasok sa organisasyon. Kaya siya napahamak. Malaki ang kasalanan niya sa grupo. Pero hindi kontrolado ng organisasyon ang iniisip ng bawat miyembro. Wag mong isugal ang sarili mo... at ang pamilya mo.”“Halang ang bituka ng kalaban mo. Hindi mo sila kayang banggain mag-isa. Sila ay nasa paligid mo, mas marami pa kaysa inaakala mo.” dagdag pa nitoPinakiramdaman ko ang lahat ng sinabi niya. Tumayo ang balahibo ko sa likod ng leeg. Kasama ba siya sa organisasyon?“Ituon mo ang galit mo sa totoong pumatay sa

  • Unstoppable Desire    Chapter 250

    George’s POV Mag-iisang oras na kaming tumatakbo sa gitna ng karagatan. Tahimik ang lahat, tanging alon at tunog ng makina ang maririnig. Hanggang sa may naaninag akong liwanag sa di kalayuan.“Sir, may nakita na kaming isang yate,” sabi ng isang SWAT na kausap ang nasa headquarters.“6 miles away. Let me verify…”“Mukhang may malaking posibilidad na sa yate na 'yon nanggaling ang signal.”“Copy, Sir.”Halos madurog ang aking mga palad sa pagkakakuyom, di ko na maitago ang pag-aalala.“Men, siguraduhin ninyong makalapit tayo sa yate nang hindi tayo napapansin. Remove all signals.”Hindi ko alam kung excitement ba 'to, kaba, o takot. Halo-halo na. Nanginginig ang loob ko.Tumigil ang bangka ilang metro mula sa yate.“Mauuna kaming bumaba, Sir. Dito lang muna kayo,” sabi ng isa.“Sa tubig kami dadaan. Sergeant, ikaw na bahala dito kay Mister David.”“Pwede ba akong sumama?”“Sorry, Sir. Hanggang dito lang po muna tayo. Hintayin natin ang hudyat bago lumapit sa yate.”Labag man sa loob

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status