Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 124: Is This How it Ends?

Share

Chapter 124: Is This How it Ends?

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-04-02 12:59:58
"Sino ang buntis?"

Natigilan si Mrs. Beauch sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, kumurap-kurap siya na parang hindi niya narinig ito nang tama. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita, tila nahuli sa pagitan ng pagkalito at hindi makapaniwala.

"Si Ate Vivian," muling ulit ni Cerise nang matatag. "Buntis siya."

Ayaw niyang magtagal pa ang anumang maling akala. Kung ito ang paraan para tuluyang matapos ang kanilang relasyon, mas mabuti na ito.

Nakabuka ang mga labi ni Mrs. Beauch, pero walang lumabas na salita. Nanatili ang katahimikan sa pagitan nila, mabigat at hindi mabasag, hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator.

Sa wakas ay kumilos siya pero hindi pa rin mabasa ang kanyang ekspresyon.

"Mommy, gusto ko nang makipaghiwalay," muling sabi ni Cerise, mas matatag na ngayon ang kanyang tinig. "Bago pumanaw ang mama ko, ito rin ang gusto niya para sa akin."

Nanlalabo ang kanyang paningin, ngunit hindi siya papayag na tumulo ang kanyang mga l
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 166: You Are My Wife

    Pagkatapos ng hapunan, nagsalo-salo ang buong pamilya sa mga prutas habang nanonood ng isang dramang pampamilya sa sofa. May halakhakan, tahimik na titig, at ilang salitang palitan habang dumaraan ang oras. Nang tumayo na ang matandang lalaki at babae para magpahinga, kasunod na ring nagpaalam sina Mr. at Mrs. Beauch. Hanggang si Cerise at Sigmund nalang ang natira sa sala.Tahimik na nakayuko si Cerise, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay. Pilit niyang pinipigil ang mga damdaming ayaw niyang ipakita. Sa tabi niya, tila walang pakialam si Sigmund, nakatingin lamang ito sa mga patalastas sa telebisyon. Wala siyang imik, hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone."Busy ako, huwag ngayon!" matigas niyang sagot.Sa kabilang linya, maririnig ang maingay na usapan ng mga tao. May halakhakan, may malalakas na boses, pamilyar ang isa—si Izar?Nais sanang sabihin ni Cerise na lumabas na lamang siya para hindi sila mapilitang magkasama sa gitna ng katahimikan ng gabi. Ngunit

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 165: All Eyes But His

    Hindi mapigilan ni Cerise ang mapatingin sa binata. Tahimik itong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, tuwid ang pagkakaupo, tila ba isang sundalong laging handa. Ngunit hindi ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala siyang mabasang emosyon, tila wala itong nararamdaman, ngunit para kay Cerise, iyon ang mas nakakabahala. Nang mahuli niyang nakatitig ito sa kanya, mabilis niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring abala.Kinuha niya ang tsarera na nasa gitna ng mesa at isa-isang nilagyan ng tsaa ang tasa ng mga nakatatanda. Una kay Mamita, sunod kay Papito, at sa dulo, kay Ginang Beauch. Pilit niyang iniiwasang pansinin ang tensyon na nagsisimulang bumalot sa silid. Parang unti-unting nababawasan ang hangin sa paligid, at hindi niya alam kung bakit.Napansin niyang nakatingin sa kanya si Mamita, may bakas ng paglalambing sa mga mata nito. Nang marinig niya ang bulong ng matanda, ramdam niyang may kakaiba sa tono nito.“Napakabait talaga ng apo namin,” sabi ni Mamita, ang boses ay malam

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 164: Coming Home

    Walang ekspresyon sa mukha ni Sigmund. Tulad ng nakasanayan, malamig at maamo ang anyo nito, ngunit ang pagkakatali niya ng ribbon ay perpekto; malinis, pantay, at may kung anong alaalang ibinubulong."Okay na," anito matapos ang ilang saglit, saka dahan-dahang binitiwan ang ribbon.Gustong magsalita ni Cerise, isang payak na ‘salamat’ sana ang lalabas sa kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita. Sa halip, tahimik siyang tumuloy sa loob, bagama't parang nakalimutan niya kung alin sa mga paa ang dapat unang iangat. Ang pakiramdam niya’y may kung anong anino ang susunod sa kanya, handang habulin siya at pabagsakin sa sahig.Sa loob ng bahay, nakaupo ang matandang mag-asawa sa sofa, pareho silang may hawak na tasa ng tsaa. Nang marinig nila ang mga yapak, sabay silang tumingin sa pintuan. Lumuha agad ang matandang babae, agad nitong tinawag si Cerise, "Apo, hindi mo na yata mahal si Mamita!"Biglang lumambot ang puso ni Cerise. Bago pa man siya tuluyang makalapit, iniunat na niya a

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 163: The Softness That Matters

    Pero hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan. Kaya nang muling bumalik siya sa bansa, sumakay agad siya ng taxi papunta sa radio station.Tahimik lang ang biyahe, ngunit hindi rin mapigilan ng drayber na lingunin siya paminsan-minsan sa rearview mirror.“Sa TV ka ba nagtatrabaho, Miss? Parang nakita na kita dati.”Napatawa si Cerise. “Baka kamukha ko lang ‘yon.”Hindi pa rin nakuntento ang drayber. Mas pinagmasdan siya nito habang bumababa ng taxi at pumasok sa gusali. Nang tuluyang mawala ang babae sa loob, saka lang siya napa-"Aha!"“Cerise?” bulong niya habang agad na inilabas ang cellphone.Agad siyang nag-record ng maikling clip habang papasok si Cerise, saka tinawag muli, “Cerise!”Luminga si Cerise at kumaway ng isang magalang na ngiti, tila walang ideya sa paparating na gulo.Ngumiti ang drayber, parang fanboy na kinikilig. Kumaway pabalik, saka walang patumpik-tumpik na in-upload ang video sa social media.Nag-viral ito agad.—Banda hapon, papunta sana si Cerise sa din

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 162: Shadows and Near Misses

    Maaga pa lang ngunit tila hinugot mula sa bangungot si Sigmund nang bigla siyang magising. Basang-basa ng malamig na pawis ang kanyang katawan habang mabilis ang pintig ng kanyang dibdib. Isang mukha ang nananatili sa isipan niya, duguan, baluktot sa hirap, parang nananaghoy sa pananakit. Halos hindi siya makahinga habang pilit inaalis ang imahe sa kanyang ulo.Kumaripas siya ng abot kamay sa cellphone, kinapa ito sa dilim, saka agad nag-dial ng pamilyar na numero. Sa kabilang linya, may sumagot na boses, mababa, paos, tila gising mula sa luha kaysa sa antok. Napahinto si Sigmund sa kinatatayuan niya, tila pinutol ng tinig na iyon ang pag-inog ng oras sa paligid niya. Hinayaan niyang lamunin ng katahimikan ang pagitan nila bago siya muling nakapagsalita."...Wrong number," mahinang bulong niya, saka dahan-dahang ibinaba ang cellphone.Ngunit hindi ganoon kadaling mapawi ang narinig niyang tinig.Nana

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 161: What We Never Said

    Tumunog ang anunsyo sa paliparan, isang malamig, mekanikal na paalala na panahon na para magpaalam. Nagkatinginan ang dalawang pares ng mata, sandaling nagtagpo ang paningin, bago sabay na umiwas. Para silang dalawang pulong dati’y magkadugtong, ngayo’y tuluyang inihiwalay ng karagatang imposibleng tawirin.Umupo si Cerise sa loob ng eroplano, ngunit kahit pa umaandar na ito, hindi rin umusad ang kapayapaan sa kanyang isip. Parang sirang plaka, paulit-ulit na bumabalik sa alaala ang mga salitang binitiwan ni Vivian.Isang saksak na walang dugong tumulo, pero dama ang hapdi.Napangiti si Cerise, pilit, malamig. Ngiting pinipilit takpan ang dati niyang sarili, ang babaeng madaling bumigay sa kahit anong pangakong siya ang pipiliin. Noon, sapat na ang kahit anong dahilan. Basta siya. Pero ngayon, hindi na.Ayoko nang magmahal nang gano’n kahina.Pagbalik niya sa bansa, sinalubong siya ni Kara. May kislap ng pagkabahala sa mga mata nito, punô ng tanong.“Nagkita kayo, ’di ba? Sa Pearl Pav

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status