Chapter 155: The Ties that BindLumabas si Vivian na naka-kumikinang na bestida na parang nagre-red carpet.Mahinang bumulong si Kara, “Birthday party ito, hindi fashion show.”Napabuntong-hininga si Izar sa tabi niya. “Darating talaga kung kailan okay na sana.”Nakuha ni Vivian ang lahat ng atensyon nang dumating.Minsang nagduda ang lahat, sino ba talaga ang tunay na misis ng tagapagmana ng mga Beauch?Diretso si Vivian kay Sigmund, pumasok sa pagitan nila ni Cerise, at hinawakan ang braso niya.Napababa si Sigmund ang tingin, tumingin kay Izar, “Ipasama mo si Vivian sa loob.”Tumango si Izar, “Vivian, nandito ang mga kaibigan natin sa taas. Samahan na kita.”“Nais ko pa ring magpakita ng respeto sa may kaarawan,” malambing na sabi ni Vivian habang nakakapit pa rin kay Sigmund.Napatingin si Sigmund kay Cerise at sumenyas.“Sasama na ako kay Kuya Izar sa taas.”Ngunit hinawakan ng kamay ni Mrs. Beauch ang pulso niya.“Bakit ka pa lalabas? Dito ka lang hangga’t hindi natatapos ang pa
Samantala, nasa Ficos na si Sigmund at Izar, abala sa huling confirmation ng programa para sa banquet.Pagkatapos ng update, nag-ring ang cellphone ni Sigmund. Nang makita ang caller ID, agad niya itong sinagot.“Nakuha ko na.”Mabilis niyang binaba ang tawag. Walang bakas ng emosyon sa mukha.Tiningnan siya ni Izar. “Sino ‘yon?”“Director ng TV station. Paalis si Cerise bukas ng umaga.”“Ha?”“Yung nagsabi sa akin na hindi siya pupunta sa training.”Natahimik si Izar. Pinagmasdan niyang mabuti si Sigmund na kanina pa hawak ang wine glass at hindi ito iniinom samantala, halos laklakin niya nalang ang bote.Hindi naman maalis ang titig ni Sigmund sa alak na hawak. Pakiramdam niya’y nakikisimpatya ito sa nararamdaman niya ngayon.Mapait. Mapakla.Pero palagi naman siyang nahuhumaling sa pait.“Sigmund,” mahinang tanong ni Izar matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Gusto mo ba siyang pigilan?”“Manatili. Gusto kong manatili siya.”Mahinang sinabi ni Sigmund, ngunit may bigat na nagpa
Tumingala si Cerise, inilapag ang baso, at binuksan ang kahon.Isang diamond necklace. Mamahaling-mamahalin.Kinuha ito ni Sigmund at inabot sa kanyang leeg. “Taas mo buhok mo.”Hindi gumalaw si Cerise.“Bilisan mo, nanghihina kamay ko,” utos nito.Awtomatikong tinaas ni Cerise ang kanyang buhok. Isinuot ni Sigmund ang kwintas.Habang nakabuyangyang ang kanyang leeg, suminghot ng hangin si Sigmund, amoy na amoy ang halimuyak niya.Matapos maisuot, ibinaba ni Cerise ang buhok niya at tumingin sa kanya. “Bakit mo ako binigyan ng ganito kamahal?”“Pinakamura na ‘yan sa mga gamit ko.”Napayuko si Cerise.Alam niyang hindi ‘yon totoo. Oo, mayaman siya. Pero ang kwintas na ito, sigurado siyang aabot sa milyon.“At least masusuot mo sa birthday party ni Papito bukas.”Pinaharap siya ni Sigmund. Hinawakan ang diyamante sa gitna ng kuwintas at bahagyang ginulo ang buhok niya habang hawak ang batok nito.“Hindi ako pupunta sa birthday party bukas.”Mahinang bumigkas si Cerise, saka umikot sa pa
"Sigmund, pagkatapos ng gabing ‘to, hindi na tayo magkikita ulit. Naiintindihan mo?"Mabilis na itinapon ni Cerise ang kanyang damit sa sahig, damit na kanina lang ay kanya pa. Ang itim na suspenders na suot niya ay hindi sapat para takpan ang balingkinitan niyang mga balikat o ang mapuputi’t makinis niyang balat na tila umiilaw sa liwanag ng kwarto.Tahimik lang si Sigmund habang nakatitig sa kanya, lalo na sa maliliit nitong kamay na hawak-hawak ang magkabilang gilid ng kanyang silk suspenders. Sa iba, maaaring ang eksenang ito'y mapanukso, malamig ang ekspresyon ng babae, pero mainit ang itsura.Wala ni kaunting pagnanasa sa mga mata ni Cerise. Parang wala lang siyang kasamang lalaki sa silid. Tahimik lang niyang hinubad ang manipis niyang saplot.Mapula ang kanyang pisngi, pati na rin ang kanyang mga tainga. Mapusyaw at kulay-rosas ang kanyang balat, tila isang malinis na canvas. Pero sa kabuuan, ang bumalot sa kanya ay malamig na distansya. Yelo.Bumagsak ang kanyang mahabang buh
Tumayo si Sigmund at siya na mismo ang kumuha ng pambukas ng alak. Hindi namalayan ni Cerise na inabot niya ang bote para alalayan ito.Isang mabilis na sulyap ang ibinigay ni Sigmund sa kanya bago niya binuksan ang bote.Pagkalaglag ng takip, hinawi ni Cerise ang kamay ni Sigmund, na para bang sapat na ang tulong niya.Tahimik na pinanood nina Kara at Percy ang tila hindi malinaw na pakikiisa ni Cerise kay Sigmund. May kanya-kanya silang iniisip, pero walang gustong magsalita.Isa-isang nilagyan ni Sigmund ng alak ang mga baso, kay Kara muna, tapos kay Percy, at sa huli, ginamit niya ang baso ni Cerise para sa sarili.“’Yung huling baso, iinumin ko para sa kanya, kasama kayo. Tapos aalis na tayo,” aniya sa magaan ngunit kontroladong tinig.Doon lang naisip ni Kara kung paano talaga maging isang tunay na ginoo.Bawat kilos ni Sigmund ay may kasamang uri ng hindi maipaliwanag na karangalan, hindi lang dahil siya ang pinakamayaman at pinaka-makapangyarihan sa lugar na iyon, kundi dahil
Pagkatapos ng tawag na iyon noong gabi, hindi na muling nagparamdam si Sigmund kay Cerise, hanggang sa bisperas ng Pasko.Sa Facebook, isang simpleng pagbati ang dumating.Isang voice message.Nag-alinlangan si Cerise kung ikiklik ba ito o papabayaan niya nalang. Sa wakas, pinili niyang pakinggan ito, pero sa sobrang kaba, nanginig ang kanyang kamay, kaya’t bigla na lang itong tumugtog.Ang mababa at magnetikong tinig ni Sigmund ay marahang bumulong, parang para lang sa kanya: “Happy Christmas Eve.”Napakapit si Cerise sa kanyang cellphone. Isang pulgadang layo ng hinlalaki niya mula sa screen, pero hindi niya ito ginagalaw. Nakatitig lang siya doon, habang kumakabog ang kanyang puso.Naisip pa niyang magpadala ng pagbati pabalik, para ipakitang ayos lang siya. Na hindi siya kinakabahan.Pero sa huli, tahimik niyang inilapag ang cellphone sa mesa, at hindi na nagsalita pa.Maya-maya, nabuhay ang katahimikan ng kanyang tahanan. Dumating sina Percy at Kara, may dalang red wine at inihaw