Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 49: Emergency

Share

Chapter 49: Emergency

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-01-29 22:53:39

Malamig namang tiningnan ni Sigmund ang mediator sa binitawan nitong pangungusap. Samantalang sobrang saya naman ni Cerise, pero kalmado lang ang kanyang pagkakaupo, “Thank you.”

Tumayo ang mediator upang kunin ang kanilang mga dokumento na kailangan sa pagsasapormal ng divorce, at hindi naman ito pinalampas ni Sigmund, “Hindi ko inaasahan na gustong-gusto mo talagang maghiwalay.”

Totoo namang hinihintay niya ang araw na ito. Matapos marinig ang mga sinabi ni Sigmund ay lito siyang napalingon, at kalaunan ay tumugon nang buong kasiguraduhan, “Huwag ka nang masyadong mag-alala, ang lahat ay babalik na sa dati, kung saan sila nararapat.”

Napatingin naman sa kanya si Sigmund habang nakangiti, “Ang sabi mo gusto mo ako noon, pero hindi yun totoo, tama ba?”

Napakunot ang noo ng mediator na nakikinig sa usapan ng dalawa sa likod niya, dahan-dahan siyang humarap sa direksyon ng dalawa para hindi mahalatang nakikinig siya.

“Totoo yun noon, noong bata pa ako at ignorante. Ngayon, alam ko na an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 143: The Outsider  

    Hindi inakala ni Cerise na darating sa ganito si Sigmund, na paparusahan pa mismo nito si Mr. Prescott para sa kanya.Para sa kanya, sapat na ang baliin ang mga buto nito bilang ganti. Pero dahil siya ang ugat ng lahat ng ito, hindi siya pwedeng manatiling tahimik.Lumakad siya papasok, mahinang nagsalita, “Papito, Mamita, Mommy, Daddy, nandito na po ako.”Kaagad na nag-iba ang atensyon ng mga matatanda na nakaupo sa sala. Kitang-kita ang pagkainis nila kay Mr. Prescott, at nang makita si Cerise, para bang nawala ito sa eksena.“Anak,” malambing na tawag ng matanda, sabay tapik sa tabi niya, “halika rito sa tabi ni Mamita. Kung hindi pa sinabi ni Mr. Prescott, hindi ko malalaman ang tindi ng pinagdaanan mo.”Umupo si Cerise at marahang hinaplos ng matanda ang pisngi niya, puno ng pag-aalala. “Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Ang ganyang kabigat na bagay …”“Okay lang po ako,” sagot niya, mahinahon pero matatag. “Hindi ko lang inakala na pupuntahan pa kayo ni Mr. Prescott.”Nang lum

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 142: Pride and Petals

    Makalipas ang isang linggo, nakaupo si Sigmund sa kaniyang opisina nang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot ito.Isa sa mga kakilala niya sa korte ang nasa kabilang linya, nagsalita nang mahaba-haba, nagpaliwanag ng maraming bagay—pero sa dinami-rami ng sinabi nito, dalawang salita lang ang tumatak sa isip ni Sigmund:“Bahala na!”Talagang nagsampa ng demanda si Cerise.Hindi niya inakalang kaya ng babae na gawin iyon nang walang pag-aalinlangan. Ganoon nga talaga ito ka-desisido kung ayaw na nito sa isang tao.Kinahapunan, naglaro siya ng tennis kasama si Izar. Habang nagpapahinga sa gilid ng court, inabot ni Izar ang tuwalya sa kaniya.“Totoo namang lagi siyang tense kapag kasama ka,” ani Izar habang pinupunasan ang pawis. “Pero ngayon, idedemanda ka niya? Anong meron?”Napangisi si Sigmund na may halong pangungutya. “Nagpapanic lang siguro para sa direktor ng TV station nila. Baka gusto lang niya akong kausapin para ili

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 141: A Ring Between Us  

    Pasandal na umupo si Sigmund sa kanyang upuan, halatang naiinip. Mariin ang tingin niya kay Cerise, na tila ba inis na inis sa presensya nito.Tahimik na tumayo si Cerise, ang tinig niya’y kalmado ngunit may bigat. “Hindi na natin kailangang ipaalam pa sa iba ang tungkol sa kasal natin.”Napangisi si Sigmund sabay malamig na sumagot. “Talaga ba? Akala mo ba ganun lang ‘yun? Alam na ng lahat.”“Marami na akong nakita,” sagot ni Cerise. “Kapag nabuking, nagpapapress release lang para linawin ang isyu. Ngayon, ang mga tao naniniwala sa kung anong gusto nilang paniwalaan.”“I told you,” matigas ang tinig ni Sigmund, “hindi ako nagsisinungaling.”Nakuha ni Cerise ang ibig sabihin nito. At sa kaibuturan ni Sigmund, parang may tumusok sa dibdib niya.“Puwede bang ako na lang ang magbigay-linaw?” tanong ni Cerise, ang mata niya’y diretso sa kanya.Hindi agad sumagot si Sigmund. Sa halip, binuksan niya ang laptop sa harapan at malamig na bumigkas, “Bahala ka.”Napangiti si Cerise nang bahagya.

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 140: Whispers Behind Closed Doors

    “Wag kang magalit... sabi ni Kuya Izar, bawal kang ma-stress...” halos pabulong na ang kanyang tinig.“Cerise,” sabi ni Sigmund. “Sana hindi na lang kita nakilala.”Mula sa malamig ay naging isang mapait na lamig ang bumalot sa silid. Wala na siyang nasabi.At gaya ng eksenang walang pasabi, bumukas ang pinto.“Sigmund!”Pamilyar ang boses, malakas, sabik. Pumasok si Vivian, dala ang sariling pag-aalala. Kasunod niya si Craig, pero hindi ito lumapit.Napatingin si Cerise sa kanila. Hindi maipinta ang naramdaman niya.“Ceri, nandito ka rin pala,” magiliw na bati ni Vivian. Walang halong init o panunumbat, pero may pagitan ang tono. Tumabi ito kay Sigmund at agad hinawakan ang kamay nito.“Kumusta ka na? Mas okay ka na ba ngayon?”Hindi sumagot si Sigmund. Tiningnan lang niya si Vivian, at saka bahagyang napangisi. Isang malamig na ngiti na mas masakit pa kaysa sa kanina.Hindi alam ni Cerise kung bakit nakangisi si Sigmund. Wala naman itong sinasabi. Kaya’t marahan niyang paalala, “’Wa

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 139: When Pain Won’t Speak

    “Kuya Izar?” may halong gulat ang boses ni Cerise.“Sakto ang tawag mo,” ani Izar. “Hinahanap din kita. Naaksidente si Sigmund kagabi... nasa ospital siya ngayon.”Nabigla si Cerise. “Ano?” Mabilis siyang napatayo. “Nasaan siya? Anong ospital?”“May bali sa isang braso. Nagising kaninang madaling-araw, pero nawalan ulit ng malay. Baka mas mabuti kung pumunta ka rito. Kailangan nating mag-usap.”Hindi na siya nagtanong pa. “Pupunta na ako ngayon.”-Kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin ang mabilis na takbo ng kotse. Tahimik si Cerise sa likuran ng sasakyan ng direktor, hawak pa rin ang kanyang, habang paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Izar.Pagbaba sa ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Inayos niya ang buhok na ginugulo ng hangin habang nagmamadaling tumakbo papasok.Sa labas ng silid ng pasyente, tumingala si Izar sa naririnig niyang yapak. Nang makita niya si Cerise, bahagya siyang ngumiti, alanganin, pero malinaw ang pagkaunawa sa nararamdaman nito.“Kuya Izar, k

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 138: Behind A Single Yes

    Kita ni Cerise ang pagsabog ng emosyon sa mata nito. Disappointment. Inis. Galit na pilit pinipigil. Pero kahit naramdaman niyang unti-unting bumibitaw si Sigmund sa kanya, kailangan niya itong sabihin.Huminga siya nang malalim, parang pagsuko pero puno ng layunin.“Young Master… pakiusap, hiwalayan mo na ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. Tumigas ang ekspresyon nito, at may sagot siyang buo na bago pa man niya mapigilan ang sarili:“Imposible.”Tumalikod siya at umalis.Naiwan si Cerise sa kinatatayuan, parang naligaw sa gitna ng makakapal na ulap.Buti na lang at kailangan nitong umalis kinagabihan. Nang makatiyak siyang wala na si Sigmund, tahimik siyang lumabas ng suite.Diretso siya sa hotel lobby. Wala namang sagabal sa kanyang pag-alis. Tumango ang mga staff at magalang siyang binati.“Ingat po kayo, Madam.”Napahinto si Cerise. Sandaling nagulat… pero tinuloy ang lakad na may matatag na hakbang.Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa bahay.Nag-file siya ng leave at nagkulong s

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 137: Uncrossed Lines

    Napatingin sa kanya si Cerise. “Bakit?”“Sa nangyari sa’yo kagabi, wala ka bang gustong alamin? Sino ang nasa likod no’n? Magpahinga ka muna. Huwag kang pumasok.”“Eh ‘di uuwi na lang ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. “Hindi ka ba komportable kapag kasama ako?”“Hindi ko sinasabi ‘yon,” mahinang sagot ni Cerise. “Pero hindi ako pwedeng manatili rito habang-buhay.”“Naghihintay ang mga reporter sa labas ng bahay mo ngayon. Kung pipilitin mong umalis, iisa lang ang pupuntahan mo.”“Saan?”“Sa condo ko.”Ang kanyang sea-view unit.Hindi umimik si Cerise. Tumigil lang siya, nakatingin sa sahig. Tahimik. Pero sa loob-loob niya, naluha ang kanyang damdamin.Hindi ba’t ibig sabihin nito’y hindi pa rin siya makakawala sa kanya?Ayaw na niyang maging human pillow nito tuwing gabi.“Pupunta na lang ako kay Kara. Puwede?”“Alam kong anak siya ng abogado ng tatay mo, at matagal na kayong magkaibigan. Pero ako ang asawa mo. Mas pipiliin mo ba ang kaibigan mo kaysa sa asawa mo? Mas ligtas ka ba ka

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 136: Tangled in Silence  

    Sa kabilang bahagi ng lungsod, hindi tahimik ang umaga sa private apartment ni Vivian.Nakaupo siya sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili. Ilang ulit niyang tinangkang mag-makeup, pero nauuwi lang ito sa pagkabigo. Sa huli, binato niya ang mga mamahaling cosmetics at skincare sa sahig.Tumunog ang mga bote. Nagkalat ang mga piraso.Pumasok si Craig na nagulat sa gulo. Napatingin siya kay Vivian, nakaupo pa rin sa upuan, tahimik pero naglalagablab ang mga mata.“Lumapit ka rito,” malamig na utos ng babae.Nagdadalawang-isip man ay lumapit si Craig.Tumayo si Vivian, at bigla na lang yumakap sa kanya. Hinalikan siya nito, mariin, puno ng poot at pangungulila. May luha sa mga mata nito at napakaagresibo ng galaw nito.Pagbitaw niya sa halik ay mahina itong nagtanong, “Tulungan mo akong kalimutan siya. Kaya mo ba?”“Vivian…”“Please.”Muling hinalikan ni Vivian ang kanyang leeg, labi, at dibdib. Habang hinahaplos siya, pinasok ng kamay niya ang loob ng suot ni Craig, binubuksan an

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 135: Secrets That Don’t Sleep  

    Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status