ホーム / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 87: Turning Point  

共有

Chapter 87: Turning Point  

作者: Lyric Arden
last update 最終更新日: 2025-03-04 23:43:30

Mabilis na tumibok ang puso ni Cerise nang sa wakas dumating ang sandaling kanyang inaasahan.

Ramdam niya ang tensyon sa silid, na parang nagpapabigat sa hangin sa paligid nila.

Matalim ang tingin sa kanya ni Sigmund, bahagyang sumisikip ang mga mata. "Ano? Nakokonsensya ka ba?"

Tiningnan niya ito sa mata, matatag ang paninindigan. "Bakit ako makokonsensya? Hindi ko naman siya pinilit lumuhod."

"Hindi mo siya pinilit? Pero andiyan pa rin ang video." giit nito, matalas at may paninisi ang tono.

Nanatiling tahimik si Cerise, napagtanto niyang sinasadya ni Sigmund na baluktutin ang sitwasyon upang lituhin siya. Nakakainis, pero ipinaalala niya sa sarili na pinagtatanggol lang nito ang mahal niya, at hindi siya magpapadala sa isang walang saysay na pagtatalo.

Lalo pang nainis si Sigmund sa kanyang katahimikan. "Sinabi ko ba sa’yo na may sakit siya? Ikaw..."

"Ikaw yata ang may sakit. Baka dapat kang magpa-check-up. Nabaha na ba ang utak mo? O may sakit ka sa pag-iisip?" matapang niyang sag
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 168: Don't Deny Me

    Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 167: His Right, Her Silence

    Hindi naitago ni Cerise ang hinanakit nang sumagot siya, "Hindi ko kinikilala ang relasyong ‘to!"Mabilis siyang bumangon mula sa kama, isinara ang ilang butones ng kanyang blouse habang nagmamadaling hanapin ang kanyang sapatos. Sa isip niya, mas ligtas kung babalik na lang siya sa kanyang maliit na apartment. Maari naman siyang umalis bukas, at ayaw na ayaw niyang muling paglaruan pa ang dignidad niya sa lugar na ito."‘Wag mong sabihing hindi mo ‘to kinikilala."Nakita ni Sigmund ang balak ni Cerise na magsapatos. Agad siyang lumapit at hinila ang braso ng babae, pilit niyang pinaharap ito habang ang malamig at madilim nitong mga mata’y nanunuot sa kanya."Ano bang gusto mong mangyari, Sigmund?!"Hindi na napigilan ni Cerise ang magtaas ng boses. Sobrang higpit ng pagkakakapit nito sa kanya kaya’t napairi siya sa sakit.Hinawakan ni Sigmund ang kabilang kamay niya at itinupi iyon sa harap ng kanyang dibdib. Matigas ang tinig nitong nagsalita, "Asawa kita sa papel, may selyo’t pirma

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 166: You Are My Wife

    Pagkatapos ng hapunan, nagsalo-salo ang buong pamilya sa mga prutas habang nanonood ng isang dramang pampamilya sa sofa. May halakhakan, tahimik na titig, at ilang salitang palitan habang dumaraan ang oras. Nang tumayo na ang matandang lalaki at babae para magpahinga, kasunod na ring nagpaalam sina Mr. at Mrs. Beauch. Hanggang si Cerise at Sigmund nalang ang natira sa sala.Tahimik na nakayuko si Cerise, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay. Pilit niyang pinipigil ang mga damdaming ayaw niyang ipakita. Sa tabi niya, tila walang pakialam si Sigmund, nakatingin lamang ito sa mga patalastas sa telebisyon. Wala siyang imik, hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone."Busy ako, huwag ngayon!" matigas niyang sagot.Sa kabilang linya, maririnig ang maingay na usapan ng mga tao. May halakhakan, may malalakas na boses, pamilyar ang isa—si Izar?Nais sanang sabihin ni Cerise na lumabas na lamang siya para hindi sila mapilitang magkasama sa gitna ng katahimikan ng gabi. Ngunit

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 165: All Eyes But His

    Hindi mapigilan ni Cerise ang mapatingin sa binata. Tahimik itong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, tuwid ang pagkakaupo, tila ba isang sundalong laging handa. Ngunit hindi ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala siyang mabasang emosyon, tila wala itong nararamdaman, ngunit para kay Cerise, iyon ang mas nakakabahala. Nang mahuli niyang nakatitig ito sa kanya, mabilis niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring abala.Kinuha niya ang tsarera na nasa gitna ng mesa at isa-isang nilagyan ng tsaa ang tasa ng mga nakatatanda. Una kay Mamita, sunod kay Papito, at sa dulo, kay Ginang Beauch. Pilit niyang iniiwasang pansinin ang tensyon na nagsisimulang bumalot sa silid. Parang unti-unting nababawasan ang hangin sa paligid, at hindi niya alam kung bakit.Napansin niyang nakatingin sa kanya si Mamita, may bakas ng paglalambing sa mga mata nito. Nang marinig niya ang bulong ng matanda, ramdam niyang may kakaiba sa tono nito.“Napakabait talaga ng apo namin,” sabi ni Mamita, ang boses ay malam

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 164: Coming Home

    Walang ekspresyon sa mukha ni Sigmund. Tulad ng nakasanayan, malamig at maamo ang anyo nito, ngunit ang pagkakatali niya ng ribbon ay perpekto; malinis, pantay, at may kung anong alaalang ibinubulong."Okay na," anito matapos ang ilang saglit, saka dahan-dahang binitiwan ang ribbon.Gustong magsalita ni Cerise, isang payak na ‘salamat’ sana ang lalabas sa kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita. Sa halip, tahimik siyang tumuloy sa loob, bagama't parang nakalimutan niya kung alin sa mga paa ang dapat unang iangat. Ang pakiramdam niya’y may kung anong anino ang susunod sa kanya, handang habulin siya at pabagsakin sa sahig.Sa loob ng bahay, nakaupo ang matandang mag-asawa sa sofa, pareho silang may hawak na tasa ng tsaa. Nang marinig nila ang mga yapak, sabay silang tumingin sa pintuan. Lumuha agad ang matandang babae, agad nitong tinawag si Cerise, "Apo, hindi mo na yata mahal si Mamita!"Biglang lumambot ang puso ni Cerise. Bago pa man siya tuluyang makalapit, iniunat na niya a

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 163: The Softness That Matters

    Pero hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan. Kaya nang muling bumalik siya sa bansa, sumakay agad siya ng taxi papunta sa radio station.Tahimik lang ang biyahe, ngunit hindi rin mapigilan ng drayber na lingunin siya paminsan-minsan sa rearview mirror.“Sa TV ka ba nagtatrabaho, Miss? Parang nakita na kita dati.”Napatawa si Cerise. “Baka kamukha ko lang ‘yon.”Hindi pa rin nakuntento ang drayber. Mas pinagmasdan siya nito habang bumababa ng taxi at pumasok sa gusali. Nang tuluyang mawala ang babae sa loob, saka lang siya napa-"Aha!"“Cerise?” bulong niya habang agad na inilabas ang cellphone.Agad siyang nag-record ng maikling clip habang papasok si Cerise, saka tinawag muli, “Cerise!”Luminga si Cerise at kumaway ng isang magalang na ngiti, tila walang ideya sa paparating na gulo.Ngumiti ang drayber, parang fanboy na kinikilig. Kumaway pabalik, saka walang patumpik-tumpik na in-upload ang video sa social media.Nag-viral ito agad.—Banda hapon, papunta sana si Cerise sa din

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status