Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 86: The Third Party

Share

Chapter 86: The Third Party

Author: Lyric Arden
last update Huling Na-update: 2025-03-04 23:09:23

Nang bumalik sina Cerise at Alex sa opisina, natuklasan nilang nakaalis na si Vivian.

Ngunit isang tsismosang kasamahan ang lumapit, sabik sa tsismis. "Uy! Ang dakilang host nating si Cerise. Ang babaeng nangahas agawin ang lalaki mula sa panganay na anak na babae ng pamilya Prescott. Talaga namang kakaiba ka."

Tumingin si Alex sa kasamahang iyon, tinaasan ito ng kilay. "Ano ang sinasabi mo? Nagpaparinig ka ba?"

"Sir Tiu, hindi mo lang talaga naiintindihan ang mga usapan naming mga babae," nakangiting wika ng katrabahong iyon, halatang naaaliw.

Hindi napigilan ni Cerise na ngumiti nang bahagya. "Sir Tiu, hindi mo talaga naiintindihan. Sa totoo lang, pinupuri ako ni Miss Susan dahil mas matapang ako kaysa sa kanya."

Napakurap ang katrabahong iyon, tila nagulat.

"Hindi ba tama?" tanong ni Cerise, napansin ang pagbabago sa ekspresyon nito.

"Sinasabi kong wala kang hiya. Hindi ko inasahan na mukhang inosente at walang muwang ka, pero sa likod pala ay isa kang tusong babae." sagot ni Susan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 172: A Knock in The Cold  

    Sa malamig na gabi ng Bagong Taon, tahimik na pinupunasan ni Cerise ang sahig ng kanilang inuupahang apartment. Basang-basa ang kanyang palad, nanginginig ang mga daliri, ngunit patuloy siyang nagwawalis ng mga alikabok at lumang bakas ng nakaraan. Marahang umiikot ang timba sa gilid ng kanyang paa habang pinipilit niyang ituon ang sarili sa gawaing bahay, para makalimot, kahit panandalian.Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang katok sa pinto ang pumunit sa kanyang ulirat. Napahinto siya. Nanlamig ang kanyang batok. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang likod kahit wala namang bukas na bintana. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay nang ibaba niya ang basahan. Dahan-dahan siyang tumayo, hawak pa rin ang timba, habang humigpit ang tibok ng kanyang puso.Hatinggabi na. Si Kara ay nasa Pinas, at si Percy nama’y umalis pa noong umaga. Sino pa kaya ang maaaring kumatok sa ganoong oras?Napasinghap si Cerise. Mabilis na sumagi sa kanyang isipan ang alaala ng gabing dumating si

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 171: Targeted

    Agad na bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Percy matapos marinig ang tunog.Sa loob ng apartment, natagpuan niyang nakatayo si Cerise, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na hawak ang pulso ng lalaking may hawak na kutsilyo. Buong lakas ang kanyang sigaw sa takot nang marinig niyang may bumungad sa pintuan.Nang lumingon si Percy, tumambad sa kanya ang isang matangkad at payat na lalaking nakasuot ng itim na leather jacket, may suot na baseball cap at mask. May hawak itong matalas na kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Cerise. Halata ang hangarin nitong patayin ang babae."Cerise!" sigaw ni Percy, hindi na naisip kung saan galing ang lakas ng loob.Sa sandaling iyon, alam na ni Cerise na ang lalaking ito ay walang ibang layunin kundi tapusin ang kanyang buhay. Hindi ito magnanakaw. Hindi ito lasing. Isa itong mamamatay-tao.Habang abala ang lalaki sa pagbabantay kay Percy, biglang itinaas ni Cerise ang kanyang paa at buong lakas na inapakan ang paa ng lalaki gamit ang pitong

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 170: A Knife At Your Neck

    Hindi niya maipaliwanag kung ang lamig na nararamdaman ngayon ay dahil ba sa klima o sa lungkot na hatid ng katahimikan sa paligid. Suot niya ang mapusyaw na turtleneck sweater, pilit na kinukubli ang ginaw na hindi lang pisikal kundi abot sa kanyang damdamin. Habang naglalakad pauwi, bawat yapak niya ay tila dumadagundong sa walang laman na kalsada, at ang bawat paghinga ay may dalang buntong-hininga na ayaw kumawala.Pagpasok niya sa kanyang tirahan, sinalubong siya ng katahimikan, isang uri ng katahimikang hindi nagpapatahan kundi lalong nagpapabigat ng dibdib. Wala ni isang tunog, maliban sa mahinang tikhim ng air purifier sa gilid ng kwarto. Tinanggal niya ang coat, inihagis sa isang sulok, saka naupo sa sofa. Doon lang niya naalala ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ito, at agad na lumitaw sa screen ang tatlong missed calls ni Sigmund at pitong messages. May tatlong voice messages at isang video message pa.Napapikit siya sandali. Tila ba tumigil ang oras habang

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 169: Stay Behind

    Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 168: Don't Deny Me

    Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 167: His Right, Her Silence

    Hindi naitago ni Cerise ang hinanakit nang sumagot siya, "Hindi ko kinikilala ang relasyong ‘to!"Mabilis siyang bumangon mula sa kama, isinara ang ilang butones ng kanyang blouse habang nagmamadaling hanapin ang kanyang sapatos. Sa isip niya, mas ligtas kung babalik na lang siya sa kanyang maliit na apartment. Maari naman siyang umalis bukas, at ayaw na ayaw niyang muling paglaruan pa ang dignidad niya sa lugar na ito."‘Wag mong sabihing hindi mo ‘to kinikilala."Nakita ni Sigmund ang balak ni Cerise na magsapatos. Agad siyang lumapit at hinila ang braso ng babae, pilit niyang pinaharap ito habang ang malamig at madilim nitong mga mata’y nanunuot sa kanya."Ano bang gusto mong mangyari, Sigmund?!"Hindi na napigilan ni Cerise ang magtaas ng boses. Sobrang higpit ng pagkakakapit nito sa kanya kaya’t napairi siya sa sakit.Hinawakan ni Sigmund ang kabilang kamay niya at itinupi iyon sa harap ng kanyang dibdib. Matigas ang tinig nitong nagsalita, "Asawa kita sa papel, may selyo’t pirma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status