Share

CHAPTER 2: UNTOLD REASON

CATTLEYA'S POV

"Caloy, pakiusap, huwag mo'kong iwan. Mahal na mahal kita."

Parang bata na nagmamakaawa ako sa nobyo kong si Caloy na huwag ako nitong iwan.

Napaluhod pa ako sa harapan nya't humawak sa laylayan ng kanyang damit. Todo kalas naman si Caloy sa kamay nito at pilit inaalis ang pagkakahawak ko sa damit nya. Pero kahit todo taboy ang ginagawa ni Caloy sa akin, hindi ko pa rin magawang mahiya. Tinuloy ko ang plano na magmakaawa, huwag lang niya ako nitong iwan.

"Cattleya, ano ba! Tumayo ka nga dyan. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Singhal niya sa akin, hinawakan nya ang magkabila kong braso't sinubukan akong patayuin.

Pinagtitinginan na kami ng aming mga kapitbahay. Naroon kami sa may tarangkahan ng apartment na inuupahan ni Caloy. Sinadya ko na puntahan ito pagkatapos kong makatanggap ng mensahe na gusto na nyang makipaghiwalay sa akin.

"Ayusin natin 'to, please, huwag mo'kong iwan." Pagmamakaaawa ko kasabay ng patuloy na pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi.

Nadudurog ang puso ko sa kadahilanang ang dali sa kanyang tapusin namin ang apat na taon naming relasyon.

"Ayoko na nga." Sagot nya. Tinulak ako ng lalaki ng marahan nang akma ko itong yayakapin. Nasaktan ako sa ginawa nya dahilan para mapahikbi ako ng malala. Hindi ganoong Caloy ang nakilala at minahal ko sa loob ng apat na taon.

"Handa akong ibigay ang katawan ko sa'yo, huwag mo lang akong iwan. Huwag mo namang gawin sa'kin 'to, please." Hinaplos ko ang kamay nya pero padabog nyang binawi iyon at napailing ng ilang beses.

"Hindi na kita mahal, kaya pwede ba, tumigil ka na. Huwag kang desperada. Sapat naman na siguro 'yong apat na taon na binigay ko sa'yo, 'di ba?" Depensa nya sa mataas na boses, sobrang talim pa ng titig nya sa akim na animo'y hindi natutuwa sa pinaggagagawa ko ngayon.

"Gano'n na lang ba kadali sa'yong itapon lahat ng pinagsamahan natin? Caloy, kahit anong paninira ang gawin nila sa'yo, kailanman hindi ako naniwala, mas pinaniwalaan kita kasi mahal kita at alam kong hindi mo'yon magagawa sa'kin. Ipinaglaban kita, sana naman sapat ng rason 'yon sa'yo para ipaglaban mo din ako." Humihikbing usal ko.

Si Caloy ang bukod tanging dahilan kung bakit ako napadpad dito sa Maynila. Martir na kung martir ang tingin ng ibang tao sa akin pero sa tingin ko totoo iyon. Sa lubos na pagmamahal ko kay Caloy, mas pinili ko sya kaysa sa pag-aaral ko n kolehiyo sa probinsya. Graduating na dapat ako sa kurso kong BS in Biology dahil pangarap kong maging doktor.

Talaga ngang iba ang bagsik ng pagmamahal sa utak ng isang tao. Lahat ng pangarap ko kinalimutan ko alang-alang sa pagmamahal ko sa lalaking akala ko kaya ring magsakripisyo para sa akin. Nagkamali ako. Nagkamali ako ng tinahak na daan, mas pinili kong dumaan sa madilim at walang patutunguhan. Sumasakit ang dibdib ko sa labis na sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sarili kong pamilya itinakwil ko at iniwan ko para lang makasama sya pero ganito pala ang kahahantungan ng lahat. Maiiwan akong wasak at wala manlang napala sa pagmamahal na bigay nya sa akin. Puro pasakit at problema ang nabigay ni Caloy. At ngayon napagtanto ko na ang isa sa mga pinakamalaking pagkakamali na ginawa ko sa buhay ko.

"Huwag mo namang gawing tanga ang sarili mo. Alam kong pinaniniwalaan mo ang mga balita tungkol sa'kin. Huwag kang maging sinungaling at kaya ko lang nagawa 'yon dahil gusto ko nang sumaya." Asik ni Caloy, matalim ang tingin na tinapon nito sa akin. Halata ngang seryoso na sya sa gusto nyang mangyari. Hinihingi na nya ang kanyang kalayaan mula sa akin.

"Bakit, hindi ba kita napapasaya? Ginawa ko naman lahat, Caloy." Napapadyak pa ako sa sahig at habol ang hininga pagkatapos ibulyaw sa kanya ang prangkang ginawa ko.

Umiling sya. "Madaming kulang, Leya." Prangka niya. "Katawan mo nga hindi mo kayang ibigay sa'kin e, tapos sasabihin mong ginawa mo lahat? Kalokohan." Napamura ito ng malutong.

Kinuha nito ang bag na naglalaman ng kanyang mga damit saka tinalikuran ako. "Huwag mo na'kong guluhin, tapos na'ko sa'yo."

"Caloy, nagmamakaaawa ako." Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

"Ano ba! Sabing tantanan mo na'ko e." Iritadong asik ng lalaki, pilit inaalis ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kanyang braso. Konti na lang ay pagbuhatan nya ako ng kamay dahil sa inis.

"Cattleya, tumigil ka na. Hayaan mo na sya." Hindi napigilan ni Jenny na mangialam sa sagutan namin ng nobyo ko. Lumapit sya sa akin at pilit inaalis ang kamay ko sa laylayan ng damit ni Caloy. Ginawa ko naman lahat para hindi 'yon makalas dahil ayoko syang pakawalan hangga't maaari.

"Jen, hindi, mahal na mahal ko si Caloy." Sagot ko pa rin, patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko sa pisngi.

Sa pagiging desperada ko ay naitulak ako ni Caloy dahil sa inis. Napaupo sa mabatong sahig at mabilis akong inalalayan ng kaibigan ko. "Leya, tumigil ka kung ayaw mong higit pa dyan ang mangyari sa'yo." Pagbabanta ni Caloy sa akin, nakaturo ang isang daliri nito sa gawi ko.

Nadurog lalo ang puso ko sa ginawa nya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya kaya gagawin ko lahat para huwag nya akong iwan.

"Tapos na 'ko sa'yo, bahala ka na sa buhay mo." Usal nya at tinahak na ang daan palabas ng gate ng apartment.

Akma ko syang hahabulin nang mabilis akong pigilan ni Jenny. Hinawakan nya ang braso ko't ibinuhos lahat ng kanyang lakas upang hindi ako makawala sa kanyang pagkakahawak sa braso ko.

"Jen, kailangan ko syang habulin, hindi pwede 'to," pagpupumilit ko't pilit inaalis ang mahigpit na hawak nito sa aking braso pero kulang ang lakas ko para gawin ko. Nakaya akong pahinain ng pagiging emosyonal ko. "Mahal na mahal ko sya, Jen. "

"Cattleya, ano ba!"

Doon ko naramdaman ang matigas na palad ni Jen sa pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal nito sa akin. Halos mapahinto ako't hindi makagalaw sa pwesto ko dahil sa ginawa nya. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal nya dahil nakaramdam ako ng konting kirot.

Dahan-dahan ko syang tinitigan at nababasa ko sa kanyang mukha ang galit. Sinadya nya yatang sampalin ako para magising ako sa katotohanan. Sa katotohanang hindi na talaga ako mahal ni Caloy at ako lang 'tong parang aso na habol ng habol sa kanya.

"Hindi ka naman siguro bulag para hindi makita na ayaw na nya sa'yo. At hindi ka rin naman siguro manhid para hindi maramdaman na hindi ka na nya mahal. Leya, maawa ka naman sarili mo. Umamin na nga sya sa'yong niloko ka nya, mahal mo pa rin? Ganyan ka na ba katanga, ha? Wawasakin mo ang sarili mo dahil lang sa pesteng lalaking 'yon? Jusmiyo! Tignan mo nga 'tong kinahantungan ng pagmamahal mo sa kanya. Mas pinili mong makipagtanan sa Caloy na 'yon kaysa makapagtapos ng pag-aaral sa probinsya. E, ano ka ngayon? Nganga! Kawawa! Kung ipipilit mong ipagsiksikan ang sarili mo sa gago na 'yon, tignan natin kung may marating ka pa sa buhay." Sermon ni Jen sa akin .

Napahagulgol ako sa kawalan. Nabablangko ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ba ang nararapat kong gawin. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Wala akong alam na ayusin ngayon kundi ang relasyon namin ni Caloy. Tanga ako oo, mas inuuna kong ayusin ang relasyon namin kaysa sa sarili ko.

"Alam ko namang tanga ako, pero wala akong alam na ayusin ngayon kundi 'yong relasyon namin ni Caloy." Depensa ko kaya napamura sya ng malutong at napahilot sa kanyang sentido. "Jen, malay natin magbago pa sya. Hindi ba't nangyari na 'to dati? Hindi ba't binigyan ko sya ng chance noon, nagbago naman sya 'di ba? Malay natin ganun rin ngayon."

"Ganun mo ba talaga sya kamahal kaya ka nagiging tanga ng ganito? Kaya siguro nagawa ng pesteng Caloy na 'yon na lokohin ka ng paulit-ulit kasi alam nyang marupok ka. Alam nya na konting lambing lang ay madadala ka na. Konting pasweet lang, okay na sa'yo lahat. Nakapag-aral ng kolehiyo, Leya, pero bakit ganito ka katanga? Ano bang meron sa kanya at hindi mo kayang sukuan? Pagkakaalam ko, isa syang m*****g na lalaki na ubod ng kadugyutan sa sarili."

"Pero sa kabila ng pagiging ganun nya, minahal at tinanggap nya ako, Jen." Pagpapamukha ko.

Maraming nagawa si Caloy na hindi nagawa ng mga taong malapit sa akin. Katulad na lamang ng pagmamahal na ibinuhos nito sa akin. Kayang ibigay lahat ng nga magulang ko ang gusto ko pero tanging pagmamahal ang hindi. Oo, nakakapag-aral ako noon. Nakukuha ko lahat ng gusto ko't nabibigay pero wala akong pagmamahal na nakukuha mula sa kanila.

"Psh! Minahal at tinanggap ka naman namin pero bakit hindi mo kami kayang ipagdamot ng katulad ng pagdadamot mo kay Caloy?" Usal nya na nakapagpatigil sa akin. Sinsero sya habang sinasabi 'yon sa akin at aaminin kong nakaramdam ako ng guilt. " Sige, tutal mas matimbang si Caloy, hahayaan kita. Pababayaan kitang gawin lahat ng gusto mo basta siguraduhin mo sa'kin na may mapapala ka sa gagong 'yon." Pagpapatuloy nya't bago umalis ay tinitigan nya muna ako ng matalim.

Naiwan akong mag-isa at naghihinagpis sa mga nangyari. Napaiyak na lang ako sa kawalan at nayakap ang sarili. Wala akong ibang karamay ngayon kundi ang sarili ko. Sa pagbabakasakaling magbago ang isip ni Caloy, nanuluyan muna ako sa apartment nya. Alam kong uuwi sya mamaya at hihintayin ko ang pagkakataon na 'yon para makausap sya ulit.

Sana mabago ko ang isip nya.

Nakakaramdam man ako ng gutom, hindi ko 'yon pinansin. Nagtungo lamang ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Mag-alas diyes na ng gabi at wala pa si Caloy pero mas pinili ko syang hintayin. Hindi ko na rin muna kinausap si Jenny dahil alam kong galit pa sya sa akin. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magpapakita sa kanya hangga't wala akong napapatunayan dito sa paghahabol ko kay Caloy.

Pabalik na sana ako sa sala nang marinig ang andar ng isang paparating na sasakyan. Sumilip ako sa may bintana at halos tumalon ang puso ko nang mapagtantong kay Caloy iyon. Mabilis kong ibinalik sa tray 'yong baso na hawak ko't dali-daling lumabas ng apartment upang salubungin sya. Umakto ako na parang walang nangyari kanina.

"Babe.." Tawag ko sa kanya.

Napahinto sya't nagulat ata sya pagkakita sa akin. Naroon ako sa may pintuan at hinihintay ko syang lumapit sa'kin dahil sabik na sabik akong yakapin sya.

Wala akong narinig na tugon mula sa kanya bagkus dinedma nya lang ako't may kinuha sa loob ng sasakyan. Nasasaktan man ako sa mga inaakto nya, pinilit kong kumalma. Pinili kong umakto ng normal kahit nilalamon na ako ng emosyon. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Ba't ka pa nandito? Hiwalay na tayo, 'di ba?" Malamig na tugon nya.

Abala syang inililipat 'yong mga aso sya sa gilid upang maipark nya ng mabuti ang kanyang kotse. Nakaharang kasi ang mga tatlong aso nya roon kaya inilipat nya. Pinanood ko lamang sya.

"Kailangan nating mag-usap, babe."

Narinig ko ang pagsinghal nya't hindi ko manlang nabasa sa mukha nya ang galak o tuwa sa sinabi ko. "Para sa'n pa? Tinapos ko na lahat ng sa'tin, Leya. Lubayan mo na 'ko."

"Ayoko.." Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mata ko pero pinigilan ko 'yon. Masakit sa akin na naririnig syang nagsasabi ng ganoon sa akin. Hindi ko hiniling na mapunta kami sa ganitong point.

"Bahala ka." Aniya at pumasok na ulit sa kanyang sasakyan upang iayos ang pagkakaparada ng kanyang kotse. Pinanood ko sya habang nag-uunahang bumagsak ang mga luha sa pisngi ko. Pagkatapos noon ay lumabas na sya sa kanyang kotse't tinahak ang daan papasok ng kanyang apartment.

Nilagpasan nya ako na parang hangin at dire-diretso syang pumasok. Sinundan ko naman sya at pinanood na kumuha ng tubig mula sa refrigerator.

"Ano bang kulang sa'kin, Caloy, sabihin mo naman para maibigay ko." Usal ko dahilan para matigilan sya, napatingin sya sa akin.

"Tumigil ka na, Leya." Suway nito sa akin. Inalis nya ang kanyang jacket at isinampay iyon sa upuan. Naglakad ito patungo sa may hagdanan pero mabilis kong iniharang ang sarili ko.

"Titigil lang ako kung ieexplain mo lahat sa'kin kung bakit napunta tayo sa ganito, Caloy. Pakiusap, gusto kong malaman lahat ng dahilan mo kung bakit bigla kang nagbago. Gusto kong maliwanagan. Gusto kong masagot lahat ng katanungan sa isip ko, Caloy." Pagmamakaawa ko't hinawakan sya sa kanyang braso.

Umiwas sya ng tingin at pilit inaalis ang pagkakahawak ko sa braso nya pero hinigpitan ko 'yon.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo, Leya." Matapang na usal nya. "Tanggapin mo nalang 'tong desisyon ko, hindi lang naman para sa'yo 'to e, para sa'ting dalawa 'to. Hindi tayo aasenso sa buhay kung parehas nating ikukulong 'yong mga sarili natin sa mundo nating dalawa. Baka naman this time, payagan mo'kong makawala sa'yo."

Umiling ako. "Alam mong hindi ako papayag dahil mahal na mahal kita."

Niyakap ko sya ng mahigpit at hindi na napigilan ang sarili na maiyak. Tanging hikbi ko ang maririnig sa paligid at hindi ko manlang narinig ang pagpapatahan ni Caloy sa'kin.

Dahan-dahan nya akong inalis sa pagkakayakap sa kanya. Inilayo nya ang katawan ko mula sa kanya. Lalo lamang ako naiyak dahil mukhang hindi ko mababago ang isip nya.

"Ayoko na. Kahit lumuhod ka sa harapan ko, hindi ako madadala, Leya. Buo na ang desisyon ko. Wala na akong pakialam kung mapapatawad mo'ko o hindi. Sana balang araw maintindihan mo'ko." Usal nya.

Tinitigan ko sya. Kailanman hindi ko naisip na darating kami sa puntong ganito na kailangan naming maghiwalay. Akala ko sya na iyong makakasama ko habambuhay, hindi pala. Lahat pala ng bagay sa mundo hindi permanente, lahat para temporary lang. Lahat pala may hangganan, lahat ibinigay lang hindi para angkinin habambuhay kundi panandaliang saya lang.

"Isusuko ko na ang sarili ko sa'yo. Papayag na akong magsex tayo kung 'yon ang gusto mo, Caloy" Usal ko at pinunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko saka hinubad ang damit ko mismo sa harapan nya. "Kung ito ang bukod tanging paraan para huwag mo'kong iwan, ibibigay ko na."

"Leya, tumigil ka." Suway nya sa akin.

"Caloy, ibibigay ko na nga, 'di ba, payag na ako." Umiiyak na ani ko't ipinulupot ko ang aking braso sa batok nya at mapusok syang hinalikan sa labi. Inilapit ko ang katawan ko sa kanya pero wala akong tugon na natanggap mula sa kanya bagkus sinuway nya ako. Tinulak nya ako ng mahina palayo sa kanya.

"I'm sorry, Leya, pero hindi ko kaya." Tugon nya at iniwan na nya ako. Nagtungo na sya sa kanyang kwarto't padabog na isinarado ang pintuan non.

Naiwan akong yakap-yakap ang sarili. Akala ko magiging sapat na isuko ko ang sarili ko sa kanya, hindi pala. Mahirap pala talagang paamuhin ang isang mailap kahit silawin mo ng masarap na putahe. Dito ko napagtantong wala na talaga. Kahit hubo't hubad ang katawan kong isuko sa kanya, wala na 'yong epekto kay Caloy.

Sa sofa ako nahiga dahil ayoko pa ring umuwi at isa pa wala akong uuwian dahil galit naman si Jenny sa akin. Pinagkasya ko ang sarili ko roon at ginawang unan ang kamay ko. Titiisin ko munang mamalagi dito dahil una sa lahat wala akong ibang kakilala rito kundi si Jenny at Caloy lang. Hindi ko naman matawagan sina Mama sa probinsya dahil wala ako nong selpon number nila. At kahit naman siguro sila ipagtatabuyan ako pagkatapos ng katangahang ginawa ko sa kanila.

Dinalaw ako ng antok dahil sa walang tigil kong pag-iyak. Mula nang pumasok si Caloy sa kanyang kwarto ay hindi na sya lumabas pa. Mukha yatang alam nyang nandito pa ako kaya ayaw nyang lumabas. Ubos na yata ang pasensya nya sa akin kaya ayaw na nya akong harapin.

Nagising ako dahil sa yabag ng paa na nagmumula sa may hagdanan. Mukha yatang may kausap sya sa kanyang selpon dahil nakatapat ito sa kanyang kaliwang teinga. Alam kong si Caloy 'yon at umakto akong gising nang huminto sya sa harapan ko.

"Oo, nandito pa sya sa apartment ko.." Rinig kong usal nya, alam kong ako ang tinutukoy nya. Nanatili akong nakapikit upang marinig ang mga sasabihin nya. "Tulog pa sya kaya hindi ako mahihirapang umalis. Desidido na ako, pre. Oo..Aayusin ko lang 'yong mga gamit ko't pupunta na ako kaagad dyan sa tambayan natin. Sige, I'll be there in five minutes."

Pagkatapos noon ay narinig kong bumalik sya sa taas upang mag-ayos ng kanyang gamit. Naiwan ako dito sa may sala na puno ng katanungan sa isip. Gusto ko man syang tanungin pero bigla aking tinakasan ng lakas ko. Nanatili akong nakahiga sa sofa at hinihintay ang pagbaba nya. Saan sya pupunta?

Dali-dali akong umakto na tulog nang bumaba na sya. Naramdaman kong matagal nya akong tinitigan at pumantay sya sa mukha ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero pinigilan ko. Gusto kong titigan nya ako ng matagal kahit ngayon lang.

"I'm sorry, Cattleya." Usal nya at naramdaman kong hinalikan nya ang noo ko pagkatapos ay sunod kong narinig ang pagbukas ng pintuan. Napabalikwas ako ng bangon at sumilip kaagad sa may bintana. Sinubukan kong lumabas ng apartment upang habulin sya. Tatawagin ko sana sya nang tuluyan ng makalayo ang sasakyan nya. Naiwan akong nakatayo rito sa may tarangkahan ng gate. Nakatingin lamang ako daan na tinahak nya paalis.

Kung intensyon nyang saktan ako, bakit sya nagpaalam sa'kin? Bakit hinalikan nya ako sa noo? Bakit pakiramdam ko napilitan lang syang iwan ako?

Ano ba ang totoo, Caloy? Ginusto mo ba talagang iwan ako o may sumasakal lang sa'yo?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status