Share

Chapter 8: UNTOLD POINT OF VIEW

"Kailan pa naging daan sa katotohanan ang panyo?" Komento ni Jen sabay kamot sa kanyang ulo. Kasalukuyan kaming narito sa sala na nagtutupi ng damit na nilabhan namin kahapon at ngayon lang namin naisipang ayusin.

Naikwento ko sa kanya ang seryosong pag-uusap namin ni Anti Garet kanina. Nag-iwan siya ng napakalaking katanungan sa utak ko kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, hindi ko halos alam kung alin doon ang una kong hahanapan ng sagot.

Napahinto ako sa pagtutupi at napabuntong-hininga ng malalim. "Bes, hindi ko alam. Masyadong gumulo ang sitwasyon kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ni Anti."

"Hindi kaya may alam si Anti kung nasaan si Ara? Malay natin nagdadahilan lang siya para hindi mo siya kamuhian." Komento ni Jen.

"Hindi 'yon magagawa ni Aling Garet, bes."

"E anong gustong mangyari ni Anti ngayon? Ipabroadcast natin 'tong kapirasong panyo na ito at hintayin kung sinong magclaim ganon ba? Tapos ang twist naman ni Ara,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status