Share

CHAPTER 3: LAST TALKED

"Miss, matagal ng wala si Ara dyan, siguro mga ilang taon na rin." Tugon ng isang ale sa akin nang sumadya ako sa parlor na pagmamay-ari ni Ara.

Hawak-hawak ko si Kesleigh sa kaliwa kong kamay. Nakatayo kami rito sa harap ng parlor na may kalumaan na rin. Sa loob ng ilang taon, ngayon ulit ako nakabalik dito. Magmula nagkaroon ako ng anak, hindi na ako nakakadalaw dito. At nawalan na rin ako ng balita kay Ara, ang bestfriend kong pinagkatiwalaan ko ng sobra.  Habang nakatanaw ako sa kabuuan ng parlor, muling bumalik sa alaala  ko 'yong huling pag-uusap namin ni Ara.

"Jusko! Kababae nitong tao, palamura. Tumayo ka nga dyan, ihahatid na kita." Ibinaba ni Ara 'yong damit ko dahil bahagya ko iyon na itinaas dahil nakakaramdam ako ng init sa katawan. Nakikita na pala ang malulusog kong dibdib kaya ibinaba nya ito. Sinubukan nya akong itayo pero nagpumiglas ako.

"Ayokong umuwi, bestie. Kinakailangan kong mahanap si Caloy, alam kong nandito sya."

"Kung nandito man sila ng mga kaibigan nya, for sure nasa private room sila, hindi ka makakapasok don. Kaya tara na, ihahatid na kita." Sinubukan nya akong itayo pero tinulak ko sya ng mahina.

"Bestie, ano bang kulang sa'kin?" Emosyonal kong usal at lumagok ulit sa bote ng alak na hawak ko.

Wala na syang nagawa kundi mapabuntong-hininga't mapakamot sa kanyang ulo. Tinitigan nya ako ng ilang segundo bago tuluyang maupo sa tabi ko. Kinuha nya iyong isang bote ng alak sa lamesa na nasa harap namin at sinabayan nya akong uminom. Sakto rin yatang konti na ang tao kaya makakapagpahinga na sya. Iilan na lang ang tao rito sa bar at ilan sa mga kasamahan ni Ara ay nagliligpit na.

"Dahil ba kay Caloy kaya ka nagkakaganito? Ano bang nangyari sa inyo? Last week nakita ko pa naman kayo don sa mall na dinaig pa ang mag-asawa sa sobrang sweet." Tugon nya at kumuha ng pulutan saka ito isinubo.

Pabagsak kong isinandal ang aking katawan sa malambot na sofa. Nagsisimula na namang magsiunahang bumagsak ang mga luha ko sa pisngi. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko't tumingin kay Ara.

"'Yon nga ang malaking katanungan ko ngayon e." Bumuntong-hininga ako saka muling nagsalita. "Hindi ko maintindihan kung bakit ang dali sa kanyang hiwalayan ako. Iniwan nya ako na parang wala kaming pinagsamahan sa loob ng ilang taon. Maiintindihan ko naman kung nambabae sya e pero 'yong iwan nya ako ng wala manlang kahit na anong explanation syang sinabi, 'yon ang masakit sa'kin."

Naramdaman kong hinagod-hagod nya ang likod ko, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa nya. Kahit na ganoon, mas nanaig ang pagiging emosyonal ko dahil naalala ko na naman ang ginawang paghalik ni Caloy sa noo ko kanina bago sya umalis.

"Cattleya, mahirap mag-advice lalo na hindi ko alam iyong dahilan ni Caloy. Hindi natin masasabi na mali sya o masama kasi iniwan ka nya. Wala tayong karapatan na ijudge sya lalo na't hindi natin alam ang mga posibleng rason nya. Pero, dahil sabi mo nakipaghiwalay sya, isa lang ang ibig-sabihin non." Seryosong usal ni Ara.

Napatingin ako sa kanya. "Ano?"

"Baka nga hindi ka na nya mahal."

"Hindi 'yan totoo, Ara." Agresibong tugon ko. Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi nya't ginawa ang lahat para mapakalma ako. "Mahal ako ni Caloy! Malakas ang kutob ko na may nanakal sa kanya para gawin 'to sa'kin. Malakas ang kutob ko na napilitan lang syang iwan ako. Kung hindi nya ako mahal, bakit hinalikan nya ako kanina? Bakit nagpaalam sya sa'kin bago sya umalis kanina? Bakit hindi nya ako magawang tignan ng diretso sa mata nong nakikipaghiwalay sya sa'kin? Bakit? Ara, may rason si Caloy kaya nya ginawa sa'kin 'to at iyon ang dapat kong malaman mula mismo sa kanya."

Natahimik sya't hindi alam ang gagawin. Masyadong malabo lahat ng ito kaya siguro nahihirapan din sya. Sumasakit na rin ang ulo ko kakaisip kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung saan magsisimula para mabisto si Caloy. Sa pagkakataong ito, hindi ako makapag-isip ng maayos.

Halos mahimasmasan ako nang makaisip ng paraan kung paano makakausap si Caloy. Naibaba ko ang hawak kong bote kaya napatingin si Ara sa pwesto. Pinanood nya ako na kunot ang kanyang noo. Alam kong may dahilan ang tadhana at si Ara ang nandito ngayon. Sya ang alam kong makakatulong sa problema ko.

"Ara, huling hiling ko na 'to sa'yo, sana pagbigyan mo'ko." Ani ko sa aking kaibigan at hinawakan sya sa kanyang braso.

Napansin kong kinabahan sya. "Ano?"

"Dalhin mo'ko sa private room na kinaroroonan ni Caloy, gusto ko syang makausap. Alam kong alam mo kung nasaan sila, kaya please, tulungan mo'ko." Hinimas ko pa ng bahagya ang kanyang braso para makumbinsi sya. "Hindi pwedeng ibreak nalang nya ako ng ganon. Hindi pa sya nakakapag-explain ng maayos sa'kin."

Kaagad na lumayo si Ara sa sinabi ko. Mukhang hindi sya sang-ayon sa gusto ko dahil sa inasta nya. "Leya, ayokong mawalan ng trabaho. May pamilya akong sinusuportahan kaya sana naman huwag mo na 'kong idamay dyan sa problema mo. Pagdamay lang ang kaya kong ibigay sa'yo hindi 'yong pati trabaho ko ay itaya ko para sa kasiyahan mo." Depensa nya't tumayo ito sa pagkakaupo sa tabi ko. "Bahala ka na dyan. Huwag mong idamay ang trabaho ko, bestie, parehas tayong may pangangailangan." Usal nya't umusog palayo sa akin.

Hinawakan ko sya sa kanyang braso. "Ara, alam mong kasiyahan ko si Caloy kaya pakiusap, tulungan mo 'ko. Magbabayad ako kahit magkano basta tulungan mo lang ako ngayon. Gusto kong may mangyari sa'min ngayong gabi para kapag mabuntis ako, wala na syang dahilan para iwan ako. Please naman, last ko ng hiling 'to sa'yo."

"Kinikilabutan naman ako sa'yo e." Hinaplos nya ang magkabila nyang braso't nagpapadyak sa sahig. "Nababaliw ka na ba? Saka, paano ka naman nakakasiguro na 'di ka non iiwan kapag nabuntis ka?"

"Katawan ko ang habol non kaya sigurado ako." Wika ko.

Napailing sya't iniisip yata na nababaliw na ako. "Ayoko, bestie, hindi kaya ng konsensya ko." Usal nya.

"Sige na, hindi na kita kukulitin pagpinagbigyan mo'ko ngayon." Pangungumbinsi ko. "Habambuhay kong tatanawin ang utang na loob ko sa'yo pagginawa mo ang gusto ko."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya. Todo tanggi sya na hindi nya kayang gawin ang hiling ko. Ginawa ko naman lahat para makumbinsi sya. Alam kong hindi biro 'tong hinihiling ko sa kanya pero ito na lang ang alam kong dahilan para maisalba ang relasyon namin ni Caloy.

Nagdadalawang-isip sya kung pagbibigyan ba ako o hindi sa gusto ko, ayon sa nababasa ko sa mga mata nya. Ngayon lang ako nahirapan ng ganito na kumbinsihin si Ara. Kapag humihiling ako sa kanya, kaagad syang pumapayag kaya akala ko mapapadali ko syang makukumbinsi kanina.

Napapikit sya't nagsign of the cross pa sya bago iminulat ang mata saka ito tumingin sa akin. "Sige, papayag ako sa gusto mo." Usal nya na nakapagpabuhay sa akin. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa kaya naman tumayo ako't niyakap sya ng mahigpit.

Hindi ko maibsan ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, nahimasmasan ang buong katawan ko sa kalasingan dahil sa pagpayag ni Ara sa gusto ko.

"Salamat talaga, Ara. Kay buti mo talagang kaibigan," naiyak pa ako pagkasabi non.

"Basta walang sisihan, Cattleya. Alam nating dalawa na ginusto mo 'to." Aniya at tumango ako bilang sagot.

Pinatahan nya muna ako't bago't pinaalala na ginusto at hiniling ko ang bagay na ito sa kanya. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko sya sisihin pagkatapos ng gabing ito.

Nakayakap ako sa braso nya papunta sa kwarto na kinaroroonan ni Caloy. Naglalakad pa lamang kami pero nanginginig na ang buong katawan ko. Para bang gusto ko pero mayroon sa akin na nagsasabing huwag kong ituloy. Sa labis na pagmamahal ko sa kanya, heto ako, nagiging desperada't ako pa ang may gustong mabuntis.

Sana lang tama ang desisyon kong ito. Makaya ko sanang harapin ang maaaring kahantungan ng pagiging desperada ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status