Share

Untold Confession
Untold Confession
Author: ysmn

Prologue

"What the fuck!" Pagmumura ko noong magising ako sa pagkakatulog. Padabog akong bumangon sa kama at napahilamos sa aking mukha gamit ang palad ko. Napaisip ako, ilang beses ko ng napapanaginipan ang gabing 'yon. Kahit pilit kong iniiwasan, babalik at babalik pa rin 'yon sa alaala ko.

Para mahimasmasan ako ay umalis na ako sa kama't nagtungo sa banyo. Dumiretso ako sa may lababo, binuksan ko ang gripo saka hinayaan na mabasa ang dalawang palad ko na inilapag ko roon. Naramdaman ko ang malamig na pagtama ng tubig sa balat ko. Pagkatapos ay nag-igib ako ng tubig saka ibinuhos iyon sa mukha ko.

Nanumbalik na naman ang pangyayari na 'yon sa utak ko. Napailing ako ng ilang beses at binasa ulit ang mukha ko malamig na tubig. Tumingin ako sa salamin, muli na namang nanumbalik sa alaala ko ang eksena ng gabing iyon. Napakipit ako. Nagbabakasakaling hindi na babalik sa sistema ko ang nangyari sa gabing 'yon na habambuhay kong pagsisisihan.

"Goodmorning, Sir, ready na po ang coffee nyo," magalang na wika ng sekretarya ko noong papasok na ako sa aking opisina. Hawak-hawak naman ng bodyguard ko ang bag ko't laptop na kinakailangan ko sa meeting mamaya.

Bawat empleyado na makakasalubong ko ay binabati ako ngumit tanging ngiti ang naitutugon ko. Pagpasok sa opisana ay kaagad na akong umupo sa swivel chair ko't inilapag ng sekretarya ko ang mga papeles na dapat kong pirmahan. Gayun rin ang mga dala kong bag at laptop ay inilapag na rin ng bodyguard ko.

Bago ko binuklat ang tambak-tambak na papeles na nakalapag sa mesa ay sumimsim muna ako sa kapeng naroon rin. "What's my schedule for today, Laira?" Tanong ko sa aking sekretarya. Pinanood ko syang buklatin nya ang kanyany notepad na hawak pagkatapos ay isa-isa nyang inanunsyo ang mga dadaluhan kong meeting ngayong araw.

Pagkatapos marinig ang mga iyon ay marahan akong tumayo saka ko na sinimulan ang pagcheck ng mga papeles na ipinagawa ko sa mga empleyado ko. Buong maghapon ay naging busy ako sa opisina. Kaliwa't kanan ang mga meeting na dinaluhan ko. Halos hindi ko na naisingit ang kumain kaya pagdating sa bahay ay kaagad akong naupo sa malambot naming sofa rito sa sala.

"Hindi na nya kailangang sumama pa roon, mapapahiya lamang tayo, Leo," rinig kong usal ni Mommy sa taas. Mukhang ako ang tinutukoy nila dahilan para magbingi-bingihan ako.

"Lucy, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anak natin si Luhan, huwag ka namang magsalita ng ganyan laban sa kanya," sita ni Daddy sa kanya. At kagaya ng narinig ko, mukhang may lakad sila. Hindi naman na bago sa akin na marinig si Mommy na ganoon magsalita laban sa akin.

Narinig ko ang pagdadabog ni Mommy pababa ng hagdanan."Nararapat ko bang ipagmalaki ang anak mo'ng 'yon? Pagkatapos ng kahihiyan na ginawa nya sa pamilya natin? Nagpapatawa ka ba, Leo? Kung pwede lang na itakwil sya ginawa ko na para sa ganoon mawala na sya dito sa pamamahay na 'to. Kung bakit ba kasi ibinigay mo sa kanya ang kumpanya na dapat sa Ate Lorraine nya. Psh!" Doon ako napapikit pagkarinig ng sinabi ni Mommy.

Ilang beses ko ng naririnig 'yon sa kanya pero laging bago kapag naririnig ko. Nasasaktan ako dahilan para mapatahimik ako't sisihin ng sobra ang sarili ko. Hindi naman kami hahantong sa ganito kung naging maingat ako ng gabing 'yon. Walang dapat na sisihin kundi ako...at pati na rin ang babaeng 'yon.

Natigilan si Mommy nang makita nya akong nakaupo 't nakasandal sa sofa. Nakasunod si Daddy sa kanya at maski ito at nagulat pagkakita sa akin. Nakasuot sila ng formal na damit, dadalo siguro sila sa magarbo na namang pagtitipon. Kaagad na napaiwas ng tingin si Mommy na ikinadurog lalo ng puso ko.

"Uhm, Luhan, gusto mo bang sumama sa birthday party ng Ninang Arci mo?" Nagpakawala pa si Daddy ng plastik na ngiti.

Umiling ako. Hindi ko kayang magtagal sa isang lugar na kasama si Mommy. Alam ko naman na pandidirihan nya lamang ako na animo'y may malala akong sakit.

"No, I want to take some rest," malamig na tugon ko pagkatapos ay tumayo na ako't parang hangin ko na nilampasan si Mama sa may hagdanan. Kahit pa man hindi ako pumayag, alam kong ayaw pa rin ni Mommy na sumama ako sa lakad nila.

Isang gabing pagkakamali lamang 'yon pero halos isumpa na ako ni Mommy. Humingi ako ng tawad sa kanya pero hindi 'yon naging sapat. Dahil sa kahihiyan na nagawa ko sa pamilya namin, bumaba ang sale ng kompanya dahilan para mabaon kami sa utang. Pero, ginawa ko lahat para isalba 'yon, na kahit galit si Mommy sa akin, ginawa ko pa rin ang nararapat.

Oo, nagbago ang trato ni Mommy sa akin simula ng may kahihiyan akong ginawa. Hindi lamang masasakit na salita ang natatanggap ko sa kanya, hiniling nya pa na sana hindi nalang nya ako naging anak. Kahit anong pambabawi ang gawin ko, hindi 'yon sapat sa kanya para patawarin ako't bumalik ang dati nyang pakikitungo sa akin.

Palagi nya akong ikinukumpara kay Ate Lorraine, alam ko naman na magaling ang kapatid kong 'yon. Nasa America sya't inaasikaso ang isang business pa namin doon. Sabihin man ng iba na mas magaling akong magpatakbo ng kompanya, para kay Mommy, sya pa rin ang mas angat. Hindi ako galit kay Ate Lorraine, mas galit ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang maging mabuting anak.

"Boss, wala po kaming naabutan sa address na ibinigay nyo sa'min," usal ni Bruno na tauhan ko sa kabilang linya. Dahil sa sinabi nyang 'yon ay halos mabali ang ballpen na nilalaro ko sa aking kamay.

"Paanong wala? 'Yon ang ibinigay ng imbestigador na inutusan ko. Tinignan nyo ba ng mabuti?" Asik ko dahil nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko sa galit.

"Opo, boss, wala po talaga."

"Fuck!" Pagmumura ko't nasuntok ko ang lamesa dahil sa inis. Kating-kati na kasi akong sampalin ang babaeng dahilan ng paghihirap ko ngayon. "Gawin nyo lahat ng makakaya nyo para mahanap ang taong 'yon. Kung kinakailangan nyong halugluhin ang buong Cavite, gawin 'yon. Siguraduhin nyo lamang na maihaharap nyo ang taong 'yon ng buhay."

"Masusunod, boss."

Pagkatapos tumawag ng tauhan ko, sunod ko naman na tinawagan ang private investigator na inutusan ko. Dahil sa masamang balita na natanggap ko, gusto ko ring singhalan at saktan sya dahil walang napala ang mga tauhan ko sa lugar na sinabi nya.

"Fuck you! Akala ko ba makikita nila si Febe doon, bakit wala silang naabutan? Ginagago mo ba'ko?" Singhal ko rito. Imbes yata na si Febe ang ipapatay ko ay si Roi ang mauna dahil sa pagkulo ng dugo ko sa galit.

"Luhan, nakalimutan kong sabihin na ibang address pala ang nasabi ng tauhan ko."

"Potangina! Sinasayang mo ang pera kong gago ka." Pagmumura ko sa aking kaibigan. Imbes yata na yumaman ako pagnahanap ko na ang taong 'yon, maging mahirap ako dahil sa pagbabayad ko kay Roi para lamang maghanap sa taong nagpapahanap. Bwisit.

"Relax man, malawak pa ang Cavite, wala pang isang porsyento ang nahahalughog ng mga tauhan mo." Pagpapakalma nito sa akin na animo'y may patutunguhan ang kanyang mga salita.

"Hilingin mo rin sana na lumawak pa ang pag-unawa ko sa'yong gago ka." Singhal ko sa kanya dahilan para matawa ito sa kabilang linya. "Ayusin mo nga ang trabaho mo, nasasayang ang pera ko sa'yo." Pagpapamukha ko sa kanya.

"E kung magpatulong na kaya tayo sa Mommy mo," suhestiyon nya.

"No, " mabilis kong tanggi. "I won't do that. Hindi ko kailangan ang tulong nya. Baka imbes na tulungan nya ako ay pagtawa pa." Sambit kong itinagay ang baso ng alak na hawak ko. Ni hindi ko maramdaman ang tapang noon sa lalim ng galit ko.

"Psh! Ibang klase rin si Tita, ikaw na nga 'tong biktima, ikaw pa ang masama." Komento ni Roi.

"Kaya ayusin mo na ang trabaho mo bago pa maubos ang pera ko sa'yo. May gagawin pa ako, balitaan mo nalang ako kapag may natanggap ka ng bagong balita."

"Yes boss, copy."

Hindi mawala sa isip ko ang masamang balita na natanggap ko kanina kaya naman gumawa ako ng paraan para makalimutan 'yon. At sakto naman na may meeting ako sa araw na 'yon saka marami akong papeles na pinirmahan. Hindi ko namalayan ang oras kaya nakalimutan kong kumain. Nagpabili nalang ako sa sekretarya ko't isiningit ang pag-kain habang nagtratrabaho.

I need to work hard just to prove myself to Mommy. Gusto kong patunayan na hindi ang pagkakamali ko ang magpapabagsak sa'kin. Hangga't kaya kong patunayan na biktima lamang ako, gagawin ko. Sa katunayan, nahulog ako sa patibong ng iba. Hindi ko inakala na 'yong babaeng kasama ko sa gabing 'yon ay hindi ang fiancee ko.

"Sir, proceed na po kayo sa kabilang room, kayo na lang po kasi ang hinihintay bago magsimula 'yong meeting," usal ng sekretarya ko kaya sumunod naman ako kaagad.

Inayos ko muna ang sarili ko bago pumunta sa naturang opisina. May mahalaga kaming pag-uusapan dahil napapansin ko na naman na bumaba ang sale ng kompanya ngayong buwan. At kagaya ng sinabi ni Laira, ako na lang ang hinihintay nila bago magsimula 'yong meeting. Lahat ng pagod at stress na nararamdaman ko nalusaw noong makita ang babaeng sabik na sabik kong yakapin.

Hindi ako makafocus sa pakikinig dahil hinihigop ni Michelle ang buong atensyon ko, my ex-fiancee. She was the girl who's going to be my bride but sadly, the wedding was canceled because of the scandal video that I involved to. Ilang buwan na syang nakipaghiwalay sa akin. At alam kong hanggang ngayon galit pa rin sya sa akin.

I really missed everything about her. Lahat ng trato at hobby namin ay namimiss ko. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang makasalanang gabi na 'yon. Naudlot ang kasal na pinaghandaan at pinagplanuhan namin ng matagal. Minabuti nyang makipaghiwalay sa akin dahil hindi nya matanggap na nagawa ko syang pagtaksilan. Pero, may isang tao na makakapagpatunay sa lahat na inosente ako, na hindi ko ginusto ang nangyari. I need to find Febe, ang taong naging dahilan bakit ako napunta sa kwarto na 'yon.

"Any comment, Mr. Luhan?" Nabalik ako sa reyalidad noong tawagin ako ng isang kasapi ng board member na katatapos lamang iprisinta sa amin ang kanyang presentation. Aaminin kong wala akong naintindihan sa mga sinabi nya dahil abala ako sa pagtitig kay Michelle.

"Nice idea, I like it," usal ko na lamang noong mapansin na lahat ng kanilang tingin ay nasa akin maliban kay Michelle na abalang nagpipindot sa kanyang selpon.

"Great, Sir." Pagpapatuloy pa nito. "Your turn, Miss Michelle," tumayo naman kaagad si Michelle pagkarinig ng kanyang pangalan. Marahan kong pinapanood ang bawat kilos nya. Kahit malakas ang kanyang boses noong nagpriprisinta na sya sa harap, nabingi pa rin ako sa tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ko namalayan na natapos na sya't nagsipalakpakan ang mga tao rito sa opisina na kasama ko. Kaliwa't kanan ang komento na pero hindi ko nagawang sumabat dahil wala akong masabi.

Pagkatapos ng meeting ay isa-isa na kaming lumabas ng opisina. Sinadya kong habulin si Michelle dahil nais ko syang makausap. Mabuti na lamang at naabutan ko sya't hinawakan ang kanyang braso.

"Mich, can we talk for a while?" Ani ko sa kanya. Blangkong tingin ang tinapon nya sa akin dahilan para mabitawan ko ang braso nyang hawak ko. "Para saan pa? Uulitin mo na naman bang sabihin sa akin na hindi mo 'yon ginusto? Psh! Luhan, tama na, tumigil ka na. Kailanman hindi na ako maniniwala sa'yo. Tsaka, pwede ba, magmoveon ka na. Apat na taon na ang nakakalipas hanggang ngayon habol ka pa rin ng habol sa akin."

"I need you, " pagmamakaawa ko sa kanya.

"I don't care." Pagmamatigas nya.

"Please come back to me now. I promise, I won't hurt you anymore."

Umiling sya. "I'm sorry but I don't trust you anymore, Luhan." Wika nya't tinalikuran ako.

Naiwan akong nanlulumo dahil ilang beses na akong naghahabol sa kanya, wala pa rin akong napapala. Minsan nawawalan na ako ng pag-asa pero tinutuloy ko pa rin. Mahal ko pa rin sya at handa akong gawin lahat para bumalik sya.

Naging matamlay na ako hanggang sa pag-uwi. Humiga na ako kaagad sa kama at inisip ang mga alaala na kasama ko pa si Michelle. Hindi namin inaasahan na hahantong lamang sa ganito ang walong taon naming relasyon. Ni isang paliwanag ko ay hindi nya pinakinggan. Para sa kanya, masama ako, na ginusto ko ang nangyari kahit ang totoo ay hindi.

Around 4 in the afternoon ko na natapos ang mga pipirmahan kong papeles. Binalak ko talagang umuwi ng maaga dahil gusto ko ng matulog. Kaya naman, inayos ko na ang mesa ko't inilagay sa maayos na lalagyan ang mga ballpen na ginamit ko. Inunat ko ang aking mga braso dahil naramdaman kong nangalay iyon. Napakahaplos rin ako sa aking batok dahil may naramdaman akong kirot doon.

Lumabas na ako ng opisina ko't kaagad akong sinalubong ng bodyguard ko na mukhang kararating lang din. Sinadya kong dumaan sa mga department para tignan kung nagtratrabaho ba ng mabuti ang mga empleyado ko. At hindi naman ako nagkamali, they're doing their job well. Nakatutok lahat sila sa kanya-kanya nilang trabaho. Talagang nakikipagtulungan sila sa amin na mapataas ang sale ng kompanya.

Nawala ang konsentrasyon ko noong may kumalabit sa tuhod ko. Hindi ako nagkakamali na maliit na tao 'yon, ibig kong sabihin ay bata. At tama nga ako ng hinala, isang batang babae ang nasa harapan ko ngayon. Titig na titig ito sa akin na animo'y magkakilala kaming dalawa. May hawak itong laruan at nakaangat ang tingin sa akin dahil may katangkaran ako.

"Papa.." Usal ng batang babae. Kinilabutan ako sa sinabi nito dahilan para magsalubong ang dalawa kong kilay. Dahilanrin 'yon para mapatingin ang mga empleyado na nakapwesto malapit sa gawi namin.

Sino ang batang 'to? Anong koneksyon nito sa akin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status