Beranda / Romance / Unveiling Mr. CEO's Daughter / Kabanata 112: Zymon's Decision

Share

Kabanata 112: Zymon's Decision

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-02 22:13:47
HINDI mapakali si Monica habang lulan siya ng sariling sasakyan patungo sa restaurant na sinabi ni Zymon na lugar kung saan sila magkikita. Kanina pang gumagana ang utak niya sa mga posibilidad na sasabihin ng binata sa kaniya. No'ng una'y nagdalawang-isip siyang pumunta dahil baka mas magulo at maging komplikado pa ang sitwasyon dahil doon. Baka mas lalo lang magalit sa kaniya ang ina ni Zymon. Kilala niya ang pamilya Coreal, maipluwensiya silang pamilya at alam niyang sa isang sabi lang nito, mapapabagsak nito ang negosyo niya. Kayang-kaya nitong sirain ang lahat sa kaniya.

Pero dahil sa lakas ng loob na binibigay sa kaniya ng pag-asa at pagmamahal niya kay Zymon, napagdesisyunan niyang makipagkita sa binata. Hindi na siya dapat maging duwag at matutong harapin ang pagsubok sa harap niya. Kung ano man ang sasabihin ni Zymon sa kaniya, tatanggapin niya iyon, ang mahalaga magkita sila at mag-usap.

Ramdam niya ang kaba at ang mabilis ng kabog ng dibdib niya pero nilalabanan niya iyon
Totoy

Sobrang salamat po, Readers sa suporta ninyo sa story na ito. Mahal ko po kayo! Sana po huwag kayong bibitaw sa nalalapit na pagtatapos ng kwento nu Monica at Zymon. Ma-appreciate ko rin po ang feedback/Comment po ninyo about sa story para po alam ko kung nagustuhan niyo po. salamat po!. Advance Merry Christmas and Happy New Year po sa inyong lahat. God bless!

| 1
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
yeheh sa wakas ipaglalaban nila Zymon at Monica Ang pagmamahalan nila
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
OMG! this is it..go ipaglaban nyo ang isa't isa Zymon at Monica..naku mukhang anjan c Ronie dahil kay Shy at sya ata ama ng dinadala ni Shy
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
slamat nman at nakapgdisisyon narin si zymon,,go lang kayong dalawa ipaglaban nyo ang pgmamahalan nyo...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Hot Special Chapter

    "THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 123: Finale

    SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 122: Paglaya

    DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 121: Bistado!

    AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 120: Unveiling

    "ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 119: Pain

    MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status