Kagaya ng plano ni Jewel ay maaga siyang nagising para ipaghanda ng almusal ang asawa. Inayos niya na ang hapagkainan at nagtimpla na rin ito ng kape dahil alam niyang maya maya ay bababa na ang kanyang asawa.
At hindi nga siya nagkamali ng mapansin niya itong naglalakad papunta sa pwesto niya. "Goodmorning, Thunder. Naghanda ng ako ng almusal at tinimpla ko na rin ang kape mo." nakangiting turan nito
Hindi man lang siya pinansin nito at agad na umupo sa lamesa. Habang kumakain ito ay napansin ng binata na nakatitig sa kanya si Jewel. "Anong tinitingin tingin mo riyan? Wala kang planong kumain?" bakas sa boses niya ang pagkairita
Agad naman bumalik sa wisyo si Jewel ng marinig ang sinabi ng asawa. "Ah wala wala, huwag mo na lang akong pansinin. Kumain kana lang diyan tapos na kasi ako." aniya
Napailing na lang ang binata at nagpatuloy sa pagkain. Hindi din nagtagal ay natapos na din ito sa pagkain at agad din itong tumayo at binitbit ang kanyang kape at nagtungo sa sala.
Hindi naman mawala wala ang ngiti sa labi ni Jewel ng makaalis si Thunder. Masaya siya dahil hindi man lang sila nag away o nagsigawan ngayong araw. Agad niyang iniligpit ang pinagkainan nito at hinugasan.
Nang matapos na nito ang lahat ng mga gawain niya ay mabilis itong nagtungo sa kanyang kwarto para maligo at mag ayos. Alas onse sila aalis, 'yon ang sinabi ng kanyang asawa kanina bago ito tuluyang umakyat.
Inabot ng isang oras si Jewel sa pag aayos ng kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit kabado siya samantalang sanay na naman siyang nakakasama ang pamilya ng asawa. Maya maya pa ay narinig niya ang katok ng asawa. "Are you done? We need to go." tanong nito sa labas ng pintuan
"Ahm oo tapos na. Lalabas na ako, hintay lang." sagot naman nito
"Hurry up! Ayokong malate." rinig niyang sabi nito bago tuluyang umalis sa pintuan ng kwarto.
Agad niya namang kinuha ang maliit na sling bag nito at nagmadaling sumunod sa asawa.
Habang nasa sasakyan sila ay walang ni isa sa kanilang dalawa ang nagsalita. Nakafocus lang si Thunder sa pagmamaneho samantalang si Jewel naman ay nakatingin lang sa dinaraanan nila habang nag iisip isip ng mga bagay.
"What are you thinking?" biglang tanong ni Thunder na ikinagulat niya
"Kamusta si Dark?" tanong nito
Bigla namang kumunot ang noo ni Thunder dahil sa tinanong ng asawa.
"Bakit mo tinatanong?" seryosong turan nito
"Wala naman, napasok lang sa isipan ko no'ng maalala ko ang bestfriend ko." ani nito.
Nakita niyang nawala ang pagkakunot ng noo ng asawa. "He's in pain Jewel, he's broken inside and outside."
"I think he deserve it! After what he did to Calliyah? He's an asshole!" inis na turan ni Jewel
Natawa naman si Thunder dahilan para mapatingin si Jewel sa kanya. May nakakatuwa ba sa sinabi ko?" tanong niya.
"Silly, stop being judgemental. Dark has a reason why he did that." pagtatanggol ng binata sa kaibigan.
Napairap na lang siya at hindi na nagsalita pa.
Hindi din nagtagal ay nakarating na sila sa restaurant kung saan sila maglulunch. Pagpasok nila ay nadatnan na nila ang mga magulang ni Thunder, si tita Celestine at ang anak nitong si Red. Binati lang nila ang mga ito at umupo na sa bakanteng upuan na nakalaan para sa kanila.
"How are you couple?" biglang tanong ni Red sabay tingin kay Thunder na parang nang aasar.
"We're okay." tipid na sagot naman ni Thunder, hindi pa rin mawala ang mapang asar na ngiti ni Red dito.
Nang tiningnan niya ang asawa ay napansin niyang madilim ang mukha nito na parang nagpipigil na patulan ang pang aasar ng pinsan.
Habang naghihintay sila ng kanilang order ay biglang magsalita ang tita Celestine nito. "Kailan niyo balak bigyan ng apo itong mommy at daddy mo Thunder? Alam mo naman sabik na ito sa bata dahil nag asawa kana at wala ka namang kapatid."
"Hay naku Celestine 'yan din ang tinatanong ko sa kanilang dalawa. Isang taon na silang kasal pero hindi pa rin sila nakakabuo." sabat ng ina nito
Napansin naman ng Jewel ang mahinang pagtawa ni Red at pagkuyom ng kamao ni Thunder habang nakatingin ito sa binata.
"Tita hayaan niyo na muna sila, baka hindi pa lang talaga silang handa o baka malay niyo hindi pa nila ginawa ang bagay na 'yon." biglang singit ni Red habang nakangiting nang iinis.
Agad naman bumaling ang ginang sa anak nitong si Thunder. "Totoo ba ang sinabi ni Red anak? Bakit ba wala pa rin? Isang taon na kayo dapat may apo na kami."
Mas lalong tumalim ang tingin ni Thunder sa pinsang si Red. Mahahalata mo kasing nang aasar ito.
Pero ito namang si Red ay parang balewala lang sa kanya ang pinapataw na masamang tingin ni Thunder bagkus ay mas lalo pa itong ngumisi.
"Mom, don't be in hurry! Maghintay lang kayo at magkakaroon rin kayo ng apo. Diba babe?" saad ni Thunder sabay baling sa kanyang asawa.
Hinawakan pa nito ang kanyang kamay at hinalikan.
Hindi maipagkakaila ang kilig at saya na nararamdaman ngayon ni Jewel dahil sa inaakto ng kanyang asawa.
Hindi na natuloy ang pinag uusapan nila ng dumating na ang order nilang pagkain.
Habang kumakain si Thunder ay hindi niya maiwasang maalala ang pinag usapan nila ni Red no'ng tumawag ito sa kanya.
FLASHBACK
"Paano ba yan dude, may lunch tayo bukas." sabi nito habang kausap niya
"Oh ano ngayong kung may lunch tayo?" tanong nito
"Wala naman, natanong ko lang. Alam mo na hindi naman kayo tulad ng normal na mag asawa. You know what I mean. Alam mo maganda at sexy si Jewel, kung hindi mo lang naging asawa iyon liligawan ko. " anas nito
Nag init naman ang ulo ni Thunder ng marinig ang sinabi ng pinsan nito. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit nakakaramdam siya ng galit pag sinasabihan ng gano'n ng ibang lalaki ang asawa niya.
"Damn you Asshole! Tigilan mo ang asawa ko." madiin na usal niya
Bigla namang natawa si Red. "Binibiro lang kita. Why are you acting like that? Ang alam ko galit ka sa asawa mo, tapos gumaganyan ka ngayon? Iba na 'yan! Kung ayaw mo pa lang mawala bakit mo sinasaktan? Hindi mo nakikita kung gaano kaganda at kabait ng asawa mo dahil galit ang pinapairal mo. Ikaw rin baka dumating na lang ang araw na bigla na lang siyang mawala sayo at makahanap ng iba. 'Yong lalaking mamahalin siya at ituturing na prinsesa hindi kagaya mo na walang ibang ginawa kung hindi ang saktan siya." mahaba at seryosong saad ng pinsan nito
"Alam mong galit ako sa kanya! I despise her for taking away my freedom and for exchange of it ay mananatili siya sa akin. Kung mapagod siya then be it. Mas pabor nga sa akin 'yon para tuluyan na siyang mawala sa buhay ko. Pero sa ngayon papahirapan ko muna siya at isa pa I will make her fall inlove with me, though alam kung mahal niya talaga ako pero gagawin ko ang lahat para mas lalo niya akong mahalin 'yong hindi na siya makakaahon sa nararamdaman niyang pagmamahal para mas lalo pa siyang masaktan pag iniwan ko siya." bulalas niya
Napailing na lang si Red dahil hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng pinsan. "I don't really get you, na kay Jewel naman na ang lahat ng hinahanap ng isang lalaki sa babae pero ikaw hindi mo iyon nakikita. Bahala kana nga! Baka lahat yang mga sinasabi mo bumalik sayo, ikaw rin. Bihira kana lang makakahanap ng tulad ng asawa mo, kung sa iba 'yan hindi na nila nanaising pakawalan pa ang isang babae na kagaya niya. Sana lang hindi mo pagsisihan yang mga kalokohan mo." seryosong anas ni Red
Jewel is mine! Mine alone! Hindi siya pwedeng maging masaya!
Ngayon ang araw ng libing nina Thunder at Jewel, limang araw lang ang ginawang burol dahil ayaw ng patagalin pa ng kanilang mga magulang at naiintidihan naman ng lahat 'yon dahil hindi madali mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung anak mo pa. Wala ng mas sasakit pa sa isang ina at ama na maglilibing ng sariling mga anak. Simula ng mamatay ang mag asawa ay nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanilang panganay na anak na si Storm, madalas na itong tahimik at nakikita na lang nilang umiiyak ito kapag nasa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa loob ng limang araw ay hindi umaalis si Storm sa kabaong ng dalawa, palagi siyang nakaupo do'n sa tabi at pinagmamasdan ang kanyang ama at ina na payapa ng natutulog. Alam ng mga kaibigan ng mag asawa na mahihirapan si Storm na tanggapin ang nangyari lalo na't malapit ito sa kanyang mga magulang, hindi tulad ng bunsong kapatid niyang si Kiara na bata pa at hindi pa alam kung ano ang nangyayari. At ngayon ay magkakasama na sila
Nang matapos na silang kumain ay inayos na ni Thunder ang kanilang mga gamit na dadalhin sa kotse. Hindi naman sila aalis papuntang ibang bansa kung hindi ay dito lang din sa Pilipinas sa isang resort kung saan iniregalo sa kanila ng mga magulang para magkaroon daw naman sila ng oras sa isa't isa. No'ng una ay ayaw pa nila itong tanggapin dahil hindi na naman nila kailangan 'yon dahil ilang beses na din naman silang umaalis na sila lang at minsan naman ay kasama ang kanilang mga anak pero mapilit lang ang mommy ni Jewel kaya sa huli ay pumayag na din sila. "Oh paano ba 'yan iiwan na muna kayo namin at baka pagbalik namin tatlo na kami." pagbibiro ni Thunder na ikinawa nilang lahat. Agad naman siyang hinampas ni Jewel. "Akala mo ang dali lang, ikaw kaya ang manganak para maranasan mo." Nagpaalam na sila sa mga magulang at mga kaibigan nila, ang huli ay sa anak nila. "Be a good boy Storm huwag kang pasaway sa lola at lolo mo okay? Minsan nandito n
It's been a year simula ng mabiyayaan ng bagong anak ang mag asawang Thunder at Jewe. Mas lalong naging masaya ang kanilang buhat ay kontento na silang pamilya kasama ang dalawang anak nila.Tatlong linggo na simula ng makabalik sila sa Pilipinas dahil nagtagal sila sa New York ng halos 11 months dahil gusto ni Thunder na maglaan ng oras sa kanyang pamilya at wala naman naging tutol do'n ang kanyang asawa.Laking pasasalamat nila dahil sa loob ng isang taon ay walang problema na dumating sa kanila o walang taong sumubok na sumira muli sa kanila, maliban na lang sa paminsan minsan na pagkakaroon nila ng tampuhan o away na normal naman sa isang mag asawa.At ngayon ay anibersaryo ng kanilang kasal pero hindi nila ito maiicelebrate ngayon dahil bukas pa sila aalis, binigyan kasi sila ng kanilang magulang ng isang regalo para magkaroon sila ng oras sa isa't isa. Gusto nga nilang isama ang kanilang dalawang anak perp pinipigilan naman sila ng mga kaibigan.
Dumating na ang araw ng kabuwanan ni Jewel kaya mas lalong tumutok dito si Thunder, halo halo ang nararamdaman niya ngayong dahil lalabas na ang anak niya sa mga araw ba ito kaya halos lahat ay excited. Nasa sofa si Thunder ngayon sa kakabasa ng mga dokumento sa ipinasa sa kanya ng sekretarya nito. Hindi na kasi siya pumapasok sa opisina dahil sa kanyang asawa.Habang nagbabasa siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing sa kanilang kwarto kaya mabilis siyang tumayo at tinungo ang ito dahil nando'n ang kanyang asawa.Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya ito makita kaya dumiretso siya sa banyo at nakitang niyang namimilipit ito sa sakit. "Whta happen hon?" tanong niya."M-manganganak na yata ako!" naiiyak na sadd nito,"What? As in now?" pagtatanong pa ni Thunder."Tangina mo talaga kahit kailan! Manganganak na nga ako kaya dalhin mo na ako sa hospital you idiot!" sigaw ni Jewel dito.Do'n lang yata natauhan si Thunder at mabilis na
Thunder POV Nagtagal pa kami ng halos isang linggo sa Baguio at katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko ay gusto niyang si Marga naman ang tulungan ngayon kaya ang ginawa namin nakaraang araw ay ipinapunta din namin dito ang kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala ang mga ito na muli nilang masisilayan ang kanilang anak na akala nila ay patay na. Napag usapan din nila na babalik na si Marga kasama sila at humingi din siya ng pabor na isama si Nanang sa kanila dahil wala na daw itong pamilya at hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na sumang ayon dahil malaki ang utang na loob nila kay Nanang sa pagkupkop sa kanilang anak. At kung tatanungin niyo kung ano na ang nangyari sa amin ni Jewel ay masasabi kung maayos na kami ulit kahit na madalas siyang nagsusunget o mainit ang ulo at naiintindihan ko naman 'yon dahil buntis siya. At ngayon ay nakaayos na ang gamit niya dahil ito na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Inilagay ko na sa kotse ang mga g
Thunder POVRamdam ko ang hinanakit nga asawa ko sa bawat salitang binibitawan niya, pero mas okay na 'yon para mailabas niya lahat ng saloobin niya sa akin. Masaya ako na sa wakas ay pumayag na siyang makapag usap kami sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na kami ng tuluyan."Oh bakit natahimik ka? Iniinis mo ako!" wika niya at sabay na inirapan ako.Hindi ko talaga maintindihan itong asawa ko ngayon pabago bago ng ugali. Hindi ko nakikita sa kanya ang dating Jewel at nakikita ko ngayon ay isang matapang at palaban na babae."Wala naman na kasi akong sasabihi, napaliwanag ko na ang lahat sa'yo.""Oh bakit parang kasalanan ko pa ngayon?"Napailing na lang ako, kailangan ko ng mahabang pasensiya."Oh anong nangyari pagkatapos? Nasaan na ang babae mo?" dagdag niya pa.Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong babae ang pinagsasabi mo? Kung meron man akong baabe ay ikaw lang 'yon! At kung tinatanong mo si Jhazzy ay hi