Share

Chapter 5

“What shall we do?” halatang bagot na siya sa ginagawa naming pagtigil dito. Iniintay ko lamang ang sasabihin niya.

“Tara, mag-swimming na lang tayo or magpamasahe. My treat. Dun tayo sa kabilang resort. Hindi pa nman kasi fully developed itong Ava’s. Mga isang baranggay pa mula dito. Pack some clothes and toiletries.” Akala mo si Flash ang lalaking ito kung makapag-utos sa akin.

“Sir..” Sabi ko.

“Yes? This is required so tara na!” pamimilit niya.

“Let’s go!” Bigla nitong hinaltak ang braso ko. Bumalik kami sa tinutuluyan namin at kumuha ng ilang gamit. Hanggang gabi daw kami dun since badtrip siya kay Ino. Sinuot ko ang isang kulay teal na swimsuit na dala ko at pinatungan  ito ng oversized V-neck white shirt, pinaresan ko din ito nung maong na shorts at nagsuot ako ng kulay teal din na flip flops. Lumabas na ako ng kwarto at nabulaga ako kay Sir Dio.

Nakasuot siya ng shades, fitted white tshirt at taslan shorts. Napalunok ako nung mapansin ko ang ibabang bahagi ni Sir Dio, hindi ako manyakis ah, masyadong takaw pansin lang kasi nakabukol ito. Parang uminit ang batok ko. Diyos ko po! Patawarin ninyo ako!

Tumungo na kami sa elevator at nagpunta sa parking area. Napansin ko ang mga titig ni Sir sa legs ko, parang namula ako at nahihiya. Nakakailang dahil baka kung anong nai-comment noya sa legs ko.

“H-hop in.” parang nauutal si Sir. Naupo ako sa driver’s seat dahil wala akong choice kundi doon maupo. Akmang hahawakan na ni Sir ang kambyo nang matigilan siya. Tumingin siya sa suot ko, at parang nag-init ang mukha ko nang marealize kong kita pala ang cleavage ko. Tinakpan ko ang sarili ko ng bag ko at dumiretso naman siya ng tingin sa unahan.

Tahimik ang buong biyahe naming dalawa ni Sir Dio, saglit lang din naman ito dahil hindi rin naman kalayuan ang resorts pinuntahan namin.

“Alright, let’s enjoy this day. Ayaw ko na isipin yung kabadtripan kanina.” Nakangit siyang humarap sa akin.

Nag-check in kami. He decided na kumuha na lamang ng isang room dahil aalis din naman kami ng hapon, para lang naman sa security ng gamit ng room. May isang toilet and bath ang kwartong nakuha namin. Mayroon din itong mini kitchen, may mini refrigerator at microwave. Full height ang mga bintana nito at natatakpan lamang ng mga blinds. Kitang kita mula sa kwarto ang view ng dagat na mas nakakapag paganda nito sa pakiramdam. Naupo ako sa double bed na sobrang linis ang dating dahil sa putting bedsheet na nakatakip dito.

“Take note all the features you see here. Mas papagandahin natin ang features ng Ava's. Okay?” seryosong sabi ni Sir Dio.

“Yes sir.” ibinababa ko ang gamit ko sa kama at itinabi ito samantalang si Sir Dio ay  ipinasok ang kaniyang gamit sa wardrobe cabinet na katabi ng kama.   

Kinuhanan ko ng litrato ang room namin para may files ako. Kailangan kasi ng malupitang interior ng Ava's para mas maging homey ito. Wala pa kasing final na interior design ang mga rooms ng resort kaya palagi akong naghahanap ng mga interior designers.

“Let’s go. Gusto ko mag-sun bathing.” banggit niya habang nagpa-pahid ng sunblock lotion. Nagtungo kami malapit sa tabing dagat at doon siya pumwesto at nahiga sa mga benches na nakahilera doon.

Bigla itong naghubad ng shirt na ikinagulat ko. Mapapa-wow ka talaga kasi wala man siyang 6-packs na abs ay alam mong toned ang mga muscles niya sa braso at sa d****b. Ngumisi ito.

“Enjoying the view? I bet mas maganda katawan ko kesa kay Tam.” sabi niya at inalis ang shades.

“Join me. Dito ka oh.” sabay tapik niya sa katabing bench.

“Sir, maglalakad-lakad muna ako.” sabi ko naman akmang maglalakad na ako nang hawakan niya ang braso ko.

“Ang KJ mo no, tayong dalawa na nga lang magkasama, iinjanin mo pa ako. Tara dun!” parang bata itong kasama ko. Naglakad kaming dalawa papunta malapit sa dagat. May isang mag-asawang medyo may edad na ang lumapit sa amin.

“Bagong kasal ba kayo, iho?” tanong ng matandang lalaki. Naka-shades ito kung kaya hindi mo makita ang emosyon nito, ngumiti si Sir Dio ng malaki at..

“Ah, opo La. Ang sungit lang kasi nitong si Misis eh. Nagpapahid ako ng sunblock eh, ayaw po.” Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, ngumiti na lamang ako ng tipid sa matanda para di mahalatang nagulat ako sa binabanat nitong boss ko. Nabibingi ako at hindi ko na naririnig ang mga kwentuhan nila.

“Sige po hihilutin ko likod ng asawa ko mamayang gabi. ingat po kayo!” nag-wave si Sir Dios a mag-asawa.

 Nahiga siya sa buhangin. Tinaas nito ang mga braso at ito ang nagsilbing unan niya habang nakahiga. Naupo lamang ako sa tabi niya. Nilalaro ko lang ang buhangin sa mga paa ko.

“Pangit ba katawan mo, Aia?” out of the blue niyang tanong.

“Nasa beach tayo, wala sa bahay para hindi magwim suit. “Take that shirt off. Anong sense na ako lang ang masusunog dito? irritable niyang sabi.

“Lahat halos dito walang suot.” dugtong pa niya.

Nakakairita tong lalaking ito, napakaingay niya mula umaga hanggang ngayon. Di ko talaga maisip bakit siyang ang pumalit kay Madam E dati. Bagito pa naman ito pero aaminin ko naman, iba ang karisma niya sa kliyente. 

Hinubad ko ang shirt ko at nag-simulang pahiran ng sunblock ang katawan ko. Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Sir Dio, sobrang hirap naman kasi magpahid ng sunblock sa likod.

“Dapa.” maikli niyang sabi nang agawin niya ang sunblock. Dumapa ako at sinimulan niyang ilapat ang palad niya sa likod ko pababa ng bewang. Napaliyad ako nung naramdamang kong malapit sa balakang ko.

“Napakalakas ng kiliti mo. Akala ko naubos na yan ni Tam yan. Nagtira pa pala siya.” hinagis niya ang bote ng sunblock. Natahimik ako at parang maiiyak dahil naoffend ako sa sinabi ni Sir Dio. Ibang klase magbitaw ng punch line si Sir, sobrang sakit.

“Tara na sa dagat! Langoy na langoy na ako.” hinatak na naman niya ako sumisid siya sa dagat, pero dito lamang sa mababaw na parte. Nagtatampisaw ako nang basain ako ni Sir.

“Ang daya mo! Maligo ka dito!” Tawa siya ng tawa.

“Hindi ka ba marunong lumangoy?” Lumapit ito sa akin. Umiling ako.

“Hahawakan ko kamay mo,dito lang naman tayo sa mababaw.” Ginabayan niya ako at ito ako parang batang sabik sa dagat. Namiss ko tuloy ang papa ko. Tandang tanda ko dati dinadala niya kami nila Mama sa beach.

Mag-a-alas dose na ng tanghali ng naisipang umahon ni Sir, well done tuloy ang kulay niya. Pero, infairness ha, bagay sa kanya. Nagpunta kami sa malapit na restaurant at kumain ng lunch.

“Kumain ka nga. Napakatipid mo. Birthday ko ngayon, kaya libre kita.” sabi niya habang naghihiwa ng karne.

“Happy birthday, Sir.” bati ko sa kaniya.

“Thanks, regalo ko ha? Joke lang. Hindi ko birthday.” tumatawa siya habang kumakain.

Nawiwirduhan ako sa lalaking to. Ang unpredictable, ngayon ito siya sa sofa ng kwarto at tulog. Jusko ha, akala ko naman swimming galore ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status