Home / Romance / Valentina: The Unwanted Wife / Chapter Sixteen- Powerpuff Girl

Share

Chapter Sixteen- Powerpuff Girl

last update Last Updated: 2025-10-04 14:22:00

"Ano Uuwi ka na ba?" tanong sa akin ni Solomon na halata ang pagkadisgusto sa boses nito.

"Ayoko pa."

"Good answer. Pero baka magalit ang asawa mo sa'yo."

"Asawa ko lang siya sa mata ng tao." sagot ko naman at hinatak ito pabalik sa pila. May bigla kasing pumila baka maunahan pa kami.

"Nakakainis ka naman e. Bakit ka kasi umalis sa pila naunahan tuloy tayo." nakasimangot kong wika kay Solomon.

"I don't care. Ang mas inaalala ko ngayon ay ikaw. Baka mamaya saktan ka ni Aekim dahil sa hindi mo pagsunod sa kaniya."

"Araw-gabi na niya akong sinasaktan dahil sa pananatili niya kay Leona kaya sanay na ako." sagot ko kay Solomon na nakasimangot pa rin.

"Ayusin mo nga ang mukha mo. Mukha ka ng pufferfish." biro nito sa akin.

"Pufferpuff girl kamo.” ganting biro ko dito.

"Anong pufferpuff girl?" kunot ang noo na tanong nito sa akin.

"Pufferpuff girl. Iyong tatlong babae na kulay pink, green a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Twenty-Five- Level-Up

    Halos lalabas ang dalawang eyeballs ko ng makita ko si Nana at Mama. Naka-video call pala sila. At talagang ipapahamak pa ako ni Aekim sa Lola at Mama niya. Makasarili talaga. Nagngingitngit na sinipa ko ang paa ni Aekim sa ilalim ng mesa habang ito naman ay nage-enjoy sa sitwasyon ko ngayon. "O, ano na? Tell them." pang-aasar nito sa akin. Pinanlakihan ko ng mga mata si Aekim na may kasamang pagbabanta ngunit ang siraulo ay sobrang nage-enjoy. Mas lalo akong pinipikon. "Hi, Val." bati sa akin ni Mama habang si Nana naman ay nakapikit pero nakangiti."Hello po sa dalawang nagagandahang dilag." nakangiti kong bati sa kanila pero 'yong kanang paa ko ay sumisipa kay Aekim. Muntik pa nitong mabitawan ang cellphone nito dahil sa nagulat ito sa pagsipa ko sa kaniya. "Serves right." wika ko sa utak ko at inirapan ito ng patago. "We're fine, Hija. Mukhang inuuto mo kaming dalawa ni Mama, there's something wrong?" tanong ni Mama Lala sa akin. "None po, Ma. How are you and Nana?" nakangit

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Twenty-Four- Pinapalaya na Kita

    "Sino ang lalaking kasama mo no'ng lumayas ka?" seryoso na tanong nito. Ako naman ay tahimik lang at nilalaro ang isang hiwa ng beef sa bowl. Pinag-agawan namin ito kanina dahil masarap at pareho naming gusto. Pero dahil sa mga tanong nito biglang nawala ang gana ko. "Kaya ba malakas ang loob mo na makipaghiwalay sa akin dahil sa kaniya?" tanong ulit nito. Muli, hindi ko siya sinagot bagkus, sinubo ko lahat ng side dish para may rason na hindi ako makapagsalita. Naghihimagsik na ang pagkain sa loob nang bibig ng pinasiya kong itigil ang pagsubo. Ngayon na punong-puno na ang bibig ko p'wede na siyang magtanong nang magtanong. Tingnan natin.Tumingin ako sa mga mata ni Aekim, natatakot. Baka kasi pagalitan ako nang pagalitan, ngumit taliwas ito sa aking nakikita ngayon. Nakangiti si Aekim habang nakatingin sa akin. Taliwas ito sa inaasahan ko. He is smiling, looking at me with amusement in his eyes. This is a miracle talaga. Biglang sumaya ang puso ko ngunit agad din itong napalitan

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Twenty-Three- Dinner

    Hindi nga nag-back out sa usapan namin si Aekim. Sinamahan nga ako nito kanina pumunta ng palengke. Namili kami ng mga ingredients para sa lulutuin ko ngayong gabi. Yes, gabi. Imbes na tanghali ay naging gabi. Late na kasi ang almusal namin kanina at hindi na rin kami nakakain ng lunch dahil sa nilantakan naming dalawa ang bibili nitong ice cream na macha flavor. "Okay. What's next?" tanong sa akin ni Aekim na busy sa katitingin sa karne ng baka na minarinate ko. "Just watch and learn." sagot ko naman habang inuuna ko ang sauce sa pagawa. Dahil mina-marinate ko pa ang karne minabuti ko na lang na gawin ang sauce at ang dessert. "Looks good." puri ni Aekim sa akin habang natatakam sa ginagawa kong dessert. "Mamaya pa 'to, Mister." natatawa saway kay Aekim sabay tapik ng kamay nitong dumadampot ng mangga. "I can't wait." ingos nito na tila bata at may panguso pa. Mas maganda kung umalis

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Twenty Two- Breakfast in Bed

    Hindi ko sinagot si Aekim bagkus, tumayo ako at paika-ika na naglakad palapit sa likod nang pinto. Kinuha ko ang towel na nakasabit at dumiretso na sa banyo. Wala akong gana makipag-usap sa ngayon lalo na at masakit ang katawan ko. Pakiramdam ko lalagnatin ulit ako dahil kay Aekim. Nakakapanibago at mas nakatatakot.Una, inaalagaan niya ako. Pangalawa, biniro niya ako at tumawa pa ng malakas. Pangatlo, sinabi niyang maghiwalay na kami sabay tayo at lipat sa higaan nito na tumatawa. Anong hiwalay ang gusto niya? Sa higaan ba o sa totoong buhay?Natakot tuloy ako sa kaniya. Paano kung nabaliw na pala siya dahil sa dami ng problema nito sa trabaho? Tapos dumagdag pa ako. Paano pa kami makapaghiwalay nito? Mukha na nga siyang baliw kasi nananakit na siya. Hindi gawain ng matinong tao ang manakit. Kailangan ko na ba siya dalhin sa Psychiatrist? Magulo ang isip ko habang naliligo at hindi ko nga alam kung paano ako nakatapos. Hindi ko na din maalala kung nakapag-shampoo ba ako. Basta ang

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Twenty One- Ano, Maghiwalay na ba Tayo?

    Nang umalis si Aekim ay hindi na ako bumangon pa. Mas pinili ko nalang ang manatili sa higaan habang na umiiyak at nagpupunas ng mga luha. Sa dami ng mga nagsisulputan na katanungan sa aking isipan ay siyang dahilan kung bakit ako nagugutom at napapagod. Ngunit wala akong balak na kumain. Pagod ang utak ko, pagod ang katawan ko at nasasaktan ang puso ko. Nababaliw na ako. Mas okay pa nga kung nabaliw na lang ako para wala na akong iisipin pa. Wala na akong alalahanin na problema at wala ng Aekim na siyang dahilan ng lahat nang ito. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit nagmulat ulit dahil sa nakaramdam ako ng pagod dahil sa posisyon ko. Masakit din sa dibdib at sa balakang.Tumihaya ako kasabay ng pagpatong ko ng unan ko sa mukha ko. Dahil sa paglagay ko ng unan sa mukha ko hindi naman ako makahinga kaya tinanggal ko ito. Inis na tumagilid ako sa paghiga kasabay ng pagpalahaw ko sa pag-iyak dahil sa tila pinapahirapan ako ngayong araw. Alas siete na ng gabi, muli akong nagising dah

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Twenty- Maghiwalay na Tayo

    "I don't know what's on your mind, Aekim. Pero sana kapag galit ka sa akin galit lang. Walang lapatan ng kamay." sinisinok kong wika kay Aekim habang nakatalukbong pa rin ng kumot."It's my fault, and I shouldered it. I just want you to stay, but it's hard for you to stay." nahihirapan na wika nito. Ibinaba ko ang kumot hanggang sa aking dibdib  at tinignan si Aekim ng diretso sa mga mata."How? How can I stay here if Leona is here? I can't compete here, Aekim. She's perfect in your eyes, and I am just nothing to you." sagot ko sabay bangon at bumaba ng kama. "I know that I don't have the right to complain, but please consider my feelings. Just please." pagmamakaawa ko dito"I'll try. But Leona is my business partner. Hindi talaga maiiwasan na makasama ko siya.""Then, keep me away from her. Kahit kumuha pa kayo ng bahay na para sa inyong dalawa lang. Kahit magsama pa kayo bilang mag-asawa, I don't care. As long as wala siya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status