Umiiyak habang sinusulat lahat na gusto kong sabihin kay Aekim, pati na ang lihim na tinatago-tago ko. Apat na buwan ko din itong dinadala. This is the time na malaman na ito ni Aekim. Ngumiti ako nang pait habang sinusulat ito. Pahid ng luha, iyak at sulat. Pagkatapos kong magsulat ay tinupi ko ang papel sa tatlong tupi at inilapag lang ito doon. Hilam sa luha ang mga mata kong nakatitig sa papel at hindi ko mapigilan na hindi humagolgol."This is your last cry, Valentina." wika ko sa sarili ko at saka lumapit sa pinto. Binuksan ko ito nang bahagya at sumilip sa labas. Walang tao. Nawala si Aekim at Leona. Siguro nagpakaasaya na sila dahil nasaktan nila ako. Muling umagos ang aking mga luha dahil sa naisip ko na iyon. "Mga walanghiya kayo! Mga walang puso!" galit na wika ko habang tumatangis. Naglakad ako palabas nang kuwarto ng masalubong ko si Belinda. Wrong timing. Kung mamalasin ka nga naman. Malas na nga ako sa pag-ibig malas din ako sa makakasalubong. "¿Qué pasó, Señora?"
"YOU never fail to disappointment, Aekim. Thanks to you.” wika ko kay Aekim habang tinitingnan ito ng malamig. Gusto kong suntokin si Aekim at sabunutan ni Leona ang kaso hindi ko magawa. Hindi dahil sa takot ako sa kanila, kundi takot ako sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung buhay pa ba sila pagkatapos. Kaya nga iniiwasan ko magalit kasi nga bawal pumatay. Akala siguro nitong si Leona hindi ako nangangagat. Nagkamali siya, dahil kapag ako ang mag-umpisa ubos pati ang hininga niya. H“I can explain, Val.” si Aekim. Dalawang beses akong huminga nang malalim saka tiningnan si Leona nang masama. Her face disgusted me.Nagtitimpi na hinarap ko si Aekim at hindi ko pinansin pa si Leona kahit nagbubunganga ito habang nakatingin sa akin. Gusto ko na talaga siyang bigwasan kaso hindi ako pinanganak para manakit ng tao."Aekim, ano 'to?" blangko ang mukha kong tanong. Kita ko ang pagkagulat ni Aekim habang nakatingin sa akin. Nagulat din ito ng bigla na lang sumulpot si Leona. "Ayoko ng gu
"Ang bastos mo, Aekim!” "Sa'yo lang naman. Ikaw lang ang babastusin ko nang ganito." sagot nito."Sigurado ko ba?" galit kong tanong sa kaniya. Kung makasagot ito na ako lang, akala mo talagang ako lang. Kung hindi ko lang nakita at narinig noong gabi ng ikinasal kami. Tsk! Akala siguro ni Aekim maniwala ako sa kaniya. Hell no! Dahil kahit anong gawin ko, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang tagpong iyon. Kapag nakikita mo si Leona. Kapag naririnig ko si Leona na sinasambit ang pangalan ni Aekim, dinadala ako sa nangyari nang gabing iyon. Kahit ano pa ang gawin ko, boses nilang dalawa ang nag-e-echo sa utak ko. “Sigurado.” walang pag-alinlangan na sagot sa akin ni Aekim."Siraulo ka talaga!" nanggigil kong wika sabay pulot nang isang pares ng sapatos ko. Hinampas ko ito nang ubod lakas sa paa ni Aekim."Arayy!" malakas na sigaw nito nang dumapo sa paa ni Aekim ang sapatos. Napatalon-talon pa ito sa sakit. Deserve! Manyakis na sinungaling pa."Bakit ka naman nanakit, Hon?" tumatalo
"I miss you, Hon." wika sa akin ni Aekim sabay yakap nang mahigpit. Hahalik pa sana ito kaso umilag ako. Kumunot ang noo nito at napatingin sa akin diretso sa mga mata."Que?" "Nothing." sagot ko at nilagpasan siya. "There's any problem, Hon?" "None." matipid kong sagot. "Saan ka ba banda nag-park?""Seven steps away from us." sagot nito sabay turo sa itim nitong kotse na naka-parking."Okay. Let's go. I'm tired." ani ko at saka nagpatiunang maglakad. Kunot ang noo nitong nakasunod sa akin. Nagtangka din itong hawakan ang kamay ko. Ngunit umiiwas ako at nag-kunwaring makati ang ulo o kaya ang leeg ko."Hon, may kasalanan ba ako sa'yo?" tanong nito sa akin at inalalayan akong makapasok sa sa loob ng sasakyan."Hmm. Try mong mag-isip." sagot ko."Ha? Hindi kita ma-gets." wika nito at umupo sa tabi ko. Umupo nga si Aekim sa tabi ko at halos didikit na ito sa akin. Dahil wala ako sa mood hindi ko siya pinansin. Sa halip, pinikit ko ang aking mga mata. Sana ay idlip lang m, napunta s
Labag man sa loob ko pero wala na akong magagawa. Ayoko naman sumama ang loob ni Mama Lala sa akin. Kahit ayoko, pipilitin din naman ako ni Mama. Gusto niya na siya ang gagawa para sa akin, kaya sige, hahayaan na lang siya. Nahihiya nga sana ako pero okay lang, baka kung ano pa ang iisipin ni Mama. Ngunit hindi ako mapalagay, baka kung ano lang ang ilalagay ni Mama Lala na damit ko. Baka mamaya ang hindi ko gusto. Naranasan ko na kasi iyan dati. Anak ng patis talaga. Kapag naalala ko iyon parang ayaw ko nalang mag-isip. Ngunit hindi ko maiwasan na balikan ang araw na iyon.Gold anniversary ng Emperyo Melicio.Pinasuot ako ni Mama Lala ng damit na para akong lumpia sa sobrang sikip. Halos labas kaluluwa. First time kong mag-suot nang gano'n. Noong kinumpronta ko si Mama Lala, ang rason lang niya ay dahil si Aekim ang kasama ko. Para daw maakit ko si Aekim at para daw ako ang pinakamagandang babae sa party. Tsk. Ang labo nang rason diba? Noong gabi din na iyon, narinig ko mula kay
Natatawa ako habang nakatingin sa nakangusong si Aekim habang naglalakad palayo sa akin. Kailangan na niya kasing mag-check in. "Val!" tawag nito sa akin nang makapasok na siya sa loob ng airport."What?" sagot ko habang nakatingin sa dalawang guard na halos katabi lang nito. Nakakahiya at maririnig nila ang usapan namin."Sunod ka sa akin, ha. Hihintayin kita." "I'm not sure." sagot ko naman.Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Aekim ng sinabi ko na hindi ako sigurado. Totoong hindi ako sigurado dahil may negosyo din akong ayaw kong iwan. Ang Valkim Restaurant at Valkim Flower shop. Hindi alam ni Aekim na may negosyo ako dahil hindi ko naman ito sinasabi sa kanila. At isa pa, hindi naman interesado sa akin si Aekim. So, why need to tell him? Huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin."Hindi ba talaga ako importante sa'yo, Hon?" tanong nito na nagmamaktol."Sorts off." pabiro kung sagot sa kaniya.Tila isang bata ito ng nagpadyak ng mga paa bago tumalikod."Basta walang Leona