Mag-log inNang marinig ang sinabi ni Max, muling kumabog ang dibdib ni Aeris. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang ganoon siya kahalaga na inaalagaan siya nang tahimik at maingat. Tumingala siya sa lalaki, bahagyang bumuka ang kanyang labi na tila magsasalita pero muling isinara niya ito. Dahil nakaramdam siya ng pag-aalinlangan, si Max ang unang nagsalita, ang tono ay sadyang kaswal. "May buong hardin ng crabapple blossoms sa bahay. Kung gusto mo, pwede kitang dalhan araw-araw." Simula ng lumipat siya mula sa lumang tirahan, naiwan ang mga bulaklak sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Noong naninirahan pa siya don, siya mismo ang nag-aalaga sa mga ito hindi siya nagtitiwala sa iba. Ngayon, ang mga bulaklak na iyon ay namumukadkad pa rin ng maganda, ngunit wala lang siya don. Bahagyang ngumiti si Aeris. "Kung ganun… bakit hindi mo na lang ako dalhin doon minsan?" Sa sandaling lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig, natigilan siya. Bakit niya iyon sinabi? Ang pumunta
Sa litrato, maliwanag at matamis ang ngiti ni Aeris, habang ang mga mata ni Max ay tahimik na nakatitig sa kanya. Pinagmasdan niya ito nang sandali, halatang kuntento, saka pinindot ang save. Napansin ito ni Aeris at bukas-loob na nagsalita, “Bakit hindi na lang tayo kumuha ng ilang kuha pa na magkasama?”Hindi na siya naghihintay at kinuha niya ang telepono nito at kumuha ng ilang litrato nilang dalawa. Pagkatapos ay ibinalik niya ito. “I-send mo sa akin.” Hindi na niya ginalugad ang gallery nito dahil nirerespeto pa rin niya ang boundaries nilang dalawa, lalo na kay Max. Tumango si Max at ipinasa ang lahat ng litrato. Kasama na roon ang mga kaka-shoot lang nila. Binuksan ni Aeris ang mga ito at pinanood sa full screen. Hindi niya maikakaila na nakakagulat na magaling pala itong kumuha ng litrato.Pagkatapos, biglang nanigas ang kanyang ekspresyon. Sa mga litrato, may isang luma. Ang kanyang university graduation. Hawak niya ang isang malaking bouquet ng crabapple blossoms, nakangi
Tila nabasa ni Max ang iniisip ni Aeris. Isang mabagal na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Kung ganoon, magsimula tayo bilang magkaibigan.” Itinaas niya ang kanyang beer at bahagyang idinikit ito sa lata ni Aeris. “Para sa pagkakaibigan.” Iyon ang paraan niya para gumaan ang nararamdaman nito. Hindi naman sumagot si Aeris. Ngumiti lang ito at itinaas rin ang kanyang lata at uminom. Sa ilalim ng malawak na kalangitan, magkatabi silang naupo, inuubos ang isa't isang bote. Kalaunan ay hinubad ni Aeris ang kanyang sapatos at naglakad ng nakayapak sa buhangin. Medyo pasuray-suray na ang kanyang mga hakbang. Samantala tahimik naman na sumunod sa likod niya si Max, hindi ina-aalis ang tingin sa kanya. Tumalon-talon si Aeris sa dalampasigan, ang kanyang tawa ay dumadaloy sa hangin maliwanag, malaya, walang pigil. Nang marinig ang kanyang tawa, lalong lumalim ang ngiti sa mukha ni Max. Sa huli, napagod na siya. Nang hindi nag-iisip, ibinuka niya ang kanyang mga braso at humiga sa ma
Hindi mapigilan ni Max ang matawa matapos marinig ang mga sinabi ni Aeris. Ang pamilyang Jurial ay palaging naniniwala na hawak nila ang dalaga sa kanilang mga kamay. Sino ang mag-aakalang sa huli, si Aeris pala ang siyang nagpapatakbo ng lahat? Kung malalaman lang nila ang tunay na iniisip nito, siguradong nagngingitngit na sila sa galit.Tahimik na tumingin si Max sa kanya at isang bakas ng lambot, halos pagmamahal ang dumaan sa kanyang mga mata. Napansin naman iyon ni Aeris lalo sa titig kaya ibinaba nito ang kanyang tingin at uminom muli ng beer. Ang kanyang pananahimik ay tila isang pag-iwas. Hindi ito hinayaan ni Max. “Noong sinabi kong gusto kita,” panimula niya, ang boses ay nananatiling matatag, “Hindi iyon padalos-dalos, Aeris. Kung hindi mo ito matanggap, ayos lang pero huwag mo akong iwasan. Hindi ko kailanman binalak na bigyan ka ng pressure.” Sa wakas ay tinalakay na rin niya ng direkta ang kanyang pag-amin. Buong araw siyang naghintay ng sagot nito at ang katahimikan
Bago pa man makapagsalita si Aeris, na isuot na ni Max ang kanyang coat sa balikat nito. Yumuko ang lalaki at kalmado na pinindot ang bawat botones para kay Aeris. Napa-kurap-kurap na lang si Aeris, medyo tulala pa pero hinayaan na lang niya ito.Uminom ng beer si Max at bumaling sa kanya. “Anong nagtulak sa iyo para lumabas sa kalagitnaan ng gabi at patulan si Lucas?” Dahil hindi pa rin mawala ang kanyang kuryusidad.Napatawa ng mapakla si Aeris habang iniikot ang lata sa kanyang kamay. “Patuloy siyang nagpapakita sa harap ko, nakaharang sa daan ko. Anong masama kung turuan ko siya ng leksyon?” Matagal na niyang gustong patulan ang gagong iyon. Nitong mga nakaraang araw, masyado siyang naging abala sa pag-recruit at sa mga usapan ng kumpanya. Kung hindi lang nagpakita si Lucas ngayong gabi, baka hinayaan na lang niya ito. Pero bakit siya ang dapat magdusa sa mga kalokohan nito, habang ang lalaking ito na nagdadala ng gulo kay Mrs. Rowena at nakikipag-ugnayan kay Lorien, ay walang ba
Samantala si Max na ang nagmamaneho habang si Aeris naman ang nakaupo sa likuran at habang humaharurot sila sa dilim ng gabi ay hindi siya nagmamaneho ng mabilis, yong sakto lang. Siniko naman ni Aeris ang kanyang balikat, halatang hindi nasiyahan. “Max, bakit ang bagal mo magmaneho? Pigaan mo ang silinyador, paliparin mo ito!” Dahil kung hindi lang sa sitwasyong hirap kumilos, matagal na niya itong kinaladkad pababa at siya na ang nagmamaneho. Dahil sa kanyang pagpumilit ay sa wakas bumilis na rin ang pagpapatakbo ni Max. Parang palasong humarurot ang motorsiklo.Samantala nagulat naman si Aeris kaya nasubsob siya nang malakas sa likod nito. Instintibong pumulupot ang kanyang mga kamay sa baywang ng lalaki, humahawak ng mahigpit.“Aray…” halos maiyak siya dahil tumama ang ilong niya. Buti na lang at natural ang ilong niya, isip-isip niya dahil kung hindi, baka naging sakuna pa iyon. Habang nararamdaman pa ang hapdi, idinikit niya ang kanyang mukha sa likod nito at bahagyang ikinusk
Sobrang gulo na ang sitwasyon sa meeting room. Sa mga oras na binuksan ni Aeris ang pinto, agad niyang nakita si Daphne—nakatayo, puno ng kayabangan. “Ms. Aeris!” Si Sofia ang unang nakapansin at agad lumapit sa kanya. Dahil sa boses nito, biglang tumahimik ang mainit na pagtatalo. Ang mga emp
“Max, mula sa sinabi ko ang desisyong ito, wala akong balak umatras,” matatag na sabi ni Aeris. Hindi naman ito ang inaasahan ni Max. Dalawang beses na siyang nag-propose kay Aeris noon, at parehong beses ay tinanggihan siya nito nang walang pag-aalinlangan. Akala niya, ang pagsang-ayon nito nga
Totoong dumating talaga ang wedding dress kaninang madaling araw at si Lucas mismo ang tumanggap nito. Ang plano niya talaga ay ilagay muna ito sa dressing room at sunduin si Aeris mamaya para masukat. Pero sa katunayan, nagising si Daphne ng mismong ipinasok niya ang damit. Sa sandaling nakita ito
Kinabukasan ay nakatanggap si Aeris ng tawag mula sa wedding planning company. Tapos na ang kanyang custom-made na wedding dress. Dahil ang ibinigay niyang address ay ang Wood apartment, maagang idineretso ng mga staff ang gown doon kaninang umaga.Doon lang muling naalala ni Aeris ang tungkol sa d







