Share

Vengeance and temptation: married to my ex's enemy
Vengeance and temptation: married to my ex's enemy
Penulis: theveiledgloom

kabanata 1

Penulis: theveiledgloom
last update Tanggal publikasi: 2026-03-17 21:56:50

“Pumapayag na akong pakasalan ka.”

Sa harap ng Civil Affairs Bureau, sa opisina kung saan dapat sila magpakasal, nakatingin si Aeris sa nakasarang pinto habang tumatawag sa telepono.

Ngayong araw dapat sila magpapakasal ni lucas. Pero maghapon siyang naghintay—mula pa alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko y medya ng hapon. Nakakuha na siya ng mahigit sampung queue number, pero hindi sumipot si lucas.

Si lucas ang nag-aya na magpakasal sila, pero ito rin ang hindi sumipot. Pangatlong beses na nitong ginawa. Inis na tinapon ni Aeris ang huling queue number sa basura at tinawagan ang kakilala niyang may inalok sa kanya at ito ay si Max Aaron Vista Ledesma. Naalala niya noong unang beses na hiningi ni lucas ang kamay niya, nag-propose sa kanya si Max Aaron pero tumanggi siya. Noong pangalawang beses, tumanggi uli siya.

Hanggang kaninang umaga, nag-text uli si Max sa kanya para mag-propose. Ngayon, pumayag na siya. Kani-kanina lang kasi, may nakita siyang post sa social media na kilala niya o mas magandang sabihin na ang babaeng hindi makalimutan ni lucas. Sa litrato, makikitang maingat na nagbabalat ng mansanas si lucas para sa babae. At ang caption pa ay, “Basta kailangan ko siya, laging siyang nandiyan. Ang sarap talaga kapag paborito—ang kumpiyansa na binigay niya sa akin.”

Napangiti ng mapait si Aeris. Walang pag aalinlangan na ni-like pa niya ang post at nag Iwan pa talaga ng comment. “Bagay na bagay kayo. Sana magtagal kayo at maging masaya!”

Nagulat siya sa sarili ngunit huli na atsaka napansin niyang mas kalmado siya ngayon. Dati, agad niyang isi-screenshot ito at aawayin si lucas hanggang sa mag-walkout ito. Pero ngayon, wala na siyang lakas na magalit. Ayaw na talaga niya kay lucas, siguro dahil ilang ulit ng binaliwala ni Lucas ang nararamdaman niya.

Binalik siya sa reyalidad ng boses sa telepono.

“Nasa business trip ako. Babalik ako pagkalipas ng isang linggo. Kung gusto mo pa rin, hihintayin kita sa Civil Affairs Bureau ng alas-nuwebe ng umaga.”

Doon naintindihan ni Aeris kung bakit text lang ang ipinadala ni Max Aaron ngayon sa halip na puntahan siya. Isang linggo. Upang bigyan siya nito ng oras para pag-isipan ang nararamdaman niya at kung magbabago pa ba ang isip niya.

“Hihintayin kita,” mahinang sagot ni Aeris.

Pagbaba ng telepono, umuwi agad siya sa kanyang apartment. Noong nalaman ni lucas na doon siya nakatira, binili nito ang katabing unit at pinagsama ang dalawang apartment. Ang pangalan niya pa ang nilagay ni Lucas sa titulo nito sa apartment.

Habang nakatayo siya sa malawak na bahay, nakikita ni Aeris ang mga alaala nila sa bawat sulok. Mga litrato, mga gamit na magkapareho, pati ang ayos ng bahay ayon sa gusto ni lucas. Dati, masaya siya rito, pero ngayon, parang biro na lang ang lahat.

Sa loob ng ilang oras, tinipon ni Aeris ang lahat ng gamit ni luca at nilagay ang lahat sa storage room para itapon bukas. Dahil wala na ang mga gamit, tinawagan niya ang isang real estate agent para ibenta ang bahay.

Dahil nagpasya na siyang bumitaw, wala nang dahilan para itabi ang anumang mga bagay na magapapa-alala kay lucas.

“Oo. Kahit magkano pa ang presyo—basta mabenta agad,” matapang niyang sabi sa ahente.

“Anong bahay?”

Isang pamilyar na boses ang biglang narinig ni Aeris sa kanyang likuran, kaya napatigil siya.

Agad niyang pinatay ang tawag at humarap kay Lucas—ang lalaking buong araw na nawala at wala man lang text o tawag para magpaliwanag.

“May kaibigan lang na gustong magbenta ng bahay at nagpatulong,” balewala niyang sagot. Ngunit bago pa siya makatapos magsalita, napansin niya agad kung sino ang nasa likuran nito si Daphne, kaya nag-iba ang kanyang tingin naging matalim.

Hindi pinansin ni Lucas ang paliwanag ni Aeris. Sa halip, malamig itong nagsalita, “Bumalik ang depresyon ni Daphne. Kaya nag-aalala akong iwan siyang mag-isa, dinala ko muna siya rito para mag stay ng ilang araw. Pakilinisan naman ang guest room.”

Habang nagsasalita siya, kinakabahan na humawak si Daphne sa kamay ni Lucas at tumingin nang may hiya kay Aeris. “Mapagpanggap,” sa isip naman ni Aeris.

“Lucas… kung nakakaabala ako, huwag na lang. Mukhang hindi yata sang-ayon si Aeris.

Dahil sa malumanay na boses ni Daphne, agad napunta ang sisi kay Aeris kahit wala pa itong sinasabi. Parang maiiyak na si Daphne sa sama ng loob.

Dahil dito, nagagalit na agad si Lucas. “Aeris, sumosobra na ang ugali mo. Alam mong hindi mabuti ang kalagayan ni Daphne, pero nagsasalita ka parin ng masamang salita alam mong sobrang fragile niya ngayon.” sambit nito at huminga ng malalim, “At ngayon, ayaw mo pa siyang patutuluyin dito? Bakit naging ganyan ka kawalang-puna? Ayaw ko sa mga babaeng makitid ang utak.”

Dagdag pa nito, “Huwag mong kakalimutan, akin din ang bahay na ito. May karapatan akong magdesisyon kung sino ang titira rito. Ipinapaalam ko lang sayo—hindi ako nagpapaalam.”

Mula umpisa hanggang dulo, wala pang sinasabi si Aeris, pero siya na ang lumabas na masama. Muntik na siyang matawa sa sitwasyon. “Bahala ka,” maikli niyang sagot, walang pakialam. Hindi na kumibo si Aeris, at agad na tumalikod siya at umakyat sa itaas.

Mukhang nakalimutan na ni Lucas na sa pangalan ni Aeris nakarehistro ang bahay. Pero kung ipipilit talaga nito na patutuluyin si Daphne, wala nang saysay na makipagtalo.

Alam niyang hanggat nandyan si Daphne, hindi mapapansin ni Lucas ang nararamdaman niya. Gaya ngayon—hindi man lang nito ipaliwanag kung bakit hindi ito sumipot sa kasal nila. Mas aligaga pa ito sa pag aalaga kay Daphne. Baka nga nakalimutan na nito na dapat ay magpapakasal sila ngayong araw.

Nawalan na talaga ng pag-asa si Aeris. At buo na ang desisyon.

Pagpasok sa kwarto, naligo siya. Maya-maya, nakarinig siya ng mga boses sa kabilang kwarto at nalaman niyang ibinigay ni Lucas ang sarili nitong bedroom kay Daphne. Nakakapagtaka, pero wala siyang naramdaman. Kahit pa magkatabi ang dalawa sa pagtulog, parang wala na lang sa kanya. Dahil nagpasya na siyang bumitaw, ang mga bagay na dati ay hindi niya matanggap ay wala nang halaga ngayon. Talagang hindi na siya interesado.

Habang iniisip ito, dahan-dahang ipinikit ni Aeris ang kanyang mga mata. Paantok na siya nang maramdaman niyang may gumalaw sa tabi niya. Maya-maya, niyakap siya nito nang mahigpit. Nanigas ang buong katawan ni Aeris.

Niyakap siya ni Lucas mula sa likod at isinubsob pa ang mukha sa kanyang leeg. “Pasensya na. Hindi ko sinasadyang hindi sumipot kanina,” pabulong nitong sabi. “Masyadong malala kasi ang lagay ni Daphne. Kung nahuli ako nang dating, baka... namatay na siya.” paliwanag pa nito, “Aeris, ako na lang ang meron si Daphne. Hindi ko siya pwedeng iwan at hayaan nalang. Ipagpaliban nalang muna natin ang pagpaparehistro ng kasal. Gagawin natin kapag maayos na siya.” dagdag pa ni Lucas at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kay Aeris. “Bibigyan kita ng magarbong kasal pagkatapos. Habang nandito si Daphne, please, huwag mo na siyang pahirapan, okay? Alagaan mo na lang din siya, okay? Babawi ako sayo, promise.”

Nang marinig na naman niyang gustong ipagpaliban ni Lucas ang kanilang kasal dahil kay Daphne, ay wala siyang ibang nararamdaman kundi kalmado ngunit hindi rin maiwasang nakaramdam ng pait. Lahat na sinasabi ni Lucas ay tungkol lang kay Daphne. Kahit ang paghingi nito ng paumanhin ay para lang hindi niya apihin si Daphne.

Gusto magkunwari na tulog na si Aeris, pero nasusuka siya sa yakap nito. Kaya naman, dahan-dahan pero matatag niyang inalis ang mga kamay ni Lucas at tumalikod dito. “Wala na akong pakialam sa inyo ni Daphne,” mahinahon niyang sabi. “Anuman ang desisyon mo, sa iyo na iyon. Hindi mo na kailangan mag-report sa akin.”

“Aeris.” Nagbago agad ang boses ni Lucas, halatang naiinis na ito.

Para sa kanya, ang kawalang-pake ni Aeris ay galit lang na itinatago. Dati kasi, kapag usaping Daphne, laging sarkastiko si Aeris. Pakiramdam ni Lucas ay nagpapakumbaba na siya para humingi ng tawad, kaya para sa kanya, hindi na kailangan ang ganitong treatment ni Aeris.

Nararamdaman ni Aeris ang galit sa boses nito pero nanatili siyang nakatalikod at hindi sumagot. Dahil sa inis, biglang bumangon si Lucas at balak na sana siyang pagalitan. Pero bago pa siya makapagsalita, may isang tao na biglang pumasok sa pinto at mahigpit siyang niyakap mula sa likuran.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 13

    Pagpasok ni Aeris sa studio, mabilis siyang hinabol ng assistant niyang si Sofia. “Ms. Aeris,” nag-aalalang sabi ni Sofia, “Biglang gustong bawiin ng mga Jurial ang investment nila. Anong nangyayari?” Hindi lang pala ang kumpanya ng Montalban ang apektado, kundi pati ang studio na pagmamay-ari nilang dalawa ni Lucas. Inasahan na ito ni Aeris, pero ngayon na nangyayari na, hindi niya maiwasang malungkot. Alam ni Lucas kung gaano kapagod si Aeris sa studio na ito, pero nagawa pa rin niyang bawiin ang puhunan nang ganoon na lang. Kahit naisip na noon ni Aeris na sumuko na lang ay nanlata pa rin siya sa isipin na yon. “Hanapin mo ang kontrata natin sa Jurial. Pupunta ako sa kumpanya nila mamaya para makipag-usap,” utos ni Aeris sa assistant. Ayon sa kontrata, kung babawiin ng mga Jurial ang pera ng walang kinalaman sa problema ng studio, mapupunta sa studio ang buong pagmamay-ari ng nilalarong game. Ibig sabihin, dahil umayaw na ang Jurial company, malaya na silang maghanap ng bagon

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 12

    Paano nga ba hindi mapapansin ni Antonio ang lahat ng sakripisyo at sakit na tiniis ng anak para sa kompanya? Ngayon ay tanging awa at lungkot na lang ang nararamdaman niya para sa anak. Umiling agad si Aeris. “Hindi po ako dehado, Pa. Hindi ko lang po talaga mahal si Lucas. Alam kong mukha akong makasarili sa desisyon ko… pasensya na po kung naging matigas ang ulo ko.” At hindi na nga niya napigilan at agad na bumuhos ang lahat ng emosyong matagal na niyang kinikimkim sa harap ng kanyang ama. Namula agad ang kanyang mata at nagbabadya ang mga luha, pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang mga ito. Lalo namang nadurog ang puso ng kanyang ama na si Antonio sa nakikita sa anak. Nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang pinupunasan ang luha sa mga mata ni Aeris. “Anak, Aeris. Hindi matigas ang ulo mo. Kung ayaw mo na, hindi na natin itutuloy.” agad na lumapit ang ama niya at niyakap ng mahigpit ang anak sabay tapik sa likod nito. Sa totoo lang ay ang sarili niya ang kinakaawaan

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 11

    Bukod sa kanilang kumpanya, may pagmamay-ari ring game studio sina Aeris at Lucas. Sa ngayon ay hindi pa naman ito nadadamay sa gulo. Matapos makinig sa ulat ng kanyang assistant, napa-isip nang malalim si Aeris. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito; alam niyang mabubuwag din ang studio sa huli. Bago mangyari iyon, kailangan na niyang magdesisyon: itutuloy pa ba ito o susuko na nang tuluyan? May plano na siya sa kanyang isip. Pinakalma niya ang kanyang sarili at nagmamaneho papunta sa sanatorium. Doon nagpapagaling ang kanyang Ama na si Antonio mula nang ma-stroke ito at bahagyang maparalisa. Pagdating niya ay nasa labas ang kanyang ama kasama ang isang caregiver para magpahangin at magpa-araw. Naghihintay na lang muna siya sa loob ng kwarto nito. Pagkalipas ng sampung minuto, ibinalik na ng caregiver ang kanyang ama. Nakangiting bumati ang caregiver, "Ma’am Aeris, narito pala kayo. Inilabas ko lang po si Mr. Montalban sa garden para magpaaraw. Mukhang maganda ang mo

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 10

    Matapos makawala sa kontrol ng pamilyang Jurial at mabawi ang kanyang kalayaan, ayaw na ni Aeris na umasa pa ang pamilya niya sa ibang tao. Gusto niyang tumayo ang kanyang pamilya gamit ang sarili niyang mga paa. Bagaman hindi siya sigurado kung kaya ba niyang pasanin ang ganun kabigat na mga responsibilidad, ang mga nangyari sa kanila ni Lucas ay nagsilbing malupit na aral para sa kanya. Ang pag-asa sa iba ay walang katiyakan, sarili mo lang ang tunay mong maaasahan at kakampi. Dahil dito, magalang siyang tumanggi agad sa lalaki. "Huwag na, Mr. Ledesma. Kaya ko itong ayusin. Thanks for your concern.” Pagkatapos niyang magsalita, isang mahinang tawa ang narinig niya sa kabilang linya. “Sure. But still remember this, I'm here—you can call me anytime, anywhere.” sagot mula sa kabilang linya, tulad ng unang tawag ay malamig ang boses ngunit hindi naman ito galit. Kahit tumanggi na siya ay nag-iwan pa rin ng pangako si Max. Pagkaraan ng mahabang katahimikan, dahan-dahang sumagot si

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 9

    Pagdating ni Aeris sa kanyang kwarto ay nakatanggap agad siya ng mensahe mula sa kanyang ina na si Chinnie. “Aeris, magmatigas ka ba talaga ng ganyan? Talikuran mo ba talaga ang pamilyang Montalban, ang pamilya natin? Ilang henerasyon na ang nagdaan at pagsisikap ng papa mo— talaga bang hahayaan mong gumuho na lang ang pundasyon ng pamilya natin?” Kapag ginawa mo yan, paano namin haharapin ng Papa mo ang mga ninuno ng pamilyang Montalban kapag pumanaw na kami?” “Alam ko na nasasaktan ka sa nangyayari, si Daphne ang nakatatak at tinitibok sa puso ni Lucas. Hindi mo ba kayang tiisin?” “Maraming lalaki ang may ibang babae sa labas. Kung hindi mo makuha ang pag-ibig niya, ikaw na ang humawak sa pera. Hindi pa ba sapat iyon?” “Anak, Aeris. Nagmamakaawa ako sayo, ang papa mo ay nasa ospital pa din. Kung tuluyang gumuho ang pamilya natin, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin of ang buong pamilya.” Habang nakatingin sa screen ng cellphone na puno ng mensahe mula sa ina ay n

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 8

    Hanggang kailan ba magpakipot ang babaeng to? Ang totoo ay hindi talaga makapaniwala si Lucas na kayang-kaya siyang iwan ni Aeris. Pagkatapos ng lahat, mahal na mahal siya nito nang sobra alam niya yon. Tiningnan ni Aeris ang hindi mababasa na mukha ni Lucas at kalmadong sumagot, “Luma na ang mga iyon. Itinapon ko na ang lahat.” Isang pangungusap lang iyon, pero sapat na para mapakunot ang noo ni Lucas. Nararamdaman niyang may mas malalim pang kahulugan ang mga salita ni Aeris. Matapos titigan ni Lucas ng matagal si Aeris ay sa wakas nagtanong na ito, “Aeris, wala ka ba talagang gustong sabihin sa akin?” Hindi kasi siya naniniwala na mabubuhay ang pamilyang Montalban nang wala ang kanyang tulong pinansyal. Sigurado siyang babalik si Aeris para humingi ng tawad sa kanya. Napagpasyahan na niyang bigyan ito ng pagkakataon para makabawi. At higit pa sapat na dapat iyon. Pagkatapos mag salita ni Lucas, tumingin sa kanya si Aeris. Ang boses nito ay wala nang bakas ng anumang emosyon.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status