Share

Kabanata 7

Penulis: theveiledgloom
last update Tanggal publikasi: 2026-03-18 01:34:58

Ilang minuto lang ang nakalipas ng makaalis si Aeris mula sa ospital ng nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina na si Chinnie. Dahil sa galit niya ay hinayaan niya lang itong tumunog hanggang sa kusa itong maputol.

Pero wala yatang balak na huminto sa pagtawag ang Ina niya, dahil tumunog ulit iyon ng ilang ulit.

At dahil kilala niya ang ugali ng ina ay kung hindi niya iyon sasagutin ay hindi talaga ito titigil, sa huli ay sumuko siya at agad na sinagot ang tawag.

“Aeris, binawi na ng pamilyang Jurial ang kanilang investment at tapos na ang lahat ng kooperasyon sa pagitan ng mga pamilya natin. Masaya ka na ba?!” Galit na sigaw ng ina niya mula sa kabilang linya ng telepono.

Hindi pa rin maintindihan ni Chinnie kung bakit ang anak niyang si Aeris na napakahabang panahon na nagtitiis mula sa lahat ay biglang sumuko at nagmamatigas ngayon.

Nang marinig ang sinabi ng ina ay bahagyang na higpitan ang paghawak sa kanyang telepono. Sanay na siya sa hindi makatwirang pananalita at pambabastos nito. Matapos ang mahabang katahimikan, mahinang nagsalita si Aeris.

“Hayaan mo silang bawiin. Gagawa ako ng paraan para malutas ang problema ng kumpanya nang mag-isa—”

“Akala mo naman napakadali niyan!” Galit na pagputol ng ina. “Sa tingin mo ba ganun lang kadali ang tumalikod? Aeris, naisip mo ba kung anong mangyayari sa libu-libong tao sa ilalim ng M Group kung talagang bawiin ng pamilyang Jurial ang puhunan nila? Hindi ba silang lahat ay kailangang kumita para mabuhay?”

Dahil sa mga salitang binitawan ng ina ay napaisip nang malalim si Aeris. Nanatili siyang tahimik habang nakikinig sa walang tigil na panunumbat ng kanyang ina. Alam niya kung hindi mailalabas ng kanyang ina ang galit nito ngayon, hindi siya magkakaroon ng kapayapaan sa mga susunod na araw. Kaya naman, hinayaan niya lang si ito. Dahil kalaunan, mapapagod din ito at magsimulang umiyak na naman ng malakas sa kabilang linya.

Bumuntong-hininga ng mahina si Aeris bago magsalita. “Gagawa ako ng paraan para makahanap ng pera, Ma. Hanggang dito na muna tayo.”

Pagbaba ng tawag agad na nagtanong si Aeris tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng M Group. Nang malaman niyang totoong binawi na ng pamilyang Jurial ang investment at sinimulan na ang pagbuwag sa kanilang joint project, narealize ni Aeris na ginawa lang ito ni Lucas upang papiliin siya.

Ang lalaking dati niyang pinapangarap ay tuluyan nang kinalaban siya. Ang nararamdaman ni Aeris ay parang dinudurog ang kanyang puso. Nang kumalma na siya ay kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang real estate agent para itanong ang tungkol sa pagbebenta ng apartment. Sa kabutihang palad, lahat ng tumingin sa apartment ngayong araw ay mukhang interesado at nagpahayag ng intensyon na bilhin ito.

Gayunpaman ay may isa o dalawang tao na parang nag-aalinlangan pa rin. Sa mga natitirang potensyal na mamimili, basta masigurado ni Aeris na walang problema, maaari na siyang pumili ng buyer. Pagkatapos non ay kailangan na lang asikasuhin ang paglilipat ng titulo.

Nang marinig ang presyo na sinabi ng agent, bahagyang kumunot ang noo ni Aeris. “Hindi problema ang presyo. Gusto ko lang na mailipat agad ang pera sa account ko sa lalong madaling panahon.” Wala namang balak si Aeris na solohin ang lahat ng pera mula sa apartment. Bagama't nakapangalan sa kanya ang property, kalahati nito ay pag-aari ni Lucas. Kapag dumating na ang pera, balak niya na ilipat ang share nito sa lalaki.

Mabuti na lang at naintindihan agad ng agent at nagsimulang mag-asikaso at sinabing maghintay muna siya para sa susunod na balita. Pagkatapos ng tawag, naghanda na siya na bumalik sa kanyang apartment. Dahil plano na niyang ibenta ito, wala na siyang balak na manatili pa doon. Na-empake na niya ang lahat kagabi ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay kumuha ng moving company at tuluyan nang umalis.

Subalit, hindi niya inaasahang makasalubong si Lucas sa pagbalik niya sa apartment. Nagulat pa Aeris hindi ba dapat ay nasa ospital pa ito? Napatingin siya sa kanang kamay ni Lucas, kung saan hawak nito ang isang maliit na kulay rosas na maleta.

Habang si Lucas ay hindi rin inaasahan na makikita ulit si Aeris sa bahay nang wala pang isang oras ang nakalipas. Nagtagis ang kanyang bagang at malamig ang kanyang titig sa babaeng nasa harap niya. “Bakit ang luwag na ng bahay?” Sabi nito.

Dahil medyo nanghihina pa si Daphne ay kailangang manatili muna ito sa ospital para maobserbahan. Pagkatapos asikasuhin ni lucas ang pagpasok nito sa ospital, bumalik muna ito sa bahay para kumuha ng ilang gamit nito. Wala siyang napansing kakaiba kagabi. Pero ngayon na bumalik siya, nadiskubre niyang wala na ang mga litrato nila ni Aeris, pati na rin ang kanilang mga pinagsaluhan na mga gamit.

At nang maalala ang pagpumilit ni Aeris na makipaghiwalay lalong nag-alab ang galit ni Lucas na dati nang naiirita.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 13

    Pagpasok ni Aeris sa studio, mabilis siyang hinabol ng assistant niyang si Sofia. “Ms. Aeris,” nag-aalalang sabi ni Sofia, “Biglang gustong bawiin ng mga Jurial ang investment nila. Anong nangyayari?” Hindi lang pala ang kumpanya ng Montalban ang apektado, kundi pati ang studio na pagmamay-ari nilang dalawa ni Lucas. Inasahan na ito ni Aeris, pero ngayon na nangyayari na, hindi niya maiwasang malungkot. Alam ni Lucas kung gaano kapagod si Aeris sa studio na ito, pero nagawa pa rin niyang bawiin ang puhunan nang ganoon na lang. Kahit naisip na noon ni Aeris na sumuko na lang ay nanlata pa rin siya sa isipin na yon. “Hanapin mo ang kontrata natin sa Jurial. Pupunta ako sa kumpanya nila mamaya para makipag-usap,” utos ni Aeris sa assistant. Ayon sa kontrata, kung babawiin ng mga Jurial ang pera ng walang kinalaman sa problema ng studio, mapupunta sa studio ang buong pagmamay-ari ng nilalarong game. Ibig sabihin, dahil umayaw na ang Jurial company, malaya na silang maghanap ng bagon

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 12

    Paano nga ba hindi mapapansin ni Antonio ang lahat ng sakripisyo at sakit na tiniis ng anak para sa kompanya? Ngayon ay tanging awa at lungkot na lang ang nararamdaman niya para sa anak. Umiling agad si Aeris. “Hindi po ako dehado, Pa. Hindi ko lang po talaga mahal si Lucas. Alam kong mukha akong makasarili sa desisyon ko… pasensya na po kung naging matigas ang ulo ko.” At hindi na nga niya napigilan at agad na bumuhos ang lahat ng emosyong matagal na niyang kinikimkim sa harap ng kanyang ama. Namula agad ang kanyang mata at nagbabadya ang mga luha, pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang mga ito. Lalo namang nadurog ang puso ng kanyang ama na si Antonio sa nakikita sa anak. Nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang pinupunasan ang luha sa mga mata ni Aeris. “Anak, Aeris. Hindi matigas ang ulo mo. Kung ayaw mo na, hindi na natin itutuloy.” agad na lumapit ang ama niya at niyakap ng mahigpit ang anak sabay tapik sa likod nito. Sa totoo lang ay ang sarili niya ang kinakaawaan

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 11

    Bukod sa kanilang kumpanya, may pagmamay-ari ring game studio sina Aeris at Lucas. Sa ngayon ay hindi pa naman ito nadadamay sa gulo. Matapos makinig sa ulat ng kanyang assistant, napa-isip nang malalim si Aeris. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito; alam niyang mabubuwag din ang studio sa huli. Bago mangyari iyon, kailangan na niyang magdesisyon: itutuloy pa ba ito o susuko na nang tuluyan? May plano na siya sa kanyang isip. Pinakalma niya ang kanyang sarili at nagmamaneho papunta sa sanatorium. Doon nagpapagaling ang kanyang Ama na si Antonio mula nang ma-stroke ito at bahagyang maparalisa. Pagdating niya ay nasa labas ang kanyang ama kasama ang isang caregiver para magpahangin at magpa-araw. Naghihintay na lang muna siya sa loob ng kwarto nito. Pagkalipas ng sampung minuto, ibinalik na ng caregiver ang kanyang ama. Nakangiting bumati ang caregiver, "Ma’am Aeris, narito pala kayo. Inilabas ko lang po si Mr. Montalban sa garden para magpaaraw. Mukhang maganda ang mo

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 10

    Matapos makawala sa kontrol ng pamilyang Jurial at mabawi ang kanyang kalayaan, ayaw na ni Aeris na umasa pa ang pamilya niya sa ibang tao. Gusto niyang tumayo ang kanyang pamilya gamit ang sarili niyang mga paa. Bagaman hindi siya sigurado kung kaya ba niyang pasanin ang ganun kabigat na mga responsibilidad, ang mga nangyari sa kanila ni Lucas ay nagsilbing malupit na aral para sa kanya. Ang pag-asa sa iba ay walang katiyakan, sarili mo lang ang tunay mong maaasahan at kakampi. Dahil dito, magalang siyang tumanggi agad sa lalaki. "Huwag na, Mr. Ledesma. Kaya ko itong ayusin. Thanks for your concern.” Pagkatapos niyang magsalita, isang mahinang tawa ang narinig niya sa kabilang linya. “Sure. But still remember this, I'm here—you can call me anytime, anywhere.” sagot mula sa kabilang linya, tulad ng unang tawag ay malamig ang boses ngunit hindi naman ito galit. Kahit tumanggi na siya ay nag-iwan pa rin ng pangako si Max. Pagkaraan ng mahabang katahimikan, dahan-dahang sumagot si

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 9

    Pagdating ni Aeris sa kanyang kwarto ay nakatanggap agad siya ng mensahe mula sa kanyang ina na si Chinnie. “Aeris, magmatigas ka ba talaga ng ganyan? Talikuran mo ba talaga ang pamilyang Montalban, ang pamilya natin? Ilang henerasyon na ang nagdaan at pagsisikap ng papa mo— talaga bang hahayaan mong gumuho na lang ang pundasyon ng pamilya natin?” Kapag ginawa mo yan, paano namin haharapin ng Papa mo ang mga ninuno ng pamilyang Montalban kapag pumanaw na kami?” “Alam ko na nasasaktan ka sa nangyayari, si Daphne ang nakatatak at tinitibok sa puso ni Lucas. Hindi mo ba kayang tiisin?” “Maraming lalaki ang may ibang babae sa labas. Kung hindi mo makuha ang pag-ibig niya, ikaw na ang humawak sa pera. Hindi pa ba sapat iyon?” “Anak, Aeris. Nagmamakaawa ako sayo, ang papa mo ay nasa ospital pa din. Kung tuluyang gumuho ang pamilya natin, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin of ang buong pamilya.” Habang nakatingin sa screen ng cellphone na puno ng mensahe mula sa ina ay n

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 8

    Hanggang kailan ba magpakipot ang babaeng to? Ang totoo ay hindi talaga makapaniwala si Lucas na kayang-kaya siyang iwan ni Aeris. Pagkatapos ng lahat, mahal na mahal siya nito nang sobra alam niya yon. Tiningnan ni Aeris ang hindi mababasa na mukha ni Lucas at kalmadong sumagot, “Luma na ang mga iyon. Itinapon ko na ang lahat.” Isang pangungusap lang iyon, pero sapat na para mapakunot ang noo ni Lucas. Nararamdaman niyang may mas malalim pang kahulugan ang mga salita ni Aeris. Matapos titigan ni Lucas ng matagal si Aeris ay sa wakas nagtanong na ito, “Aeris, wala ka ba talagang gustong sabihin sa akin?” Hindi kasi siya naniniwala na mabubuhay ang pamilyang Montalban nang wala ang kanyang tulong pinansyal. Sigurado siyang babalik si Aeris para humingi ng tawad sa kanya. Napagpasyahan na niyang bigyan ito ng pagkakataon para makabawi. At higit pa sapat na dapat iyon. Pagkatapos mag salita ni Lucas, tumingin sa kanya si Aeris. Ang boses nito ay wala nang bakas ng anumang emosyon.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status