Share

kabanata 2

last update publish date: 2026-03-17 21:57:46

“Lucas… natatakot akong mag-isa.”

Ramdam ang panginginig na boses ni Daphne sa likuran nila.

Mabilis naman agad na hinawakan ni Lucas ang kamay nito at malambing na nagtanong, “Anong nangyari? Hindi ka ba komportable dahil bago ang lugar na ito?”

Walang paligoy-ligoy na tumango ng bahagya si Daphne.

Napatingin naman agad si Aeris Kay Lucas na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Nandito lang ako. Huwag kang matakot.”

“Pasensya na… naabala ko ba kayo ni Aeris?” Tumingin si Daphne kay Aeris na tila ba ngayon lang niya napansin na nandoon pala ito. Ngunit bigla nalang naging malungkot ang boses nito. “Alam kong hindi ako gusto ni Aeris dito. Kasalanan ko ang lahat. Huwag na kayong mag-away nang dahil sa akin. Aalis na lang ako.”

Napatingin agad si Lucas kay Aeris. “Hindi, hindi naman siya ganun kababaw—”

Bago pa siya matapos, tumayo si Aeris at humarap sa kanila na may pait na mga ngiti. “O sige, umalis ka na.” sambit ni Aeris habang nakatingin kay Daphne. 

Kahit wala namang ginagawa si Aeris, pilit siyang idinadamay ni Daphne  sa usapan. Lahat ng tao ay may hangganan ang pasensya—at si Aeris ay hindi yung tipo na mananatiling tahimik lang habang inaapi.

Natigilan naman agad si Daphne . Hindi nito inaasahan na si Aeris—na palaging nagtitimpi—ay direktang magsasabi sa kanya na lumayas. Agad na namula ang mga mata nito at naiiyak na tumingin nang may pagmamakaawa kay Lucas, dahil alam nitong matawa talaga ang lalaki pagdating sa kanya. 

Nang makita ni Lucas na maiiyak na si Daphne , ay agad na nagdilim ang paningin nito at bumaling na may galit kay Aeris.  “Aeris, sumosobra ka na! Ako ang nagdala kay Daphne rito. Sino ka para palayasin siya?” sambit nito na halatang nagpipigil ng galit, “Bumalik ang depresyon niya. Kailangan mo ba talagang maging ganyan kalupit? Kailan ka pa naging ganyan?” dagdag pa dito na para bang sobrang sama na talaga ni Aeris sa paningin nito. 

Hindi na hinintay ni Lucas ang sagot ni Aeris at pinunasan ang luha ni Daphne . “Daphne , ayos lang ’yan. Hangga’t nandito ako, walang pwedeng mang-api sa iyo.” 

Kaagad naman na sumandal si Daphne sa mga bisig ni Lucas.

“Alam kong mahalaga ako sayo, Lucas. Pero fiancée mo pa rin si Aeris. Kasalanan ko... masyado akong dumedepende sa iyo.” mahinhin na pagsasalita pa ni Daphne. “Alam kong mali ang ginagawa ko. Pero sa ngayon, ikaw lang ang meron ako. Wala na kasi akong ibang matatakbuhan. Please, huwag kayong mag-away ni Aeris dahil lang sa akin.”

Habang nagsasalita ito ay saglit na tumingin ang mga matang puno ng luha ni Daphne kay Aeris—at sa isang saglit, nakita rito ang pang-aasar.

Parang sinasabi nito na.  Talo ka na. Aminin mo na—hindi mo ako kayang tapatan.

Akala ni Aeris ay namanhid na ang puso niya. Pero ang makitang ipinagtatanggol ni Lucas si Daphne nang walang pag-aalinlangan ay masakit pa rin pala sa kanya. 

Hindi niya pinansin ang pang-aasar ni Daphne  at malamig na tiningnan ang dalawa. “Lumabas kayo.” Sa pagkakataong ito, hindi na ito pakiusap. Kundi utos na ito.

Sinalubong ni Lucas ang matapang na tingin ni Aeris. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng kaba. Alam niya kung gaano siya kamahal ni Aeris, kung hindi, hindi nito titiisin ang paulit-ulit niyang pangako na laging napapako.

Dati, kapag nagagalit si Aeris, kailangan lang niya itong amuin ng matatamis na salita. Pero ngayon… parang may kakaiba.

Nang magsasalita na sana uli si Lucas, kumalas si Daphne sa yakap niya. Lumapit ito kay Aeris at akmang hahawakan ang kamay nito.

“Aeris, galit ka pa ba? Kasalanan ko. Humihingi ako ng tawad. Huwag ka nang magalit kay Lucas, please?”

Nang hawakan siya ni Daphne , biglang binawi ni Aeris ang kanyang kamay. Ayaw niyang hinahawakan siya nito. Nasusuka siya.

Dahil sa lakas ng pagbawi ni Aeris, biglang napa-ungol si Daphne dahil sa sakit  at natumba na paurong. Napaupo ito sa sahig sa mismong paanan ni Lucas.

“Daphne!”

Agad na lumuhod si Lucas at niyakap si Daphne. Agad namang humagulgol si Daphne sa bisig ni Lucas na para bang awang-awa sa nangyayari. 

“Lucas, hindi kasalanan ni Aeris. Nagalit lang siya dahil sa akin. Normal lang na magalit siya. Huwag mo siyang pagalitan.”

Sa isang pangungusap, naipasa na niya ang lahat ng sisi patungo kay Aeris, kahit sa simpleng eksplenasyon lang. Kahit hindi naman siya itinulak nito. Pinalabas niyang si Aeris ang nanakit sa kanya.

Gaya ng inaasahan, galit na tiningnan ni Lucas si Aeris. “Aeris, huwag mong sagarin ang pasensya ko. Humingi ka ng tawad kay Daphne.” pag demand nito kay Aeris. 

Naniniwala siya agad kay Daphne. Nang walang pag-aalinlangan, at inutusan niya pa si Aeris na mag-sorry.

Ngunit gustong matawa ni Aeris, gusto na lang niyang tumawa dahil sa bulag na pagtatanggol ni Lucas.

“Hindi ko naman siya itinulak. Bakit ako hihingi ng tawad?” malamig niyang sabi. “Lucas, kung hindi mo na kailangan ang mga mata mo, i-donate mo na lang yan sa mas nangangailangan, para mapakinabangan pa.” Matigas niyang itinatanggi ang bagay na hindi naman niya ginawa. Dahil dito, lalong nagalit si Lucas.

“Aeris, wala ka talagang awa! Alam mo naman ang karamdaman niya.” 

“Heh.” Isang maikling tawa lang ang sinagot ni Aeris, dahil wala na siyang balak na makipagtalo pa Lalo nat saradao naman ang utak ni Lucas pagdating sa kanya.

Hinila ni Daphne ang manggas ni Lucas at mahinang bumulong, “Lucas, parang napilipit ang paa ko… sobrang sakit.” Hindi pa siya tapos magsalita ay muli nang naluha ang kanyang mga mata. Agad na nataranta si Lucas nang makita ang mga luhang iyon.

Agad namang masama ang pinukol ni lucas na tingin kay Aeris. “Ipagdasal mo na maayos lang si Daphne .” Pagkatapos ay binuhat na niya si Daphne para makaalis.

Habang pinapanood ang nagmamadaling bulto ni Lucas, nakaramdam si Aeris ng hapdi sa kanyang dibdib. Alam naman niyang mahalaga si Daphne rito, pero iba pa rin pala kapag nakikita mo na sarili mong mga mata ang saksi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Masakit na pumurol... hanggang sa maging manhid.

Dahan-dahang kinalma ni Aeris ang sarili at bumalik sa kwarto. Pero nang humiga na siya, hindi siya makatulog. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, naaalala niya ang galit na mukha ni Lucas.

Hindi naging maganda ang tulog niya buong gabi.

Pagkagising niya kinaumagahan, mabigat ang kanyang ulo at masama ang pakiramdam. Habang bumaba sa hagdan, kumakabog ang kanyang sentido dahil sa sakit. Naglakad siya patungong kusina. Sa ganitong mga oras, dapat ay nagluluto na siya ng lugaw para kay Lucas. Sensitibo kasi ang tiyan nito kaya simula nang magkasama sila, si Aeris na ang nag-aasikaso sa tatlong beses na pagkain nito araw-araw. Kahit hindi niya gusto ang lugaw, nakisabay siya rito sa loob ng maraming taon.

Nang akmang kukuha na siya ng bigas sa lalagyan, napatigil siya. Minsan, nakakatakot pala talaga ang nakasanayan na. Matapos ang sandaling panahimik, ibinalik ni Aeris ang bigas at naghanda na lang ng simpleng sandwich at kape para sa sarili. Uupo na sana siya nang biglang sumulpot sa harap niya ang isang maliit na pigura.

Si Daphne, nakasuot ito ng damit na mahaba ang tabas sa dibdib, ay mayabang na nagsalita, “Aeris, mukhang maganda ang mood mo ah. Akala ko umiyak ka buong gabi at hindi makatulog dahil sa sakit ng loob.”

Napako ang tingin ni Aeris sa leeg ni Daphne. May mga pulang marka doon na kitang-kita sa balat nito.

Nang mapansin ni Daphne ang tingin niya, mas lalo itong nagmayabang at tumawa nang mahinhin. “Masyadong ganado kasi si Lucas kagabi. Sabi ko dahan-dahan lang at huwag mag-iwan ng marka, pero ayaw niyang makinig.” sabi nito at hindi pa na kuntento at lumapit pa siya at ibinaba ang boses. “Aeris, sabi pala ni Lucas boring ka raw. Ayaw ka na nga niyang hawakan. Bakit ba ang desperada mo? Kung ako sa iyo, mahihiya na akong magpakita.” sabi nito at humakbang paatras. 

Halatang nang-udyok si Daphne, pero nanatiling kalmado parin si Aeris. Ang kawalan niya ng kibo ay parang suntok sa buwan—mas lalong nainis si Daphne dahil hindi niya nakuha ang galit na reaksyon na gusto niya.

Nagdilim ang mukha ni Daphne sa inis. Pero ng masulyapan niya sa gilid ng kanyang mata na pababa na si Lucas, nag-iba ang kanyang tingin. Mabilis siyang naglakad papalapit kay Aeris. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 13

    Pagpasok ni Aeris sa studio, mabilis siyang hinabol ng assistant niyang si Sofia. “Ms. Aeris,” nag-aalalang sabi ni Sofia, “Biglang gustong bawiin ng mga Jurial ang investment nila. Anong nangyayari?” Hindi lang pala ang kumpanya ng Montalban ang apektado, kundi pati ang studio na pagmamay-ari nilang dalawa ni Lucas. Inasahan na ito ni Aeris, pero ngayon na nangyayari na, hindi niya maiwasang malungkot. Alam ni Lucas kung gaano kapagod si Aeris sa studio na ito, pero nagawa pa rin niyang bawiin ang puhunan nang ganoon na lang. Kahit naisip na noon ni Aeris na sumuko na lang ay nanlata pa rin siya sa isipin na yon. “Hanapin mo ang kontrata natin sa Jurial. Pupunta ako sa kumpanya nila mamaya para makipag-usap,” utos ni Aeris sa assistant. Ayon sa kontrata, kung babawiin ng mga Jurial ang pera ng walang kinalaman sa problema ng studio, mapupunta sa studio ang buong pagmamay-ari ng nilalarong game. Ibig sabihin, dahil umayaw na ang Jurial company, malaya na silang maghanap ng bagon

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 12

    Paano nga ba hindi mapapansin ni Antonio ang lahat ng sakripisyo at sakit na tiniis ng anak para sa kompanya? Ngayon ay tanging awa at lungkot na lang ang nararamdaman niya para sa anak. Umiling agad si Aeris. “Hindi po ako dehado, Pa. Hindi ko lang po talaga mahal si Lucas. Alam kong mukha akong makasarili sa desisyon ko… pasensya na po kung naging matigas ang ulo ko.” At hindi na nga niya napigilan at agad na bumuhos ang lahat ng emosyong matagal na niyang kinikimkim sa harap ng kanyang ama. Namula agad ang kanyang mata at nagbabadya ang mga luha, pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang mga ito. Lalo namang nadurog ang puso ng kanyang ama na si Antonio sa nakikita sa anak. Nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang pinupunasan ang luha sa mga mata ni Aeris. “Anak, Aeris. Hindi matigas ang ulo mo. Kung ayaw mo na, hindi na natin itutuloy.” agad na lumapit ang ama niya at niyakap ng mahigpit ang anak sabay tapik sa likod nito. Sa totoo lang ay ang sarili niya ang kinakaawaan

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 11

    Bukod sa kanilang kumpanya, may pagmamay-ari ring game studio sina Aeris at Lucas. Sa ngayon ay hindi pa naman ito nadadamay sa gulo. Matapos makinig sa ulat ng kanyang assistant, napa-isip nang malalim si Aeris. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito; alam niyang mabubuwag din ang studio sa huli. Bago mangyari iyon, kailangan na niyang magdesisyon: itutuloy pa ba ito o susuko na nang tuluyan? May plano na siya sa kanyang isip. Pinakalma niya ang kanyang sarili at nagmamaneho papunta sa sanatorium. Doon nagpapagaling ang kanyang Ama na si Antonio mula nang ma-stroke ito at bahagyang maparalisa. Pagdating niya ay nasa labas ang kanyang ama kasama ang isang caregiver para magpahangin at magpa-araw. Naghihintay na lang muna siya sa loob ng kwarto nito. Pagkalipas ng sampung minuto, ibinalik na ng caregiver ang kanyang ama. Nakangiting bumati ang caregiver, "Ma’am Aeris, narito pala kayo. Inilabas ko lang po si Mr. Montalban sa garden para magpaaraw. Mukhang maganda ang mo

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 10

    Matapos makawala sa kontrol ng pamilyang Jurial at mabawi ang kanyang kalayaan, ayaw na ni Aeris na umasa pa ang pamilya niya sa ibang tao. Gusto niyang tumayo ang kanyang pamilya gamit ang sarili niyang mga paa. Bagaman hindi siya sigurado kung kaya ba niyang pasanin ang ganun kabigat na mga responsibilidad, ang mga nangyari sa kanila ni Lucas ay nagsilbing malupit na aral para sa kanya. Ang pag-asa sa iba ay walang katiyakan, sarili mo lang ang tunay mong maaasahan at kakampi. Dahil dito, magalang siyang tumanggi agad sa lalaki. "Huwag na, Mr. Ledesma. Kaya ko itong ayusin. Thanks for your concern.” Pagkatapos niyang magsalita, isang mahinang tawa ang narinig niya sa kabilang linya. “Sure. But still remember this, I'm here—you can call me anytime, anywhere.” sagot mula sa kabilang linya, tulad ng unang tawag ay malamig ang boses ngunit hindi naman ito galit. Kahit tumanggi na siya ay nag-iwan pa rin ng pangako si Max. Pagkaraan ng mahabang katahimikan, dahan-dahang sumagot si

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 9

    Pagdating ni Aeris sa kanyang kwarto ay nakatanggap agad siya ng mensahe mula sa kanyang ina na si Chinnie. “Aeris, magmatigas ka ba talaga ng ganyan? Talikuran mo ba talaga ang pamilyang Montalban, ang pamilya natin? Ilang henerasyon na ang nagdaan at pagsisikap ng papa mo— talaga bang hahayaan mong gumuho na lang ang pundasyon ng pamilya natin?” Kapag ginawa mo yan, paano namin haharapin ng Papa mo ang mga ninuno ng pamilyang Montalban kapag pumanaw na kami?” “Alam ko na nasasaktan ka sa nangyayari, si Daphne ang nakatatak at tinitibok sa puso ni Lucas. Hindi mo ba kayang tiisin?” “Maraming lalaki ang may ibang babae sa labas. Kung hindi mo makuha ang pag-ibig niya, ikaw na ang humawak sa pera. Hindi pa ba sapat iyon?” “Anak, Aeris. Nagmamakaawa ako sayo, ang papa mo ay nasa ospital pa din. Kung tuluyang gumuho ang pamilya natin, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin of ang buong pamilya.” Habang nakatingin sa screen ng cellphone na puno ng mensahe mula sa ina ay n

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 8

    Hanggang kailan ba magpakipot ang babaeng to? Ang totoo ay hindi talaga makapaniwala si Lucas na kayang-kaya siyang iwan ni Aeris. Pagkatapos ng lahat, mahal na mahal siya nito nang sobra alam niya yon. Tiningnan ni Aeris ang hindi mababasa na mukha ni Lucas at kalmadong sumagot, “Luma na ang mga iyon. Itinapon ko na ang lahat.” Isang pangungusap lang iyon, pero sapat na para mapakunot ang noo ni Lucas. Nararamdaman niyang may mas malalim pang kahulugan ang mga salita ni Aeris. Matapos titigan ni Lucas ng matagal si Aeris ay sa wakas nagtanong na ito, “Aeris, wala ka ba talagang gustong sabihin sa akin?” Hindi kasi siya naniniwala na mabubuhay ang pamilyang Montalban nang wala ang kanyang tulong pinansyal. Sigurado siyang babalik si Aeris para humingi ng tawad sa kanya. Napagpasyahan na niyang bigyan ito ng pagkakataon para makabawi. At higit pa sapat na dapat iyon. Pagkatapos mag salita ni Lucas, tumingin sa kanya si Aeris. Ang boses nito ay wala nang bakas ng anumang emosyon.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status