Share

kabanata 4

last update publish date: 2026-03-17 21:59:20

Habang papunta sa bahay ng pamilyang Montalban si Aeris, nakatanggap siya ng tawag mula kay Lucas. Hindi pa man siya nakapag salita ay agad ng umalingawngaw ang galit na galit na boses nito sa kabilang linya at kulang na lang ay mabingi na siya sa sobrang lakas. 

“Aeris, pumunta ka dito sa ospital ngayon at humingi ka ng tawad kay Daphne!” mula sa background na tunog ay maririnig ang mahihinang paghikbi ni Daphne. Walang duda kung bakit sobrang galit na si Lucas sa kanya dahil umiyak na naman ang bruha. 

Pero hindi nag-atubili si Aeris at binalewala pa niya ang pagsigaw at binabaan pa niya ng telepono. Ngunit tumawag ulit si Lucas nang paulit-ulit na ikina-irita niya lalo.  

Mukhang sa mga oras na ito ay desidido yata itong kaladkarin talaga siya sa ospital para lang humingi ng tawad kay Daphne na kahit anong nangyari ay hindi niya gagawin, mamatay muna siya bago nangyari yon. Sa sobrang inis ni Aeris ay binlock niya ang numero ni Lucas at sa wakas ay tumahimik din ang kanyang selpon. 

Huminga siya ng malalim at pagdating niya naman sa bahay, sinalubong agad siya ng kanyang ina na si Chennie na bakas ang kaba at tensyon sa mukha nito, para bang ang laki ng problema. 

“Aeris, ginalit mo na naman ba si Lucas?” hindi na mapigilan na hindi magalit sa anak. “ Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na huwag masyadong matigas ang ulo? Sabi ko naman na amuin mo si Lucas. Bakit ba napakaisip-bata mo pa rin?” dagdag nito na para bang sobrang big deal ang lahat pagdating kay Lucas. “Tumawag sa akin si Lucas at sinabing binlock mo raw ang numero niya. Tawagan mo siya ngayon at humingi ka ng tawad. Bilis!”

Habang nagsasalita ito ay akmang kukunin pa ni Chennie ang cellphone ni Aeris. Mabuti na lang ay agad na ilayo niya ito. 

Noon talaga ay hindi papayag ang kanyang ina na nagpapababa ng ganito ka baba. Dati kasi ay kapantay ng kanilang pamilya ang mga Jurial. Ngunit dahil sa nangyari tatlong taon ang nakalipas, dahil sa maling desisyon ng ama ni Aeris na si Antonio, muntik nang mabangkrupt ang kanilang kumpanya. Simula noon, tanging ang tulong na lang ng pamilya Jurial ang nagpapanatili sa kanila.

At dahil dito, nawala ang balanse sa pagitan ng dalawang pamilya. Hindi na sila pantay. Sa tuwing nagpapakita ng kahit konting inis si Lucas, pinipilit ni Chennie ang anak na si Aeris na mag-sorry at amuin ang lalaki—dahil sa takot na kapag binawi ng mga Jurial ang puhunan, tapos na ang pamilyang Montalban. Sa loob ng maraming taon, alang-alang sa kanyang ama na paralisado dahil sa stroke, at dahil na rin sa mga iyak, sumbat, at banta ng pagpapakamatay ng kanyang ina, paulit-ulit na nagpakababa si Aeris. 

Pero ngayon ay naiintindihan na ni Aeris ang lahat, na kahit gaano pa siya magmakaawa o mawalan ng dignidad, hindi siya bibigyan ni Lucas ng kahit sulyap man lang—lalo na ng awa. Nasanay na kasi ito. Kaya naman ganun na lang siya saktan nito ng harap-harapan, na tila ba karapatan nito at hindi siya pwedeng magreklamo.

“Ma,” mahinahong sabi ni Aeris, “Balak ko nang makipag-break kay Lucas.” kahit alam niyang hindi papayag ang kanyang ina ay sinubukan niya parin. 

Pero dahil hindi na siya pwedeng manahimik, dahil kung hindi siya magsalita ngayon, mauulit lang ang ganitong eksena ng walang katapusan.

Nang marinig ni Chennie ang sinabi ng anak ay bigla na lang itong sumigaw.  “Anong sabi mo? Sinong maysabing makipag-break ka? Hindi ako papayag! Huwag mong gawing biro ang mga ganyang bagay!”

Sigaw nito, “Sabi ko humingi ka ng tawad kay Lucas at hindi makipaghiwalay!”  at hindi pa ito nakuntento at hinigpitan ang paghawak sa pulso ni Aeris. “Sasama ako sayo sa pamilyang Jurial. Hihingi ka ng tawad nang harap-harapan at nagmamakaawa ka kay Lucas kung maaari! Napaka-walang-utang na loob mo talagang bata ka! Sinabi ko na sa iyong huwag kang padalos-dalos, pero hindi ka nakikinig!”

“Ma!” Binawi ni Aeris ang kanyang kamay. “Wala akong ginawang mali. Bakit ako hihingi ng tawad?” nakakunot ang noo niya habang sinabi niya iyon sa kanyang Ina.  “Sinabi ko na sayo dati—hindi ako mahal ni Lucas, ayoko ng ganito. Pagod na pagod na ako sa lahat.” 

Ilang beses na niyang nabanggit ana makipag-break noon, pero lagi siyang pinatatahimik ng kanyang ina sa pamamagitan ng pag-iyak at pagwawala. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi na siya susuko. 

Hindi makapaniwala na tumingin sa kanya ang Ina na si Chennie, para bang malaking problema talaga ang pakikipaghiwalay kay Lucas.  “Anong sabi mong kalokohan? Ano nalang ang mangyayari sa pamilya natin  kung wala ang tulong ng mga Jurial?” sabi nito, “at kung hindi ka mahal ni Lucas, bakit ka niya ididate ng maraming taon? At ano naman kung nakalimutan niya yung pagpaparehistro ng kasal niyo kahapon? Matuto kang umintindi! May mahahalaga siyang ginagawa. Bakit ba napaka walang konsiderasyon mo?”

 

Ngayon lang nalaman ni Aeris na alam pala ng kanyang ina. Alam nitong hindi sumipot si Lucas sa kasal nila kahapon. Ang hindi inaasahan ni Aeris ay sa halip na aluin siya at ipaglaban ay ito pa ang ang pilit na humingi siya ng tawad.   

May ginawa ba siyang mali? Tinitigan ni Aeris ang kanyang ina na puno ng hinanakit. “Ma, gumising ka. Si Daphne  ang mahal ni Lucas at hindi ako at kahapon ang pangatlong beses na iniwan niya ako para sa babaeng iyon.” sabi niya at pilit na pinigilan ang luhang gustong lumabas.  “Ma… napapagod din ako.”  Walang mababakas na emosyon sa malamig na mga mata ni Aeris. Alam niya kasi na kahit magsalita siya ay isa lang ang sasabihin ng kanyang ina na si Chinnie na magtiis. 

Matapos marinig ng kanyang Ina ang sinabi niya ay dismayado na napa-iling ito. "Aeris, kung hindi mo kayang panatilihin sa tabi mo ang lalaki mo, sino pa ang dapat sisihin? Basta, hindi ako papayag na makipag-break ka kay Lucas." Sambit nito at hindi nga siya nagkakamali, hindi ito papayag at mukhang siya na naman ang may problema at hindi si Lucas. “Hinding-hindi matatanggap ng pamilyang Jurial si Daphne, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin mapakasalan si Lucas o gawain ng parang upang makalimot si Lucas sa babaeng yon. Bakit hindi mo pag-isipan kung bakit hindi mo siya mapanatili sa piling mo?" Dagdag nito.  At habang nagsasalita ito ay lalong nagagalit tono nito. 

Umaasa na lang ang pamilya nila sa mga Jurial, pero pakiramdam ni Chinnie ay parang walang silbi anak niyang si Aeris. At nakakairita ito para sa kanya.

Masyadong mahaba ang sinabi ng kanyang Ina pero halos matawa na lang si Aeris. "Ma, ako—"

"Huwag mo akong tawaging Mama!" sigaw ni Chinnie, na tuluyan nang nawalan ng kontrol sa emosyon, Lalo nat tumawa ang anak.  "Aeris, kung may pakialam ka pa sa akin, makinig ka! Hindi ka pwedeng makipag-hiwalay kay Lucas! Hindi ako papayag!  At makinig kang mabuti! Kapag nakipaghiwalay ka at tuluyang mabangkrupt ang pamilya natin, magpapakamatay ako sa harap mo! Hindi kita mapapatawad—kahit sa kabilang buhay!" Sigaw nito at matindi ang pagkatitig ni Chinnie sa anak. Ito ang mga salitang lagi niyang ibinabato sa tuwing babanggitin ni Aeris ang makipaghiwalay at sa bawat pagkakataon ay pinipili niya na lang na sumuko na lang at sumunod na lang para walang gulo. 

Sobrang tigas ng ulo ng kanyang Ina, kaya nakaramdam si Aeris ng kirot sa ulo at pangungulila sa kanyang puso. Sa tingin kasi ng kanyang ina, mas mahalaga ang kinabukasan ng pamilya kaysa sa sariling kaligayahan ng anak. Wala itong pakialam kung magiging masaya ba siya sa piling ni Lucas. Ang mahalaga  para dito ay mabuhay ang pamilya nila at manatiling nasa angat at hindi malamangan.

Nagtitigan silang dalawa, walang gustong sumuko.

Magsasalita na sana si Aeris nang biglang hawakan ng Ina niyang si Chinnie ang kanyang pulso na parang nawawala sa sarili at kinaladkad siya papunta sa pinto. Desidido itong dalhin siya kay Lucas para humingi ng tawad at magmakaawa.

Una ay nanlaban si Aeris, pero sa huli ay hinayaan na lang niyang kaladkarin siya ng kanyang ina patungo sa ospital.  Hindi nga nagtagal, dinala siya ni Chinnie sa ospital, at habang nakatayo sa labas ng kwarto, tiningnan ni Aeris ang eksena sa loob, at lalong tumindi ang pait na nararamdaman niya.

Sa loob ng kwarto, bahagyang nakayuko si Lucas habang maingat na nilalagyan ng gamot ang mukha ni Daphne.

"L-lucas, masakit," mahinang daing ni Daphne.

"Hindi na 'yan sasakit. hipan ko para sayo," malambing na pang-aamo ni Lucas sa babae. 

Nang marinig ito, ngumiti ng bahagya si Daphne. Saglit na kumislap ang mga mata ni Lucas bago niya hinalikan si Daphne sa noo. Agad naman siyang niyakap nito nang may pagkahiya.

"Lucas, ang bait mo talaga sa akin."

Hinaplos ni Lucas ang buhok nito at ngumiti bago nagsalita. "Loko-lokong bata ka." Habang nagsasalita siya, lumapit si Daphne at hinalikan siya sa labi. 

Eksakto namang itinulak ni Chinnie ang pinto at nakita ang lahat. Sa sandaling iyon ay nakaramdam siya ng matinding hiya at pagka-ilang sa nangyari at nasaksihan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 13

    Pagpasok ni Aeris sa studio, mabilis siyang hinabol ng assistant niyang si Sofia. “Ms. Aeris,” nag-aalalang sabi ni Sofia, “Biglang gustong bawiin ng mga Jurial ang investment nila. Anong nangyayari?” Hindi lang pala ang kumpanya ng Montalban ang apektado, kundi pati ang studio na pagmamay-ari nilang dalawa ni Lucas. Inasahan na ito ni Aeris, pero ngayon na nangyayari na, hindi niya maiwasang malungkot. Alam ni Lucas kung gaano kapagod si Aeris sa studio na ito, pero nagawa pa rin niyang bawiin ang puhunan nang ganoon na lang. Kahit naisip na noon ni Aeris na sumuko na lang ay nanlata pa rin siya sa isipin na yon. “Hanapin mo ang kontrata natin sa Jurial. Pupunta ako sa kumpanya nila mamaya para makipag-usap,” utos ni Aeris sa assistant. Ayon sa kontrata, kung babawiin ng mga Jurial ang pera ng walang kinalaman sa problema ng studio, mapupunta sa studio ang buong pagmamay-ari ng nilalarong game. Ibig sabihin, dahil umayaw na ang Jurial company, malaya na silang maghanap ng bagon

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 12

    Paano nga ba hindi mapapansin ni Antonio ang lahat ng sakripisyo at sakit na tiniis ng anak para sa kompanya? Ngayon ay tanging awa at lungkot na lang ang nararamdaman niya para sa anak. Umiling agad si Aeris. “Hindi po ako dehado, Pa. Hindi ko lang po talaga mahal si Lucas. Alam kong mukha akong makasarili sa desisyon ko… pasensya na po kung naging matigas ang ulo ko.” At hindi na nga niya napigilan at agad na bumuhos ang lahat ng emosyong matagal na niyang kinikimkim sa harap ng kanyang ama. Namula agad ang kanyang mata at nagbabadya ang mga luha, pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang mga ito. Lalo namang nadurog ang puso ng kanyang ama na si Antonio sa nakikita sa anak. Nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang pinupunasan ang luha sa mga mata ni Aeris. “Anak, Aeris. Hindi matigas ang ulo mo. Kung ayaw mo na, hindi na natin itutuloy.” agad na lumapit ang ama niya at niyakap ng mahigpit ang anak sabay tapik sa likod nito. Sa totoo lang ay ang sarili niya ang kinakaawaan

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 11

    Bukod sa kanilang kumpanya, may pagmamay-ari ring game studio sina Aeris at Lucas. Sa ngayon ay hindi pa naman ito nadadamay sa gulo. Matapos makinig sa ulat ng kanyang assistant, napa-isip nang malalim si Aeris. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito; alam niyang mabubuwag din ang studio sa huli. Bago mangyari iyon, kailangan na niyang magdesisyon: itutuloy pa ba ito o susuko na nang tuluyan? May plano na siya sa kanyang isip. Pinakalma niya ang kanyang sarili at nagmamaneho papunta sa sanatorium. Doon nagpapagaling ang kanyang Ama na si Antonio mula nang ma-stroke ito at bahagyang maparalisa. Pagdating niya ay nasa labas ang kanyang ama kasama ang isang caregiver para magpahangin at magpa-araw. Naghihintay na lang muna siya sa loob ng kwarto nito. Pagkalipas ng sampung minuto, ibinalik na ng caregiver ang kanyang ama. Nakangiting bumati ang caregiver, "Ma’am Aeris, narito pala kayo. Inilabas ko lang po si Mr. Montalban sa garden para magpaaraw. Mukhang maganda ang mo

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 10

    Matapos makawala sa kontrol ng pamilyang Jurial at mabawi ang kanyang kalayaan, ayaw na ni Aeris na umasa pa ang pamilya niya sa ibang tao. Gusto niyang tumayo ang kanyang pamilya gamit ang sarili niyang mga paa. Bagaman hindi siya sigurado kung kaya ba niyang pasanin ang ganun kabigat na mga responsibilidad, ang mga nangyari sa kanila ni Lucas ay nagsilbing malupit na aral para sa kanya. Ang pag-asa sa iba ay walang katiyakan, sarili mo lang ang tunay mong maaasahan at kakampi. Dahil dito, magalang siyang tumanggi agad sa lalaki. "Huwag na, Mr. Ledesma. Kaya ko itong ayusin. Thanks for your concern.” Pagkatapos niyang magsalita, isang mahinang tawa ang narinig niya sa kabilang linya. “Sure. But still remember this, I'm here—you can call me anytime, anywhere.” sagot mula sa kabilang linya, tulad ng unang tawag ay malamig ang boses ngunit hindi naman ito galit. Kahit tumanggi na siya ay nag-iwan pa rin ng pangako si Max. Pagkaraan ng mahabang katahimikan, dahan-dahang sumagot si

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 9

    Pagdating ni Aeris sa kanyang kwarto ay nakatanggap agad siya ng mensahe mula sa kanyang ina na si Chinnie. “Aeris, magmatigas ka ba talaga ng ganyan? Talikuran mo ba talaga ang pamilyang Montalban, ang pamilya natin? Ilang henerasyon na ang nagdaan at pagsisikap ng papa mo— talaga bang hahayaan mong gumuho na lang ang pundasyon ng pamilya natin?” Kapag ginawa mo yan, paano namin haharapin ng Papa mo ang mga ninuno ng pamilyang Montalban kapag pumanaw na kami?” “Alam ko na nasasaktan ka sa nangyayari, si Daphne ang nakatatak at tinitibok sa puso ni Lucas. Hindi mo ba kayang tiisin?” “Maraming lalaki ang may ibang babae sa labas. Kung hindi mo makuha ang pag-ibig niya, ikaw na ang humawak sa pera. Hindi pa ba sapat iyon?” “Anak, Aeris. Nagmamakaawa ako sayo, ang papa mo ay nasa ospital pa din. Kung tuluyang gumuho ang pamilya natin, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin of ang buong pamilya.” Habang nakatingin sa screen ng cellphone na puno ng mensahe mula sa ina ay n

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 8

    Hanggang kailan ba magpakipot ang babaeng to? Ang totoo ay hindi talaga makapaniwala si Lucas na kayang-kaya siyang iwan ni Aeris. Pagkatapos ng lahat, mahal na mahal siya nito nang sobra alam niya yon. Tiningnan ni Aeris ang hindi mababasa na mukha ni Lucas at kalmadong sumagot, “Luma na ang mga iyon. Itinapon ko na ang lahat.” Isang pangungusap lang iyon, pero sapat na para mapakunot ang noo ni Lucas. Nararamdaman niyang may mas malalim pang kahulugan ang mga salita ni Aeris. Matapos titigan ni Lucas ng matagal si Aeris ay sa wakas nagtanong na ito, “Aeris, wala ka ba talagang gustong sabihin sa akin?” Hindi kasi siya naniniwala na mabubuhay ang pamilyang Montalban nang wala ang kanyang tulong pinansyal. Sigurado siyang babalik si Aeris para humingi ng tawad sa kanya. Napagpasyahan na niyang bigyan ito ng pagkakataon para makabawi. At higit pa sapat na dapat iyon. Pagkatapos mag salita ni Lucas, tumingin sa kanya si Aeris. Ang boses nito ay wala nang bakas ng anumang emosyon.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status