Share

kabanata 6

last update publish date: 2026-03-18 01:14:16

Namamanhid at kumikirot ang pisngi ni Aeris dahil sa sampal, pero mas masakit ang nararamdaman niya sa dibdib niya na para bang tinusok siya ng ilang milyong karayum. Alam niyang kailangan ng Ina niyang si Chinnie ang tulong ni Lucas para sa pamilya nila, pero hindi niya akalain na ito mismo ang tumulak sa kanya para lang masampal siya.

Narealize din naman ni Chinnie ang ginawa niya. Nakaramdam siya ng konting hiya habang nakatingin kay Aeris, pero nanatili siyang tahimik at nakakuyom ang mga kamay. Nagiging tensyonado na ang paligid.

Huminga ng malalim si Aeris at ng subukan siyang hawakan ni Lucas ay agad niyang tinabig ang kamay nito. “Huwag mo akong hawakan.”

Nakaramdam ng sakit si Lucas sa ginawa ni Aeris, kaya ang awa niya ay napalitan agad ng inis at galit. Naisip niya na nababaliw lang siya kaya siya nakaramdam ng lungkot para sa babae kanina.

Malamig niyang tiningnan si Aeris. “Utang mo ito kay Daphne.”

Halos matawa si Aeris sa narinig. Buong tapang siyang sumagot, “Lucas, huling beses ko na itong sasabihin—maghiwalay na tayo.”

Dahil sa paulit-ulit na pakikipaghiwalay ni Aeris, nagdilim ang paningin ni Lucas . “Wala kang utang na loob, Aeris. Isipin mong mabuti—anong karapatan mong makipaghiwalay sa akin?” galit na sabi ni Lucas . “Kapag iniwan mo ako, huwag mong asahan na tutulungan pa ng pamilya ko ang pamilya niyo. Mawawala ang pagka-prinsesa mo. Itigil mo na yang kamalditahan mo. Kaya kitang ituring na parang reyna, pero kaya ko ring bawiin lahat ‘yun.” Sa madaling salita ay sinabi niya na wala nang silbi si Aeris kung wala siya. Alam ni Lucas na masakit ito para kay Aeris, but still he said it without considering how Aeris felt.

Nang marinig ito, agad sumingit si Chinnie at sinabing hinding-hindi siya papayag na maghiwalay ang dalawa.

Napangisi ng mapait si Aeris. “Anong ‘ituring na reyna’? Lucas, tanungin mo ang sarili mo—hindi ka ba nagi-guilty sa sinasabi mo?”

Mula ng nangangailangan ng tulong ang pamilyang Montalban, laging mataas ang tingin ni Lucas sa sarili niya. Madalas niyang ipahiya si Aeris sa harap ng mga kaibigan niya at ginagawa pa itong pustahan. Bukod doon, sa kanya rin ibinubuhos ni Lucas ang galit nito.

At nang bumalik si Daphne, mas lalo pa itong naging masama kay Aeris. Wala siyang naranasang espesyal na pagtrato mula sa lalaki.

Dahil sa tono ni Aeris, tila natauhan ng bahagya si Lucas . Mukhang... hindi nga niya ito natratong mabuti. Pero ano naman? Kailangan ng pamilyang Montalban ang pamilya niya. Naisip niyang kapag lumipas ang galit ni Aeris, babalik din ito para amuhin siya gaya ng dati. Dahil sa isiping iyon, nawala ang hiya niya at naging dedma na lang ulit.

Pero hindi nagpatinag si Aeris.

“Aeris, tungkol sa pakikipaghiwalay—hindi ako—” magsasalita sana si Lucas para tumanggi.

Pero pinutol siya ni Aeris. “Sinasabihan lang kita—hindi ako nagpapaalam sa iyo.”

Napahiya at nagalit si Lucas .

“Sige! Maghiwalay tayo. Tingnan natin kung paano kayo mabubuhay ng wala ang tulong ko.”

Ginamit na naman nito ang pamilya ni Aeris para takutin ito, pero wala na itong talab.

Ngumiti lang si Aeris at nagsalita, “Huwag mo na kaming alalahanin, Mr. Jurial.”

Pagkatapos niyang sabihin yon ay tumalikod na siya at naglakad palayo. Hindi niya pinansin ang pagpigil ng kanyang ina. Umalis siyang hindi lumilingon.

Naiwang masama ang loob ni Lucas habang pinapanood siyang makaalis. Hindi siya naniniwala na magagawa siyang iwan ni Aeris nang tuluyan.

Nagkatinginan pa sila ni Chinnie ang Ina ni Aeris.

Paulit-ulit na nangako ang ina na kakausapin at susuyuin si Aeris pag-uwi nila. Ngumisi lang si Lucas at hindi na sumagot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 264

    Pagliko ni Aeris sa kanto ay muntik na siyang mabangga sa isang tao.Agad siyang huminto. “Sorry—” Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, nakilala na niya ang taong nasa harapan niya.Si Zaldy!Ngayon, mas youthful at casual ang pananamit ni Zaldy. Nakasuot ito ng ripped jeans, sneakers, at hoodie kaya mukha siyang isang ordinaryong college student. May nakasabit ding puting over-ear headphones sa leeg niya.Nang nagtama ang kanilang mga mata, binati siya ni Zaldy ng isang inosente at magalang na ngiti. “Ms. Aeris, what a coincidence!”“Hmm.” Bahagyang tumango si Aeris. Hindi niya inaasahang makakasalubong si Zaldy sa isang nursing home.Kusang nagpaliwanag naman si Zaldy. “My mother is staying here. I came to visit her.”Muli siyang tumango. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin.“What about you, Ms. Aeris? What brings you here?” Agad na tanong nito. “Nandito rin ang papa ko,” sagot ni Aeris. Wala naman siyang nakikita na dahilan para itago iyon.Ngumiti si Zaldy. “What a coin

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 263

    Nang makita ni Aeris kung gaano katindi ang galit ni Angelito sa mukha ay lalo siyang natuwa.Lumabas ang mapanuya niyang ngiti sa kanyang mukha. “Nabalitaan kong hindi na stable ang mental state ni Lorien dahil sa lahat ng nangyari. Mr. Jurial, hindi dapat binabalewala ang mental health issues. Kapag may sakit ang isang tao, kailangan niyang magpagamot. Kung hindi, baka may mga inosenteng taong madamay at masaktan.” Malinaw ang babala sa kanyang mga salita.Nakakagulat ang mga nangyari kay Lorien. Ayon sa mga kumakalat na balita, nagkukulong ito sa apartment nito dahil sa takot na humarap sa ibang tao.Ilang araw nang sunod-sunod na natagpuan si Lorien na natutulog sa labas, malapit sa entrance ng apartment building niya, tuwing madaling-araw.Matigas ang ulo nitong itinangging kusang bumababa siya. Sa halip, ipinipilit niyang may pumapasok daw sa apartment niya at naglalabas sa kanya nang hindi niya nalalaman.Ilang beses na rin siyang tumawag sa pulis. Pero ayon sa imbestigasyon, w

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 262

    Lumingon si Aeris sa kanyang ina. “Ma, mauna ka na sa loob. Malalamig na ang sabaw. Baka hindi na iyon mainom ni Papa kapag lumamig pa.”Agad na naiintindihan ni Chennie na si Aeris na ang bahala kay Angelito. Hindi na siya nakikipagtalo. Matapos itong masamang tingnan, tumalikod siya at pumasok.Susundan sana siya ni Angelito, pero pinigilan siya ni Aeris. “Mr. Jurial, sandali lang po. Simula nang magkasakit si Papa, ayaw na niyang makakita ng mga taong hindi niya kilala. Mas mabuting huwag na ninyo siyang istorbohin.”Tiningnan siya ni Angelito. “Aeris, kalokohan iyan. Ilang taon na kaming magkakilala ng papa mo. Paano mo ako matatawag na estranghero?”Ngumiti si Aeris, pero walang bahid ng saya ang kanyang mga mata. “Mr. Jurial, nagbibiro po ba kayo? Matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan, pinlano mo pa ring pabagsakin ang Montalban family. Hindi namin kailangan ng kaibigang tulad mo.”Dahil wala namang kahihiyan si Angelito, wala ring dahilan si Aeris para magpakabait dito. Ma

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 261

    Hindi napigilan ni Aeris na muling magtanong sa kanyang ina. “Ma, kailan bumalik sa Cagayan si Rebecca pagkatapos ng divorce niya?”Ayon kay Chennie, sa pamamagitan na lamang ng mga mensahe sila nagkukumustahan ni Rebecca matapos itong mag-asawa. Hindi naging maganda ang naging buhay may asawa ni Rebecca. Pagkatapos ng kasal, naging full-time housewife ito.Noong una, nagkasundo silang magkita kahit isang beses man lang kada taon. Pero dahil sa kani-kanilang buhay may asawa, hindi nila iyon nagawa ng maayos. Ilang beses na binisita ni Chennie si Rebecca, pero matapos niyang manganak kay Aeris, bihira na siyang makadalaw dahil kailangan niyang alagaan ang anak.Hanggang isang araw, bigla na lamang nagpakita si Rebecca sa Cagayan na punong-puno ng pasa ang katawan. Sinabi nitong nakipag-divorce na siya sa asawa.Doon nalaman ni Chennie na isang alcoholic ang dating asawa ni Rebecca at madalas siyang bugbugin nito kapag lasing. Ilang beses ding nabuntis si Rebecca, pero paulit-ulit siyan

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 260

    Pagkatapos, umakyat si Chennie sa itaas. Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya dala ang isang bank card at iniabot iyon kay Aeris. “Itago mo muna ang card na ito. Ibinenta ko na ang lahat ng alahas at ari-arian ko. Magagamit mo ang perang naroon.”Nag-aalala si Chennie na baka kulangin sa pera si Aeris para pamahalaan ang kumpanya, kaya abala siya sa pakikipag-ugnayan sa mga posibleng bumili ng kanyang mga ari-arian.Naibenta na niya ang ilan sa mga ito, pati na rin ang mamahaling alahas na ibinigay sa kanya ng asawa niyang si Antonio. Balak sana niyang ibigay ang pera kay Aeris kinabukasan o sa susunod na araw, pero maaga nang nakauwi ang anak niya.Itinulak ni Aeris pabalik ang card sa kanyang ina. “Bakit hindi mo muna sinabi sa akin bago mo ibenta ang lahat? Ma, may pera ako. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa kumpanya.”Ayaw tanggapin ni Aeris ang pera ng kanyang ina, pero hindi rin nagpatalo si Chennie. Matagal silang nagtalo tungkol dito. Sa huli, nang mapagtanto ni Ch

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 259

    Pagkauwi ni Aeris, kinuha niya ang laptop niya at pinanood ang video sa USB drive na ibinigay ni Daphne. Maikli lang ang video, ipinakita lang nito si Rowena habang inaabot ang isang bank card sa isang babae.Masyadong malayo ang camera kaya hindi marinig ang sinasabi ni Rowena. Halatang hindi nangahas si Daphne na lumapit pa. Mukhang iniimbestigahan muna ni Daphne si Aeris bago siya nagdesisyon na lumapit dito.Malaking tulong talaga kay Aeris ang pagiging tapat nito. Inutusan naman ni Aeris si Ms. Karyl na ihanda ang pera at ihatid iyon kay Daphne kinabukasan.Kapag nakapasok na si Daphne sa mga Jurisl sa pamamagitan ng pagpapakasal, siguradong magkagulo ang lahat.Nanatili ang tingin ni Aeris sa naka-pause na video. Napaisip siya kung alam ba ni Danilo ang plano ng mga anak at apo nito na itulak sa pagka bankrap ang pamilya niya. Palagi naman siyang tinatrato ng maayos ni Danilo. Kung minsan, sobra pa nga ang kabaitan nito kaya hindi siya mapakali.Pero paano kung naging mabait it

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 7

    Ilang minuto lang ang nakalipas ng makaalis si Aeris mula sa ospital ng nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina na si Chinnie. Dahil sa galit niya ay hinayaan niya lang itong tumunog hanggang sa kusa itong maputol. Pero wala yatang balak na huminto sa pagtawag ang Ina niya, dahil tumunog ul

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 5

    Narinig ni Lucas ang gulo sa labas.Nawala agad ang ngiti sa kanyang mukha nang makita si Aeris. Naging malamig ang mga tingin sa babae na tila galit at nanunumbat.Napansin naman agad ito ni Aeris. Nakatayo siya sa likod ng kanyang ina na si Chinnie na wala ring emosyon ang mukha.“Hijo, Lucas, pa

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 2

    “Lucas… natatakot akong mag-isa.”Ramdam ang panginginig na boses ni Daphne sa likuran nila.Mabilis naman agad na hinawakan ni Lucas ang kamay nito at malambing na nagtanong, “Anong nangyari? Hindi ka ba komportable dahil bago ang lugar na ito?”Walang paligoy-ligoy na tumango ng bahagya si Daphne

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 1

    “Pumapayag na akong pakasalan ka.” Sa harap ng Civil Affairs Bureau, sa opisina kung saan dapat sila magpakasal, nakatingin si Aeris sa nakasarang pinto habang tumatawag sa telepono. Ngayong araw dapat sila magpapakasal ni lucas. Pero maghapon siyang naghintay—mula pa alas-nuwebe ng umaga hangga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status