Share

kabanata 5

Penulis: theveiledgloom
last update Tanggal publikasi: 2026-03-17 22:43:49

Narinig ni Lucas ang gulo sa labas.

Nawala agad ang ngiti sa kanyang mukha nang makita si Aeris. Naging malamig ang mga tingin sa babae na tila galit at nanunumbat.

Napansin naman agad ito ni Aeris. Nakatayo siya sa likod ng kanyang ina na si Chinnie na wala ring emosyon ang mukha.

“Hijo, Lucas, pasensya na, naging matigas lang ang ulo ni Aeris. Dinala ko siya rito para humingi ng tawad sa iyo,” sabi ni Chinnie habang pilit na ngumingiti para magpalakas. Kasabay nito, ay itinulak niya si Aeris sa harap ni Lucas.

Tiningnan lang sila nang malamig ni Lucas. Wala siyang balak magsalita dahil hinihintay niyang si Aeris ang unang sumuko at mag-sorry. Dati naman kasi, tuwing nag-aaway sila, si Aeris ang laging nagpapakumbaba para amuhin siya.

Akala niya, ganoon pa rin ang mangyayari ngayon kaya gumaan ng kaunti ang loob niya.

Dahil tahimik lang si Aeris. 

Nakita niyang siniko ito ni Chinnie ang ina ni Aeris. “Anak, mag-sorry ka na agad,” pagsenyas nito sa anak.

Ngumiti lang nang bahagya si Aeris. “Bakit ako hihingi ng tawad? Lucas, ikaw ang hindi tumutupad sa pangako, hindi ako. Dahil hindi mo naman pala kayang iwan si Daphne , ibibigay ko na ang gusto mo.” Tiningnan niya ito ng diretso sa mata, walang kurap iyon. “Nakakapagod ang may dalawang babae—pati ako napapagod para sa iyo. Bakit pa natin itutuloy?  Kung hindi mo kayang iwan si Daphne, sabihin mo ng diretso. Hindi ako yung tipo ng tao na ipagsiksikan ang sarili. Wala akong ginawang masama, kaya hindi ako mag so-sorry. Pinag-isipan kong mabuti ang pakikipaghiwalay sa iyo.”

Kahit kitang-kita ang galit ni Lucas, hindi natinag si Aeris. “Bahala kayo ni Daphne  sa drama ninyo. Hindi ako ganun ka desperada para sumali sa laro niyo. Ayoko na... dahil nandidiri ako,” prangkang sabi ni Aeris.

Dito na sumabog sa galit si Lucas. “Aeris! Walang malisya ang samahan namin ni Daphne! Hindi ito madumi gaya ng iniisip mo. Sumosobra ka na!” Malakas na sigaw nito, “Babae ka rin—bakit mo sinisiraan ang kapwa mo babae? Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang dangal sa atin? Humingi ka ng tawad sa kanya!”

Habang nagsasalita ito ay bigla na lang naiyak uli si Daphne .

“Aeris, bakit mo ako sinisiraan? Kung ayaw mong maniwala sa akin, hindi ka ba naniniwala kay Lucas?” hikbi ni Daphne . “Naging kami noon, pero tapos na ‘yun. Tinutulungan lang niya ako bilang kaibigan. Huwag mo namang gawing biro ang reputasyon ko dahil lang sa galit mo.”

Namumula ang mukha ni Daphne  sa kakaiyak.

“Bakit mo ako pinagbibintangan? Sige—hindi na ako mang-istorbo sa kanya. Lalayo na ako sa inyong dalawa, okay? Nagpakalat ka ng tsismis tungkol sa akin—dapat kang mag-sorry. Ako... Ako...” Hindi pa siya natatapos magsalita nang biglang namutla si Daphne  at bumagsak sa kama. Nahimatay siya.

Natataranta namang pinindot ni Lucas ang call button para sa mga doktor. Mabilis agad na dumating ang mga nurse at doktor. Pagkatapos suriin si Daphne , sinabi nilang nahimatay lang ito dahil sa sobrang galit at stress, kaya dapat itong magpahinga. 

Masamang tiningnan ni Lucas si Aeris. Bago pa makakilos ang babae, itinaas na ni Lucas ang kamay niya para sampalin ito. Mabilis na umiwas si Aeris at umatras upang makaiwas siya, pero ang ina niyang si Chinnie na nasa likod niya ay humarang. Pinigilan nito ang pag-atras ni Aeris at itinulak pa ito palapit kay Lucas.

Umalingawngaw ang malutong at malakas na sampal sa buong silid.

Nagsisi naman agad si Lucas pagdapo ng kamay niya. Nadala lang siya ng bugso ng damdamin. Gusto sana niyang bawiin ang sampal, pero hindi niya akalain na itutulak si Aeris sa harap niya. Eksaktong tumama ang sampal sa mukha ni Aeris.

Natigilan si Lucas, nanginginig ang boses. “I-i…” Gusto niyang magsalita na hindi niya sinasadya. Pero nang makita niya ang bakas ng kanyang kamay sa pisngi ni Aeris, nawalan siya ng boses. Hindi niya kayang humingi ng tawad. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 13

    Pagpasok ni Aeris sa studio, mabilis siyang hinabol ng assistant niyang si Sofia. “Ms. Aeris,” nag-aalalang sabi ni Sofia, “Biglang gustong bawiin ng mga Jurial ang investment nila. Anong nangyayari?” Hindi lang pala ang kumpanya ng Montalban ang apektado, kundi pati ang studio na pagmamay-ari nilang dalawa ni Lucas. Inasahan na ito ni Aeris, pero ngayon na nangyayari na, hindi niya maiwasang malungkot. Alam ni Lucas kung gaano kapagod si Aeris sa studio na ito, pero nagawa pa rin niyang bawiin ang puhunan nang ganoon na lang. Kahit naisip na noon ni Aeris na sumuko na lang ay nanlata pa rin siya sa isipin na yon. “Hanapin mo ang kontrata natin sa Jurial. Pupunta ako sa kumpanya nila mamaya para makipag-usap,” utos ni Aeris sa assistant. Ayon sa kontrata, kung babawiin ng mga Jurial ang pera ng walang kinalaman sa problema ng studio, mapupunta sa studio ang buong pagmamay-ari ng nilalarong game. Ibig sabihin, dahil umayaw na ang Jurial company, malaya na silang maghanap ng bagon

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 12

    Paano nga ba hindi mapapansin ni Antonio ang lahat ng sakripisyo at sakit na tiniis ng anak para sa kompanya? Ngayon ay tanging awa at lungkot na lang ang nararamdaman niya para sa anak. Umiling agad si Aeris. “Hindi po ako dehado, Pa. Hindi ko lang po talaga mahal si Lucas. Alam kong mukha akong makasarili sa desisyon ko… pasensya na po kung naging matigas ang ulo ko.” At hindi na nga niya napigilan at agad na bumuhos ang lahat ng emosyong matagal na niyang kinikimkim sa harap ng kanyang ama. Namula agad ang kanyang mata at nagbabadya ang mga luha, pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang mga ito. Lalo namang nadurog ang puso ng kanyang ama na si Antonio sa nakikita sa anak. Nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang pinupunasan ang luha sa mga mata ni Aeris. “Anak, Aeris. Hindi matigas ang ulo mo. Kung ayaw mo na, hindi na natin itutuloy.” agad na lumapit ang ama niya at niyakap ng mahigpit ang anak sabay tapik sa likod nito. Sa totoo lang ay ang sarili niya ang kinakaawaan

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 11

    Bukod sa kanilang kumpanya, may pagmamay-ari ring game studio sina Aeris at Lucas. Sa ngayon ay hindi pa naman ito nadadamay sa gulo. Matapos makinig sa ulat ng kanyang assistant, napa-isip nang malalim si Aeris. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito; alam niyang mabubuwag din ang studio sa huli. Bago mangyari iyon, kailangan na niyang magdesisyon: itutuloy pa ba ito o susuko na nang tuluyan? May plano na siya sa kanyang isip. Pinakalma niya ang kanyang sarili at nagmamaneho papunta sa sanatorium. Doon nagpapagaling ang kanyang Ama na si Antonio mula nang ma-stroke ito at bahagyang maparalisa. Pagdating niya ay nasa labas ang kanyang ama kasama ang isang caregiver para magpahangin at magpa-araw. Naghihintay na lang muna siya sa loob ng kwarto nito. Pagkalipas ng sampung minuto, ibinalik na ng caregiver ang kanyang ama. Nakangiting bumati ang caregiver, "Ma’am Aeris, narito pala kayo. Inilabas ko lang po si Mr. Montalban sa garden para magpaaraw. Mukhang maganda ang mo

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 10

    Matapos makawala sa kontrol ng pamilyang Jurial at mabawi ang kanyang kalayaan, ayaw na ni Aeris na umasa pa ang pamilya niya sa ibang tao. Gusto niyang tumayo ang kanyang pamilya gamit ang sarili niyang mga paa. Bagaman hindi siya sigurado kung kaya ba niyang pasanin ang ganun kabigat na mga responsibilidad, ang mga nangyari sa kanila ni Lucas ay nagsilbing malupit na aral para sa kanya. Ang pag-asa sa iba ay walang katiyakan, sarili mo lang ang tunay mong maaasahan at kakampi. Dahil dito, magalang siyang tumanggi agad sa lalaki. "Huwag na, Mr. Ledesma. Kaya ko itong ayusin. Thanks for your concern.” Pagkatapos niyang magsalita, isang mahinang tawa ang narinig niya sa kabilang linya. “Sure. But still remember this, I'm here—you can call me anytime, anywhere.” sagot mula sa kabilang linya, tulad ng unang tawag ay malamig ang boses ngunit hindi naman ito galit. Kahit tumanggi na siya ay nag-iwan pa rin ng pangako si Max. Pagkaraan ng mahabang katahimikan, dahan-dahang sumagot si

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 9

    Pagdating ni Aeris sa kanyang kwarto ay nakatanggap agad siya ng mensahe mula sa kanyang ina na si Chinnie. “Aeris, magmatigas ka ba talaga ng ganyan? Talikuran mo ba talaga ang pamilyang Montalban, ang pamilya natin? Ilang henerasyon na ang nagdaan at pagsisikap ng papa mo— talaga bang hahayaan mong gumuho na lang ang pundasyon ng pamilya natin?” Kapag ginawa mo yan, paano namin haharapin ng Papa mo ang mga ninuno ng pamilyang Montalban kapag pumanaw na kami?” “Alam ko na nasasaktan ka sa nangyayari, si Daphne ang nakatatak at tinitibok sa puso ni Lucas. Hindi mo ba kayang tiisin?” “Maraming lalaki ang may ibang babae sa labas. Kung hindi mo makuha ang pag-ibig niya, ikaw na ang humawak sa pera. Hindi pa ba sapat iyon?” “Anak, Aeris. Nagmamakaawa ako sayo, ang papa mo ay nasa ospital pa din. Kung tuluyang gumuho ang pamilya natin, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin of ang buong pamilya.” Habang nakatingin sa screen ng cellphone na puno ng mensahe mula sa ina ay n

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 8

    Hanggang kailan ba magpakipot ang babaeng to? Ang totoo ay hindi talaga makapaniwala si Lucas na kayang-kaya siyang iwan ni Aeris. Pagkatapos ng lahat, mahal na mahal siya nito nang sobra alam niya yon. Tiningnan ni Aeris ang hindi mababasa na mukha ni Lucas at kalmadong sumagot, “Luma na ang mga iyon. Itinapon ko na ang lahat.” Isang pangungusap lang iyon, pero sapat na para mapakunot ang noo ni Lucas. Nararamdaman niyang may mas malalim pang kahulugan ang mga salita ni Aeris. Matapos titigan ni Lucas ng matagal si Aeris ay sa wakas nagtanong na ito, “Aeris, wala ka ba talagang gustong sabihin sa akin?” Hindi kasi siya naniniwala na mabubuhay ang pamilyang Montalban nang wala ang kanyang tulong pinansyal. Sigurado siyang babalik si Aeris para humingi ng tawad sa kanya. Napagpasyahan na niyang bigyan ito ng pagkakataon para makabawi. At higit pa sapat na dapat iyon. Pagkatapos mag salita ni Lucas, tumingin sa kanya si Aeris. Ang boses nito ay wala nang bakas ng anumang emosyon.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status