Share

CHAPTER 2: TEN MILLION DEAL

Louie's POV

 

Nakakainis , kung hindi lang dahil sa kumpanya ay hindi ako makikipagrelasyon sa babaeng iyon. Naaalala ko ang mga tingin sa akin ng aking empleyado nang makita na sinabay ko si Nathalia sa kotse. Hindi ko alam kung tingin ba yun ng nandidiri o nang-aasar. 

 

Well , who will really think that Luisito Monteverde will be the boyfriend of that ugly lady. 25 years old palang ako pero CEO na ako ng kumpanya namin. It's undeniable that I'm the heartrob CEO. Alam ko naman na lahat ng empleyado ko ay nagkakandarapa sa kgwapuhan ko pero mapupunta lamang ako sa pangit kong Executive Assistant.

 

Ughh Christian. Kasalanan mo ito. Si Christian lang naman ang isa sa mga shareholders ng kumpanya ko , nangako siyang magbibigay ng dobleng share sa kumpanya kapag pumayag ako sa deal namin na magiging girlfriend ko si Nathalia at kailangan niyang maisuko sa akin ang kanyang pagkababae. 

 

Hindi naman mahirap sa akin na magkumbinse ng babae na makipagtalik sa akin . The challenge is how can I take someone like Nathalia on the bed. Kailangan ko bang magpiring ng mata para hindi makita ang kapangitan niya habang nagtatalik kami o kailangan kong magpakalasing para maging maganda siya sa paningin ko.

 

At yun na nga ang nangyari. Niyaya ko si Nathalia sa condo ko para uminom . Pinili ko talaga ang pinakamatapang na alak para madali akong malasing at magkaroon ng lakas ng loob upang magawa kay Nathalia ang pinakanakakadiring gagawin. 

 

Nakailang baso kami ng tequila , pansin ko na namumula na siya at nalalasing na. Panay na din ang dikit niya sa akin. Niyayakap niya ako na tila ba ay nagpapahiwatig na gusto din niya na may mangyari sa amin. Kung kaya't tinungga ko ang isang bote ng tequila at pikit matang hinalikan siya.

 

Naramdaman ko na lang na nasa mainit na kami na tagpo ng p********k ng naririnig ko na ang kanyang ungol pagkatapos ng impit na pagiyak ng mapunit ang kanyang kabirhenan. Malapit na akong labasan ,at dahil sa ayaw kong magkaroon ng pangit na anak ay pinutok ko ito sa labas ni Nathalia. Nakatulog siya , habang ako ay agad na dumiretso sa shower. Diring-diri ako sa ginawa ko.

 

Pagkatapos kong magshower ay tinawagan ko agad si Christian. 

 

" I'm done with the deal," seryoso kong sabi sa kanya sabay pinasa ko sa kanya ang nakakadiring video namin ni Nathalia.

 

Kinabukasan sa aking opisina ay dinalaw ako ng aking tinuturing na girlfriend na si Jenny. Alam nito ang deal namin ni Christian at saglit ko siyang pinakiusapan na pagbigyan ako para sa kumpanya ko. Pagkapasok pa lamang ng aking opisina ay agad akong niyakap ni Jenny.

 

" Have you taken a heavy shower Babe ? I can't really imagine you having a- ," pang-aasar niyang sabi na sinagot ko na bago pa niya ituloy.

 

" Stop that Jenny. Nandidiri ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi ng dahil lang sa isang deal," inis kong sagot sa girlfriend ko.

 

Lumapit sa akin si Jenny. She seat at my lap and kiss me torridly. Hindi ko inaasahan na papasok si Nathalia pero ayos na din yun para alam niya na kung saan siya lugar .

 

" What's the meaning of this Louie," unti-unti nang tumutulo ang kanyang luha.

 

" Can't you see. I'm his real girlfriend . Nagpanggap lang siya na mahal ka niya at nakipagtalik siya sayo para lamang sa isang deal. Tingnan mo din ang sarili mo sa salamin. Tingin mo ba magkakagusto sayo ang kagaya ni Louie?" pang-iinsulto niyang sabi kay Nathalia.

 

Tumakbo na lang si Nathalia na umiiyak. Kinabukasan ay may nakahain na resignation letter sa mesa ko. Naawa man ako sa kanya ay ayaw ko na lang magpakita ng emosyon sa harap niya. Ginawa ko lamang ito para sa pera. 

 

Pagkatapos kong pirmahan ang kanyang resignation letter ay agad na itong umalis. Nakita kong hinakot niya na ang kanyang mga gamit. Maya-maya ay nakatanggap na ako ng notification na naideposito na ni Christian ang sampung milyon na share niya sa kumpanya katulad ng napagkasunduan namin.

 

Limang taon na ang lumipas ,pero may mga araw pa din na binabagabag ako ng konsensya ko sa ginawa ko kay Nathalia. Sinubukan ko siyang hanapin pero kahit bakas niya sa social media ay wala akong nakita. Paano na lang kung nagpakamatay siya dahil sa sobrang kadepressan sa ginawa ko sa kanya. Hindi yun kakayanin ng konsensya ko. 

 

Naputol na lang ang aking pagmumuni-muni nang makatanggap ako ng balita na yung isa sa mga investors sa kumpanya ko ay tatanggalin na ang kanyang share . Hindi yun maari dahil malaki ang mawawala sa kumpanya. Sinubukan kong pakiusapan ang investor na iyon pero napakatigas nitong nagdesisyon na ayaw na niya.

 

Kinausap ko din si Christian pero wala na itong sapat na pera para magdagdag pa ng share sa kumpanya. Nakipagmeeting ako sa marketing team namin para humanap pa ng shareholder sa kumpanya na papalit sa nawalang share holder.

 

Pagkatapos ng isang linggo ay may nahanap na sila na nais magbigay ng malaking share sa amin. Lubha akong natuwa sa binalita nilang iyon sa akin. Nais kong makilala kung sino ito kaya nag set ako ng appointment sa kanya sa isang sikat na restaurant.

 

Malayo pa lamang siya ay halata na napakaganda niya. Tila ba siya ay isang modelo at artista sa angkin niyang kagandahan. Hindi ko naiwasan mapatulala sa kanya.

 

" Hi , Im Rosalia Montes! at your service," ngiti nitong sabi sa akin.

 

Namula ako ng mapansin ang aking sarili na napapanganga sa kagandahan niya. Ito pa lang ang unang beses na mapanganga ako sa kagandahan ng isang babae. 

 

" M-my name is Luisito Monteverde," nauutal kong sabi sa kanya.

 

Hindi pa din ako makapaniwala na tila ba ay may isang Anghel akong kaharap. I composed myself to look more professional . Kung kaya't nakipagusap na ako sa kanya tungkol sa negosyo na gagawin namin. Hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa angkin niyang kagandahan.

 

Niyaya ko siya na ihahatid ko na siya. Pero tumanggi ito dahil may dala siyang sasakyan. By hook or by crook you will be mine Rosalia. Simula kasi nung naghiwalay kami ni Jenny ay hindi na uli ako nagkaroon pa ng girlfriend.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status