Share

CHAPTER 4: CEO'S POWER OF CONFIDENCE

Louie's POV

 

Hindi ako susuko. What Louie wants , Louie gets. Hindi isang sampal lang ang makakapagpaduwag sa akin. Hinabol ko si Rosalia . Naabutan ko siya papasakay na ng elevator ,mahigpit kong hinawakan ang pintuan ng elevator para hindi ito tuluyang sumara.

 

" Ano ba hindi mo ba ako titigilan ?" naiinis na niyang sabi sa akin.

 

Kahit naiinis na siya ay litaw pa din ang kanyang kagandahan.

 

" Unfortunately ,yes. I won't stop until I have you," pang-aasar kong sagot sa kanya.

 

Akma niya akong sasampalin nang biglang tumigil ang elevator. We're trapped. This is the best moments.

 

" Urgh ! Kung minamalas ka nga naman, sa dinami dami ba namang lalaki eto pang mayabang na ito ang nakasama ko sa elevator," inis na inis niyang sabi sa akin.

 

" Bakit ba inis na inis ka sa akin ? Do you believe in the saying that the more you hate, the more you love?" pang-aasar ko po sa kanya.

 

" Kung sayo din naman ako maiinlove , huwag na lang ! " sigaw niya sa akin.

 

" Teka lang , ano bang ginawa ko sayo at sukdulan ang galit mo sa akin ha , Ms.Montes?" tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.

 

" Just shut up!" Sinigawan niya ako sabay kuha ng headset niya . Narinig ko ng bahagya na nakikinig na lang siya ng kanta para siguro hindi niya marinig ang anumang sasabihin ko.

 

Paikot-ikot ako sa loob ng elevator. Halatang init na init na siya. Inabot ko sa kanya ang portable electricfan ko na palagi kong dala dahil ayaw kong naiinitan.

 

" Here use this," abot ko sa kanya. 

 

Nabakas ko sa kanya na natatawa na siya. Kaya't nagpaliwanag na ako.

 

" It's not what you think . Hindi ako bakla , ayaw ko lang talagang naiinitan. " paliwanag ko sa kanya na may halong pagkainis.

 

" You give me an idea Mr. Monteverde , you're a gay ! " tawa nito habang nangaasar.

 

Nagpantig ang tainga ko kung kaya't hinawakan ko ang kanyang mukha ng aking dalwang kamay at hinalikan. Saktong naayos na ang elevator at biglang bumukas ito. Naabutan kami ng Elevator Technician na naghahalikan. Nanlaki ang mata ni Rosalia . Para makaiwas sa kahihiyan ay sinampal niya ako at tinulak.

 

" You pervert ! " tumakbo siyang papalabas ng parking at hinanap ang kanyang kotse.

 

Wala sa dugong Monteverde ang sumuko kaya tumakbo ako at nakita ko siyang akmang sasakay na. Kaya inagaw ko ang susi sa kanya na kinasigaw niya.

 

" Give me my key ! Pervert ! Walang modo !" namumula na ang pisngi niya sa sobrang inis. 

 

" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Well , ibibigay ko lang itong susi mo kung papayag ka makipag date sa akin." sabi ko sa kanya na may halong ngiti na malapit na akong maka-isa.

 

" Fine ! Yes , give me that key !" sabi niya .

 

" No ! Mababawi mo lang sa akin ang susi mo pagkatapos ng date natin," matigas kong sabi sa kanya.

 

Naiinis man ay napilitan siyang sumakay sa kotse ko. Sinabi niya na ihatid ko muna siya at gabi na lang kami mag-date. Dahil hawak ko ang alas , at alam kong hindi niya naman ako maiisahan ay pumayag ako sa gusto niya.

 

Pinaghandaan ko ang date namin . Nag book ako sa isang sikat na Restaurant . Pinasara ko ito para kami lang dalawa ang nasa Restaurant. Gusto kong maging special ang gabi na ito sa amin. 

 

Alas nuwebe y' medya pa lamang ng gabi ay nagmaneho na ako papunta sa Condo niya. Nagdoorbell ako at nakangiti niya akong pinagbuksan. Tila ba ay nag-iba ang ihip ng hangin ngayon ah. Kanina lang ay bwisit na bwisit siya sa akin , ngayon naman ay parang anghel siya sa pagiging maamo sa akin. 

 

She looks so lovely with her red off shoulder dress. Humawak sya sa braso ko na para bang maamong tupa na lumipas na ang galit sa akin. Nagustuhan din niya ang Restaurant kung saan ko siya dinala. Inabot ko sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak at nakangiti niya itong tinanggap.

 

"Thankyou ," buong lambing niyang sabi sa akin. 

 

Nagtaka na ako sa mga kilos niya ,kaya tinanong ko na siya. 

 

" Please don't get me wrong Rosalia ? Bigla ka yatang nagbago ng pakikitungo sa akin? Ang ibig ko lang sabihin ay kanina lang sobrang inis ka sa akin tapos ngayon naman sobrang bait mo sa akin. " nagtatakang tanong ko sa kanya.

 

" Napagisip-isip ko lang na wala namang mapapala kung maiinis ako sayo. Tama ka din naman, na wala ka namang ginawa sa akin na masama, diba? " nakangiting sagot niya sa akin.

 

"Ofcourse yes. We' ve just met each other . Sa ganda mong yan walang sinuman ang pwede manakit sayo , lalo na ako." buong puso kong sabi sa kanya .

 

Ngumiti lamang siya sa akin bilang sagot. Maya-maya ay dumating na ang order naming pagkain. Hindi ko pa din maiwasan na tingnan ang kanyang maamong mata. Nakakatuwa pala siyang tingnan kapag hindi siya galit mas nagmumukha siyang Anghel. 

 

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko siyang magsayaw. Ngayon ko lamang ito naramdaman sa isang babae. Eto na ba ang oras na gusto ko na magseryoso sa isang babae. Pakiramdam ko ay ,oo. Siguro dahil sa iba siya sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Dahil siya lamang ang bukod tanging nagsungit sa akin at hindi agad nakuha ng kagwapuhan ko.

 

" Can I court you now , Rosalia?" tanong ko sa kanya.

 

Ngumiti siya sa akin , ito na yata ang senyales na pumapayag na siyang magpaligaw sa akin. Kaya kinumpirma ko ito sa kanya ,

 

" Is that a yes?" nasasabik kong tanong sa kanya.

 

" You know what Rosalia, sa ganda mong yan ikaw ang babae na hinding-hindi ko kayang lokohin," dagdag kong sabi sa kanya.

 

Tumango siya at napayakap ako dahil sa sobrang saya. Unang beses ko lamang naramdaman ang ganitong saya. I think this is what you called Love at First Sight. Tinamaan na talaga ako kay Rosalia Montes .

 

Bago pa lumalim ang gabi ay hinatid ko na siya sa kanyang Condo. Sinauli ko na din ang susi ng kotse niya at nag-alok na susunduin ko na lamang siya bukas para makuha na niya ang kanyang kotse sa parking lot. Hindi naman siya tumanggi sa alok ko.

 

Hindi ako makatulog sa kakaisip kay Rosalia. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kakakilala kahit kakikilala pa lang naman namin. Minamahal ko siya sa bawat araw na lumilipas. 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status