Share

CHAPTER 5: ROSALIA'S PLANNED SCHEME

Nathalia's POV

 

" Bwisit na lalaki yun! Kinuha pa ang susi ko para lang makipag date ako sa kanya ," inis na kuwento ko sa aking matalik na kaibigan .

 

Salita ako ng salita pero nakatulala lang si Tanya . Kaya ginulat ko siya .

 

" Ano ba naman yan Best, kanina pa ako nagkukuwento sayo e. Nakatulala ka lang diyan," inis kong sabi kay Tanya.

 

" Let just put it this way . Diba sabi mo sobrang patay na patay na si Louie sayo ? Imbes na sungitan mo siya , bakit hindi ka na lang magpanggap na gusto at mahal mo siya tapos biglang iwan mo kapag mahal na mahal ka na niya. Diba ganyan din naman ginawa niya sayo ,Best? Mas okay yun kaysa araw-araw kang naiinis sa pangbwibwisit niya sayo diba," suhestiyon ni Tanya .

 

Napatigil ako sa sinabi niya dahil may punto naman siya. Mas masakit yun kaysa sa walang epekto ko naman na pagsusungit sa kanya na imbes na siya ang nabubwisit ay ako ang binubwisit niya.

 

Napatalon ako sa kinauupuan ko at nayakap si Tanya.

 

" That's a good idea Best! I'll be nice to him starting later ," nakangiti kong sabi kay Tanya.

 

Inayusan ako ni Tanya para mas maglaway sa akin si Louie. Tinulungan niya din akong pumili ng damit na susuotin ko para sa date namin. Maya-maya ay narinig ko na may nagdoorbell at ito na nga si Louie.

 

Tinapunan ko siya ng matamis na ngiti. Halatang nabigla siya sa biglang pagbabago ko sa kanya. Fall into my trap Louie. Sa huli ikaw din ang iiyak . Poor Louie.

 

Dinala niya ako sa isang mamahaling Restaurant. Halatang pinareserve niya ito para sa aming dalawa lang. Nagkukuwentuhan kami ng bigla niya akong natanong kung bakit ako biglang nagbago sa kanya. Nagpalusot na lang ako sa sagot ko sa kanya na mukhang makatotohanan naman.

 

Napangiti na lang ako sa sinabi niya na hindi daw karapatdapat lokohin ang magandang babae katulad ko . Kaya ba nung pangit ako doon niya ako niloko. Ang sarap niyang isubsob sa mainit na sabaw para matauhan siya sa pinaggagawa niya sa akin noon. Pinigilan ko na lang ang sarili ko at ngumiti dahil ayaw kong masira ang plano ko. Ipapamukha ko sa kanya lahat ng kasalanan niya. But not now.

 

Niyaya niya akong magsayaw at doon siya humingi ng permisong manligaw. Same words when he first courted me when I'm still ugly. Linyahan talaga nito ni Louie akala mo ang laki ng respeto sa mga babae pero pusong Satanas naman kung makapanakit ng damdamin ng mga babae. Sa lahat ng nasaktan ng lalaki ito, ipaghihiganti ko kayo. I'll be his karma , I swear.

 

Sunod-sunod na ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya. Bilang pahintulot sa panliligaw niya. Sobrang saya niya nung pinayagan ko siya. Magpakasaya ka lang Louie. Dahil iyak na ang susunod diyan.

 

Bago lumalim ang gabi ay hinatid niya na ako sa aking Condo at balak pa akong sunduin bukas. Gising pa pala si Tanya ng mga oras na umuwi ako at nakipagkuwentuhan pa sa akin. Nagdesisyon siya na dito matulog sa Condo ko ngayon.

 

" So what's the real score with you two?" pag-uusisa niya sa akin.

 

" Yun nanligaw ang damuho. Pinayagan ko na para masimulan ko na ang aking paghihiganti," sagot ko sa aking Best friend.

 

" Just beware Best! Baka mainlove ka ulit sa kanya ha!" panunukso ni Tanya.

 

" Never ever, in his dreams! Matagal nang tumigas ang puso ko dahil sa panloloko ng lalaking iyon,"

 

Kung may biktima man ngayon, siya yun at hindi ako. Natapos ang aming usapan ng magdesisyon na kami parehas ni Tanya na matulog .

 

Kinabukasan ay , kagaya ng inaasahan ko narito na si Louie para sunduin ako . May dala na naman siyang isang bungkos ng bulaklak. Hindi yata nauubusan ng bulaklak ang taong ito, sa isip-isip ko.

 

Nakangiti ko siyang pinatuloy sa aking Condo. Nakapulupot pa ang tuwalya ko sa ulo at nakabathrobe nang dumating siya.

 

" You look so pretty even without make-up," pang-uuto niyang sabi sa akin.

 

Akala niya siguro ay madadaan niya ako sa kakaganyan niya. Hindi na ako magpapaapekto sa matatamis na salita ng isang demonyo. Simple akong ngumiti sa kanya bilang sagot. 

 

" Are you okay?" tanong niya na tila ba ay napapansin na naman ang pagiging malamig ko sa kanya.

 

" Okay ako kanina nung wala ka ," bulong ko sa sarili ko.

 

" Excuse me , you're saying?" tanong niya sa akin sa pagkapansin na may binubulong ako.

 

" What I'm saying is I'm fine," plastik na sagot ko. Sabay pekeng ngiti ko sa kanya.

 

Pagkatapos kong makapagbihis ay nagyaya na ako na umalis , para hindi niya na din maabutan pa si Tanya . Huminto muna siya sa isang coffee shop , iniwan niya na muna ako sa kotse niya.

 

Habang bumibili siya ay napaisip ako. Ano kaya kung imaneho ko itong kotse niya at ibangga ? Sus kulang pa yun sa mga kasalanan niya sa akin. E kung i-drive ko siya tapos ibangga ko para maaksidente siya at mawala na sa mundo. No , too early for him to die. Hindi pa nga niya napapagbayaran mga kasalanan niya sa akin e.

 

Nagising na lang ako mula sa malalim kong pag-iisip nang bahagya niyang hinawakan ang mukha ko. Kanina pa pala siya nasa harap ko dala-dala ang kape para sa akin. Peke akong nagpasalamat sa kanya at ngumiti.

 

Pagtapos kong makuha ang kotse ko ay may tinawagan ako. Nakipagkita ako sa kanya sa isang restaurant . He is Romeo , one of my closest friend at modeling world. 

 

" Hey nice to see you again , Salia !" beso niya sa akin.

 

" Me too , Romeo. " nakangiti kong sagot sa kanya.

 

Alam na agad ni Romeo ang kailangan ko sa kanya. Dahil una pa lang ay nasabi ko na ito sa kanya. 

 

" Sisimulan na ba natin , Salia? tanong ko sa kanya.

 

" Not now. But be prepared. We need him to really believe that were in relationship. " sabi ko sa kanya.

 

Kasama ito sa pagpapasakit ko kay Louie. Kailangan niyang maramdaman ng doble ang sakit nang makita ko sila ni Jenny na naglalampungan. Isasampal ko sa kanya ang sakit na pinaramdam niya sa akin noong pangit pa lang ako.

 

" Are you okay, Salia? " tanong sa akin ni Romeo.

 

" Yes , I just can't wait to break his heart into pieces," sagot ko kay Romeo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
kaeL yskaeLa
sobrang ganda po ng story.more chapters of pa po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status