Share

Vengeance of the Ugly Assistant
Vengeance of the Ugly Assistant
Author: BrownEyes

CHAPTER 1:UGLY ASSISTANT'S LOVE TO HER HEARTTHROB BOSS

Nathalia's POV

 

Sabik na sabik na akong makita ang aking bagong mukha. Oo retokada ako at tiniis ko ang bawat tusok ng karayom at ilang libo ng pera ko para lamang maging maganda ako .

 

Bakit ? Simple lang , dahil gusto kong maghiganti sa lalaking nanloko sa akin. Lintik lang ang walang ganti!

Habang nagpapagaling ng mga sugat na tinamo ko sa pagreretoke ay pumasok sa ala-ala ko ang lalaking pinagbigyan ko ng lahat-lahat sa akin subalit niloko lamang ako.

 

My name is Nathalia Rose Montessa. The Executive Assistant of Mr. Luisito Monteverde . I'm 20 years of age. Matalino , mabait at .. mabait at .. may takot sa Diyos. Hayy . Kailan ko kaya masasabi na maganda ako ?

 

Paano ba naman may makapal akong kilay,pangong ilong , tigyawating mukha at makapal na labi. Maganda naman si Mommy at gwapo si Daddy . Pero ewan ko ba kung kanino ko namana ang mukhang ito. Kaya lagi na lang akong tampulan ng tukso kapag kasama ko ang mga magulang ko. Sabi nila baka ampon lang daw ako pero naniwala ako na tunay na anak nila ako nang pinakita sa akin ni Mommy ang Birth Certificate. May alaga daw na unggoy si Mommy noong pinagbubuntis niya ako at tila daw ba ay napaglihian niya kaya naging ganito mukha ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa dahilan ni Mommy.

Sa dami ba naman ng paglilihian sa unggoy pa. 

 

Naputol ang aking pagmumuni-muni ng narinig ko ang alarm sa cubicle ko . Yun lang naman ang hudyat na kailangan ako ng boss ko. Pumunta ako agad-agad sa opisina niya. Napatitig ako sa kgwapuhan ni Mr.Monteverde. Matangos ang kanyang ilong , maputi , makinis ,mapungay ang mga mata at may mapupulang labi . At sa tuwing nakikita ko siya ay tila bang nakalutang ako sa langit , napapapikit ako na para bang hahalikan niya ako.

 

" Are you listening , Ms.Montessa ?" mataas na boses nitong tanong sa akin na tila ba ay naiinis na. 

 

Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya nagsasalita. Sapilitan na lang akong nag-oo kahit ang totoo ay hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya. Napakamot na lang ito at sinabi sa akin na 

 

" Next time listen carefully . Go back to your cubicle , Ms.Montessa," inis niyang sabi sa akin.

 

Kahit naiinis siya sa akin ay sobrang guwapo pa din siya sa paningin ko at wala nang makakahigit sa kanya. Isa siyang Adonis ng buhay ko. Kahit imposible ay nangangarap akong magustuhan din niya. Kung may nabibili lang na gayuma uubusin ko ang isang buwang sweldo ko para makabili non .

 

Lumipas ang maghapon at oras na ng uwian. Nakasabay ko ang nagiisang nagmamayari ng puso ko na si Luisito. 

 

" Don't worry Bro. I'll be there tonight," nakangiting sabi nito na tila ba ay may lakad kaya maagang umuwi.

 

Hindi man lang niya ako pinansin sa elevator. Tila ba'y parang hangin lamang ako sa kanya. Sabagay ganon naman talaga ang mga gwapo , sobrang suplado.

 

Kinaumagahan, ay may nakita akong isang bouquet ng bulaklak sa mesa ko. Tiningnan ko ang note na nakalagay dito at nanlaki ang mata ko sa nakita kong pangalan. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil baka nananaginip lamang ako. Kailangan ko yata ng matinding sampal . Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko na para bang nababaliw. Pero legit ang pinakamamahal ko nga ang nagbigay ng bulaklak.

 

Masayang-masaya akong patungo sa opisina ni Mr.Monteverde . Tila ba may sumusunod sa akin subalit hindi ko yun pinansin. Isa lang ang mahalaga sa akin ang makausap ang aking pinakamamahal

 

"S-sir b-bakit niyo po ako binigyan ng bulaklak ?" tanong ko sa kanya . Pakiramdam ko na namumula ako sa pagtatanong sa kanya ,pero ang mahalaga pa din sa akin ay ang sagot niya.

 

" I-I want to court you," napalunok siya ng sinabi niya sa akin yun. 

 

Nanlamig din ako na para bang yelo. Hindi ako makapaniwala na magugustuhan ako ng ganung kagwapong lalaki. Totoo ba ito ? Partida wala pa akong hinalong gayuma sa kape na tinitimpla ko sa kanya. 

 

" Are you serious S-Sir?" tinanong ko pa din siya dahil baka nabibigla lamang ito.

 

" Yes ofcourse. Ayaw mo ba ?" tanong nito sa akin.

 

Namumungay ang kanyang mga mata na mas lalong nagpatulala sa akin. Dahil sa ayaw ko naman siyang mabwisit sa akin at baka bawiin pa niya ang sinabi niya ay sumagot na ako.

 

" G-gusto po. Kahit nga po hindi niyo na ako ligawan e. Kahit tayo na agad-agad," sinantabi ko na ang aking pagiging Dalagang Pilipina sa sinabi kong iyon sa kanya.

 

" Good . I'm glad to be your boyfriend. Pero wag mo na akong tawagin na Sir pag tayo lang magkasama," napakalambing ng boses niya na sinabi sa akin. 

 

" S-sige Louie ," namumungay kong mata na sagot sa kanya. 

 

" One more request , pwede bang itago na lang natin muna ito sa office. I just want to practice professionalism," pakiusap niya sa akin.

 

Tumango ako sa kanya. Wala naman akong pakialam kung sino man ang nakakaalam sa relasyon namin o kung ako lang ang may alam basta masaya ako na nobyo ko na siya. Period . Uuwi na sana ako nang makita niya ako .

 

" Ihahatid na kita , Nathalia. As your boyfriend it's my duty to make sure that you're safe," nakangiti niyang sabi sa akin.

 

Namalayan ko na lang na pinagbuksan niya pala ako ng pinto ng kotse niya . Habang nagmamaneho siya ay nakatitig lang ako sa kanya. Hindi pa din ako makapaniwala na boyfriend ko na siya.

 

" Baka matunawa ako niyan," biro niyang sabi sa akin 

 

Namula ako sa sinabi niya. Nahiya ako kaya kinuha ko ba lang ang cellphone ko para habang pinapalipas ang aking pamumula. Pinapahinahon ko ang aking sarili sa kilig na nararamdaman ko. Mamaya na lang ako titili sa bahay namin. 

 

Papasok na kami sa subdivision ng bahay ko , kaya't tinuro ko na sa kanya ang daan. Nang makarating na kami sa harap ng bahay ay ,

 

" Goodnight Nathalia," buong lambing niyang sabi sa akin .

 

Nakatitig lang ako sa kanya. Nakanguso ang aking labi na tila ba ay naghihintay ng halik niya. Nahalata niya iyon kaya lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ang aking, ang aking noo. Pero okay lang yun. A kiss on forehead means a kiss of respect. Syempre kakasagot ko pa lang sa kanya , kaya siguro iniisip niya na ayaw niya lang na isipin ko na nagtitake advantage siya sa akin.

 

Pagkababa ko ng kanyang kotse at pagkaalis nito ay agad-agad akong pumasok ng bahay. Tumili ako ng pagkalakas-lakas at nagulat ang mga kasambahay namin.

 

" Mam ano pong nangyari ? Nanakawan po ba kayo?" pagpapanik na tanong ng isa sa aming kasambahay.

 

" Manang naman , nanakawan agad. Hindi ba pwede na yung pinakamamahal kong lalaki ay boyfriend ko na ngayon," kuwento ko kay Manang.

 

" Y-yung kinukuwento niyo pong guwapo? Paano po nangyari yun?" gulat na gulat na tanong ni Manang. 

 

Hindi ko alam kung maiinis o maiinsulto ba ako sa reaksyon ni Manang . Kung kaya't umakyat na lang ako sa aking kuwarto. Hindi na ako nakakain ng hapunan dahil sa kabusugan sa pagmamahal ni Louie. Nahirapan din ako matulog kakaisip sa kanya. 

 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Stacey Eizhel
First chapter pa lang Ang Ganda na . tataas Po expectations ko dto
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status