Share

CHAPTER 3: GAME OF REVENGE

Nathalia's POV 

 

Nakakatuwa ang reaksyon ni Louie. Para siyang bata na naglalaway sa ice cream . Pero yung ice cream na yun hinding-hindi kailanman niya matitikman muli.

 

Nakatingin ako ngayon sa salamin . Naalala ko yung mga unang araw na nagkaroon ako ng ganitong mukha. Halos lahat napatulala sa angkin kong kagandahan. 

 

Nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Naging ligawin ako. Pero kailanman ay hindi ako nagseryoso sa mga lalaki. Naging man-hater ako simula nung ginago ako ni Luisito Monteverde. Walang lalaki ang makakakuha ng tunay kong pagmamahal yun ang sumpa ko.

 

Natuto akong mag make-up at gumamit ng skin care. Nag gluta drip din ako para manatili ang kaputian ko. Mahirap na maging pangit ulit. Naranasan ko na yun.

 

Nakuha din akong model ng isang sikat na modeling company. Dito nabuhay ang aking bagong katauhan na si Rosalia Montes dahil ito ang binigay sa akin na screen name. Halos milyon-milyon ang nakukuha ko sa mga endorsements ko ,lalo na sa mga commercials na ginagawa ko. Iba talaga ang maging maganda . Hindi pala maganda , sobrang ganda. Ganito pala yung pakiramdam ng hindi ka binubully at nilalait ng mga tao.

 

Sa limang taon kong pagiging modelo ay kumita ako ng malaki. Iniipon ko yun para sa paghihiganti ko kay Louie. 

 

" Great shots , Ms. Montes !" puri sa akin ng official photographer.

 

Ginantihan ko siya ng isang matamis na ngiti. Saglit akong umalis sa studio para makipagkita sa aking private investigator . Dumating ako sa resto na tagpuan namin at nakita ko siyang hawak-hawak ang isang brown envelope. Inabot niya sa akin ito at nakangiti kong inabot sa kanya ang pera bilang bayad sa kanya.

 

" Thanks , until the next transaction again. " sabay alis.

 

Ito lang naman ang file na naglalaman ng mga pangalan ng shareholders sa kumpanya ni Louie. Kailangan kong suhulan ang pangalawa sa may malaking share sa kumpanya na igiveup ang share nito para malugi ang kumpanya ni Louie at doon ako papasok bilang tagapagligtas ng kumpanya niya . 

 

And I succeed ! Napapayag ko ang shareholder na yun na bitawan ang kumpanya ni Luisito. Siya din ang nagpakilala sa akin kay Christian bilang bagong shareholder ng kumpanya nila. At ito na nga , nagtagpo na muli ang landas namin ng gago kong Ex.

 

Ramdam ko sa mga titig niya na ako na ang sunod niyang target. Hindi nga ako nagkamali . Si Mr. Luisito Monteverde tinamaan na kay Rosalia Montes. Pero hindi niya aasahan na ako ang magiging tinik sa puso niya. 

 

Nang sumunod na araw ay nagkaroon kami ng tour sa kumpanya niya. Ang kumpanya kung saan ako unang nagtrabaho , umibig at nasaktan. Sa naganap na pagtour niya sa akin ay masyado siyang naging clingy. Kung makadikit siya sa akin ay para siyang linta. Kabaligtaran kung gaano siya diring-diri sa akin dati. 

 

Nakarinig ako ng isang buntong hininga sa kanya , sabay sabing , 

 

" Can I invite you for lunch today ?" halatang nahihiya niyang sabi sa akin.

 

" Yes. Baka magalit ang girlfriend mo ?" sagot ko sa kanya, kahit una pa lang ay alam kong hiwalay na sila ng bruhildang Jenny na yun. 

 

" I don't have one, I'm single," wika niya na tila ba ay may pagkakadiin sa salitang single.

 

Nginitian ko na lamang siya at pumasok sa kotse niya .Dinala niya ako sa isang Chinese Cuisine . Habang kami ay kumakain hindi niya maiwasan mapatitig sa akin . Halatang balisa siya at may gusto sabihin.

 

" You know what Rosalia , I like you. Can I court you?"

Pormal pero diretsuhang tanong niya sa akin.

 

" You're getting too fast Mr.Monteverde. You don't even asked If I'm single or not. ," pagsusungit kong sagot sa kanya.

 

Natahimik siya na tila ba ay napaurong ang dila sa sinabi ko. Achievement unlocked Nathalia. Papuri ko sa sarili ko dahil sa pagkapahiya ni Louie. I take a sip of Iced Tea ,sabay nagpaalam sa kanya.

 

" I need to go, thanks for the lunch though," seryosong sabi ko sa kanya na tila ba ay may pinapakita pa din akong inis sa mukha ko.

 

Inalok niya ako na ihahatid niya na ako pero tumanggi ako. Pinasunod ko ang aking driver sa restaurant at nagpasundo ako. Hindi maipaliwanag ang ngiti ko dahil sa pagkapahiya ni Louie.

 

" It was just the start Louie. Be ready for the next chapters," sarkastik kong nasasabi sa isip ko. 

 

Sa condo ko ako tumutuloy ngayon. But every weekends I visit my parents. Nasanay na din akong mag-isa . Kakarating ko pa lang sa aking condo ay may nagdoorbell na agad. Nang buksan ko ito ay isang bouquet of flowers ang nakita ko sa sahig .

 

Hindi nga ako nagkamali. Galing nga ito kay Louie. Akala siguro niya ay madadaan na naman niya ako sa pabulabulaklak na naman. Kinuha ko ang bulaklak at tinapon agad sa trashbin. Pagkatapos ng mga ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko , tawag ito galing kay Louie. Nakailang tawag na siya pero di ko sinasagot.

 

" Babaliwin kita Louie . Ipaparanas ko sayo ng doble ang pinaranas mo sa akin nung ginago mo ako," mapait kong sabi sa pagtunog ng aking cellphone ng ilang beses.

 

Kinuha ko ang laptop ko at nakipagvideocall sa Best Friend kong si Tanya. Si Tanya lang naman ang nag-iisa kong matalik na kaibigan kahit noong pangit pa lamang ako . Alam niya din lahat ng kahibangan ko kay Louie. 

 

" Naku Best . Just make sure that you will not drink your own poison ,ha !" sabi niya sa akin na para bang nang-aasar.

 

" Ofcourse yes . Wala ng natitirang pagmamahal sa akin sa lalakeng yun. Kung sambahin niya ako ngayon ay para akong Santa. Pero sa kanya ako magpapakita kung gaano ako kademonyita," Inis na inis kong sabi sa Best Friend ko.

 

Natapos ang usapan namin nang bigla siyang tawagan ng kanyang boyfriend. Buti pa itong si Tanya may napakatagal ng naging karelasyon , e ako sama ng loob lang ang tumatagal.

 

Makalipas ang ilang araw , nagdesisyon akong dumalaw sa kumpanya ni Louie. Para sabikin siya , kakikita pa lamang niya sa akin ay parang asong ulol na siyang sunod ng sunod.

 

" Rosalia , wait. We need to talk ," naghahabol hininga niyang sabi sa akin dahil sa mabilis ako maglakad ay napilitan siyang tumakbo.

 

I love this game. Hindi pa din ako tumigil kakalakad kung kaya't hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko nang maabutan niya ako. Hinarap ko siya ng taas kilay .

 

" Let go of me! Nasasaktan ako ," inis kong sabi sa kanya pero ang totoo ay kinakatuwa ko na ang larong sinisimulan ko.

 

" Please talk to me ! You're not even answering my calls," sabi niya sa akin.

 

" Do I need to ? I'm not obliged to answer your call. Sino ka ba sa buhay ko ? You're not even my friend or someone special to me, right?" sabi ko sa kanya na kinatameme niya.

 

Two points Rosalia . Napasakitan mo naman si Louie. Pero dahil sa halimaw ang tiwala ng damuhong ito sa sarili niya ay hindi pa din siya tumigil kakapangulit sa akin. 

 

" Fine , I'm not even your friend or someone special to you. But I want to ," malambing na sagot niya sa akin 

 

Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya inirapan ko siya sabay akmang aalis. Hinila niya ako papunta sa terrace ng opisina. Iba na talaga kapag maganda , sa terrace na hinihila. Noong pangit pa kasi ako ay madalas sa fire exit kaming nag-uusap ng mokong na ito.

 

" What?! I don't like you and I'll never like you. Period!" inis kong sigaw sa kanya.

 

" Really baby ? Wala pang tumatanggi kay Luisito Monteverde." mayabang niyang sabi sa akin habang nialalapit ang mukha niya. 

 

" Puwes ibahin mo ko!" Sinampal ko siya at tumakbo para makaiwas sa kanya.

 

Hindi niya na ako mauuto. Hinding-hindi na. Hahayaan muna kitang mag-laway , tapos paasahin kita at ibabagsak ng pagkataas-taas. Mark my word Luisito Monteverde!

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status