分享

Chapter 4: Curiousity

作者: LavenderPen
last update publish date: 2026-10-29 14:29:38

Hindi siya pinansin ni Enzo na bumaling na ang tingin sa kanyang ama na prente ng nakaupo sa sala ng simpleng bahay na iyon. Iginala ng lalaki ang paningin sa paligid. Malayong-malayo ang bagong tirahan na iyon kumpara sa estate na kanilang iniwanan.

“Enzo, Tita is asking you if you want a glass of water too?” untag ng ama sa anak. 

Mabilis iniiling ni Enzo ang kanyang ulo at inilihis na ang tingin sa ama. Binalik iyon kay Ada na sa mga sandaling iyon ay nagawa ng maubos ang baso ng tubig na hiningi niya.

“Linda, ayaw niya.” wika ng lalaki na nilingon na ang Ginang na tumango lang.

“Okay…gagawa ako ng salabat para mainitan ang inyong sikmura.”

Alas-tres na iyon ng hapon, ngunit dahil makulimlim at bagong ulan lang noong umaga ay malamig ang simoy ng hangin. Klima na nakasanayan na ng mga taga-roon.

“Kuya, kung sakaling may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi ha?” friendly pa rin na wika ni Ada kahit na alam niyang wala pa rin siyang makukuhang sagot dito.

Pumasok na sa loob ng bahay si Ada. Nilingon ang ina. Pumasok na rin si Enzo matapos hubarin ang kanyang sapatos at walang imik na tumabi na sa kanyang ama.

“Ma, magpapalit lang ako ng damit!” 

“Okay, bilisan mo at ilalabas ko na ang tea natin.” 

Paglabas ni Ada mula sa kanyang silid ay nakahain na sa center table ang kanilang tea. Walang hiyang makikita sa mukha niyang tumabi na kay Enzo. Umusod naman ang lalaki na nagtataka na dahil sa lawak ng bakanteng sofa ay sa kanya pa ito sumisiksik.

“Tikman mo, Kuya Enzo. Masarap iyan. Parang hinahagod ang lalamunan mo ng vicks.”

Mahinang natawa ag Ginang sa kanyang anak, nilingon na ang si Fred sa tabi niya. 

“Masanay na kayo diyan kay Ada, ang daming pakulong kalokohan sa katawan.” 

Tumawa lang naman si Fred na sinulyapan ang poker face pa rin na mukha ng anak.

“Ma, totoo naman ah? Parang vicks kasi malamig.”

Binuhat pa ni Ada ang tasa ng tea na para kay Enzo at bahagyang inilapit ito sa kanya.

“Come on, Kuya Enzo. Huwag ka ng mahiya. Kapag natikman mo, masasabi mo na totoo ang sinasabi ko.” ngiti pa ni Ada na pilit kinukuha pa rin ang loob ni Enzo. 

Si Enzo na walang buhay na tiningnan lang siya. Doon napansin ni Ada ang walang kinang at buhay na mga mata ni Enzo. Napakurap na siya. Biglang mas naging curious.

“Matagal pa bago matapos ang season ng tag-ulan dito.” maya-maya ay wika ni Linda na nilingon si Fred, batid niyang alam iyon ng lalaki pero pinapaalala pa rin sa kanya.

“Kaya nga, ayos lang para hindi gaanong mainit ang panahon. Sanay kami sa lamig.”

“Sabagay, hindi na natin kailangan ng aircon lalo sa araw dahil malamig na ang klima.”

Nagpatuloy pa ang pag-uusap ng dalawa, habang si Ada naman ay tahimik na pinagmamasdan si Enzo. Pinag-aaralan kung bakit hindi pa rin naririnig ang tinig nito.

“Hija, pasensya ka na sa Kuya Enzo kung hindi sinasagot ang bawat tanong mo ha? Mula ng mawala ang kanyang ina, naging ganyan na siya. Hindi ko na rin siya pinilit.”

Bumitak sa malaking ngiti ang labi ni Ada nang marinig ang sinabi ni Fred. Hindi niya lubusang maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin, pero ayon sa sarili niyang pagkakaintindi ay madalang na kung magsalita si Enzo mula ng pumanaw ang ina. Kumbaga, parang shinut down nito ang kanyang sarili. At coping mechanism niya iyon.

“Ayos lang po Tito, paniguradong naninibago lang din siya sa lugar na ito. Hindi magtatagal, kakausapin din ako nitong si Kuya. Di ba, Kuya Enzo?” bahagya pang binangga ni Ada ang balikat ni Enzo na tiningnan lang naman siya doon nang masama.

Tahimik na ininom ni Enzo ang salabat, lihim niyang masasabi na okay naman ang lasa. Hindi nga lang kagaya ng sinabi ng kapatid na parang sa vicks. Menthol lamang iyon. Nagkatinginan sina Fred at Linda nang makita ang ginawa ni Enzo, ngumisi naman ng malaki si Ada ngunit piniling huwag na lang magbigay ng anumang komento sa kapatid.

“Pagkatapos niyan, magpalit muna kayo ng damit. Ihahanda ko na ang ating hapunan.”

Hinintay ni Ada na makaalis ang mag-ama bago palihim na nagtanong sa ina. 

“Ma, ganun ba talaga si Kuya Enzo? Hindi siya nagsasalita? I mean, naiintindihan niya naman tayo di ba? Bakit mula pagdating nila ay hindi ko pa naririnig ang boses niya?” sunod-sunod na tanong ni Ada sa ina, dahilan para lingunin na siya ng inang nandidilat.

“Amanda—” 

“Ma, gusto ko lang naman malaman. Masama ba iyon? Pipi ba siya? Disabled?”

“No, naging ganun lang siya mula ng mamatay ang kanyang ina. Iyon ang impact.” 

Napaawang ng bibig si Ada. Hindi niya inaasahan na ganun pala ang nangyari.

“Kausapin mo lang siya dahil nakakaintindi naman siya ng tagalog, sabi ni Fred.” 

“Okay, at least alam ko na wala talaga akong makukuhang sagot sa kanya, Ma.”

“Be mindful, Amanda…” 

Matapos ng kanilang hapunan ay iginiya na ng kanyang ina ang mag-ama sa silid kung saan sila matutulog. Hindi pa magtatabi ang kanilang mga magulang, iyon ang kanilang napagkasunduan. Mangyayari lamang iyon pagkatapos nilang ikasal. Bukod ang silid ni Enzon, bukod din ang kanyang ama. Kalapit ng silid ni Ada ang magiging silid ni Enzo.

“Bilisan mo na rin diyan anak at magpahinga ka na rin. Pupuntahan ko lang sila.” 

Pagkatapos maghugas ay nagpasya na rin si Ada na tumungo sa kanyang silid. Bago pumasok dito ay nilingon niya ang katapat na pintuan kung saan inuukopa ng bagong kapatid. Masayang ngiti ang sumilay sa kanyang kapatid. Pagod man ay masaya pa rin.

“Good night, Kuya Enzo…” bulong niya sa may p***o kahit hindi nito maririnig iyon.

Naging mabilis ang pagdaan ng nasabing gabi, ni hindi si Ada nagising sa kalagitnaan nito. Umaga na siya nang magdilat ng kanyang mga mata. Enzo’s first night in their house feels like home in his mother's arms too. Mahimbing siyang nakatulog ng gabing iyon. Marahil dala ng pagod? Hindi niya alam. Sa unang pagkakataon lang iyon mula ng mawala ang kanyang ina. Madalas hindi siya makatulog ng ayos na tila binabangungot.

“Good morning!” umaalingawngaw sa apat na sulok ng dining room ang boses ni Ada. 

Naroon na ang kanyang ina, si Fred at maging si Enzo na naunahan siyang magising.

“Halika na Ada, kumain muna tayo ng agahan bago pumunta sa office ni Mayor.” ang kanyang ina na halatang maganda rin ang tulog dahil sa sigla ng bagong umaga niya.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 4: Curiousity

    Hindi siya pinansin ni Enzo na bumaling na ang tingin sa kanyang ama na prente ng nakaupo sa sala ng simpleng bahay na iyon. Iginala ng lalaki ang paningin sa paligid. Malayong-malayo ang bagong tirahan na iyon kumpara sa estate na kanilang iniwanan.“Enzo, Tita is asking you if you want a glass of water too?” untag ng ama sa anak. Mabilis iniiling ni Enzo ang kanyang ulo at inilihis na ang tingin sa ama. Binalik iyon kay Ada na sa mga sandaling iyon ay nagawa ng maubos ang baso ng tubig na hiningi niya.“Linda, ayaw niya.” wika ng lalaki na nilingon na ang Ginang na tumango lang.“Okay…gagawa ako ng salabat para mainitan ang inyong sikmura.”Alas-tres na iyon ng hapon, ngunit dahil makulimlim at bagong ulan lang noong umaga ay malamig ang simoy ng hangin. Klima na nakasanayan na ng mga taga-roon.“Kuya, kung sakaling may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi ha?” friendly pa rin na wika ni Ada kahit na alam niyang wala pa rin siyang makukuhang sagot dito.Pumasok na sa loob ng

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 3: New Family

    Sa araw ng pagsundo nila sa airport sa mag-ama ay hindi napigilan ni Ada ang malaking ngiti nang makita ang isang lalaking halos ay ka-edad lang ng kanyang ina. Sinalubong siya ng yakap ng Ginang habang si Ada ay nagmamasid lang sa likuran. Hinahanap kung nasaan ang kanyang kapatid. Nang makita itong naglalakad sa likod ng matandang lalaki, napaayos ng tayo si Ada. Handa ng pasugod na tumakbo palapit kung hindi lang niya nakita ang matalim nitong tingin sa kanya na puno ng pagbabanta.‘Wow, galit ba siya? Hindi niya ba tanggap ang pagpapakasal ng kanyang ama?’ Tila bumaon ang paa ni Ada sa kanyang kinatatayuan. Nilingon na lang at lahat siya ng ina niya upang ipakilala sa bagong dating na mag-ama, hindi pa rin siya gumagalaw.“Amanda?” untag ng Ginang kung kaya naman inilihis ni Ada ang tingin niya sa lalaki.“Ma?” Bantulot na lumapit si Ada sa kanila. Ni hindi narinig ni Ada ang boses ng ina nang ipakilala ang magiging step-father niya dahil sa sobrang lakas ng kalabog ng puso niya

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 2: Blended Family

    Bumungisngis pa si Ada, sa kabila ng kanyang mga ngiti biglang gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang ama. Humapdi ang mga mata niya. Hindi na napigil ang mapaluha. Kung buhay lang ito at kasama nila, tiyak na sinamahan siyang maligo sa ulan. Hindi sana siya mag-isang nagtatampisaw ngayon doon.“Oh? Himalang tapos ka ng maligo?” ang ina ng bumungad siya sa likod ng kusina.“Nilalamig na ako, Mama.” dahilan niya pero ang totoo ay nalulungkot na naman siya.“Ayan, sinasabi ko sa’yo hindi ba? Ang tigas-tigas ng ulo mo!” Sa totoo lang, masasaya ang mga alaalang iniwan sa kanya ng ama tuwing tag-ulan. Sa maikling panahon nito na kanyang nakasama, alam niyang sulit ang lahat ng iyon. Sampung taon siya ng pumanaw ang ama. Musmos pa at wala pang alam. Ang tanging alam niya lang ay hindi na niya makakasama sa kanyang paglaki ang ama. Hindi na nito matutupad ang kanyang mga binitawang pangako, dahil biglang nagpahinga siya.“Kailangan natin tanggapin ang nangyari, Ada.

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 1: Memory Lane

    Dumaan ang lungkot sa mukha ni Iza, ngunit agad niya iyong winaglit. Ilang beses na kumibot ang kanyang bibig na para bang may nais na sabihin sa kaibigan, ngunit pinigilan niya ang sarili. Wala siya sa lugar upang sabihin na sa kanya ang katotohanan.“Alright, tutal nagbitaw ka na ng salitang iyan magagalit talaga ako kapag nagmahal ka ng iba. Maniwala ka, hindi mo ako magiging abay oras na ikasal ka. Magtatampo ako.”Tumawa lang si Ada at hindi na nagbigay pa ng anumang komento. Humakbang na palapit sa pintuan ng kanilang lumang bahay. Nais niya sanang ipa-renovate iyon, ngunit nagbago ang isip niya dahil paniguradong magbabago ang hitsura at saka vibes.“Maiba ako Ada, kailan mo planong bumisita sa kanila?” Muling natigilan si Ada sa kanyang paghakbang upang lingunin lang ang kaibigan.“Sa anniversary nila ni Tito Papa.”Ganap ng isang guro sa highschool ang kaibigang si Iza na naka-destino sa lugar nila. Pinili nitong doon na lang manatili kahit na may mga offer sa kanyang malala

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Prologue

    Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin magawang ihakbang ni Ada ang kanyang mga paa papasok ng kanilang lumang tahanan. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng gate ng kanilang lumang bahay. Hindi niya mapigilan na humapdi ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa alaalang hatid ng lugar na iyon noong kanyang kabataan. Ilang taon na ang lumipas, pero naroon pa rin ang masalimuot na kanyang pinagdaanan. Hindi magawa iyong matakpan ng ilang libong magagandang pangyayari sa buhay niya.“Pasok na sa loob, Ada…” kumbinsi ng babae sa kanyang sarili na humigpit na ang hawak sa strap ng kanyang dalang sling bag, makikita pa rin ang trauma sa mga mata.Gamit ang nangangatal na mga daliri sa kamay, tinulak ng dalaga ang gate na nagbigay ng munting ingit. Bagong pagawa niya ang gate noon, pinatanggal niya ang kalawang. Mabagal niyang hinila ang kanyang mga paa upang tuluyang makapasok sa loob. Halimuyak ng mabangong amoy ng mga bulaklak ng kalachuchi sa loob sa bakuran ang sumalubong sa butas ng

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status