تسجيل الدخولSa araw ng pagsundo nila sa airport sa mag-ama ay hindi napigilan ni Ada ang malaking ngiti nang makita ang isang lalaking halos ay ka-edad lang ng kanyang ina. Sinalubong siya ng yakap ng Ginang habang si Ada ay nagmamasid lang sa likuran. Hinahanap kung nasaan ang kanyang kapatid. Nang makita itong naglalakad sa likod ng matandang lalaki, napaayos ng tayo si Ada. Handa ng pasugod na tumakbo palapit kung hindi lang niya nakita ang matalim nitong tingin sa kanya na puno ng pagbabanta.
‘Wow, galit ba siya? Hindi niya ba tanggap ang pagpapakasal ng kanyang ama?’ Tila bumaon ang paa ni Ada sa kanyang kinatatayuan. Nilingon na lang at lahat siya ng ina niya upang ipakilala sa bagong dating na mag-ama, hindi pa rin siya gumagalaw. “Amanda?” untag ng Ginang kung kaya naman inilihis ni Ada ang tingin niya sa lalaki. “Ma?” Bantulot na lumapit si Ada sa kanila. Ni hindi narinig ni Ada ang boses ng ina nang ipakilala ang magiging step-father niya dahil sa sobrang lakas ng kalabog ng puso niya. Takot ba siya? Malamang! Siya ba naman ang panlisikan ng mata ng anak ng bagong ama, hindi kakabahan? Iba ang ini-imagine niyang mangyayari. Buong akala niya, gaya niya rin na tanggap na siya ng kapatid. Mukhang mahihirapan pa ata siyang kunin ang loob ng lalaking kapatid. “Enzo, this is Amanda.” lingon ng matandang lalaki sa anak, saka pa lang ito nag-iwas ng tingin kay Ada na kulang na lang ay lunukin siya nang buo kanina. “Be good, okay?” Awtimatikong ngumiti si Ada, na inisip na kung gagawin niya iyon paniguradong gugustuhin ng bagong kapatid na mas makilala pa siya. Kaso ay nabigo pa rin siya dito. “Amanda, ito naman ang anak kong si Enzo. Pwede mo siyang tawaging Kuya.” “Ada na lang po, Tito…” “Alright, Ada…” Hindi na rin sila nagtagal sa airport at lumulan na sa van na kanilang nirentahan. Habang biyahe ay tahimik lang sila. Panaka-naka ang tingin ni Ada kay Enzo na noon ay medyo mahaba ang buhok. Hindi niya alam kung iyon ba ang usong hairstyle sa bansang pinagmulan, pero hindi niya na pinansin. Maputi ang balat nito at kahit na mukhang marungis tingnan, litaw na litaw pa rin noon ang pagkakaroon nito ng hitsura. ‘Tiyak, maraming babae ang magkakagusto sa kanya sa aming barangay.’ Para kay Ada, hindi gaanong nakakapagod ang naging byahe nila. Ang mas nakakapagod ay ang pagiging tahimik ni Enzo na ni minsan ay hindi pa niya narinig ang tinig. Ni hindi rin ito ngumiti. Kaunti na lang at iisipin niyang mayroon na itong problema. Ibig niyang sabihin ay disable ang kanyang Kuya. Sino ba naman kasing mananatiling tahimik lang na nagmamasid sa daan habang nasa byahe. Nang mag-stop over sila at kumain, ni hindi niya rin nagawang marinig na magpasalamat man lang o may hilingin. ‘Mute ba siya?’ “Ada, sabayan mo ang Kuya at mauuna na kami ng Tito sa bahay.” lingon na ng ina kay Ada upang ibilin lang ang bago niyang kapatid na siya na umano ang bahala sa kanya. “Okay, Ma.” nag-iinat na sagot ni Ada pagkababa niya ng van. Ilang maleta lang ang kanilang dala, tinulungan silang buhatin iyon ng driver. Hindi kumilos si Enzo upang sumunod sa mga magulang nila ni Ada. Nagmamasid lang ito. “This is our hometown, Kuya. Simple lang dito ang buhay. Sabi nga ay probinsya vibes.” Ni hindi man lang siya nilingon ni Enzo na parang walang narinig. Napalabi na si Ada. “Halika na, biglang dumilim ang langit oh. Baka abutan tayo ng ulan.” diretso ni Ada kahit na alam niyang maaaring hindi siya naiintindihan ng kanyang kinakausap. Bago tuluyang makarating sa kanilang bahay ay kailangang tumawid sa malawak na parang na patungo sa kalsada. Dati iyong taniman ng palay ngunit napabayaan na ng may-ari kung kaya naman tinubuan na ng maraming damo. Naging malawak iyong daan kung saan, pwedeng gumamit ng bike. Usually mga mag-aaral dito ay naka-bike. “Pagod pa naman tayo sa byahe, tiyak magkakaroon tayo ng sakit kapag naambunan.” Akmang hahawakan ni Ada ang kamay ni Enzo ngunit nagawa na nitong makalayo. “Kuya, sandali lang!” Nakita niyang inihakbang na ni Enzo ang mahabang mga binti. Hindi napigil ni Ada ang sarili na mapangiti. Mukhang naririnig naman siya nito, at ayaw lang siyang kausapin. “Kuya Enzo, hintayin mo ako!” Hindi man lang siya nilingon ni Enzo na patuloy pa rin sa ginagawang paghakbang ng malaki. Kanina pa siya naririndi sa boses ng babae. Para itong palakang natubigan dito. Umuwi sila ng bansa ng kanyang ama upang pakasalan lang ang ina ng babaeng ito. Bagay na hindi niya matanggap. Okay naman sila, bakit kailangan ng ibang pamilya? “Uuwi na tayo ng Pilipinas, Enzo. We are staying there for good. Maiba naman.” Hindi pinansin ni Enzo ang ama, ngunit nang tumigil ito sa pagsasalita ay napilitan siyang tumigil sa pagsubo ng pagkain. Mula ng mamatay ang kanyang ina, pinili ng lalaki na huwag ng magsalita. Oo, naririnig niya ang buong paligid pero nawalan siya ng pakialam. Alam ng kanyang ama na pinaparusahan niya lang ang kanyang sarili kaya kahit na hindi siya nagsasalita, patuloy pa rin ito sa pakikipag-usap sa kanya ng normal. “She had a daughter. Sana maayos mo siyang pakitunguhan dahil after ng magiging kasal namin, kikilalanin mo na siyang kapatid. Do you understand it, Lorenzo?” Kumibot ang bibig ni Enzo, napipintong sabihin ang mariin niyang pagtutol. Ayaw niya ng magkaroon sila ng panibagong pamilya. Ayaw niya rin ng madrasta at saka kapatid. “She is a nice woman. Ganundin ang kanyang anak. Makakasundo mo sila.” Iniiwas ni Enzo ang mga mata niya sa ama. Imposibleng mangyari ang gusto nitong magkasundo sila. Tumigil siya sa paghakbang, nilingon na si Ada sa kanyang likuran. Sa totoo lang, okay naman ang babae. Mukha naman itong mabait, ngunit hindi nito nagawang mapawi ang poot na nararamdaman niya sa kanyang puso ng sandaling iyon. Hindi sa ganung klase ng lugar siya lumaki, paano ba siya mag-a-adjust sa liblib? “Sanay ka bang mag-jogging? Grabe, ang bilis mo namang maglakad!” hinihingal na wika ni Ada, nakahawak na sa magkabila niyang tuhod nang makalapit na ito kay Enzo. Sa halip sagutin ay muli siyang iniwanan ni Enzo. Pinilit naman ni Ada na makahabol. “Ma, tubig!” hapong-hapo na sigaw ni Ada pagdating ng kanilang bahay. Lumabas ang Ginang na hindi pa man nakakapagbihis ng damit dala ang baso ng tubig. Ngumiti ang Ginang kay Enzo nang makitang naroon na rin ang binata. Nakaupo na ito. “You want a glass of water too, Enzo?” may lambing ang boses ng Ginang sa binata.Hindi siya pinansin ni Enzo na bumaling na ang tingin sa kanyang ama na prente ng nakaupo sa sala ng simpleng bahay na iyon. Iginala ng lalaki ang paningin sa paligid. Malayong-malayo ang bagong tirahan na iyon kumpara sa estate na kanilang iniwanan.“Enzo, Tita is asking you if you want a glass of water too?” untag ng ama sa anak. Mabilis iniiling ni Enzo ang kanyang ulo at inilihis na ang tingin sa ama. Binalik iyon kay Ada na sa mga sandaling iyon ay nagawa ng maubos ang baso ng tubig na hiningi niya.“Linda, ayaw niya.” wika ng lalaki na nilingon na ang Ginang na tumango lang.“Okay…gagawa ako ng salabat para mainitan ang inyong sikmura.”Alas-tres na iyon ng hapon, ngunit dahil makulimlim at bagong ulan lang noong umaga ay malamig ang simoy ng hangin. Klima na nakasanayan na ng mga taga-roon.“Kuya, kung sakaling may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi ha?” friendly pa rin na wika ni Ada kahit na alam niyang wala pa rin siyang makukuhang sagot dito.Pumasok na sa loob ng
Sa araw ng pagsundo nila sa airport sa mag-ama ay hindi napigilan ni Ada ang malaking ngiti nang makita ang isang lalaking halos ay ka-edad lang ng kanyang ina. Sinalubong siya ng yakap ng Ginang habang si Ada ay nagmamasid lang sa likuran. Hinahanap kung nasaan ang kanyang kapatid. Nang makita itong naglalakad sa likod ng matandang lalaki, napaayos ng tayo si Ada. Handa ng pasugod na tumakbo palapit kung hindi lang niya nakita ang matalim nitong tingin sa kanya na puno ng pagbabanta.‘Wow, galit ba siya? Hindi niya ba tanggap ang pagpapakasal ng kanyang ama?’ Tila bumaon ang paa ni Ada sa kanyang kinatatayuan. Nilingon na lang at lahat siya ng ina niya upang ipakilala sa bagong dating na mag-ama, hindi pa rin siya gumagalaw.“Amanda?” untag ng Ginang kung kaya naman inilihis ni Ada ang tingin niya sa lalaki.“Ma?” Bantulot na lumapit si Ada sa kanila. Ni hindi narinig ni Ada ang boses ng ina nang ipakilala ang magiging step-father niya dahil sa sobrang lakas ng kalabog ng puso niya
Bumungisngis pa si Ada, sa kabila ng kanyang mga ngiti biglang gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang ama. Humapdi ang mga mata niya. Hindi na napigil ang mapaluha. Kung buhay lang ito at kasama nila, tiyak na sinamahan siyang maligo sa ulan. Hindi sana siya mag-isang nagtatampisaw ngayon doon.“Oh? Himalang tapos ka ng maligo?” ang ina ng bumungad siya sa likod ng kusina.“Nilalamig na ako, Mama.” dahilan niya pero ang totoo ay nalulungkot na naman siya.“Ayan, sinasabi ko sa’yo hindi ba? Ang tigas-tigas ng ulo mo!” Sa totoo lang, masasaya ang mga alaalang iniwan sa kanya ng ama tuwing tag-ulan. Sa maikling panahon nito na kanyang nakasama, alam niyang sulit ang lahat ng iyon. Sampung taon siya ng pumanaw ang ama. Musmos pa at wala pang alam. Ang tanging alam niya lang ay hindi na niya makakasama sa kanyang paglaki ang ama. Hindi na nito matutupad ang kanyang mga binitawang pangako, dahil biglang nagpahinga siya.“Kailangan natin tanggapin ang nangyari, Ada.
Dumaan ang lungkot sa mukha ni Iza, ngunit agad niya iyong winaglit. Ilang beses na kumibot ang kanyang bibig na para bang may nais na sabihin sa kaibigan, ngunit pinigilan niya ang sarili. Wala siya sa lugar upang sabihin na sa kanya ang katotohanan.“Alright, tutal nagbitaw ka na ng salitang iyan magagalit talaga ako kapag nagmahal ka ng iba. Maniwala ka, hindi mo ako magiging abay oras na ikasal ka. Magtatampo ako.”Tumawa lang si Ada at hindi na nagbigay pa ng anumang komento. Humakbang na palapit sa pintuan ng kanilang lumang bahay. Nais niya sanang ipa-renovate iyon, ngunit nagbago ang isip niya dahil paniguradong magbabago ang hitsura at saka vibes.“Maiba ako Ada, kailan mo planong bumisita sa kanila?” Muling natigilan si Ada sa kanyang paghakbang upang lingunin lang ang kaibigan.“Sa anniversary nila ni Tito Papa.”Ganap ng isang guro sa highschool ang kaibigang si Iza na naka-destino sa lugar nila. Pinili nitong doon na lang manatili kahit na may mga offer sa kanyang malala
Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin magawang ihakbang ni Ada ang kanyang mga paa papasok ng kanilang lumang tahanan. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng gate ng kanilang lumang bahay. Hindi niya mapigilan na humapdi ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa alaalang hatid ng lugar na iyon noong kanyang kabataan. Ilang taon na ang lumipas, pero naroon pa rin ang masalimuot na kanyang pinagdaanan. Hindi magawa iyong matakpan ng ilang libong magagandang pangyayari sa buhay niya.“Pasok na sa loob, Ada…” kumbinsi ng babae sa kanyang sarili na humigpit na ang hawak sa strap ng kanyang dalang sling bag, makikita pa rin ang trauma sa mga mata.Gamit ang nangangatal na mga daliri sa kamay, tinulak ng dalaga ang gate na nagbigay ng munting ingit. Bagong pagawa niya ang gate noon, pinatanggal niya ang kalawang. Mabagal niyang hinila ang kanyang mga paa upang tuluyang makapasok sa loob. Halimuyak ng mabangong amoy ng mga bulaklak ng kalachuchi sa loob sa bakuran ang sumalubong sa butas ng







