Teilen

Chapter 2: Blended Family

last update Veröffentlichungsdatum: 29.10.2026 12:30:48

Bumungisngis pa si Ada, sa kabila ng kanyang mga ngiti biglang gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang ama. Humapdi ang mga mata niya. Hindi na napigil ang mapaluha. Kung buhay lang ito at kasama nila, tiyak na sinamahan siyang maligo sa ulan. Hindi sana siya mag-isang nagtatampisaw ngayon doon.

“Oh? Himalang tapos ka ng maligo?” ang ina ng bumungad siya sa likod ng kusina.

“Nilalamig na ako, Mama.” dahilan niya pero ang totoo ay nalulungkot na naman siya.

“Ayan, sinasabi ko sa’yo hindi ba? Ang tigas-tigas ng ulo mo!”

Sa totoo lang, masasaya ang mga alaalang iniwan sa kanya ng ama tuwing tag-ulan. Sa maikling panahon nito na kanyang nakasama, alam niyang sulit ang lahat ng iyon. Sampung taon siya ng pumanaw ang ama. Musmos pa at wala pang alam. Ang tanging alam niya lang ay hindi na niya makakasama sa kanyang paglaki ang ama. Hindi na nito matutupad ang kanyang mga binitawang pangako, dahil biglang nagpahinga siya.

“Kailangan natin tanggapin ang nangyari, Ada. Marahil ay hanggang doon lang ang buhay na ibinigay ng Maykapal sa iyong ama. Narito pa naman ang Mama, anak eh.” 

Batid ni Ada na inaalo lang siya ng ina upang huwag ng umiyak, ngunit ang totoo kung nasasaktan siya ay mas nasasaktan din ang kanyang ina. Wala kasing sign ang ama na aalis, ni hindi nito nagawang magpaalam nang maayos. Basta na lang nangyari lahat.

“Hindi ka iiwan ng Mama, hanggang sa lumaki ka…”

Tinupad naman iyon ng kanyang ina, lagi itong naka-suporta sa kanya. Hindi rin siya hinayaan nitong magutom. Lahat ng pangangailangan niya ay kanyang ibinigay. Ang tanging hindi niya lang makuha ay ang pagmamahal ng ama kahit di nagkulang ang ina.

“Anak, kung pipiliin ng Mama na muling magka-partner sa buhay okay lang sa’yo?”

Nasa hapag silang mag-ina noon ay kumakain ng hapunan nang banggitin ito ng ina. Tumigil sa kanyang pagkain si Ada. Binitawan na ang hawak na tinidor at saka kutsara. 

“Magpapaalam sana ang Mama, pero kung ayaw mo naman hindi kita pipilitin.”

Naging malikot na ang mga mata ng ina. Pilit ang ngiting pinapakita sa kanya. 

“Ma, mahal mo ba?” 

Tumango ang kanyang ina. Hindi na siya hiningan pa ni Ada ng ibang paliwanag. Matagal na panahon na rin mula ng mawala ang kanyang ama. Sa kanyang palagay, panahon na rin ng ina upang maging maligaya. Hahadlangan niya pa ba ang nais nito?

“Mahal ka ba?” 

Ilang segundong hindi nakasagot ang Ginang. Nagkaroon ng ilang pag-aalinlangan.

“Kung mahal ka niya gaya ng pagmamahal sa’yo ni Papa, papayagan kita.” 

Ang Ginang naman ang natigilan. Naburo na ang mga mata sa mukha ng anak.

“Sigurado kang pumapayag ka anak?”  

“Oo naman, Mama. Basta mahal ka niya, papakasalan ka at hindi ka sasaktan.”

Nakahinga nang maluwag ang Ginang, ngunit panandalian lang iyon. Itinuloy ni Ada ang kanyang pagkain. Napakunot na ang noo ng makitang di pa rin kumakain ang ina.

“Kaklase ko siya noong highschool kami. Crush ko na siya bago ko mahalin ang Papa mo. Noong college na kami, nag-migrate sa ibang bansa ang mga magulang niya at doon na sila tumira. Doon na rin siya nag-aral. Muli lang kaming nagkita nitong magkaroon ng reunion ang batch namin after ng ilang dekada. We reconnect, Ada.”

Kumislap ang mga mata ni Ada nang marinig ang kanilang kwento. Fan siya ng mga ganitong love story. Hindi naman siguro magagalit ang kanyang ama sa pagpayag niya.

“Wow, Ma? Haba ng hair natin ah?” biro niya na mahinang ikinatawa lang ng Ginang.

Pabirong inirapan siya ng ina na namumula na ang mukha. Panandalian lang iyon. 

“Kaya lang anak, mayroon din siyang anak. Matanda sa’yo ng ilang taon. Gaya ng Papa mo ay nagpahinga na rin ang kanyang asawa. Gusto niya ng fresh start dito sa bansa.”

Napaisip na si Ada, kung may anak ito ibig sabihin ay may instant siyang kapatid. Sa isiping iyon ay mas naging excited si Ada. Ibig sabihin ay hindi na siya mag-iisa pa.

“Ma, mas okay lalo sa akin. Instant mayroon akong kapatid.”

“Hindi nga anak—”

“Oo naman, Ma. Ano ba ang anak niya? Babae o lalaki?” 

Kapag babae, may instant Ate na siya at kung lalaki agad may instant Kuya na siya.”

“Lalaki.” 

“O ‘di may Kuya na pala ako agad. Gusto ko ‘yun. Mayroon na akong kapatid.” 

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng Ginang nang marinig ang opinyon ng anak. At least hindi na siya mahihirapan na magpaliwanag. Napalaki niya talaga si Ada ng ayos.

“Kailan sila pupunta dito para naman makilala ko?” 

“Nasa ibang bansa pa sila, inaayos ang kanilang mga papers upang bumalik ng bansa.”

Nagpatuloy sa pagkain ang mag-ina.

“Wait Ma, kung nasa ibang bansa sila ibig sabihin ay kailangan kong mag-aral ng english? Alam mo naman Ma, pinaka-hate kong subject iyon. Mababa ang grades ko…”

“Don’t worry anak, narito ang Mama na magiging back up mo.” 

Nakakaintindi naman siya ng english, ang mahirap lang kay Ada ay kapag diretsong nag-uusap na. Tiyak na magbubuhol-buhol na ang kanyang dila. Iyong matigas na bigkas, nagiging malambot sa kanya. Iyong malambot naman ay nagiging matigas na.

“Sana marunong siyang mag-tagalog para hindi mahirap makipag-usap sa kanya.” 

Mula noon ay pinanabikan na ni Ada ang makilala ang magiging bagong member ng pamilya nila. Nagawa na niyang makita ang picture nila at masasabi niyang gwapo ang kanyang bagong kapatid, mana ito sa kanyang ama. Hindi na kataka-taka na nagustuhan pa rin ito ng kanyang ina. Ilang beses na rin nakausap ni Ada ang amain sa videocall. Nagta-tagalog ito kung kaya ay umaasa siyang magiging madali rin ang lahat.

“Ma, next week na sila darating?” 

Umupa ng maglilinis ng kanilang buong bahay ang ina nang sa ganun ay matiyak na malinis ang bawat sulok. Bilang paghahanda iyon sa pagdating ng bago nilang pamilya.

“Oo, next week na. Naasikaso ko na rin ang papers ng magiging simpleng kasal namin.” 

Intimate wedding lang ang plano ng kanyang ina. Hindi kailangan ng malaking handaan, maraming bisita o ano pa. Silang pamilya lang ang kakain sa labas after ng kasal sa Mayor. Matanda na raw sila upang magpabongga pa. Isa pa, introvert daw ang anak ng lalaking mapapangasawa ng kanyang ina kaya sila-sila na lang. Pabor din iyon kay Ada. Ayaw niyang maging laman ng usap-usapan sa kanilang barangay ang kanyang ina. Marami pa rin sa kanilang tsismosa kahit sa pwesto nila ay layo-layo ang bahay.

“Susunduin natin sila sa airport?”

“Oo, sumita na ako ng van na ating sasakyan.”

Ngumiti lang si Ada na nang malaman iyon ay lalong hindi na mapawi ang mga ngiti.

“Ma, excited na ako sa set up ng blended family natin. Magiging mabait akong kapatid.”

Niyakap ng Ginang muli ang anak. Laki ng pasasalamat niya na hindi ito humadlang.

“Maraming salamat, Ada.” 

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 4: Curiousity

    Hindi siya pinansin ni Enzo na bumaling na ang tingin sa kanyang ama na prente ng nakaupo sa sala ng simpleng bahay na iyon. Iginala ng lalaki ang paningin sa paligid. Malayong-malayo ang bagong tirahan na iyon kumpara sa estate na kanilang iniwanan.“Enzo, Tita is asking you if you want a glass of water too?” untag ng ama sa anak. Mabilis iniiling ni Enzo ang kanyang ulo at inilihis na ang tingin sa ama. Binalik iyon kay Ada na sa mga sandaling iyon ay nagawa ng maubos ang baso ng tubig na hiningi niya.“Linda, ayaw niya.” wika ng lalaki na nilingon na ang Ginang na tumango lang.“Okay…gagawa ako ng salabat para mainitan ang inyong sikmura.”Alas-tres na iyon ng hapon, ngunit dahil makulimlim at bagong ulan lang noong umaga ay malamig ang simoy ng hangin. Klima na nakasanayan na ng mga taga-roon.“Kuya, kung sakaling may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi ha?” friendly pa rin na wika ni Ada kahit na alam niyang wala pa rin siyang makukuhang sagot dito.Pumasok na sa loob ng

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 3: New Family

    Sa araw ng pagsundo nila sa airport sa mag-ama ay hindi napigilan ni Ada ang malaking ngiti nang makita ang isang lalaking halos ay ka-edad lang ng kanyang ina. Sinalubong siya ng yakap ng Ginang habang si Ada ay nagmamasid lang sa likuran. Hinahanap kung nasaan ang kanyang kapatid. Nang makita itong naglalakad sa likod ng matandang lalaki, napaayos ng tayo si Ada. Handa ng pasugod na tumakbo palapit kung hindi lang niya nakita ang matalim nitong tingin sa kanya na puno ng pagbabanta.‘Wow, galit ba siya? Hindi niya ba tanggap ang pagpapakasal ng kanyang ama?’ Tila bumaon ang paa ni Ada sa kanyang kinatatayuan. Nilingon na lang at lahat siya ng ina niya upang ipakilala sa bagong dating na mag-ama, hindi pa rin siya gumagalaw.“Amanda?” untag ng Ginang kung kaya naman inilihis ni Ada ang tingin niya sa lalaki.“Ma?” Bantulot na lumapit si Ada sa kanila. Ni hindi narinig ni Ada ang boses ng ina nang ipakilala ang magiging step-father niya dahil sa sobrang lakas ng kalabog ng puso niya

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 2: Blended Family

    Bumungisngis pa si Ada, sa kabila ng kanyang mga ngiti biglang gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang ama. Humapdi ang mga mata niya. Hindi na napigil ang mapaluha. Kung buhay lang ito at kasama nila, tiyak na sinamahan siyang maligo sa ulan. Hindi sana siya mag-isang nagtatampisaw ngayon doon.“Oh? Himalang tapos ka ng maligo?” ang ina ng bumungad siya sa likod ng kusina.“Nilalamig na ako, Mama.” dahilan niya pero ang totoo ay nalulungkot na naman siya.“Ayan, sinasabi ko sa’yo hindi ba? Ang tigas-tigas ng ulo mo!” Sa totoo lang, masasaya ang mga alaalang iniwan sa kanya ng ama tuwing tag-ulan. Sa maikling panahon nito na kanyang nakasama, alam niyang sulit ang lahat ng iyon. Sampung taon siya ng pumanaw ang ama. Musmos pa at wala pang alam. Ang tanging alam niya lang ay hindi na niya makakasama sa kanyang paglaki ang ama. Hindi na nito matutupad ang kanyang mga binitawang pangako, dahil biglang nagpahinga siya.“Kailangan natin tanggapin ang nangyari, Ada.

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 1: Memory Lane

    Dumaan ang lungkot sa mukha ni Iza, ngunit agad niya iyong winaglit. Ilang beses na kumibot ang kanyang bibig na para bang may nais na sabihin sa kaibigan, ngunit pinigilan niya ang sarili. Wala siya sa lugar upang sabihin na sa kanya ang katotohanan.“Alright, tutal nagbitaw ka na ng salitang iyan magagalit talaga ako kapag nagmahal ka ng iba. Maniwala ka, hindi mo ako magiging abay oras na ikasal ka. Magtatampo ako.”Tumawa lang si Ada at hindi na nagbigay pa ng anumang komento. Humakbang na palapit sa pintuan ng kanilang lumang bahay. Nais niya sanang ipa-renovate iyon, ngunit nagbago ang isip niya dahil paniguradong magbabago ang hitsura at saka vibes.“Maiba ako Ada, kailan mo planong bumisita sa kanila?” Muling natigilan si Ada sa kanyang paghakbang upang lingunin lang ang kaibigan.“Sa anniversary nila ni Tito Papa.”Ganap ng isang guro sa highschool ang kaibigang si Iza na naka-destino sa lugar nila. Pinili nitong doon na lang manatili kahit na may mga offer sa kanyang malala

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Prologue

    Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin magawang ihakbang ni Ada ang kanyang mga paa papasok ng kanilang lumang tahanan. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng gate ng kanilang lumang bahay. Hindi niya mapigilan na humapdi ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa alaalang hatid ng lugar na iyon noong kanyang kabataan. Ilang taon na ang lumipas, pero naroon pa rin ang masalimuot na kanyang pinagdaanan. Hindi magawa iyong matakpan ng ilang libong magagandang pangyayari sa buhay niya.“Pasok na sa loob, Ada…” kumbinsi ng babae sa kanyang sarili na humigpit na ang hawak sa strap ng kanyang dalang sling bag, makikita pa rin ang trauma sa mga mata.Gamit ang nangangatal na mga daliri sa kamay, tinulak ng dalaga ang gate na nagbigay ng munting ingit. Bagong pagawa niya ang gate noon, pinatanggal niya ang kalawang. Mabagal niyang hinila ang kanyang mga paa upang tuluyang makapasok sa loob. Halimuyak ng mabangong amoy ng mga bulaklak ng kalachuchi sa loob sa bakuran ang sumalubong sa butas ng

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status