Share

Chapter 1: Memory Lane

Penulis: LavenderPen
last update Tanggal publikasi: 2026-10-29 12:18:18

Dumaan ang lungkot sa mukha ni Iza, ngunit agad niya iyong winaglit. Ilang beses na kumibot ang kanyang bibig na para bang may nais na sabihin sa kaibigan, ngunit pinigilan niya ang sarili. Wala siya sa lugar upang sabihin na sa kanya ang katotohanan.

“Alright, tutal nagbitaw ka na ng salitang iyan magagalit talaga ako kapag nagmahal ka ng iba. Maniwala ka, hindi mo ako magiging abay oras na ikasal ka. Magtatampo ako.”

Tumawa lang si Ada at hindi na nagbigay pa ng anumang komento. Humakbang na palapit sa pintuan ng kanilang lumang bahay. Nais niya sanang ipa-renovate iyon, ngunit nagbago ang isip niya dahil paniguradong magbabago ang hitsura at saka vibes.

“Maiba ako Ada, kailan mo planong bumisita sa kanila?” 

Muling natigilan si Ada sa kanyang paghakbang upang lingunin lang ang kaibigan.

“Sa anniversary nila ni Tito Papa.”

Ganap ng isang guro sa highschool ang kaibigang si Iza na naka-destino sa lugar nila. Pinili nitong doon na lang manatili kahit na may mga offer sa kanyang malalaki sa ibang lugar. May offer din sa kanya sa siyudad, ngunit ayaw ng umalis ni Iza sa comfort zone. Weekend noon kung kaya naman walang pasok sa paaralan at natunugan niya ang pagpunta ni Ada sa lugar dahil sa cryptic na social media update na malungkot vibes.

“Samahan kita.” 

“Hindi ka ba busy noon sa school?” 

“Nope, kilala mo ako pagdating sa’yo. Hindi mawawalan ng oras.” kindat pa ni Iza sa kanya at kapagdaka ay umakbay na, “Maano iyong isang araw na pag-absent ko.” 

Natawa na lang si Ada na tinuloy na ang paghakbang. 

“Actually, may date akong pupuntahan pero pwede ko siyang isama para samahan ka.”

Si Amanda naman ang umirap.

“Tch, talagang kakaladkarin mo pa siya ha?”

“At knowing na ikaw naman ang sasamahan ko, sa tingin mo hindi papakaladkad iyon?”

Sinalubong sila ng pamilyar na ihip at amoy ng hangin nang tunguhin ang likurang bahagi ng bahay. Tila umaawit ang hangin, sinasabayan ng mga ibon sa sanga ng fruit bearing trees. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Walang mga taon na lumipas. Natigilan si Ada. Sunod-sunod ng napalunok ng laway. Iyon ang ayaw niya kada pumupunta dito. Ang ganitong pakiramdam na buong akala niya ay mawawala na.

“Akin na ang susi, ako na ang magbubukas.” haplot ni Iza ng keychain nang makita ang emosyon ng kaibigan, hindi  na iyon bago sa kanya at lubos niya rin iyong naiintindihan. 

Pinanood ni Ada na buksan ni Iza ang pintuan. Pakiramdam niya ay naninikip na ang dibdib. Naroon na naman siya sa phase na iyon ng kanyang buhay. Sa totoo lang, kaya ayaw niyang nalalaman ng kaibigan na naroon siya dahil ganito ang madalas na nangyayari. Hindi niya nakakaya ang bugso ng emosyon na kanyang nararamdaman.

“Ada?” 

Tinakpan ni Ada ang kanyang bibig upang supilin lang ang tunog ng kanyang iyak. Nanariwa sa kanya ang lahat. Ang amoy ng pabango ng kanyang ina, ang amoy ng bagong lanang damit ng kanyang Tito Papa. Ang katahimikan na madalas nilang pagsaluhan ni Enzo. Lahat ng iyon ay isang bugsong pumasok sa kanyang sistema. 

“I am sorry, Iza. Hindi ko pa rin talaga kayang pumunta dito nang hindi ako iiyak.” 

Walang pakundangan siyang niyakap ni Iza. Mahigpit na mahigpit iyon upang iparamdam na hindi siya nag-iisa. Naiintindihan niya na ang masaklap na nangyari sa kanyang pamilya ay hindi pa rin matanggap ng kaibigan. Hinagod na ng kanyang isang kamay ang ulo ni Ada. Nag-udyok pa iyon ng malakas na pag-atungal ng iyak ni Ada.

“Iyak ka lang, Ada. Gagaan din ang lahat.” 

“Miss na miss ko na sila, Iza. Sobrang miss na miss ko na sila…”

Memories are worse than bullets. Hindi ninuman magagawang ipaliwanag ang hatid nitong sakit. Life has some bitter lessons which we can only learn while suffering through pain. When we face something which we don't wish to accept, it tears us apart.

“Hindi ko maawat ang sarili kong balikan ang aming nakaraan. Pero kahit gawin ko ‘yun, hindi pa rin mawala ng sakit na ilang taon ko ng nararamdaman. Hindi pa rin naghihilom ang sugat. Hindi pa rin nasasagot ang aking mga tanong kung bakit ako? Bakit ang pamilya ko? Mabuti naman kaming tao. Bakit kailangang ako ang pahirapan ng sobra?”

Hindi magawang makasagot ni Iza, dahil maging siya ay iyon din ang katanungan sa langit. Wala siyang nagawa kung hindi ang yakapin lang ng mahigpit dito ang kaibigan.

“Sorry, Ada. Wala akong magawa upang saluhan ka sa mga pinagdadaanan mo.”

Patuloy na bumagsak ang masaganang luha ni Ada. Kasabay ng panunulay ng mapaklang butil noon ay ang pagbabalik na ng kanyang nakaraan sa kanyang isipan. Nagbago ang hitsura ng kanilang bahay na bumalik, ilang taon bago ang panahong ito.

“Amanda, hindi mo ba nakikitang umaambon?!”

Dinig na dinig niya pa ang matinis at galit na boses ng kanyang ina. 

“Ma, saglit lang.”

“Tigilan mo ako sa katwiran mong iyan na saglit lang!” 

Bago pa tuluyang makalapit ang kanyang ina sa kanya ay tumalon na si Ada pababa ng hagdan. Humalay sa buong palid ang malakas niyang hagikhik nang lumapat ang mga paa sa basang lupa. 

“Ada, katatapos mo lang gumaling sa sipon!” 

Hindi pinakinggan ng batang Amanda ang kanyang ina at matulin ng tumakbo pasugod sa mas lumakas pang buhos ng ulan. Napakamot na sa kanyang ulo ang ina ni Ada na noo’y nakapameywang. Bakas sa mukha ang inis sa pagiging matigas ng ulo ng anak.

“Hay naku, ang tigas talaga ng ulo—” 

“Ma, malakas ang resistensya ko!” 

Hindi na pinakinggan ni Ada ang ilan pang sinabi ng kanyang ina dahil paikot-ikot na siyang tumakbo upang damhin ang mas lumakas na buhos ng ulan. Tuwang-tuwa na siyang tumalon-talon. Iyong tipong sinasayawan niya ang mas natuwang patak ng ulan.

“Amanda!” 

“I love you, Mama!” sagot ni Ada na pinagkorte pang puso ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang ulo upang mas asarin ang inang nasa p***o na, wala ng magawa.

“Isa! Hindi ka pa babalik dito?!”

Tumakbo papalayo si Ada. Sign iyon na hindi siya makikinig sa gusto nitong mangyari.

“Hindi kita aalagaan oras na magkasakit ka! Sinasabi ko sa’yo. Pababayaan lang kita!” 

Mahal siya ng ina, kaya batid ni Ada na hindi niya iyon kayang gawin sa kanya. Tinuro pa siya ng Ginang ng hawak na kahoy na sandok, gigil na gigil na noon sa anak niya. 

“Mana ka talaga sa pinagmanahan mo!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 4: Curiousity

    Hindi siya pinansin ni Enzo na bumaling na ang tingin sa kanyang ama na prente ng nakaupo sa sala ng simpleng bahay na iyon. Iginala ng lalaki ang paningin sa paligid. Malayong-malayo ang bagong tirahan na iyon kumpara sa estate na kanilang iniwanan.“Enzo, Tita is asking you if you want a glass of water too?” untag ng ama sa anak. Mabilis iniiling ni Enzo ang kanyang ulo at inilihis na ang tingin sa ama. Binalik iyon kay Ada na sa mga sandaling iyon ay nagawa ng maubos ang baso ng tubig na hiningi niya.“Linda, ayaw niya.” wika ng lalaki na nilingon na ang Ginang na tumango lang.“Okay…gagawa ako ng salabat para mainitan ang inyong sikmura.”Alas-tres na iyon ng hapon, ngunit dahil makulimlim at bagong ulan lang noong umaga ay malamig ang simoy ng hangin. Klima na nakasanayan na ng mga taga-roon.“Kuya, kung sakaling may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi ha?” friendly pa rin na wika ni Ada kahit na alam niyang wala pa rin siyang makukuhang sagot dito.Pumasok na sa loob ng

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 3: New Family

    Sa araw ng pagsundo nila sa airport sa mag-ama ay hindi napigilan ni Ada ang malaking ngiti nang makita ang isang lalaking halos ay ka-edad lang ng kanyang ina. Sinalubong siya ng yakap ng Ginang habang si Ada ay nagmamasid lang sa likuran. Hinahanap kung nasaan ang kanyang kapatid. Nang makita itong naglalakad sa likod ng matandang lalaki, napaayos ng tayo si Ada. Handa ng pasugod na tumakbo palapit kung hindi lang niya nakita ang matalim nitong tingin sa kanya na puno ng pagbabanta.‘Wow, galit ba siya? Hindi niya ba tanggap ang pagpapakasal ng kanyang ama?’ Tila bumaon ang paa ni Ada sa kanyang kinatatayuan. Nilingon na lang at lahat siya ng ina niya upang ipakilala sa bagong dating na mag-ama, hindi pa rin siya gumagalaw.“Amanda?” untag ng Ginang kung kaya naman inilihis ni Ada ang tingin niya sa lalaki.“Ma?” Bantulot na lumapit si Ada sa kanila. Ni hindi narinig ni Ada ang boses ng ina nang ipakilala ang magiging step-father niya dahil sa sobrang lakas ng kalabog ng puso niya

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 2: Blended Family

    Bumungisngis pa si Ada, sa kabila ng kanyang mga ngiti biglang gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang ama. Humapdi ang mga mata niya. Hindi na napigil ang mapaluha. Kung buhay lang ito at kasama nila, tiyak na sinamahan siyang maligo sa ulan. Hindi sana siya mag-isang nagtatampisaw ngayon doon.“Oh? Himalang tapos ka ng maligo?” ang ina ng bumungad siya sa likod ng kusina.“Nilalamig na ako, Mama.” dahilan niya pero ang totoo ay nalulungkot na naman siya.“Ayan, sinasabi ko sa’yo hindi ba? Ang tigas-tigas ng ulo mo!” Sa totoo lang, masasaya ang mga alaalang iniwan sa kanya ng ama tuwing tag-ulan. Sa maikling panahon nito na kanyang nakasama, alam niyang sulit ang lahat ng iyon. Sampung taon siya ng pumanaw ang ama. Musmos pa at wala pang alam. Ang tanging alam niya lang ay hindi na niya makakasama sa kanyang paglaki ang ama. Hindi na nito matutupad ang kanyang mga binitawang pangako, dahil biglang nagpahinga siya.“Kailangan natin tanggapin ang nangyari, Ada.

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 1: Memory Lane

    Dumaan ang lungkot sa mukha ni Iza, ngunit agad niya iyong winaglit. Ilang beses na kumibot ang kanyang bibig na para bang may nais na sabihin sa kaibigan, ngunit pinigilan niya ang sarili. Wala siya sa lugar upang sabihin na sa kanya ang katotohanan.“Alright, tutal nagbitaw ka na ng salitang iyan magagalit talaga ako kapag nagmahal ka ng iba. Maniwala ka, hindi mo ako magiging abay oras na ikasal ka. Magtatampo ako.”Tumawa lang si Ada at hindi na nagbigay pa ng anumang komento. Humakbang na palapit sa pintuan ng kanilang lumang bahay. Nais niya sanang ipa-renovate iyon, ngunit nagbago ang isip niya dahil paniguradong magbabago ang hitsura at saka vibes.“Maiba ako Ada, kailan mo planong bumisita sa kanila?” Muling natigilan si Ada sa kanyang paghakbang upang lingunin lang ang kaibigan.“Sa anniversary nila ni Tito Papa.”Ganap ng isang guro sa highschool ang kaibigang si Iza na naka-destino sa lugar nila. Pinili nitong doon na lang manatili kahit na may mga offer sa kanyang malala

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Prologue

    Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin magawang ihakbang ni Ada ang kanyang mga paa papasok ng kanilang lumang tahanan. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng gate ng kanilang lumang bahay. Hindi niya mapigilan na humapdi ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa alaalang hatid ng lugar na iyon noong kanyang kabataan. Ilang taon na ang lumipas, pero naroon pa rin ang masalimuot na kanyang pinagdaanan. Hindi magawa iyong matakpan ng ilang libong magagandang pangyayari sa buhay niya.“Pasok na sa loob, Ada…” kumbinsi ng babae sa kanyang sarili na humigpit na ang hawak sa strap ng kanyang dalang sling bag, makikita pa rin ang trauma sa mga mata.Gamit ang nangangatal na mga daliri sa kamay, tinulak ng dalaga ang gate na nagbigay ng munting ingit. Bagong pagawa niya ang gate noon, pinatanggal niya ang kalawang. Mabagal niyang hinila ang kanyang mga paa upang tuluyang makapasok sa loob. Halimuyak ng mabangong amoy ng mga bulaklak ng kalachuchi sa loob sa bakuran ang sumalubong sa butas ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status