Home / Romance / Voiceless Love: Lorenzo Valdezco / Chapter 5: New Blended Family

Share

Chapter 5: New Blended Family

Author: LavenderPen
last update publish date: 2026-11-07 00:21:17

Habang kumakain sila ay napag-alaman ni Ada kung ano ang nangyari kay Enzo at hindi ito umano nagsasalita. Doon na naging malinaw ang lahat ng mga tanong ni Ada.

“Pasensya ka na hija, kung ganyang kalamig ang pakikitungo sa'yo ng Kuya. Magsimula sa araw na iniwan kami ng kanyang ina ay naging ganyan na siya. Sinarado niya ang sarili sa mundo. Wala na siyang gustong kausapin pa kahit na ako pa mismo.”

Nakita ni Ada kung gaano naging malungkot ang mukha ng ama ni Enzo habang sinasabi iyon. Napatingin na si Ada sa kanyang ina na halos mabitawan ang hawak na kutsara. Ibig sabihin lang noon ay sobrang naapektuhan si Enzo sa pagkawala ng ina.

“Ganun po ba? Kaya po pala parang hindi niya ako naririnig. Ngayon ay alam ko na.”

Sa pagkakataong iyon ay nagsimulang tahimik na kumain si Enzo. Hindi alintana ang nasa kanyang paligid kahit alam niyang siya ang kanilang topic. Wala siyang pakialam.

“Nasa process din siya ng adjustment kaya ganyan.” singit ng ina ni Ada na nabasa na ang kahulugan ng mga tinging pinupukol ni Ada kay Enzo, at maging ang tono ng salita. “Hayaan natin siya na maging pamilyar sa lugar. Malamang naninibago pa rin siya.”

Sinang-ayunan iyon ni Ada at ng ama ni Enzo sa pamamagitan ng marahang pagtango.

“Sana nga ay magdilang-anghel ka, Linda.” ani Fred na hindi na mapigil ang emosyon.

Wala rin naman siyang ibang hiling kung hindi ang muling bumalik sa dati ang anak.

“Laging may himala at awa ang langit sa mga naniniwala, Fred…”

Matapos na kumain ng almusal ay naghanda na silang umalis ng bahay upang magtungo ng city hall. Sinunod nang tahimik ni Enzo ang bilin ng amang magbihis ng damit. Bahagya siyang natigilan nang makita si Ada na may kaunting make up. Hindi pa man ito dalagang tingnan ay kita na ang hubog ng nagbabadyang magandang katawan.

“Ano? Ready na kayo? Tara na!” aya ni Linda sa kanila nang makalabas na ng silid.

“Ready na!” sigaw ni Ada na itinaas pa ang dalawang kamay gamit ang masiglang tinig.

Matapos ang kasal na hindi naman pinatagal pa ng Mayor ay tumungo ang bagong pamilya sa isang kainan na matatagpuan lang noon sa bayan. Tapos na rin silang magpakuha ng family picture na kahit naging mahirap, sulit naman nang ma-print out.

“Wow! Ang ganda talaga ng kuha natin dito.”

Halos mapunit ang labi ni Ada sa malawak na ngiti at hindi mapuknat ang mga mata habang tinitingnan ang kuha sa first family picture nila. Nasa resto na sila at kumakain. Katabi niya si Enzo na as usual ay wala pa ‘ring kibo. Gumagala lang nang panaka-naka ang mga mata nito na parang nagmamasid sa kung ano ang nasa paligid.

“Mama, congratulations!” 

Mahinang tumawa lang ang Ginang sa nakikita niyang kaligayahan ng anak. Binalingan ni Ada ang matandang lalaki na mula sa araw na iyon ay kikilalanin niya ng ama niya. 

“Mula po ngayon ay tatawagin ko na kayong Tito Papa. Pasensya na po kung hindi diretsong Papa, nais kong maalala pa rin ang tunay kong ama sa pamamagitan nito.” 

Puno ng pang-unawang itinango ng lalaki ang kanyang ulo. 

“Naiintindihan ko hija. Hindi ka obligadong tawagin akong Papa, kung saan ka komportable at masaya ayos lang. Hindi ako maghahangad ng hindi mo kaya…”

Nang dahil sa topic nilang iyon ay mas minahal pa ni Ada ang bago nilang kapamilya. 

“Ikaw din Kuya Enzo,” balik niya sa lalaking mula sa araw na iyon ay ituturing na niyang kapatid. “Pwede mong tawagin ang Mama ko na Mama lang or pwede ‘ring Tita Mama.”

Gaya ng dati, walang nakuhang sagot si Ada kay Enzo na ilang minuto lang siyang tiningnan at kapagdaka ay iniiwas na nito ang kanyang mga mata. Binaling sa pagkain. Style buffet ang kinuha nilang pagkain na nakain lang sa table at pwedeng kumuha dito. Napasulyap si Ada sa plato ni Enzo na kaunting pagkain lang ang nilagay sa pinggan.

“Kuya Enzo, mabubusog ka niyan? Parang kulang pa ‘yan sa toddler. Dagdagan mo.”

“Amanda…” saway ng kanyang ina sa dalaga. 

Napansin na kasi ng Ginang na medyo naiirita na sa kakulitan ni Ada si Lorenzo. 

“Ma, hinihimok ko lang naman siyang kumain ng marami. Hindi ko siya inaaway…”

“Narinig namin. Hindi mo siya pwedeng pilitin kung ano ang kinagisnan natin. Nakalimutan mo na ba anak na sa ibang bansa siya lumaki? Kaya bago pa sa kanya lahat ng pagkain na kanyang nakikita. Gaya ng sabi ko kanina ay adjustment pa siya.”

Tinikom ni Ada ang kanyang bibig at hindi na muling nagsalita pa. Yumuko na rin upang kumain. Ayaw niyang mainis, pero hindi niya na mapigilan doon ang kanyang sarili. Marahil ay dahil nasanay siyang kapag nakipagkaibigan, nakukuha lahat ang nais niya.

“Linda, hayaan mo na ang mga bata. Concern lang naman itong si Ada kay Enzo…”

Ngumiti lang ang Ginang sa kanyang bagong asawa. Naiintindihan na ang pinupunto. 

“I know, pero ayokong mas lumaki ang gap sa kanila kapag nakulitan na itong si Enzo.”

Pagkatapos na kumain ay naglibot pa sila sa bayan. Pumasok sila sa mini-mall at namili ng ilang gamit. Binilhan din sila ng bagong damit ni Enzo at maging ng bagong sapatos. Hindi maikaila ang kaligayahang bumabalot sa buong katawan ni Ada. Pakiramdam niya ay wala ng katapusan ang kaligayahang kanyang nadarama sa bagong pamilya. 

“Maraming salamat po dito, Tito Papa!” taas ni Ada ng ilang paperbags ng mga pinamili.

“You are welcome, hija…”

Nilingon ni Ada si Enzo na poker face pa rin ng mga sandaling iyon. Nabanggit na rin sa kanya ng mga ito na papasok si Enzo sa school niya. Nagawa na nitong magpa-enroll sa pamamagitan ng kanyang inang si Linda bago pa man sila umuwi ng bansa. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon, napilitang tumigil nang dahil sa nangyari sa kanyang ina. Hindi kayang ipagpatuloy ni Enzo ang kanyang pag-aaral noon dahil nilamon siya ng matinding lungkot at stress. Hanggang na-diagnose siya na may anxiety. Kung si Amanda ay eighteen, si Lorenzo naman ay twenty. Wala namang problema iyon kay Ada, masaya nga siyang makakasama niyang mag-aral ang kapatid. Hindi na siya mag–iisa papasok ng school. Palagi na siyang mayroong makakasama.

“Anong sinabi mo, Mama?” natitigilang tanong ni Ada nang magpaalam na ang ina. 

“Ang sabi ko, aalis kami mamayang gabi ng Tito Papa upang pumunta ng Maynila.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 16: Waiting for Her

    Natawa pa ang maestro habang pinagmamasdan palayo sina Amanda at Lorenzo.“Uuwi ba kayo para magpalit ng damit?” si Iza na sinalubong si Ada sa may pinto.Marahas na hinipan ni Ada ang basa niyang manipis na bangs, hindi pwedeng hindi. Iyong hitsura nila, parang batang naglaro sa putikan o kung hindi ay may nang-bully. “Malamang,” dabog ni Ada sabay punas sa katawan ng bimpo, “Unang araw pa lang ng pasukan, heto na agad ang mga nangyayari. Ano pa kaya bukas o makalawa? Kaasar!”“Kumalma ka. Alangan namang pabayaan mo siya...”“Iyong mga nangyari, dapat ba akong kumalma?” “Ikaw talaga, bakit ka ba kasi pumayag na mag-asawa ang Mama mo? Ayan tuloy.” Pinili ni Ada na itikom ang kanyang bibig. Pinayagan silang umuwi ng guro at lumiban muna ng klase sa araw na iyon. Subalit hindi inaasahan ni Ada na pati ang pag-uwi nila, paparusahan pa rin pala siya ni Enzo na ang buong akala niya ay bigla na itong tumino. “Kumapit ka!” malakas na singhal ni Ada habang nagtitipa ng bisikleta, “Hindi k

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 15: Running Away

    Napaigtad si Ada sa kinauupuan nang makitang mabilis na tumayo si Enzo sa upuan. Walang pag-aalinlangan na tumakbo ito palabas sa pintuan ng silid-aralan nila. Patungo sa malawak na bakuran na kasalukuyang balot sa malagkit na putik ang buong paligid.“Saan ka pupunta?!” sigaw ng guro ang gumising sa nagulantang na diwa ng lahat.Nagtayuan ang mga kamag-aral nila, ang iba ay lumapit sa bintana upang tanawin si Enzo. Hindi makagalaw si Ada na parang ipinako ang mga paa sa kinatatayuan. Itinulos dahil sa ugali ng kapatid na ipinamalas na hindi maintindihan kung bakit nito ginagawa. “Luh? Shunga?” bulalas ni Zab na nasa may bintana nakadungaw, kasama ng iba pa.“Ano nga ulit ang pangalan ng kapatid mo?” baling ng guro kay Ada pagkatapos niyang marahas na isara ang hawak na libro, puno ng pagtitimpi ang mukha ni Mr. Dominico.“Lorenzo po, Sir.”“Hoy Lorenzo bumalik ka dito!” sigaw nito kahit na hindi naman siya nito maririnig dahil nakalabas na, “Saan ka ba pupuntang bata ka ha? May klas

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 14: Nameless

    Bago pa makasagot si Ada, dumating na ang kanilang class adviser.“Good morning, class?!”“Good morning, Sir Dominico!”“May dalawang transfer tayo ngayon sa klase. Ang isa ay galing ibang bansa at ang isa naman ay sa kalapit bayan lang.”Nagsigawan ang lahat ng tawagin ng maestro sina Zab at Enzo sa unahan.“Please introduce yourself...” utos sa kanila ng guro na may malawak na ngiti.“Hi everyone. My name is Elizabeth Ferrer. I am eighteen years old. Pinsan ako ni Amanda. Ikinagagalak ko kayong makilala at maging kamag-aral sa school year na ito.” Malakas nagpalakpakan ang buong klase. Ilan pa sa kanila ay nagpabalik-balik ang tingin kay Ada at Zab. Naghahanap ng pagkakahawig ng dalawa dahil sa magpinsan. May pagkakamukha sila, hindi lang ito mapapansin kung hindi tatagalan silang tingnan. “Dito talaga siya mag-aaral?” bahagyang sipa ng matalik na kaibigan ni Ada sa paa.Nilingon siya ng babae at marahang tumango.“Uhm, malinaw mo naman sigurong narinig ang sinabi niya hindi ba?”

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 13: New Classmate

    Biglang umalma si Ada sa sinabing iyon ni Ada. “Hindi pwede ‘yun Zab, kaya nga ako maagang gumising para hindi kami ma-late eh.”Si Ada naman ang sinamaan ng tingin ni Zab. Di na gusto ang tabas ng dila ng pinsan.“So anong plano mo? Iiwan niyo talaga ako at mauuna na kayong umalis?” Hindi na nagawang masagot ni Ada ang tanong ng pinsan nang makita niyang biglang tumayo si Enzo. Tapos na itong kumain. Dinala na sa lababo ang pinagkainan niya. Walang imik niyang sinakbat ang bag at walang lingon-likod na lumabas ng pintuan.“Teka lang Kuya, sandali!” sigaw ni Ada na natataranta na. “Hintayin mo ako!” Walang imik na sinakbat niya ang bag. Agad nilingon si Zab at ang tiyahin. “Zab, pasensya na hindi yata tayo sabay na papasok ngayon.”Blangko si Zab na tumango habang nasa ere ang kutsara na dapat ay isusubo.“Sige, magkita na lang tayo sa school.” payag ni Zab na nakatingin sa main door.Walang inaksayang minuto para magpaliwanag si Ada. Patakbo siyang lumabas ng bahay. Narinig niya

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 12: First Day

    Humihikab na ipinagkibit lang iyon ng balikat ni Lilith. Hindi na pinilit na sabihin sa kanya ng pamangkin ang dahilan ng pag-iyak. Akala ni Ada ay tapos na ang tiyahin sa isyu.“O nalulungkot ka na wala ngayon dito ang Mama mo?”Pilit ang naging ngiti ni Ada. Hindi na maitago ang totoong nararamdaman.“Tita, hindi po. Labas po dito si Mama.”Inabala na lang ni Ada ang sarili sa paghahanda ng kanilang lamesa.“Dapat kasi ay hindi ka pumayag na muli siyang magpakasal. Okay naman kayong dalawa nang kayo lang. Masaya rin kayo. Kinunsinti mo pa ang Mama mo, ayan tuloy.”Ilang segundong nanahimik si Ada. Ayaw na sanang sumagot, ngunit hindi niya matiis.“Iba pa rin po iyong may katuwang si Mama, Tita.”Tiningnan ni Lilith si Ada nang malalim bago ito umiling na parang hindi makapaniwala.“Katuwang ba talagang matatawag o pabigat sa inyong mag-ina?”Hindi na nagsalita si Ada. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang bagay na iyon.“Iyong kapatid mong hilaw, hindi pa ba gising?”Humigpit ang ha

  • Voiceless Love: Lorenzo Valdezco   Chapter 11: Sermon

    Matapos na sabihin iyon ni Ada ay biglang tumayo si Enzo. Hawak pa rin ang tiyan ay patakbo siyang nagtungo ng sala. Natataranta siyang sinundan kaagad ni Amanda.“Kuya Enzo, saan ka pupunta?!”Hindi pa nito alam ang pasikot-sikot ng kanilang buong bahay.“Kuya, hintayin mo ako!” Diretsong tinungo ni Enzo ang pinto. Binuksan iyon ay nagmamadaling lumabas. “Kuya Enzo, saan ka pupunta? Madilim! Hindi mo kabisado ang lugar namin!”Binilisan pa ni Ada ang mga hakbang nang makita niyang malapit na sa gate si Enzo. Nilukob na ng kakaibang takot ang kanyang kalamnan. Kung may mangyayaring masama dito, siya ang sisisihin dahil siya ang kasama nito. Doon naisip ni Ada na hindi pala madali na basta pumayag siyang maiwan sila ni Enzo. Sana, umapila siya sa ina.“Kuya, hindi ka pwedeng umalis ng bahay natin!” Tumigil sa paghakbang si Enzo. Nilingon na si Ada na ilang saglit pa ay nasa harap niya na. Hinawakan nito ang isang braso ni Enzo na hindi winaksi ng lalaki kagaya kanina. Parang papel n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status