Share

CHAPTER 4: THE PUNISHMENT

Cleonne’s POV

Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga salitang sinabi sa akin ni Ashton nang magkita kaming dalawa kahapon. Hindi ko alam kung bakit kinailangan niya pang ipa-dukot ako para lang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon. At hindi ko rin alam ang ibig niyang sabihin noong sinabi niyang pagbabayaran ko ang lahat ng ginawa ko.

“Cley? Nakikinig ka ba? Huy, Cley?”

Nabalik lamang ako sa ulirat nang mapansin ko ang paggalaw ni Maureen sa kamay niya sa harapan ko para kunin ang atensiyon ko.

“H-Huh?”

“Tss. Sabi ko na nga ba at hindi ka nakikinig e. Alam mo, kanina ka pa lutang. Parang ang lalim lalim ng iniisip mo, may problema ba?”

“H-Huh? W-Wala naman. A-Ano nga pala ang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya.

“Tinatanong ko kung kamusta ang pagpunta mo kay Riley. Nakapunta ka ba?”

Doon ko muling naisip si Riley.

Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi e…”

“Ayos lang iyan, Cley. Maiintindihan ka naman niya.”

“O-Oo nga pala, Mau.”

“Hmm?”

Bahagya muna ako nag-isip bago tuluyang tumingin sa kanya. “N-Nai-kuwento mo na ba ang fiancé ni Riley dati?”

“Fiance ni Riley? Alam ko lang ang pangalan niya, pero never ko pa nga siyang nakita. Sa araw sana ng kasal nila ko siya makikita, pero hindi ko naman alam na hindi na matutuloy.” malungkot niyang saad.

Nanahimik kami ni Maureen dahil doon.

Maya-maya ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko kaya naman kaagad ko iyong kinuha mula sa loob ng bag ko. Isang unknown number ang tumatawag sa akin.

Sino ito?

“May tumawatag yata sa’yo, baka isa na iyan sa mga kompanyang pinagpasahan mo ng portfolio mo.” sabi naman sa akin ni Maureen.

“Okay. Sasagutin ko lang itong tawag.” Sabi ko kay Maureen saka ako tumayo para magpunta sandali sa labas upang sagutin ang tawag.

“Hello?”

Sandali lamang ang lumipas bago ko marinig ang malalim at malamig na boses ni Ashton. “I’ll meet you at my office.”

“H-Huh?”

“Meet me at my office, now.”

Napakunot ako ng noo. “Pero hindi ko alam ang office mo…”

Doon ko lamang napansin na may mga lalaki palang nakatayo malapit sa kinatatayuan ko. Sa likod nila ay iyong black limousine na pinagsakyan din nila sa akin kahapon.

Ibinaba na pala ni Ashton ang tawag kaya naman kaagad akong pumasok sa loob ng coffee shop para magpaalam kay Maureen bago ako tuluyang sumama sa mga lalaking nakaitim.

Ashton’s POV

“Narito na po siya, boss.” sabi sa akin ni Anderson.

Lumingon ako sa kanya. “Let her in.”

Matapos iyon ay bumukas ang pintuan at pumasok ang babaeng kinamumuhian ko.

Hindi siya makatingin nang diretso sa akin.

“Sit down.” utos ko sa kanya.

Kaagad naman siyang sumunod at naupo sa upuan sa harapan ko.

Kinuha ko ang isang brown envelope mula sa drawer ko saka iyon inilapag sa harapan niya. “Sign that.”

“H-Huh?”

“Just fucking read it.” Inis kong sabi sa kanya.

Nanginginig naman ang kamay niya na inabot iyon saka binasa. Nanlaki ang mga mata niya nang tuluyan niya nang mabasa ang nakasulat doon. “M-Marriage Contract?!”

“Sign it.”

“A-Ashton, nababaliw ka na ba? Gusto mong magpakasal ako sa’yo?! Ano na lamang sa tingin mo ang mararamdaman ni Riley?”

Sarkastiko naman akong tumawa dahil sa sinabi niyang iyon. “Mararamdaman ni Riley? Talagang sa isang mamamatay-tao pa na gaya mo mangagaling iyan? You are the one who killed Riley, and you’re telling me you’re concerned about her feelings?”

“Pero---”

“Just fucking sign that if you don’t want me to involve your family here. I know exactly where you are living and I can have your parents get fired from their job. And your younger sis---

“Tama na, pipirmahan ko na ‘to. Pero ipangako mo sa aking hinding-hindi mo sasaktan ang pamilya ko. Wala kang gagawing masama sa kanila.”

I looked at her with no emotion on my face. “It’s so brave of you to be the one to tell that to me, Cleonne. Pero sige, wala akong gagawin sa pamilya mo.”

Bakas sa mukha niya ang pagka-kampante nang sabihin ko iyon. Sandali pa siyang natigilan na tila ba nagdadalawang-isip kung pipirmahan niya ang papel sa harapan niya, pero maya-maya ay pinirmahan niya na rin ito.

“The wedding would be next week. Be ready.” sabi ko sa kanya nang matapos niya nang pirmahan ang kontrata.

Iniangat niya ang mukha niya saka tumingin sa akin. “Ashton, tingin mo ba talaga makakapaghiganti ka sa akin sa pamamagitan nito? Bakit hindi mo nalang ako ipakulong? O patayin?”

“Cleonne, I am not that dumb to do that. Patayin? Gustung-gusto ko, but do you think I would let you have the easy way out? No, Cleonne. I would make you pay for what you did, little by little. In a way that you’ll get to taste hell every single day of your life. In a way you would wish you were just the one who died that night.” mariin kong sabi sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status