"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
View MoreCleonne's POVNagising lamang ako nang marinig ko ang katok mula sa pinto. Kaagad akong napamulat ng mga mata atsaka dahan-dahang naupo sa kama. "Cleonne?" dinig kong tawag ni Anna sa akin mula sa labas ng kwarto.Teka, hindi ko kwarto ito!"A-Anna?" sagot ko."Lumabas ka nalang kapag ready ka na, ha? Ready na rin ang almusal. Ang sabi nga pala ni Sir Ashton, pwede ka nang pumasok sa trabaho." "O-Okay... Salamat!"Matapos niyon ay umalis na rin siya. Doon ko lamang naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Ashton kagabi. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagitan ng dalawang hita ko dahil sa ginawa niyang pambababoy sa akin. Sunud-sunod na pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga piraso ng damit kong pinunit ni Ashton kagabi na nakakalat sa sahig ng kwarto niya. Nakuha na niya ang lahat sa akin... Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko kay Riley... At hinding-hindi ko rin mapapatawad si Ashton sa ginawa niyang ito sa akin.Kahit na masak
Warning: This chapter has some matured scenes that may not be suitable for certain ages. Please, do not read if you don't feel comfortable reading s*x scenes or you're still underage.Cleonne's POV"Where have you been?" taas-kilay na tanong sa akin ni Ashton habang nakatayo sa may pintuan ng kwarto namin nina Anna.Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Buong akala ko pa naman ay makakauwi ako nang hindi niya napapansin. Nagpaalam pa man din ako nang maaga sa boss namin, pero maaabutan ko pa rin pala si Ashton.Bakit ang aga niyang umuwi ngayon?!"Ah...A-Ano kasi... H-Hindi ba sinabi ko sa'yo kaninang umaga na nakapasok ako sa inapplyan kong kompanya? H-Hindi kasi ako pwedeng um-absent, e. Atsaka--"And I also told you that you can't go there, right?"Napa-kagat ako sa ibabang labi ko. "A-Ashton, please... I can't miss this job. Matagal kong hinintay ito...""And do you think I care?" malamig niyang tugon."Can't you just give it to me? Kahit ito lang? Wala naman akong b
Cleonne's POVNakatitig lamang ako kay Ashton na kasalukuyang kumakain ng dinner niya. Kanina pa ako nag-iisip kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol sa trabaho ko na papasukan ko na bukas. Ang sabi sa akin ni Anna, kausapin ko na lamang daw siya nang masinsinan, pero paano ko naman gagawin iyon? Baka mamaya kapag pinuntahan ko siya sa kwarto niya iba na naman ang mangyari."Uh...A-Ashton." halos pabulong kong tawag sa kanya. Mabuti na lamang at nagsi-alisan na muna ang mga katulong dahil alam din nilang mas lalo akong kakabahan kapag nasa paligid sila. Kaagad namang nag-angat ng tingin si Ashton saka kunot-noong tumingin sa akin. "What is it?""A-Ano kasi... m-may gusto kasi sana akong ipagpaalam sa'yo...""Spill it out."Huminga muna ako nang malalim bago nagsalitang muli. "N-Nag-apply kasi ako ng trabaho. Tapos may tumawag sa akin kanina at sinabing nakapasok daw ako. Bukod pa ron, sinabi nilang pwede na akong magsimula bukas."Hindi siya nagsalita. Patuloy lamang siya sa pagk
Cleonne's POVNagising ako bigla dahil sa katok sa may pinto ng kwarto namin. Kaagad akong tumayo saka tinignan na muna ang mukha ko sa salamin bago tuluyang buksan ang pinto.Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kaiiyak matapos kong tumakbo palayo kay Ashton. "Miss Cleonne?""K-Kayo pala. Kanina pa ba kayo nariyan? Pasensiya na, nakatulog kasi ako e. Hindi na tuloy ako nakapunta sa may kusina para tulungan kayo."Umiling-iling naman si Anna. "Naku, ayos lang. Alam din naman naming pagod ka pa e.""Bukas, tutulong na talaga ako sa inyo.""Ayos lang, Cleonne." nakangiti pang tugon ni Anna. Mabuti na lamang talaga at nakapagpalit na rin ako ng damit. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko na mabait ang mga kasama ko rito, maliban kay Ashton."Cleonne, huwag mo sanang masamain ha. Pero, bakit ka nga pala pinatawag ni Sir Ashton kanina?" biglang tanong ni Anna sa akin habang naghahanda na kaming tatlo para matulog. Dahil doon ay naalala ko na naman tuloy ang ginawa sa akin ni Ashton
REMINDER!!! The scenes that you are about to read may not be applicable to all ages. If you feel uncomfortable reading adult scenes or you are not in the legal age yet, please kindly skip this chapter.Thank You! ***^------^Cleonne's POVNanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob ng kwarto ni Ashton. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako ipinatawag o kung ano ang kailangan niya sa akin, pero kung ano man iyon, hindi maganda ng pakiramdam ko.Ngayon ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Ano pa bang aasahan kong mangyayari?"Lock the door." utos ni Ashton nang ganap na akong makapasok sa kwarto niya."H-Ha?""I said lock the door." pag-uulit niya pa.Nanginginig ang mga kamay na ni-lock ko ang pinto niya. Dahan-dahan akong umikot bago ako muling tumingin kay Ashton na kasalukuyang isang black bathrobe lamang ang suot.Hindi ko nga rin ba alam kung bakit tila lagi na lamang bathrobe ang suot niya sa tuwing makikita ko siya. "A-Ano nga pala ang kailangan mo sa akin?" la
Cleonne's POV'Mabuhay ang bagong kasal!' sigaw ng mga tao sa paligid namin nang makapasok na kaming dalawa ni Ashton sa loob ng reception venue."T-Thank you.." pilit ang ngiti kong tugon sa kanila."Ano ka ba naman, Cley. Kakakasal mo lang parang pinagsakluban ka na kaagad ng langit at lupa riyan." bigla namang sabi sa akin ni Maureen.Tumingin ako sa kanya.Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanya ang totoo...Pero siyempre, ayaw ko siyang madamay. Ayaw kong may madamay na isa sa mga taong mahal ko. Baka saktan din sila ni Ashton."Napagod lang ako. Nakakapagod din pala ang ikasal, ano?" pagdadahilan ko.Umiling-iling si Maureen habang nakangiti. "Cley, hindi ka pa dapat mapagod ngayon. Reception pa lang ito, 'te. Mamaya ang bakbakan ninyong mag-asawa kaya sigurado ako walang-wala iyang pagod mo sa pagod na mararamdaman mo mamaya!""Mau!""Bakit, totoo naman a? Naku, Cley. Napaka-hot at napaka-pogi kaya ng asawa mo, ano. Sigurado akong excited ka na rin para mamaya. Atsaka, kaya
Cleonne’s POV“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na, Cley. Biruin mo, buong akala nating magkakaibigan noon ikaw ang huling ikakasal sa atin. Iyon naman pala ay mauunahan mo pa ako.” pabirong sabi sa akin ni Maureen nang makita niya na ako suot ang wedding gown.Mapakla naman akong ngumiti sa kanya. “Ako nga rin e…”“Oh, bakit parang ang lungkot lungkot mo riyan? Hindi ba’t ito dapat ang pinakamasayang araw sa buhay mo?”“M-Masaya naman ako e…”Ngumiti naman sa akin si Maureen saka ako niyakap. “Congratulations, Cley. I am so happy for you.”“T-Thank you, Mau.”Sumunod naman na pumasok sina mama at ang kapatid kong si Ara.“Ate! Hindi ka na mukhang poodle ngayong araw!”“Naku, napakaganda naman talaga ng anak ko, oo. Nagmana ka talaga sa akin e.” dagdag pa ni mama.Tipid lamang akong ngumiti sa kanila.Nagulat din sina mama nang sabihin ko sa kanilang ikakasal na ako, alam kasi nilang never pa akong nagkaroon ng relasyon sa kahit na sinong lalaki noon. Mabuti na lama
Cleonne’s POVHindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga salitang sinabi sa akin ni Ashton nang magkita kaming dalawa kahapon. Hindi ko alam kung bakit kinailangan niya pang ipa-dukot ako para lang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon. At hindi ko rin alam ang ibig niyang sabihin noong sinabi niyang pagbabayaran ko ang lahat ng ginawa ko.“Cley? Nakikinig ka ba? Huy, Cley?”Nabalik lamang ako sa ulirat nang mapansin ko ang paggalaw ni Maureen sa kamay niya sa harapan ko para kunin ang atensiyon ko.“H-Huh?”“Tss. Sabi ko na nga ba at hindi ka nakikinig e. Alam mo, kanina ka pa lutang. Parang ang lalim lalim ng iniisip mo, may problema ba?”“H-Huh? W-Wala naman. A-Ano nga pala ang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya.“Tinatanong ko kung kamusta ang pagpunta mo kay Riley. Nakapunta ka ba?”Doon ko muling naisip si Riley.Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi e…”“Ayos lang iyan, Cley. Maiintindihan ka naman niya.”“O-Oo nga pala, Mau.”“Hmm?”Bahagya muna ako nag-isip bago tuluyang tumingi
Cleonne’s POVRamdam ko ang panginginig ng buong katawan ko pagkababang-pagkababa ko pa lamang ng bus patungo sa lugar kung saan nakalibing si Riley. Hawak ko sa kanang kamay ko ang isang pumpon ng sunflowers para ibigay sa kanya.Paborito niya kasi ang sunflowers noon pa man.Muli akong huminga nang napakalalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na rin ako sa gate. Mula roon ay tanaw ko na ang napakalawak na damuhan kung saan nakahimlay ang mga namayapa. Isang malakas na ihip ng hangin ang yumakap sa akin na tila ba nagw-welcome sa akin.“Kaya mo iyan, Cley. Para kay Riley.” bulong ko pa sa sarili ko.Inihakbang ko ang mga paa ko papasok sa loob ng gate na iyon.Marami akong gustong sabihin kay Riley at marami rin akong dapat na ihingi ng tawad sa kanya. Limang taon ko siyang tinalikuran, limang taon akong nagpanggap na walang nangyari, kaya ngayon kailangan ko na siyang harapin.Papasok na sana ako ng tuluyan, pero nabigla na lamang ako nang bigla na lamang may
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments