Share

CHAPTER 5: MARRIAGE

Cleonne’s POV

“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na, Cley. Biruin mo, buong akala nating magkakaibigan noon ikaw ang huling ikakasal sa atin. Iyon naman pala ay mauunahan mo pa ako.” pabirong sabi sa akin ni Maureen nang makita niya na ako suot ang wedding gown.

Mapakla naman akong ngumiti sa kanya. “Ako nga rin e…”

“Oh, bakit parang ang lungkot lungkot mo riyan? Hindi ba’t ito dapat ang pinakamasayang araw sa buhay mo?”

“M-Masaya naman ako e…”

Ngumiti naman sa akin si Maureen saka ako niyakap. “Congratulations, Cley. I am so happy for you.”

“T-Thank you, Mau.”

Sumunod naman na pumasok sina mama at ang kapatid kong si Ara.

“Ate! Hindi ka na mukhang poodle ngayong araw!”

“Naku, napakaganda naman talaga ng anak ko, oo. Nagmana ka talaga sa akin e.” dagdag pa ni mama.

Tipid lamang akong ngumiti sa kanila.

Nagulat din sina mama nang sabihin ko sa kanilang ikakasal na ako, alam kasi nilang never pa akong nagkaroon ng relasyon sa kahit na sinong lalaki noon. Mabuti na lama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status