Chapter 6
"Hindi ka ba marunong ngumiti? Baka ayawan ka ng matanda kapag nakita niyang ganyan ang mukha mo." Natatawang pang aasar sa akin ni Ate Xyler ng makita niya ang ayos ko ngayon. I'm wearing a simple white dress. Nakapusod din ang mahaba kong buhok. May ipinasuot pa sa akin na alahas si Mommy at ang kabilin bilinan niya ay huwag ko itong iwawala dahil mas mahal pa ito sa buhay ko. I look like a doll... Lifeless. "Xanthia, make sure na magugustuhan ka ni Don Allegri. " Napatango na lamang ako kay Daddy. Base sa nalaman ko ay hindi pa rin nila nakikita ang lalaking iyon. Palagi kasing ang sekretarya nito ang nakakausap nila. Hindi ko alam kung ano ang buong istorya kung paano nila nakuha ang loob ng lalaki. Ayaw rin kasi iyong sabihin sa akin ni Mommy. Malalaman ko rin naman iyon... Kung may plano sila ay ako rin... Ipinahatid ako ni Daddy sa isang mamahaling hotel. Nakakalulang tingnan dahil sa laki noon. Pagkababa ko ay agad akong pumasok sa loob. "Reservation, Ma'am? " "Mr. Allegri." Tumango naman siya at saka may pinindot sa computer niya. "Kayo po ba si Ms. Altaraza? " "Yes." Maikling sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at may tinawagan. Pagkatapos noon ay may dumating na isa pang tauhan. "Good evening, Ma'am. This way, please." Tahimik naman akong sumunod sa kanya. May binuksan siyang isang malaking pintuan. "On the way na raw po si Mr.Allegri. May gusto po ba kayong inumin? " Magalang na tanong nito. "Juice na lang. Salamat." Maliit akong ngumiti sa kanya. Malaki ang kwartong iyon para sa aming dalawa. Napabuntong hininga na lamang ako. " Good evening." Napalingon ako sa bagong dating. Wala kahit anong emosiyon ang mukha ko ng magsalita ako. "Good evening din po." "Sorry to keep you waiting, hija. Natraffic kami ni Mr. Allegri. I'm Cristobal Zeres." Kasunod niya ang isang matangkad na lalaki. "Huh? " Napaatras ako dahil doon. "Hindi po ba kayo si Mr. Allegri?" Naguguluhang tanong ko. "Oh. That..." Napalingon siya sa kasama niya. Sa tingin ko ay nasa 20 plus lamang siya! "I'm Fabio Allegri. " Malamig na sabi nito. Matagal ko siyang tinitigan. Nakita ko na siya! "Ho? Ang sabi ng daddy ko ay matandang lalaki na ang mapapangasawa ko." The cold man scoffed. "Siya na lang ang magpapaliwanag sayo, Hija. Lalabas muna ako para makapag usap kayo." Maliit akong nginitian ni Mr.Zeres. " Sit down. Gusto mo bang mag usap na lang tayo ng nakatayo? " Naguguluhan man ay naupo na rin ako. " Order what you want. Hindi rin naman tayo magtatagal rito." " Pag usapan na lang natin ang gusto mong mangyari... " " Hmm, I want to ask you first? Anong dahilan at bakit ka pumayag sa kasal na ito? Ang alam ko ang isa pang anak niya ang ipapakasal niya sa akin." He smirked. Natigilan naman ako dahil doon. FLASHBACK "Ipapakilala kita sa totoong mommy mo kung susunod ka sa gusto ko." Seryosong sabi sa akin ni daddy. Matagal naman akong napaisip dahil sa sinabi niyang iyon. " Think about it. Ilang taon ka lang naman na magtitiis sa poder ng lalaking iyon. You can have your freedom after that. Hahayaan na kita sa mga gusto mong gawin, Xanthia. Just help me with this one. Hindi pwedeng mawala sa atin ang Soleir. " Seryosong sabi sa akin ni daddy. Nang akmang aalis na siya ay nagsalita ako. " Paano mo siya nakilala? Is she alive?" Seryoso ko ring tanong sa kanya " Yeah, she's alive. I'll tell you the whole story, once na pumayag kang magpakasal kay Don Allegri. Sabi nito at saka tuluyang lumabas. Naiwan akong tulala sa kwarto. I want to meet her. Gusto kong malaman ang mga nangyari noon. Ang dahilan kung bakit ganito ang buhay ko ngayon. Simula bata pa lamang ako ay iba na ang turing nila sa akin. Hindi nila kasabay kumain... Kapag umaalis sila ay palagi akong naiiwan sa mga katulong sa bahay. I felt like a ghost in this house. Nah... I'm not a ghost. I'm bad omen... Kahit na si daddy ay hindi ako itinuring na anak niya. Ngayon? Back to zero ang alam ko tungkol sa sarili ko. How can they do this to me? Ginawa ko naman ang lahat para mahalin din nila ako. Para tanggapin nila ako... END OF FLASHBACK "Hindi naman importante iyon. " Malamig na sabi ko sa lalaki. "It's important. Gusto kong malaman kung bukal ba sa loob mo na magpakasal sa akin." Malumanay na sabi niya. "Ilang taon lang naman iyon, hindi ba? Hindi naman ako habang buhay na matatali sayo. " " You're going to waste years of your life, Ms. Altaraza. Is it worth it? " He smirked. " Yeah, I can have my freedom after that. That's all that matters. " Mas lalo naman siyang napangiti sa akin. "Okay. " Maikling sagot niya sa akin. "I need you to be my wife for three years. No child, don't worry. Sa bahay ko, doon ka titira. I'll ask Sir Cristobal to get your things in your house tomorrow. " " Huh? No! I mean, pwede bang pagkatapos na lang ng kasal? " Hesitant na sabi ko. Balak ko sana na sa studio muna ako titira. My own space... " Why? Your family don't like you, right? " He smirked. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko lamang siya bago magsalita. " Did you have me investigated? " "Yeah, I'm sorry. I need to make sure that you will do this. It's business, after all. " Naikuyom ko naman ang kamay ko dahil doon. " I'll stay in my studio, Mr. Allegri. " Malamig na sabi ko. Lumagok muna siya ng alak bago muling nagsalita. " Studio? What studio? From what I know... Ibinenta na iyon ng mommy mo. " Nanlamig naman ang buo kong katawan dahil sa sinabi niyang iyon. " No. She can't do that. " Mabilis akong napatayo. "I'm telling the truth, Xanthia Keona. " Nang akmang aalis na ako ay muli siyang nagsalita. "Marry me, Xanthia. I'll grant three of your wishes." Napalingon naman ako sa kanya. "Genie ka ba? " Padaskol na sabi ko. He just laughed at me. "I can be, if you want." Inilingan ko na lamang siya. "Ihahatid na kita. Kakausapin ko ang magulang mo. " "Ikaw ang bahala." Malamig na sabi ko. Nang marating namin ang mansiyon ng aking mga magulang ay bumaba na rin kami. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse. "So, how's your meeting? " Bungad sa akin ni Mommy. Nauna akong pumasok sa loob ng bahay kaya hindi niya agad nakita ang kasama ko. "Ayos lang naman po. " "Good evening." Napatayo ako ng tuwid dahil sa paraan ng pananalita ni Fabio. Kita ko rin na natigilan si Mommy, miski si Ate Xyler ay nanlaki ang mata ng makita ang lalaking ngayon ay nasa tabi ko. "Xanthia... Sino siya? " Tumalas ang tingin sa akin ni Mommy. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsama sa akin ng lalaki.Chapter 31"Anak! Mabuti naman ang nagpunta ka rito. Miss na miss na kita." Lumayo ako ng akmang yayakapin ako ni Crizela Aragon. " Anak... "Napangisi na lamang ako sa kanya at bahagyang umling. " Stop putting the act now, Crizela Aragon. " Malamig na sabi ko na ikinabigla niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagtawag ko sa kanya sa ganoong paraan. " Matagal ko ng alam na hindi ikaw ang ina ko. So, stop this already. " Inihagis ko sa lamesa ang envelope na naglalaman ng DNA test naming dalawa. " Xanthia... Ano bang sinasabi mo? " Natatakot na tanong niya sa akin. " I'm done with your shits, Crizela. Bahala na kayong mag usap ni daddy, pero huwag na huwag ka ng lalapit sa akin o sa pamilya ni Fabio. Hindi mo naman siguro gustong mabulok sa kulungan, hindi ba? " Malamig na sabi ko sa kanya. "Mali ka... Hindi totoo yan! Ako ang nanay mo! " Umiiling na sabi niya sa akin. "Oh, c'mon! Simula pa lamang ng magpunta ako rito ay duda na ako sayo. Iyang lamang ng envelope ang makakapag
Chapter 30"Ma." Napatayo ako ng pumasok sa opisina ko si Mama. "Ang ganda naman dito, anak. Wow, ikaw ba ang nagpinta ng lahat ng ito? " Natutuwang sabi niya sa akin at saka lumapit sa isang painting. "Hindi na kita macontact, anak... Kaya tumawag ako sa daddy mo, sinabi niya sa akin na dito ang gallery mo. " Dugtong pa niya. "Ano po bang kailangan ninyo? " Malumanay na tanong ko. " Gusto sana kitang kausapin tungkol sa nangyari noong nakaraan... Pasensiya ka na, anak. Gusto lang kitang ipagtanggol sa ina ng mapapangasawa mo. " Sinserong hingi niya ng paumanhin. "Ma, hayaan niyo na iyon. Nagkausap na rin po kami ni Fabio. " "Anak, sigurado ka bang magpapakasal ka sa kanya? Kung ako ang tatanungin? Hindi kita hahayaang makasal sa lalaking iyon. Bukod sa matapobre ang ina niya ay nasisiguro kong babaero iyon. Marami akong karanasan sa mga lalaki, Xanthia. Ayokong pagsisihan mo ang gagawin mong ito sa huli. Anak, sumama ka na lang sa akin... May nakuha akong lupa sa probinsiya. Do
Chapter 29"Ang kj talaga! Sabi ko sa bar tayo! Grabe ka, dito mo balak magkalat sa Aurum." Maktol ni Solana. Nagmessage na ako kay Fabio na dito muna kami ni Sol. Inaaya niya kasi akong magbar pero hindi ko pwedeng gawin yun sa ngayon. Mainit sa akin ang mata ni Ma'am Tessa pati na rin nila ate Xyler. "Baka magka issue ako, alam mo na, famous." Nagbibirong sabi ko na ikinatawa niya. "Gaga. Pero, maiba ako... Ano bang nangyari sayo? Ha? " Tanong niya sabay inom ng alak niya. "Wala naman. I'm just tired these days. " Napabuntong hiningang sabi ko. "Hmm?" "Yeah. I'm on the edge of bursting out! Damn it." Inis na sabi ko. "Dahil ba sa pamilya mo? " "Kanino pa ba? " Napabuntong hiningang sagot ko. "Isama pa ang Mommy ni Fabio. Hindi niya ako gusto para sa anak niya. Naiintindihan ko naman siya... But, I can't lose Fabio. " Seryosong sabi ko. " Do you like him na?" Nakangising tanong niya sa akin. " Ang totoo niyan ay hindi ko alam... I love it when his around, actually. Pero n
Chapter 28Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin si Ma'am Tessa. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. "You! You're ruining my son's life." Galit na duro niya sa akin. Sa likod niya ay nakatayo si Ate Xyler na matagumpay na nakangiti. "Look at this shit! Anong kalokohan ang ginagawa niyo ng anak ko? Ha? Damn it! Ilang taon kong inalagaan ang pangalan ko sa industriya at ito lang pala ang sisira sa akin!" Nanggagalaiting dagdag pa niya. "So, it's just about you, all along." Malamig na sabi ni Fabio. Hindi ko napansin ang pagbaba niya sa hagdan. Mukhang natigilan rin si Ma'am Tessa dahil sa tono ni Fabio. "Fabio! Anong ginawa mo, ha? " "What are you doing here? Why are you with her? " Tanong pa ni Fabio rito. " She's Xyler, siya ang fiancee mo. " Maarte namang lumapit si Ate Xyler kay Fabio. " Don't touch me. " Napaatras naman sa takot si Ate. " Mom, I told you already... Damn it. " Nauubusan ng pasensiyang sabi ni Fabio sa mo
Chapter 27XYLER'S POV"Mom! " Iyak ko kay mommy pagkauwi ko sa bahay. "What the hell? Anong nangyari sayo, Xyler? May nanakit ba sayo? " Yumakap ako kay Mommy habang umiiyak. "Xanthia! That girl. He kissed Fabio in front of me, Mom! Oh, god! Akala ko ba ay ako na ang papakasalan ni Fabio? Bakit ganito ang nangyayari? Mom! Do something! " Histerikal na sabi ko. We can't let this happen! No, I can't! Damn it. Hindi pwedeng maging masaya siya! " Calm down, Xyler. Huwag kang mag alala, ngayon lang iyon. Okay? Just wait." "I can't wait, anymore! Mom! " Sigaw ko. Malakas akong sinampal ni Mommy na ikinatigil ko. " Collect yourself, little brat! Anong sabi ko sayo? Gumagawa na kami ng paraan. Just wait a little more, Xyler. Wala kang ginusto na hindi ko ibinigay sayo. " Sabi sa akin ni mommy habang hawak ang magkabilang pisngi ko. Mabilis naman akong napatango dahil doon. " Freshen up, mag ayos ka. Pupunta tayo ngayon sa bahay ng mga Allegri. " Seryosong sabi niya sa akin.XANTHIA'S
Chapter 26"Are you sure about this, Xanthia? Paano kung isinumbong ka na niya sa mga magulang mo? Masisira lahat ng nasimulan mo." Nag aalalang sabi sa akin ni Fabio. "Don't worry, baby. I know her... Gagawin niya ang lahat para sa anak niya. He's graduating, after all." Masuyo kong niyakap si Fabio. Nagiging softy na siya pagdating sa akin. It's a good sign. " At least, isama mo ako... Ayokong may mangyaring masama sayo." Halik niya sa buhok ko. "Nah, kasama ko naman si Axel. Isa pa, ayokong malaman nila na tinutulungan mo ako. You're my last ace, baby. I don't want them to know about you. " Malambing na sabi ko sa kanya. " Xanthia... ""Q Pumasok ka na sa opisina mo. Magluluto ako mamaya ng hapunan natin, anong gusto mo? " Pag iiba ko ng usapan. " Sinigang, please. " Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. " Okay, your wish is my command. " Kindat ko s akanya. " Baby, iniiba mo ang usapan." Ungot niya. " Walang mangyayaring masama , Fabio. I promise. "Nang pumayag siya ay