Chapter 7
"He's Fabio Allegri. Ang mapapangasawa ko." I smiled coldly at them. Nakita ko naman ang hindi makapaniwalang reaksiyon ng dalawa. "This can't be... You're lying, Xanthia! " Galit na sabi sa akin ni Ate. "I'm Fabio Allegri. Totoo ang sinasabi ni Xanthia, I'm here to officially tell you that I'm going to marry her." Napatitig naman ako sa mukha ni Fabio. Sobrang seryoso at misteryoso niya. "Anong nangyayari dito? " Dumating din si daddy kaya napabuntong hininga na lamang ako. "Dad, she's lying! Kumuha pa talaga siya ng lalaking magpapanggap na si Don Allegri." Sumbong agad ni Ate Xyler kay Daddy. "Why would she lie, Ms. Altaraza? " Nakangising tanong ni Fabio sa aking kapatid. "Come in, Fabio. Let's talk." Marahas naman na napalingon si Mommy kay Daddy. "Tinawagan na ako kanina ni Mr. Zeres. Sinabi niyang sekretarya lamang siya ni Fabio." Paliwanag ni Mommy kay Daddy. "No... No... No... " " Ano bang problema mo? Hindi ba at may Martin ka na? " Sarkastikong tanong ko kay Ate Xyler ng akmang lalampasan ko na siya. "Hindi ko hahayaang maging masaya ka, Xanthia. Itatak mo 'yan sa kokote mo." Galit na sabi niya sa akin. "Don't worry, kapag nakikita ko ang mukha mo ay nawawala lahat ng saya sa katawan ko." Mas lalo naman siyang nagalit dahil sa sinabi ko ngunit tuluyan ko na lang siyang iniwanan doon. I've made up my mind... "So, kailan ninyo balak magpakasal? " "Xanti, hahayaan mo talagang makasal sa kanya ang anak mo? " Nagpipigil sa galit na tanong ni mommy. " Of course, it's for business, after all. " Napailing naman si mommy at saka umalis sa sala. " What's with her? Parang kanina lang ay gustong gusto niya akong makasal? " Pagak akong napatawa. " Hayaan mo na ang mommy mo. " " At the end of the month, we'll get married. Ako na po ang bahala sa lahat, Mr. Altaraza. " " Are you sure? " " Yes, Mr. Altaraza. Sa akin ko na rin po papatirahin si Xanthia. I hope you won't mind... " " Ah... That... " Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Daddy. " Pumayag na ako, dad. Isa pa, wala na rin naman akong pagkakaabalahan dito. Hindi ba at ibinenta ni mommy ang studio ko? " Naikuyom ko ang aking kamay dahil doon. " Paano mo nalaman? " " Sinabi po sa akin ni Fabio. I think he's a great man, he'll do something about it. Right, Fabio? " Peke akong ngumiti sa kanya na ikinabuntong hininga niya. "Yes, of course. Anything for my soon to be wife." Nakatitig na sabi niya sa akin na ikinailang ko. "Okay... Then.." "Kukuhanin ko lang po ang mga gamit ko, dad. Okay lang naman po kung dito pa ako matulog ngayon gabi. Hindi ba? " "Oo naman, anak." Anak? Sa unang pagkakataon ay tinawag niya akong anak. How sweet. Nagpaalam na rin si Fabio kay daddy kaya naman inihatid ko na siya palabas ng bahay. "Susunduin kita bukas, Xanthia. " "No need, kaya ko namang pumunta sa bahay mo. Just give me your address. " " Wala ka rin namang sasakyan. May mga gamit ka pa, hassle lang. " Napairap naman ako sa hangin dahil doon. " Yeah, yeah! Ibinenta na rin nila ang kotse ko. " Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. " You got it right, Xanthia. You're smart. " " I can hear the sarcasm from here, Fabio. " I scoffed. " Oh, sorry. So, this is it for tonight? " " Yeah, I guess. " Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Wala masyadong bituin ngayon. " Good bye, Xanthia. I'll see you tomorrow." Nagulat ako ng marahan niya akong halikan sa noo. "I'm going to be a good husband, Xanthia. Don't worry." Maliit siyang ngumiti sa akin bago tuluyang sumakay sa kotse niya. Nang mawala siya sa paningin ko ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Sinalubong naman ako ng magaling kong kapatid at ng nanay niya. "Sa tingin mo ba ay magiging masaya ka sa piling ng lalaking iyon? Good luck na lang sayo, Xanthia. From what I heard..." " From what you heard ay isa siyang matandang lalaki kaya ayaw mong magpakasal sa kanya. Ano bang ikinagagalit mo ngayon? May Martin ka na, hindi ba? " Hindi ko na pinatapos si ate sa kung ano pa man ang sasabihin niya. "Huwag kang ilusyunada. Kaya ka lang naman papakasalan ng lalaking iyon ay dahil kailangan niyang makuha ang mana niya." "I'm lucky, then." Kindat ko kay Mommy na hindi niya inaasahan . "Makukuha ko na ulit ang studio ko na ibinenta mo." Dagdag ko pa na ikinatigil niya. "He's rich, so I can have what I want. Oh, gosh! Thanks, Ate Xyler." Mas lalo naman siyang nagalit sa akin ngunit bago pa niya ako masaktan ay umalis na ako sa harapan niya. Nagkulong na lamang ako sa aking kwarto at inayos ang kakaunting gamit na mayroon ako. Itinapon ko na rin ang mga hindi ko naman kailangan. Lalong lalo na ang mga regalo sa akin ni Martin. Kaya ko 'to... Hindi na ako magpapaapi sa kanila. Kailangan kong makilala ang totoong nanay ko at malaman ang totoong nangyari sa kanila ni daddy... Kinabukasan ay maaga akong nagising. "No, Xantino! Hindi ako papayag na doon siya tumira! Ano ka ba? Hahayaan mo ba talagang mabaliw ang anak mo? " "Ano ba ang problema niyong mag ina? Hinayaan ko na nga si Xyler na makipagrelasyon kay Martin! Ngayon naman ay gusto niyang siya ang magpakasal kay Fabio? " Rinig ko agad ang sigawan nila daddy habang pababa ako sa hagdan. " Alam mo naman ang anak mo! Pabago bago ng isip. " " I can't do that, Mirabel. Fabio likes Xanthia and I need to save our company! " Sigaw ni daddy. " No! Hindi ko hahayaang makasal ang anak mo sa labas kay Fabio! " " She won't. That man is ruthless. Hayaan mo na lang si Xanthia. " Balewalang sabi ni daddy. Natigilan naman ako sa aking paglalakad dahil doon. Talagang wala silang pakiealam sa kahihinatnan ng buhay ko. Okay. I'll make that man fall in love with me. I'll make that happen... No matter what. Itinuloy ko na lang ang pagbaba ko sa hagdan at hindi sila pinansin. "Manang, anong agahan? " "Akala ko ba ay paalis ka na? " "Mag aagahan lang ako. Chill, mom." Malamig na sabi ko. "Isa pa ay hihintayin ko pa si Fabio dahil susunduin niya raw ako." Dagdag ko pa. Tinaasan niya lamang ako ng kilay.Chapter 31"Anak! Mabuti naman ang nagpunta ka rito. Miss na miss na kita." Lumayo ako ng akmang yayakapin ako ni Crizela Aragon. " Anak... "Napangisi na lamang ako sa kanya at bahagyang umling. " Stop putting the act now, Crizela Aragon. " Malamig na sabi ko na ikinabigla niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagtawag ko sa kanya sa ganoong paraan. " Matagal ko ng alam na hindi ikaw ang ina ko. So, stop this already. " Inihagis ko sa lamesa ang envelope na naglalaman ng DNA test naming dalawa. " Xanthia... Ano bang sinasabi mo? " Natatakot na tanong niya sa akin. " I'm done with your shits, Crizela. Bahala na kayong mag usap ni daddy, pero huwag na huwag ka ng lalapit sa akin o sa pamilya ni Fabio. Hindi mo naman siguro gustong mabulok sa kulungan, hindi ba? " Malamig na sabi ko sa kanya. "Mali ka... Hindi totoo yan! Ako ang nanay mo! " Umiiling na sabi niya sa akin. "Oh, c'mon! Simula pa lamang ng magpunta ako rito ay duda na ako sayo. Iyang lamang ng envelope ang makakapag
Chapter 30"Ma." Napatayo ako ng pumasok sa opisina ko si Mama. "Ang ganda naman dito, anak. Wow, ikaw ba ang nagpinta ng lahat ng ito? " Natutuwang sabi niya sa akin at saka lumapit sa isang painting. "Hindi na kita macontact, anak... Kaya tumawag ako sa daddy mo, sinabi niya sa akin na dito ang gallery mo. " Dugtong pa niya. "Ano po bang kailangan ninyo? " Malumanay na tanong ko. " Gusto sana kitang kausapin tungkol sa nangyari noong nakaraan... Pasensiya ka na, anak. Gusto lang kitang ipagtanggol sa ina ng mapapangasawa mo. " Sinserong hingi niya ng paumanhin. "Ma, hayaan niyo na iyon. Nagkausap na rin po kami ni Fabio. " "Anak, sigurado ka bang magpapakasal ka sa kanya? Kung ako ang tatanungin? Hindi kita hahayaang makasal sa lalaking iyon. Bukod sa matapobre ang ina niya ay nasisiguro kong babaero iyon. Marami akong karanasan sa mga lalaki, Xanthia. Ayokong pagsisihan mo ang gagawin mong ito sa huli. Anak, sumama ka na lang sa akin... May nakuha akong lupa sa probinsiya. Do
Chapter 29"Ang kj talaga! Sabi ko sa bar tayo! Grabe ka, dito mo balak magkalat sa Aurum." Maktol ni Solana. Nagmessage na ako kay Fabio na dito muna kami ni Sol. Inaaya niya kasi akong magbar pero hindi ko pwedeng gawin yun sa ngayon. Mainit sa akin ang mata ni Ma'am Tessa pati na rin nila ate Xyler. "Baka magka issue ako, alam mo na, famous." Nagbibirong sabi ko na ikinatawa niya. "Gaga. Pero, maiba ako... Ano bang nangyari sayo? Ha? " Tanong niya sabay inom ng alak niya. "Wala naman. I'm just tired these days. " Napabuntong hiningang sabi ko. "Hmm?" "Yeah. I'm on the edge of bursting out! Damn it." Inis na sabi ko. "Dahil ba sa pamilya mo? " "Kanino pa ba? " Napabuntong hiningang sagot ko. "Isama pa ang Mommy ni Fabio. Hindi niya ako gusto para sa anak niya. Naiintindihan ko naman siya... But, I can't lose Fabio. " Seryosong sabi ko. " Do you like him na?" Nakangising tanong niya sa akin. " Ang totoo niyan ay hindi ko alam... I love it when his around, actually. Pero n
Chapter 28Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin si Ma'am Tessa. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. "You! You're ruining my son's life." Galit na duro niya sa akin. Sa likod niya ay nakatayo si Ate Xyler na matagumpay na nakangiti. "Look at this shit! Anong kalokohan ang ginagawa niyo ng anak ko? Ha? Damn it! Ilang taon kong inalagaan ang pangalan ko sa industriya at ito lang pala ang sisira sa akin!" Nanggagalaiting dagdag pa niya. "So, it's just about you, all along." Malamig na sabi ni Fabio. Hindi ko napansin ang pagbaba niya sa hagdan. Mukhang natigilan rin si Ma'am Tessa dahil sa tono ni Fabio. "Fabio! Anong ginawa mo, ha? " "What are you doing here? Why are you with her? " Tanong pa ni Fabio rito. " She's Xyler, siya ang fiancee mo. " Maarte namang lumapit si Ate Xyler kay Fabio. " Don't touch me. " Napaatras naman sa takot si Ate. " Mom, I told you already... Damn it. " Nauubusan ng pasensiyang sabi ni Fabio sa mo
Chapter 27XYLER'S POV"Mom! " Iyak ko kay mommy pagkauwi ko sa bahay. "What the hell? Anong nangyari sayo, Xyler? May nanakit ba sayo? " Yumakap ako kay Mommy habang umiiyak. "Xanthia! That girl. He kissed Fabio in front of me, Mom! Oh, god! Akala ko ba ay ako na ang papakasalan ni Fabio? Bakit ganito ang nangyayari? Mom! Do something! " Histerikal na sabi ko. We can't let this happen! No, I can't! Damn it. Hindi pwedeng maging masaya siya! " Calm down, Xyler. Huwag kang mag alala, ngayon lang iyon. Okay? Just wait." "I can't wait, anymore! Mom! " Sigaw ko. Malakas akong sinampal ni Mommy na ikinatigil ko. " Collect yourself, little brat! Anong sabi ko sayo? Gumagawa na kami ng paraan. Just wait a little more, Xyler. Wala kang ginusto na hindi ko ibinigay sayo. " Sabi sa akin ni mommy habang hawak ang magkabilang pisngi ko. Mabilis naman akong napatango dahil doon. " Freshen up, mag ayos ka. Pupunta tayo ngayon sa bahay ng mga Allegri. " Seryosong sabi niya sa akin.XANTHIA'S
Chapter 26"Are you sure about this, Xanthia? Paano kung isinumbong ka na niya sa mga magulang mo? Masisira lahat ng nasimulan mo." Nag aalalang sabi sa akin ni Fabio. "Don't worry, baby. I know her... Gagawin niya ang lahat para sa anak niya. He's graduating, after all." Masuyo kong niyakap si Fabio. Nagiging softy na siya pagdating sa akin. It's a good sign. " At least, isama mo ako... Ayokong may mangyaring masama sayo." Halik niya sa buhok ko. "Nah, kasama ko naman si Axel. Isa pa, ayokong malaman nila na tinutulungan mo ako. You're my last ace, baby. I don't want them to know about you. " Malambing na sabi ko sa kanya. " Xanthia... ""Q Pumasok ka na sa opisina mo. Magluluto ako mamaya ng hapunan natin, anong gusto mo? " Pag iiba ko ng usapan. " Sinigang, please. " Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. " Okay, your wish is my command. " Kindat ko s akanya. " Baby, iniiba mo ang usapan." Ungot niya. " Walang mangyayaring masama , Fabio. I promise. "Nang pumayag siya ay