WAY BACK HOME

WAY BACK HOME

last update최신 업데이트 : 2024-11-26
에:  yokuiko연재 중
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
7챕터
201조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Maria Christina Carvajal famously known for her screen name Christine Carvajal is a phenomenal superstar, ngunit matapos ang isang masalimuot na eskandalo ay napilitan si Christina na makipaghiwalay sa on and off screen partner na si Andrei. To give herself a break ay bumalik siya sa Poblacion, ang lugar kung saan siya nagsimulang mangarap.

더 보기

1화

Chapter One

CHRISTINA'S POV

Kasabay ng unti-unting pagtigil ng sasakyan ay ang pagkapal ng tao sa paligid, karamihan sa kanila ay mga media, paparazzi, vloggers at fans na naghihintay sa official announcement na manggagaling sa akin. It's been three days nang pumutok ang balita ng break-up namin ni Andrei Vasquez, at ngayong araw ay nagdesisyon na ako na linawin ang lahat.

Yes, ang loveteam na minahal ng maraming tao for ten years ay nagtapos na. Ang pantasya na sinimulan namin ay nagwakas na two months ago pa ngunit ngayon lang kami nagkaroon ng lakas ng loob, at pagkakataon na isapubliko ang lahat.

Isinuot ko ang hawak na shades at naramdaman ko ang marahang pagpisil sa balikat ko ni Mom, tuluyan na ring huminto ang sasakyan sa tapat ng hotel de manila kung saan ang venue ng press conference.

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Mom batid ko ang pangamba sa kaniyang mga mata.

"Matagal na akong handa, Mom." Matipid akong ngumiti saka siya niyakap.

How can I not be? It's been long overdue for me and Andrei, at Isa pa pagod na akong makitang nasasaktan si Mommy tuwing may naririnig siyang kasinungalingan patungkol sa akin.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan, at bumaba kasabay si Mommy, ang Atty. na si Drake Sebastian at ang Manager ko na si Apricot. Mabilis na humanay sa daraanan namin ang mga bodyguards upang pigilin ang mga tao na dumugin kami.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng hotel ay naririnig ko na ang mga tanong na for months ay paulit-ulit na ibinabato sa akin, sa amin ng ex ko.

"Totoo ba na hiwalay na kayo ni Andrei Vasquez?"

"How true na may third party na involve?"

"What can you say about the involvement of Erin Salamanca in this issue?"

"Totoo ba yung kumakalat na scandal ni Andrei with you? How true na it's you in the video?"

I kept ignoring their questions na parang wala akong naririnig until I heard something na ikinakulo ng dugo ko. Something na hindi ko kayang palampasin.

I stopped just right before I was to enter the hotel's lobby. I turn to face the crowd of who suddenly became silent. Lumapit ako sa nasa unahang babaeng vlogger, I knew this girl Gretch Albido. Siya yung vlogger na nagpakalat ng pekeng scandal to tarnish my reputation.

"What did you just say?" I asked at kaharap na niya ako ngayon.

Napansin ko ang pag-ismid ng retokada niyang labi. "How true na for the sake of your career your mom turn her back on you to protect the image of your loveteam?"

"You bitch!" Sa sobrang gigil ko ay hindi ko na napigilan ang sarili na higitin ang buhok niya at sabunutan siya. "You can talk shit about me all you want but don't you ever dare to drag my mother into this!" Gusto kong ingud-ngod ang impakta sa lupa at pakainin siya ng alikabok kung saan nababagay ang lamang-lupang kagaya nya...

But I have to keep my cool. Naramdaman ko ang paghimas ni Mom sa likuran ko.

"Christina, there's a right venue to settle this." She told me.

This bitch wanted me down so badly. Kapag sinabayan ko ang pagiging cheap niya at ng pinuno nila they will count that as a win. I have to keep my cool, especially now na handa na akong isiwalat lahat ng baho ng mga idolong pinaglilingkuran niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa paligid.

"Questions will be answered in a while. Salamat sa effort nyo na pumunta rito." Pagkasabi noon ay nagpatuloy na kami sa paglakad papasok sa loob ng hotel lobby upang dumiretso sa conference room kung saan ang main venue.

Sa loob ng venue nakalatag ang mga upuan na ngayon ay okupado na ng mga media, may platform sa unahan kung saan matatagpuan ang isang mahabang mesa na napapalamutian ng mga bulaklak at kulay blue na cover.

Naghihintay na nakaupo roong ang team ni Andrei at siya. Nagtagpo ang mga tingin namin, buti nalang ay naka-shades ako kayat hindi niya mabasa ang ekspresyon sa blangko kong mukha. Ibinaling ko ang tingin sa mga name plate na nasa mesa, katabi noon ay mga mic. Thankfully they did listen to me na huwag akong itabi kay Andrei kaya't si Apricot ang katabi niya ngayon sa mesa, habang ako ay nasa tabi naman ni Apricot, at ni Mommy. Sa dulo nakaupo si Atty. Drake Sebastian.

Just being one with him in this room sicken my stomach.

Naupo na kami sa mga assigned seats namin. Sa loob ng conference room ay mas kalmado ang mga tao, mas tahimik na para bang pinakikiramdaman ng lahat ang tension na namamagitan sa amin ni Andrei.

For ten years ay kinilala kaming the standard couple hindi lang ng mga fans kundi pati na ng buong showbiz industry. They referred to us as the perfect couple. The ideal pair.

Minahal namin ang isa't-isa hindi lamang sa harap ng kamera, to please the public, o dahil sa pera. Minahal namin ang isa't-isa ng totoo, at maging ako ay minsang naniwala na si Andrei na ang taong gusto kong makasama habang buhay, but we're far from perfect. Andrei for years has been the standard in public's eyes. The perfect leading man onscreen. He is handsome, talented, charismatic, and loyal to me. Iyon ang alam ng nakararami. He is the Perfect Prince Charming depicted in every fairytale but in reality he is far from that, at hindi iyon lingid sa kaalaman ng iilang tao na malapit sa amin.

Hindi rin naman ako perpekto, pero alam ko na sa lahat ng pagkakataon ay nagpakatotoo ako sa kaniya. I gave everything to him except one thing and that is my virginity. Not until marriage, that's my only condition to him na tinanggap naman niya.

"Willing akong magtiis for you. You're worth waiting for, Christina." Naaalala kong sabi niya.

Hindi niya ako pinilit na makipagtalik sa kaniya, and I admire him for that. What I did not know is iba't - ibang mga babae pala ang tinikman niya for ten years habang kami pa to ease his sexual frustration. Hindi ko kayang ibigay kaya hinanap niya sa iba.

"I love you but as a man I have needs!" Dahilan niya noong una ko siyang mahuli sa isang hotel kasama ang isang model, at mapakinggan ang isang audio recording na minamaliit niya ako habang nakikipag-sex sa isa pang non-showbiz girl na hindi ko malaman kung saan niya pinulot.

"Baby you're so damn good!"

"Better than Christina Carvajal?"

"That bitch is nothing compared to you!"

He did it multiple times, and I always forgive him. Why? Because that's how show business is done, our loveteam is worth of hundreds of millions, maraming tao ang naniniwala sa amin, and most of all I love-

loved him.

I remember visiting a young fan with cancer named Angel na sobrang invested sa loveteam namin ni Andrei. She told me na both of us inspire her to keep fighting kasi gusto niya pang makita na ikasal kaming dalawa. I told her na if magkakaroon man kami ng baby girl ni Drei in the future we will name her after her, and she held that belief hanggang sa tuluyan nang natapos ang laban niya.

That moment I hated myself from telling her a lie na alam ko at ni Andrei ay malayo nang mangyari.

I am tired of all his lies.

He is tired of being tied to me, of loosing his freedom.

At some point we will both completely loose ourselves, and might as well our career. We're actors so we decided to act in front of public eyes na okay pa ang relasyon namin, na nothing has changed, and everything just gets better until...

he did it again.

This time it became too public na hindi na kaya pang pagtakpan ng manager niya o ng pekeng imahe na ipinapakita namin sa publiko. Andrei Vasquez' scandal took the internet and media by surprise. Who leaked the videos? I don't know and I don't care. Hindi na rin ako nagulat. Manhid na rin ako na maramdaman pa ang sakit ng mga panggagago niya.

There are multiple videos of him doing dirty things with other big names in the industry kagaya nalang ng kay Erin Salamanca, a married woman to Congressman Salamanca na uncle niya and Natasha Calvert, a younger starlet in her twenties na itinuring na niyang nakababatang kapatid. Three of them in one room, having dips on each other. The video is so disgusting na hindi ko kayang tignan manlang kahit ang thumbnail.

Hindi ko na rin kinaya ang kababuyan na ginagawa niya kaya lumayo na ako sa kaniya. For months napansin na ng mga tao ang panlalamig namin sa isa't-isa, ni hindi ko magawang hawakan ang kamay niya o dumikit manlang sa kaniya during tours or interviews, malayo sa kinasanayan ng karamihan na makita sa aming dalawa. Hindi na rin ako tumatanggap ng mga direktang tawag galing sa kaniya. We broke up in private, but we have to keep it in ourselves until the NDA and our contract expire.

I don't want to see him.

I don't want to hear him.

I don't want to deal with him anymore.

Pagod na ako na mahalin siya at magpanggap para lang protektahan ang imahe niya sa mata ng publiko.

All I feel for him is nothing but pity and frustration.

I dreamt of becoming an artist, and to show people what I am capable of but instead everything turns into a nightmare, an unbearable nightmare.

After a month of not seeing each other ngayon ko lang ulit siya nakita. Wala akong maramdaman. Walang nagbago sa mala-anghel niyang mukha, his body is still well built, despite the issues he is in now he's still an attractive man to most people but for me he's nothing, but a miserable rotten man to his core.

How can he do that even to his own uncle's wife? His own aunt?

I can't bear the sight of him. Binulungan ko si Apricot na gusto ko munang mag CR and to get a quick break before the conference. Pumayag naman ang Manager ko, he as well know about how traumatic this experience is for me.

Tumayo ako sa upuan ko at saglit na nagpaalam kay Mom, she asked me kung kailangan ko pa ba ng kasama but I decline. I want to be alone kahit saglit lang.

Lumabas ako ng kuwarto at naglakad na patungo sa comfort room nang biglang may humigit sa kamay ko. Si Andrei. Puwersahan niya akong hinila patungo sa madilim na sulok ng pasilyo.

"What are you doing -" agad niyang tinakpan ang bibig ko ng palad niya at isinandal ako sa pader.

"I have to talk to you. Just...just give me a second." Ani niya habang pasulyap-sulyap kung may ibang tao ba sa paligid. "I promise I won't do anything to hurt you. Manahimik ka lang. Just a talk, Christine. I trust you. Just listen please."

Trust your ass. Buong lakas kong tinuhod ang pagitan ng mga hita niya upang makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak saka siya tinulak palayo sa akin. Namimilipit sa sakit siyang napahawak sa alaga niya at napaluhod sa harapan ko. "Christine, please I just need a word with you." Daing niya habang iniinda pa rin ang sakit.

"I don't have time for you, Andrei." Ani ko habang inaayos ang sarili.

"Just like what you always say, you don't have time."

I don't have time and energy para harapin ang taong sumira ng tiwala ko for years.

Tinalikuran ko na siya at lalakad na sana palayo nang maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot uli sa braso ko. Hindi na ito kasing higpit noong una. Kayang-kaya kong kumawala ngunit mas pinili ko na harapin siya, at ibigay ang maiksing oras na hinihiling niya. Inalis ko ang suot kong shades saka tinitigan siya ng malamig. Galit ako kay Andrei pero hindi ko maitatanggi na naging parte na siya ng buhay ko.

Iniangat niya ang tingin sa akin, nakaluhod pa rin, at maluha-luha na ang kaniyang magkabilang mata.

"Help me please, Christine. I am afraid, I am lost without you. I wanted to talk to you but you keep on ignoring me. I know what I did was wrong, at hindi na maibabalik yung dating tayo, but babe please...I can't do this alone." Saad niya habang lumuluha.

"Ano pang kailangan mo sa akin, Andrei?"

"Christine, I know this is an absurd request, disgusting even, but you're the only person that can help me."

"What? Diretsuhin mo na ako."

"The scandal with Erin, take her place. Tell them na it's you whom I am with, and not my Uncle's Greg's wife."

" So that's what do you want to tell me? Unbelievable."

"He will kill me kapag nalaman niya, and to these people tayo pa rin naman diba nung nangyari 'yon? Please, I'm begging you...help me. After this I won't bother you anymore. Please, Christine."

I am shaken by what I heard from Andrei, alam ko na gago siya but not to the point na gagawin niya akong human shield to save his ass. I felt betrayed, pakiramdam ko ngayon never niya akong minahal ng totoo. Not even once. He even disrespected me by asking that favor.

How can he do this to me?

I feel my own tears now starting to form in my both eyes.

"This just proves na never mo talaga akong minahal, Andrei. I did everything to help you!" Binawi ko ang braso ko at tinalikuran siya habang pinupunasan ang mga luhang ngayon ay tumutulo na galing sa aking mga mata. "How can he be this unfair?"

Nang makalayo na ako ng ilang hakbang ay muli siyang nagsalita. "So ganun na lang? Iiwanan mo nalang ako sa ere, kung kelan kailangan na kailangan kita? Diyan ka naman magaling Christina. Akala mo ba tuluyan mo akong matatakasan? We're fucking soulmates! Don't forget that, bitch!"

"Enough, Mr. Vasquez! I'll make sure you get enough jail time for every word you told her!" Rinig kong saad ni Atty. Sebastian.

Ipinatong ni Atty. Drake ang mga palad niya sa nanginginig kong mga balikat at hinatid ako hanggang sa upuan ko. Ibinalik ko ang suot kong sunglasses upang takpan ang mga mata ko at dampiin ang mga natirang marka ng luha sa magkabila kong pisngi. My mom held my hand and gently squeeze it.

"What happened, anak?" Tanong niya.

"Sinaktan ka ba ni Andrei?" Apricot asked.

I shook my head.

"I'm fine. Inatake lang ako ng panic attack, that's it, but I'm okay now."

Matapos ang ilang minuto ay bumalik na rin sa loob si Andrei. Malayo sa kalmado niyang hitsura ang hitsura niya ngayon, pinagpapawisan siya at nag-iigting ang mga panga, matalim rin ang tingin niya na nakatitig sa direksyon ko.

He's trying to intimidate me.

This asshole!

"Apricot, I'm ready to speak now." Saad ko.

SCOTT'S POV

Mag-aalas siyete na akong natapos sa trabaho sa farm. Sakay ang motorsiklo ay dumiretso ako sa resto bar na malapit sa pinagtatrabahuan kong rantso para kumain at magpakalasing. Sabado ngayon kaya't puno ang maliit ngunit patok na restaurant na kung tawagin namin ay 'Hayahay.' May videoke sa loob, maliit na dancefloor na pinapailawan ng disco ball at ilang mesang kainan. Tinungo ko ang bar counter, naupo sa isa sa mga lumang stool at umorder ng ilang bote ng beer.

"Baka puwede mo nang samahan ng mani." Saad ko sa matandang lalake na may ari ng lugar na si Tatang Mel.

"Kahit mani ngayon mahal na pero para sa iyo Toy ililibre ko na." Saad ng matanda.

Nagkangitian kaming dalawa, at mas lumapad ang ngiti ko nang ilapag na niya sa harap ko ang limang maliliit na bag ng mani.

Binuksan ko ang isang bote, at dinama ang suwabeng lasa ng alak na gumuguhit sa lalamunan.

"Hmm Sarap Tang!" Mapaglaro kong hiyaw na ikinatuwa ng matanda.

"Eh yung mani ko kelan mo titikman?" Ibinaling ko ang tingin sa pinanggalingan ng tinig.

Si Kendra, isa sa mga waitress sa restaurant. Saglit na naglaro ang paningin ko sa nakaawang na biyak sa kaniyang bilugang dibdib. Suot ang maiksing maong na short at hapit na sandong may mababang neklain ay litaw na litaw ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

Hindi ako sumagot sa halip ay ngumiti lamang bago lumagok muli sa hawak kong bote. Mas lumapit pa siya sa akin, umupo sa isa sa mga hita ko at hinimas ang matigas kong balikat. Maging ang amoy niya ay nang-aakit rin, matamis na parang candy.

"Libre ako ngayong gabi baka kailangan mo ng makakasama." Dagdag pa niya.

"Noong huli kang pumunta sa bahay ay muntik ka nang makagat ni Ringo, baka ngayon tuluyan ka na niya." Ani ko at bahagyang natawa.

Biglang nangasim ang mukha niya, hinampas ang dibdib ko at nilayasan ang hita ko.

"Hmph! Bahala ka nga diyan!"

"Mas una ka pang makakagat ng aso kaysa ang patulan nito ni Scott! May inaantay iyan na magbalik dito sa atin." Natatawang saad ni Tatang Mel.

Inilapat ko ang hintuturo sa labi ko habang nakatingin kay Tatang. Baka mapakuwento na naman.

"Kung sino man yang hinihintay mo panigurado ay nakalimutan ka na non. Bibigay ka rin sa alindog ko, Scott Alvaro!" Pagkasabi noon ay umalis na siya dala ang tray para magsilbi sa ibang table.

"Akalain mo 'yon, Toy tignan mo!" Tinapik ako ni Tatang at inikot ko naman ang upuan para harapin siya.

Nakaturo siya sa screen ng kaniyang lumang modelong TV, at tuluyan ngang napako ang atensyon ko sa personalidad na nasa balita nang makilala kung sino ito.

"Pinag-uusapan palang natin! Hindi ba't 'yan si Tin-Tin? Nako, napakagandang bata, mukhang bigating artista na siya ngayon ah."

"Christina..." mahinang sambit ko.

Muli akong tumungga at tuluyang sinaid ang laman ng unang bote. Sinundan ko ito ng ilang butil ng mani habang hindi maialis ang tingin kay Christina.

Nagbago man ang pananamit ay nananatili pa rin ang kaniyang ganda. Hindi ko maaninag ang kaniyang mga mata dahil sa suot na salamin ngunit sa mga nakita ko sa diyaryong may mga kuha niya ay taglay niya pa rin ang mga nangungusap na matang lalong nagpapatingkad sa kaniyang maaamong ngiti. Inantay ko na ngumiti siya, kahit sa screen ko lang makita, ngunit tuluyan akong nawalan ng pag-asa nang mabasa ang caption sa ibaba ng ipinapakitang footage.

CHRISTINE CARVAJAL CONFIRMS BREAK-UP WITH HIS LONG TIME BOYFRIEND AND LEADING MAN, ANDREI VASQUEZ

Ayos. Mukha namang bading yung kolokoy na 'yon eh. Hindi bagay kay Tin.

ALLEGED CHEATING CONFIRMED BY THE ACTRESS

Cheating? Nagawa niya pang lokohin si Christina?

SHE DENIED THE ALLEGATIONS THAT THE GIRL ON THE VIRAL SCANDAL VIDEO IS HER

Scandal? Malabo. Hindi magagawa ni Christina 'yan lalo na kung mukhang unggoy pa ang makakasama niya.

Hindi ko mapigilan na mapamura nang ituon ang focus ng camera sa mukha noong Andrei Vasquez.

"Tarantado."

Ginawang basura ng ugok na 'to ang taong mula pa noon ay pinapangarap ko na.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

댓글 없음
7 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status