MasukLyra’s POV Kaya isang linggo pagkatapos ko maayos lahat ng dapat ayusin, doon ko sinimulan ang plano ko. Tahimik. Mabagal. Maingat. Hindi puwedeng may makahalata lalo na si Caleb. Sa loob ng isang linggo, ginawa ko ang lahat nang hindi nag-iiwan ng kahit anong bakas: inayos ko ang mga gamit ko unti-unti, paunti-unting nawawala sa closet para hindi mahalata sinigurado kong may sapat akong pera sa savings ko naghanap ako ng lugar na matutuluyan, pero hindi sa hotel masyadong halata kinontak ko ang kapatid ng papa ko, si Tita Rhoda, na matagal ko nang hindi kinakausap pero laging handang tumulong sakin at pinili ko ang pinaka-malayo pero pinaka-ligtas na lugar na alam kong hindi agad mahahanap ni Caleb Santa Ana. Isang probinsiya sa dulo ng mapa tahimik, malayo sa siyudad, at higit sa lahat… malayo sa kanya. Isang linggo. Isang linggo ng pakikipag-usap sa sarili. Isang linggo ng pagtulog nang may kirot sa dibdib, araw-araw nagtataka kung kaya ko ba talaga. Pero kahit na
Lyra’s POV Twenty-four hours din akong naka-confine sa ospital. Pagkatapos noon, sa bahay na ako nagpagaling at walang nakaalam kung bakit talaga ako naospital. Hindi kasi namin ipinaalam ni Caleb ang totoong dahilan Ang sabi lang namin sa Mama ko, at Daddy niya nasobrahan ako sa trabaho. Ayon, dinala daw ako ni Caleb sa ospital para masigurong okay ako. At sa totoo lang, mas pinili kong manahimik. Mas madali iyon kaysa magpaliwanag ng kasinungalingang hindi ko kayang mabuo sa bibig ko. Minsan, sa hatinggabi, nagigising ako. Hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa paghaplos ni Caleb sa kamay ko ng mahigpit, parang natatakot siyang mawala nalang ako sa isang kisapmata. Parang bawat paghinga ko, minomonitor niya. At doon ko lalo nararamdaman kung gaano niya ako kamahal… at kung gaano ko siya nasasaktan nang hindi niya alam. Pero kahit ganoon may isang bagay na hindi nawawala. ‘Yung bigat. ‘Yung nakadagan sa dibdib ko araw-araw. ‘Yung guilt na kahit anong pilit kong palamigi
Caleb’s POV Hindi ko na alam kung paano ko nairaos ang biyahe papuntang ospital. Basta ang alam ko lang hawak ko si Lyra, umiiyak, nanginginig, at sumisigaw sa sakit… at ako? Halos mabaliw ako sa takot. Pagdating namin sa ER, halos mabasag ang boses ko sa pagsigaw. “Help! Someone help us! She’s pregnant she’s in pain please!” Agad na lumapit ang dalawang nurse at isang doctor. Halos agawin nila si Lyra mula sa mga bisig ko, pero hinawakan ko pa rin ang kamay niya nang mahigpit. “Sir, please, kailangan naming i-assess siya,” sabi ng nurse, pero hindi ko binitiwan. “Caleb…” mahina niyang bulong, puno ng sakit at takot. “W-Wag kang umalis, wag mo ako iiwan Hindi ko alam kung paano ako nakahinga. “Baby, I’m right here. Hindi ako aalis.” Habang inilalagay nila siya sa stretcher, patuloy siyang napapangiwi sa sakit, halos mapatid ang boses sa pag-iyak. At ako? Wala akong magawa kundi tumakbo sa gilid niya habang itinutulak nila ang stretcher papasok sa loob ng ER.
Lyra’s POV Araw‑araw akong nakikipaglaban sa sarili ko at sa konsensya ko. Sa bawat ngiti ko sa harap ng Mama ko, pakiramdam ko ay durog‑durog na ako sa loob. Pero hindi ko iyon ipinapakita, pero alam ko sa sarili ko na masama iyon para sa magiging anak ko. Isang araw habang nasa opisina kami ni Caleb, at abala sa trabaho, unti‑unti kong naramdaman ang unang kirot sa puson ko. Parang paunang babala, sandali lang yon pero pinagpawisan ako ng malamig. Pinilit kong binawala ang naramdaman ko, pinilit kong itago kay calen at maging sa mga kasamahan ko, pero alam ko sa sarili ko na sa mga susunod na araw hindi ko na ito maiiwasan pa. Lumipas ang maghapon oras na ng uwian sumakay ako sa sasakyan ni Caleb napagkasuduan kasi ulit namin na sa hiding place namin kami magpalipas muli ng gabi. Ang kanyang condo habang nasa byahe kami papunta sa condo biglang sumakit ulit ang puson ko, Parang may tumusok ng sa loob niyon. Napabuntong-hininga ako pilit tiniis ang nararamdaman
Caleb’s POV Mabilis lumipas ang mga araw… pero kahit ilang beses ko nang sinubukan palakasin ang loob ko, naduduwag parin akong sabihin sa mga magulang namin ang totoong kalagayan ni Lyra. Araw-araw, paulit-ulit lang ang cycle. Pag nasa malaking bahay kami Tahimik. Civil. Pormal. Kaming dalawa ni Lyra, parang dalawang taong walang alam sa isa’t isa. Walang tinginan. Walang hawakan. Walang kahit anong senyales na may koneksyon kami. Para kaming dalawang bida sa teleserye na sanay magtago ng lihim. Kaibahan kapag nasa condo kami Doon ako nagiging totoo. Doon ko nararamdaman ang takot… at ang responsibilidad. Doon kami nag-uusap kung paano haharapin ang mga araw na darating. Doon ko siya niyayakap kapag natatakot siya. Doon ko siya pinapatawa kapag nakikita kong pinipigilan niyang umiyak. Doon ko nakikita kung gaano siya kalambing, at kasabik mabuhay kahit puno ng kaba. Pero sa bahay? Para kaming hindi magkakilala At hindi ko alam kong hanggang kailan ko
Lyra’s POV Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo ni Caleb, agad kong naramdaman ang bigat ng tension sa hangin. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang cellphone, paulit-ulit na chine-check na parang may hinihintay na tawag na hindi dumarating. Nang tumingin siya sa pinto at makita niya ako, parang huminto sandali ang mundo niya. Tumayo siya bigla at mabilis na lumapit sa akin. “Lyra…” mahina ngunit puno ng pag-aalala ang tawag niya bago niya ako agad hinila sa yakap. Napalunok ako at hindi na nakapagpigil. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, at doon tuluyang bumigay ang luha ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya, halatang nag-aalala rin, pero pilit niya akong tinatahan, hinihimas ang likod ko ng marahan. “Hey, baby… hey, what happened?” bulong niya, puno ng kaba habang sinusubukan akong pakalmahin. Humigop ako ng hangin mahina, nanginginig bago ko nasabi ang mga salitang ilang oras ko nang sinusubukang tanggapin. “C-Caleb… buntis ako,” halos pabulong, para







![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)