BAKIT ganoon? Bakit may nabago na naman sa damdamin niya? At bakit sa mga sandaling iyon ay parang ayaw niyang mawala si Andrea sa buhay niya? Lalo na nang marinig niya ang mga litanya ni Meldy kanina, na anito’y itinataboy na nito si Andrea upang buksan ang puso sa iba. Teka sandali, parang hindi niya yata iyon matatanggap…!At saka, bakit ganoon ang dayalog ni Meldy? Na ayon pa dito’y may pinapangarap si Andrea ngunit nasaktan dahil nabigo diumano?Mahal ba siya ni Andrea? Siya ba ang pinapangarap nito? Kung kaya, siya ang pinili nitong maging ama ng anak niya kasi may pagtingin ito sa kan’ya?Iyon ang mga bagay na nagsasalimbayan sa utak ni Vincent nang mga sandaling iyon habang patungo siya sa mall kung saan naroroon daw ang mag-ina.At teka, bakit ba ganoon na lamang ang pagkataranta niyang iyon ngayon? Anong ibig sabihin noon? May pagtingin na rin ba talaga siya kay Andrea kaya ayaw niya itong i-give up at hindi niya gustong umibig ito sa iba?Ipinilig ni Vincent ang ulo. Napa
NAGKAKATUWAAN at nag-iinuman sina Toto at ang mga kaibigan ni Vincent nang dumating sina Andrea sakay ng tricycle.Kahit anong tanggi ng dalagang ina, pilit silang isinama ni Vincent sa bahay nina Meldy. Doon sila tumuloy sa halip na ihatid na lamang sila nito sa bahay nila ni Vince.“Please, Andeng. Gusto kang makilala ng mga kaibigan ko. At gusto kong ipagmalaki sa kanila ang anak natin.” Sabi pa ni Vincent kanina.Napahinuhod din nito ang dalagang ina matapos ang ilang sandaling pakiusapan.NAGING speechless ang tatlong kaibigan ni Vincent nang makaharap na ng mga ito sina Andrea at Vince. Tila ba walang gustong magsalita o magbitiw ng mga salitang angkop sa babaeng ‘naanakan’ ng kanilang kaibigan.Si Andrea man ay ganoon rin. Matapos siyang maipakilala ni Vincent sa mga ito, wala siyang malaman na sabihin o i-approach sa mga kaharap.Ang isang sulok ng utak niya’y nagtatanong. Ano kaya ang iniisip ng nga ito sa kan’ya? Baka, mababa ang tingin nito sa pagkatao niya?Sinawata niya a
MAY LUMAGABOG nga sa kusina! Ang lintek na pusa!Wagas ang ‘pag-miyawww’ nito nang magulantang sa biglang pagbukas ng pinto at ilaw. Bising-bisi kasi sa inuupakang pagkain sa mesa kaya hindi naging matalas ang pakiramdam na heto na pala at dumating na ang may ari ng ulam na nilalantakan niya.Kung nagulantang si muning, si Andrea nama’y nagulat din ng wagas. Palibhasa kasi’y tinatambol pa ng labis na kaba ang dibdib dahil nga sa presensiya uli ng tatay ng anak niya, kaya hayon. Nakadagdag pa sa tensyon niya ang ingay na ginawa ng salbaheng pusa. At kaybilis nitong nakatakas! Kung saan pumasok, doon din lumabas!Kaya heto si Andrea. Sa senaryong ikinabigla rin ni Vincent. Bigla ba naman siyang yakapin, eh…!“S-sorry…! H-hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako…!” paghingi pa ng dispensa ni Andrea kay Vincent kasabay nang pagbitaw niya ng yakap dito.“Okay lang naman kahit sinadya mo pa.” napangisi ang binata.Inirapan ito ni Andrea. Bigla niya na itong tinalikuran at pabuntong-hiningang ti
“BAKIT ako ang pinili mong ‘gumalaw’ sa ‘yo noong gabing iyon, para mabuntis ka at magkaroon ng anak?” Diretso ang tanong na iyon ni Vincent. Para bang walang pakundangan sa mararamdaman niyang – pagkapahiya, kung sakali…Napaawang nga ang labi ng dalaga. Ano ang isasagot niya? Diretsahang sagot din ba? Wala nang paligoy-ligoy? Hindi na siya magkukunwari?“N-naitanong mo na ‘yan sa akin, ‘di ba?”Umiling si Vincent. “Not really. Nagparamdam lang ako. Nagpahapyaw lang but, umiwas ka kasi sa very personal question.”“Bakit kailangang itanong mo pa ‘yan kung alam mo palang umiwas na ako dati?”“Baka sakaling sagutin mo na ako this time.” Seryosong sobra si Vincent. Ang mga mata ay matiim pa rin na nakatitig sa simple pero magandang mukha ng kaharap.“Ano ang mapapala mo and vice versa kung sasagutin ko ang tanong mong ‘yan?” seryoso rin si Andrea. Pilit na pinaglabanan ang dibdib na sumisikdo.“Hindi ko alam. Pero base sa magiging sagot mo, tatapatan ko ‘yon ng mga salitang parehong magp
“GOOD MORNING!” Masiglang bati ni Vincent sa nakatalikod na si Andrea na busy sa pagluluto ng almusal sa kusina. “Ang bango niyan, ah?!” Lumapit pa ito sa kalan at nilanghap ang amoy nang niluluto ng dalagang ina.“O? Bakit bumangon ka na agad? Maaga pa. Wala pang alas sais, o?” Masigla rin ang pagbati ni Andrea na sinulyapan pa ang orasan sa dingding.Magaan na ang pakiramdam niya sa tuluyang pagpapa-pasok niya ng presensiya ni Vincent sa buhay nilang mag-ina.Wala na ang pakiramdam na magiging karibal niya ito kay Vince. Nakatulong rin ang naging usapan nila kagabi na nandoon sila sa sitwasyong ganoon bilang magkaibigan. At mananatiling ganoon hanggang kung saan dalhin ng tadhana ang kapalaran nilang dalawa sa isa’t-isa.“Paano namang ‘di ako mapapabangon agad, ipaamoy mo ba naman sa akin ‘yang niluluto mo, hmmnn…”“Well, iyan ang tipikal na almusal dito sa probinsiya. Kumakain ka ba ng mga ito? Sinangag, tinapa at hilabos na hipon?”“But of course naman, sweetheart! That’s my fav
PARANG bayanihan ang nangyayari nang mga sandaling iyon. Habang si Vincent ay nagpapanday para sa rehas ng bintanilya sa kusina ni Andrea, matapos namang mamalengke ng mga babaunin nila sa picnic ang tropa, ang mga ito na rin naman ang kusang nagsikilos para sa pagluluto na doon na rin sa bahay ni Andrea ginawa.“Pareng Toto,” ani Gino habang naghihiwa ng mga pansahog katabi ang asawa ni Meldy na nagtutuhog naman ng pang-barbeque. “Patitikimin kita ng specialty kong kalderetang baka. Sa sarap, baka malimutan mo ang pangalan mo pati pangalan ng misis mo.” Pabulong pa nitong sabi.Napahagalpak ng tawa si Toto. “Pareng Gino parang ‘di uubra kay Imelda ‘yan, kahit gaano pa kasarap ang putaheng ipatikim mo sa akin. Mangyari, parang anino ko ‘yan. Laging nakasunod sa akin at laging pinapaalala kung sino siya sa buhay ko!”“Gano’n pare? Paanong laging pinapaalala kamo kung sino siya sa buhay mo?”Tumingin pa muna si Toto sa dako nina Andrea at Meldy na may kan’ya-kan’ya ring ginagawa.“Samp
TINGIN ni Vincent, abot yata hanggang tenga ang ngiti ni Andrea matapos umalis ang Allen na iyon, kaya nang pumasok uli ito sa bahay, sa inis niya, hindi niya ito pinansin.Nagkunwari siyang nilaro-laro na lang si Vince sa salas.“O? Parang napagod yata ang kaibigan ninyo sa pagka-karpintero kanina?” Sumilip pa ito sa salas habang nakasalampak sa sahig ang binata at kunwa’y nakikipaglaro sa anak. “Pagti-tyagaan na lang tuloy ang kakulitan ng anak.” Tumawa pa si Andrea.Ang mapang-alaska naman sa barkada na si Gino ay sumipol-sipol habang nagluluto na nang ipinagmamalaki nitong putahe.Si Fael naman na isa pa ring alaskador sa grupo ay bumanat naman ng kanta. Ang ‘Jealous Guy’ ni John Lennon.‘I was feeling insecureYou may not love me anymoreI was shivering insideI was shivering insideOh, I did’nt mean to hurt youI’m sorry that I made you cryOh my, I did’nt want to hurt youI’m just a jealous guy…’At sabay pa ang dalawang alaskador na sumipol uli pagkatapos ng huling linya ng ka
“KUWARENTA na ako. Matanda na. Parang nakakahiya nang mag-asawa. Baka kung ano pa ang isipin sa akin ng ibang tao. Baka sabihin, gusto ko lang no’ng ‘ano’ kaya ako nag-asawa.” Sabi pa ni Andrea.“Ng ano?” Napangiti si Vincent.“Alam mo na kung ano ‘yon. Kailangan ko pa bang sabihin ng literal?” umismid ang dalagang ina.Natawa si Vincent. Bakit ba ang sarap-sarap pagmasdan ni Andrea kapag ganoong umiingos ito?Hindi man ito kagandahan pero parang hindi siya nagsasawa na titigan ang mukha nito. Siguro dahil, kinababakasan niya iyon ng kainosentihan…“Bakit mo iisipin ang sasabihin sa ‘yo ng ibang tao? Wala silang pakialam sa buhay mo. Basta kilala mo ang sarili mo at wala kang tinatapakan, who cares whatever they think and say? Saka, sino ba ang maysabi na matanda na ang kuwarenta? Life begins at fourty. Huwag mong kalimutan ‘yan. Ako nga, 41 na. Do I look old for my age?”Umiling si Andrea. Sa itsura ni Vincent, para nga lang itong nasa mid-thirties nito. Marunong itong mag-alaga sa s