"Hindi ba bagay?" Tumawa si Nica at nagpatuloy kahit sinaway na siya ng ama. "What did you say before?" nang-aasar niyang tanong kay Margaret.
"Nica please, nasa hapag kainan tayo." Pigil ni Janice sa kamalditahan ng kapatid ngunit hindi siya pinakinggan nito.
Namaywang si Nica at ginaya ang malambing na boses ng madrasta sa kung paano nito kausapin si Janice, eight years ago. "Good girl, Baby! Maging mabait ka sa kaniya pero huwag mo siya kampihan sa harap ng iyong ama."
"Wala kang pinagkatandaan, immature ka pa rin mag-isip at mahilig gumawa ng kuwento! " namula ang pisngi ni Margaret dahil sa galit at nainsulto nang tumawa ang dalaga.
"Nica Joy tama na!" tumaas na naman ang boses ni Alfonso upang patigilin na ang anak sa pang-aasar nito sa kaniyang asawa.
Hindi pinansin ni Nica ang ama, lalo siyang ginanahang asarin ang madrasta. "By the way, mukhang mas bagay sa akin ang lalaking pinapangarap mong maging manugang." Sumilay ang pilyang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Huwag kang magkamaling agawan ang anak ko!" Nanggagalaiting bulyaw ni Margaret kay Nica.
Tumawa ng malakas si Nica sa nakikitang pagkapikon sa mukha ng madrasta. "You look terrible!"
Marahas na ibinuga ni Margaret ang hanging bumara sa kaniyang dibdib at masamang tingin ang ipinukol kay Nica. "Manang-mana ka sa iyong ina mag-isip. Mahilig mang-agaw ng hindi para sa inyo!"
"Margaret, tama na." ang asawa na niya ngayon ang kaniyang sinaway nang makita ang panlilisik ng mga mata ng bunsong anak.
Abot hanggang langit ang nadaramang galit ni Nica nang insultohin ng madrasta ang kaniyang inang namayapa na. Pero pilit niyang pinakalma ang sarili para hindi maging kriminal sa harap ng ama.
"At ano ang tingin mo sa iyong sarili?" nang-uuyam niyang tanong sa madrasta.
"Nica please tama na!" pakiusap ni Janice sa kapatid ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin.
"Kung kami ng Mommy ko ay mang-aagaw, kayo naman ay makakapal ang mukha at mga sampid!" ani Nica at dinuro ang madrasta.
"Nica Joy sumusobra ka na!" Hinarap ni Alfonso si Nica.
"Don't you dare, Dad!" inunahan niya ang ama bago pa nito magawang ilapat ang palad nito sa makinis niyang mukha. Nanginginig ang tinig niya dahil sa galit. "I hate you!" pasigaw niyang inilabas ang matagal na niyang gustong sabihin sa ama.
Nasapo ni Alfonso ang sariling dibdib nang biglang manikip iyon dahil sa pinaghalong emosyon.
"Dad, calm down!" Mabilis na dinalohan ni Janice ang ama at sobra siyang nag-alala. Ang kapatid ay tumalikod lamang at iniwan sila.
"Honey I'm sorry, kasalanan ko ito. Sana ay hindi ko na pinatulan ang kamalditahan ng iyong anak." Nababahalang hinawakan ni Margaret sa braso ang asawa.
"Ayos lang ako." Itinaas ni Alfonso ang isang kamay at dahan-dahang umupo sa upuan. Ngayon niya lang nakita ang ganoong galit sa mukha ng anak at nagawa nitong talikuran siya kahit nakitang nanikip ang kaniyang dibdib.
Mabilis na pinatakbo ni Nica ang minamanehong kotse. Tumawa siya ng pagak nang hindi magawang tumulo ng kaniyang mga luha. She felt proud dahil naging bato na pati ang kaniyang luha ngayon. Kung may iba lang makakakita sa kaniya ngayon ay iisiping nasisiraan na siya ng bait.
"HI!" Nahihiyang bati ni Janice kay Chrismith dahil late siya ng ilang minuto.
"Have a seat," ipinaghila ni Chris ng upuan ang dalaga. "Don't worry, you just came in time."
"Thank you! Pasensya na talaga kailangan ko kasing pakalmahin muna si Daddy bago iwan." Matipid na ngumiti si Janice sa binata.
"Why?" may pag-aalala niyang tanong sa dalaga. Kilala niya ang ama ni Janice dahil naging kaibigan din ito ng kaniyang ama.
"Muntik nang tumaas ang kaniyang blood pressure dahil sa galit sa aking kapatid." Malungkot niyang sagot sa binata.
Tahimik lang si Chrismith na nakikinig sa paglabas ng sama ng loob ni Janice para sa kapatid nito. Sa tuwing mag-usap sila ay hindi maiwasan nitong maging topic sa kaniya ang kapatid nito. Naniwala siya na careless nga ang babae at walang puso. They're good friend ni Janice at inaamin niyang humahanga siya sa galing nito at talino. Lalo siyang humanga dito nang ipakita nito ang sariling gawang desenyo ng damit.
"Alam mo ba kung bakit ni-reject niya noon ang Daddy mo?"
Kunot-noong umiling si Chris bilang sagot sa tanong ni Janice.
"Dahil sa galit niya sa akin, ang akala niya ay boyfriend kita." Bahagyang namula ang pisngi ni Janice sa maling iniisip ng kapatid. Pero lihim niyang naipagdasal na sana nga ay magkatotoo.
"Childish," pumalatak ang binata at ang tinutukoy ay ang kapatid ng kausap.
"Dahil sa iyo rin kung bakit nag-away sila ni Daddy kanina."
Napataas ang dalawang kilay ni Chrismith sa nalaman. Bigla siyang na curious kung bakit siya ang pinagmulan ng away ng pamilya nito parati. Pero iba ang na sense niya habang tumatagal kung kaya agad niyang inilihis ang usapan.
"Sorry for that, anyway, nakita ko ang desinyong ikaw mismo ang gumawa. Impressive at hindi ko na iuurong ang unang proposal ng kompanya ninyo."
Kahit na dissapoint sa biglang pag-iba ng paksa ng binata ay naging masaya pa rin si Janice. Hindi napigilang yakapin ito sa halip na tanggapin ang nakalahad na palad nito sa kaniyang harapan upang makipag shake hand sana.
Ngumiti na lamang si Chrismith at gumanti ng yakap sa dalaga.