LOGINLumipas ang isang buwan.Isang buwan na parang ang bagal ng oras, pero wala namang nagbago sa sitwasyon ko. Hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko, pero kahit ganon, pinilit kong kumapit sa iisang bagay—na maayos na si Kuya Aragon.At ngayon, nandito na ako sa hospital kasama si Ninang Cherry.Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko habang naglalakad kami papunta sa garden. Hindi ko alam kung kaba ba o takot ang nararamdaman ko, basta ang alam ko, hindi ako ready sa kung anong makikita ko.“Olive, calm down,” mahinang sabi ni Ninang Cherry. “Okay na ang lagay niya. Huwag mo lang siyang bibiglain.”Tumango lang ako kahit pakiramdam ko hindi sapat ‘yon para pakalmahin ako.Pagpasok namin sa garden, agad ko siyang nakita.Si Aragon.Naka-wheelchair.At si Luna ang nagtutulak sa kanya habang dahan-dahan silang naglalakad sa pathway.Parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa isang buwan ko siyang hindi nakita o dahil sa kung anong mangyayari ngayon.Huminto ak
“Olive, umuwi ka muna sa bahay. Doon tayo mag usap.” malamig na sabi ni Ninang sa akin.Parang biglang bumigat ang buong katawan ko.Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung tono ng boses niya o yung paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. Parang hindi na niya ako kilala. Ito ang uri ng tingin na ayoko. Alam ko sa sarili ko na wala akong kinalaman sa mga tumawag kanina. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang cellphone number ko at mas lalong hindi ko alam kung ano ang sinasabi nilang plano. Something feels off—parang may mali. It’s like someone is framing me just to put all the blame on me. Tiningnan ko si Luna. She looks satisfied with what happened. Is she the one framing me? Hindi na ako magtataka kung siya nga. Kilala ko na ang likaw ng bituka ng babaeng ito. Hindi ako papayag na basta niya lang akong sisiraan. Kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko kahit alam kong may kasalanan naman talaga ako, pero ‘yung magbayad ng tao para lang ipahamak si Kuya Aragon? Hindi ko ‘yun ma
Hindi na alam ni Olive kung paano siya nakarating sa ospital. Basta ang alam ko lang tumatakbo ako. Halos hindi na ako makahinga. Hindi ko na nararamdaman ang paligid ko. Wala akong pakialam kung sino ang nakakasalubong ko, kung madapa man ako, o kung ilang beses akong muntik bumagsak. Kailangan ko makarating… “Kuya Aragon…” Paulit-ulit sa isip ko ang pangalan niya. Hanggang sa nakarating ako at nakita ko sina Ninang, Ninong at Luna. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng atmosphere. “Nasaan si Aragon?” halos pabulong kong tanong, hingal na hingal.Walang sumagot agad. Mas lalo akong kinabahan.“Please…” lumapit ako kay Ninang Cherry. “Ninang… nasaan po si Aragon?”“Nasa operating room…” nanginginig niyang sagot.Nanlalamig ang buong katawan ko.“Opera— bakit— anong nangyari?!”Hindi na ako makapaghintay ng sagot.Diretso akong lumapit sa pinto ng operating room pero biglang may humarang sa akin.It was Luna.“Anong ginagawa mo dito?” Matalim ang kaniyang tingi
Sobrang lakas ng ulan pero ayaw na bumalik ni Aragon sa kubo. Ayaw niyang makita si Olive. Naiinis siya dahil sinamantala nito ang ipinakita niyang kabaitan at pag-aaruga dito. Alam niyang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa pamilya nito kaya nagawa niyang maging mabuti rito. Bukod pa rito, matalik na magkaibigan ang mga pamilya nila kaya’t pamilya na rin ang turing niya kay Olive. Subalit iba ‘yata ang nais nito. Gusto ni Olive na palagi lang siyang nasa tabi nito. His marriage to Luna is already planned. His future is set. And because of that, he no longer wants anyone telling him what to do—or whether he should change any of it. Kahit na si Olive pa ‘yan...Naglalakad si Aragon sa gilid ng kalsada, basang-basa, pero wala siyang pakialam. Kahit kumakapit na sa balat niya ang lamig, tuloy-tuloy lang siya.Humigpit ang panga niya habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari.“Damn it…” mariin niyang bulong.Hindi niya matanggap.Hindi niya matanggap na kayang g
Ngumisi ako ng bahagya. “Kuya Aragon?” tawag ko sa kaniya. Wala akong natanggap na tugon. Fine.Kung ayaw mong magsalita, ako na ang kikilos.Dahan-dahan akong lumapit para tumabi sa kaniya. Hindi ako tumalikod, nakaharap ako sa kaniya. Pinagmasdan ko siya sandali. Walang pagbabago. Gwapo pa rin. Nakakainis pa rin.Unti-unti akong gumalaw palapit sa kaniya hanggang sa halos magdikit na ang mga braso namin. Wala pa rin siyang reaksyon.“Kuya Aragon…” mahina kong tawag.Walang sagot.Tulog na ba?O nagpapanggap?Bahagya akong ngumiti.Mas mabuti.Dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko hanggang sa tumabi ako nang tuluyan sa kaniya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya kahit may manipis na pagitan lang ng hangin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako tumigil. Inilapat ko ang ulo ko sa balikat niya at sumandal ako. Tahimik.Walang galaw.Kaya mas lalo akong naging kampante.“Wala ka namang gagawin, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko.Hindi ko alam kung para sa
HINDI napaki-usapan ni Ninang Cherry ang Principal sa Carmelo University. Hindi sila pumayag na ibalik ako dahil may sinusunod na rules and regulations ang school at kasama doon ang pag suspinde sa mga lumalabag sa batas ng school. Suspended ako ng 2 weeks! "Mom, Dad. May gagawin kaming research ngayon at mas gusto ng mga ka-group ko na dito kami sa bahay gumawa." Nabaling ang isip ko sa nagsalita at hindi ako nagkamali. It was Aragon. Mukhang may group research sila. Naririnig ko ang boses niya mula sa Garden. Tatlong araw na ang lumipas, tatlong araw na hindi man lang ako kinausap ni Aragon. Para sa kanya, isa lamang akong hangin na dinadaan-daanan. Pasimple akong sumilip mula sa bintana upang hindi nila mahalata ang presensya ko. Umupo sila sa nakapabilog na upuan sa round table. May isang laptop at mga papers ang nakalagay sa table. Mukhang puspusan ang aaralin nila ngayon. Palayo na sana ako ng makita ko si Luna. Kararating lang niya at diretso siyang naupo sa tabi ni Arago
"Olive." Tawag pansin ni Ninang sa akin. Nilingon ko si Ninang. "Bakit po?"Nararamdaman ko na parang may gustong sabihin sa akin si Ninang. It's Sunday and I'm here in the garden, with Ninang Cherry. She invited me to have breakfast here in the garden. We are sitting at a small table, in the middle
DUMAAN ang sabado, Linggo at ngayon, Lunes. Ngayong araw, hindi ako ginulo ni Luna at ng mga aliporis niya. Mabuti naman at tahimik ang buhay ko ngayon. Ngayong araw ang Birthday ko, pero wala akong balak na mag-celebrate. Nakatanggap lang ako ng message mula kay Tita Doris, binati niya ako ng Happy
ISINABAY ulit ako ni Aragon at pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko kapag hindi kami nakakapag-usap. Pakiramdam ko, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang ngiti sa mga labi niya at kapag hindi niya ako kinikibo. Aragon's expression was completely blank
KASALUKUYAN akong nasa loob ng kotse at hinihintay si Aragon na nasa loob pa ng bahay, daig pa ang babae mag-ayos. Sabay kaming papasok ni Aragon kaya hindi ako kakabahan sa unang klase. Ang sabi ko dati, hindi ako magkokolehiyo pero dahil nangako ako sa mga magulang ko na aayusin ko ang buhay ko, k







