Share

CHAPTER 2

NAPAHIKAB ako sa malakas at napakalamig na hangin. Pagtingin ko sa aking suot na relo, alas otso na pala ng gabi, subalit wala pa rin sina mommy at daddy. Kasalukuyan akong nasa rooftop ng bahay namin habang nagpapalipas ng oras at naghihintay na dumating ang mga magulang ko mula sa business travel.

Maya-maya, umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding, pagkatapos ay inilabas ko ang malaking album na naglalaman ng mga larawan namin mag pamilya na madalas kong silipin pag namimiss ko ang aking mommy at daddy.

“Olive?”

Nang marinig ko ang pagtawag ni Yaya Lena sa akin ay mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo upang salubungin siya.

“Yaya Lena! Nandiyan na po ba sila mom and dad?” Eksaherang tanong ko habang may ngiting nakaplasta sa aking mga labi. Sabik akong muling makita sila at makasama kahit sa ngayong buong gabi lang, sapat na.

“Anak, Olive.” Lumapit si Yaya Lena sa akin at hinaplos ang aking buhok, bago muling nagsalita. “Tumawag ang iyong mommy at daddy, mayroon daw silang bagong business travel.”

Biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi at napalitan iyon ng pagkadismaya.

“Hanggang kailan daw sila doon?”

Ngumiti ito at saka hinila ako nang marahan papasok sa loob ng kwarto ko. “Masyadong malamig rito, iha. Pumasok muna tayo sa kwarto mo at baka magkasakit ka naman.”

Nagpahila naman ako kay Yaya Lena, mabuti na lamang at palaging nandiyan si Yaya. Kahit papaano hindi ako nakakaramdam ng pag-iisa at kalungkutan. Mula noong bata pa lamang ako ito na ang nag-alaga sa akin. My parents are usually busy and don't have time for me because of their business. Mahirap ba akong kasama? Kaya ayaw akong kasama ng mga magulang ko? Kahit isang oras lang ang hinihiling ko upang makasama sila, parang nahihirapan pa silang ibigay sa akin iyon.

We used to get well with each other like every Sunday was a family day for us. But everything has changed suddenly. Tuwing sasapit ang linggo, mag-isa na lang ako at si Yaya ang kasama ko. I guess you could say we were the perfect family, pero hindi. Dahil maraming nagbago. 

“Yaya Lena?” Tawag ko kay Yaya Lena nang makarating kami sa aking kwarto. “Hanggang kailan ang business travel nila mom and dad?”

“Iha, parang hindi mo naman kilala ang mom and dad mo. Hindi sila nagsasabi ng araw kung kailan sila uuwi, basta maghintay na lang tayo sa pagbalik nila.”

“Sayang naman..” Bulong ko.

“Bakit sayang?”

Umupo ako sa aking kama. “Maghahanda sana ako ng welcome home party para sa kanila. Kaya lang hindi natin alam kung kailan sila uuwi.”

“Pwede naman tayo maghanda kahit hindi natin alam kung kailan sila babalik. Sabado bukas at wala kang pasok, pwede natin simulan bukas ang paghahanda-”

“May remedial class ako bukas.” Putol ko sa sasabihin ni Yaya Lena.

Huminga ng malalim si Yaya Lena bago tumabi nang upo sa akin. “Anak, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral, malapit na ang graduation ninyo. Sa susunod na taon, kolehiyo ka na.”

“Ayoko na mag-aral.” Wala sa mood na sagot ko.

Muling humaplos ang kamay ni Yaya Lena sa aking buhok at naglalambing na niyakap ko naman siya na para bang sa kanya ako nanggaling. “Olive, mas matutuwa ang mommy at daddy mo kung pagbubutihan mo ang iyong pag-aaral at babawasan mo ang pakikipag-away mo sa school.”

“Galingan ko man, o hindi, makipag-away man ako o, magpakabait. Hindi naman ako mapapansin nila mommy at daddy.”

“Olive, kung magiging open ka lang sa kanila at susubukan mong kausapin sila tungkol sa iyong nararamdaman. Siguradong maiintindihan ka nila at malay mo, maglaan pa sila ng oras para sa’yo. Walang magulang ang matitiis ang hinaing ng kanilang mga anak.”

Humikab na lang ako at saka binitawan ang album na hawa-hawak ko. “Yaya Lena, inaantok na ako. I want to sleep na. Goodnight po.”

Matamis na ngumiti sa akin si Yaya, bago niya ako kinumutan. “Goodnight, Olive.”

Iminulat kong muli ang aking mga mata ng masiguro kong nakalabas na si Yaya Lena. Hindi naman talaga ako inaantok, sadyang ayoko lang istorbohin si Yaya Lena, bukod pa rito, gusto ko muna mapag-isa at putulin ang usapan tungkol sa relasyon ko na meron sa mga magulang ko.

Minsan nga, tinatanong ko ang aking sarili, kung ako ba talaga ang mas mahalaga, o ang business ng mga ito? Sa nararamdaman ko kasi, para lang akong hangin sa mata ng mom at dad ko. Sa umaga nauuna itong umalis at palagi akong nag-iisa sa hapagkainan. Sana bata na lang ulit ako kung saan pakiramdam ko ay isa akong gintong mahalaga kung pahalagahan at alagaan ng mga ito. Iba na kasi ngayon ang sitwasyon at nararamdaman ko..

Alas nuwebe na, halos isang oras ang lumipas pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. I tried to sleep, but all my thoughts were of my Mom and Dad. I'm frustrated and dispirited because they didn't even call me back. I tried to distract myself with music and books, but I couldn't stop dwelling on my parents.

Maya-maya, naisipan kong bumaba pero dahan-dahan lamang ang bawat paghakbang ng aking mga paa, upang hindi ko magising si Yaya Lena. Halos katabi lang kasi ng silid ko ang silid na inuukupa nito.

Nang makarating sa gate, mabilis akong naglakad palabas ng subdivision, ngunit may epal na guard at hinarangan ako.

“Ma’am, saan po ang punta-”

“Kuyang guard, I'm already eighteen years old. Hindi na ako minor para harangan mo lumabas, at isa pa, hindi ko naman kailangan sabihin kung saan ako pupunta,” sarkastikong sagot ko. “And, kaya ko naman ang sarili ko kuyang guard. Para ka naman pong bagong nang bago, e. Hindi ninyo pa rin ako kilala?”

“Kilala, ma’am. Isa ka pong matapang na bata.” Parang nang-aasar na sabi ng isang guard.

“Tsk, bilhan ko na lang kayo ng yosi.”

“O-okay, ma’am. Ingat na lang po kayo,” walang nagawa ang guard sa akin.

Aarangkada talaga ang bibig ko at makikipag-away talaga ako kapag humarang pa ito. Hays, sawang-sawa na ako sa mga guards na palaging ako ang punterya. Guards sa school, maging rito sa subdivision ay kontrabida sa kaligayahan ko.

“Thank you!” Magiliw kong sabi, bago tuluyang naglakad palabas nang subdivision. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status