Share

CHAPTER 3

Penulis: Bitter_sweet
last update Tanggal publikasi: 2023-04-11 22:10:27

I had no clue of my destination, so I just kept on walking until I spotted a convenience store and quickly headed in that direction. Subalit hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob nang makarinig ako ng batang umiiyak sa gilid ng eskenita at mukhang hindi ito nag-iisa. May sariling isip ang mga paa kong nagtungo sa gawing ingay na naririnig ko.

“Huwag po! Kailangan ko po ang perang ito..” Pagsusumamo ng bata.

“Ibigay muna! Kung ayaw mong masaktan pa.”

“Oo nga bata, magsimula ka na lang ulit. Ibigay muna, kasi pag ako nagalit pa babangasan kita sa mukha. Itong nagugutom na ‘ko! Bilisan mo!”

“Huwag po! Kailangan po ng Nanay ko ang perang ito..”

Kumukulo ang dugo ko sa aking nakikita. Inaagawan ng mga kalalakihan ang batang lalaki ng pera na mukhang kinita nito mula sa panlilimos. Hindi ko kayang tumayo lang rito at walang gawin, ayoko sa lahat ay makakakita ng mga inaapi.

“Hoy! Mga bakla, ano iyan?” Kuha ko sa atensyon nilang lahat. 

Masamang bumaling ang mga ito sa kinaroroonan ko, pero wala akong pakialam dahil wala namang namamatay sa mga tingin lang. 

“Miss, alam mo imbis na mangealam ka sa amin, bakit hindi ka na lang tumakbo at pabayaan kami, o baka naman gusto mo rin kaming bigyan ng pera? Mukha ka namang mayaman. Anong sa palagay mo?” matabil ang dila na tugon ng isang lalaki na kasing payat naman ng tingting.

“Pre, hindi lang mayaman, parang yummy pa ‘yata ang babaeng ‘yan.” segundang wika ng lalaking may hawak na isang sigarilyo at walang sawang humithit. Adik p*****a!

Sumenyas ako sa batang lalaki na tumakbo at tumakas na habang nililibang ko pa ang dalawang lalaki.

“Tsk. Ang pera ay pinaghihirapan. Mga malalaki na kayo dapat nagtatrabaho kayo imbis na nangongotong sa iba! At saka, bata pa talaga, ah?” Asik ko habang nakangisi ang aking labi dahil sa inis na nararamdaman ko. Wow, Olive, coming from you, ah?

Nakita kong nagpipigil nang tawa ang dalawang lalaki at hindi rin nagtagal ay sumabog ang tawa na kanilang pinipigil. Tumawa lang kayo ngayon, mamaya iiyak kayo sa akin.

“Pre! Nakatakas ang bata!” Bulalas ng isang lalaki na napansing wala na ang batang lalaki na kokotongan sana nila ng pera. “Intensyon mo ba ‘yon, babae ka?!”

“Matalino rin pala kayo? Tsk. Diyan na nga kayo.”

I was about to leave when two men, looking extremely irritated, stepped in my path with aggressive expressions.

"Hindi kami aalis hangga’t hindi namin nakukuha kung ano ang gusto namin," the taller man said.

Alam ko na ang kasunod nito, alam ko rin namang hindi nila ako palalagpasin nang ganon-ganon lang. Alam na alam ko ang mga adik na tulad nila ay lalaban kahit ano pa ang gender mo. Sila kasi ang mga walang respetong tao.

“Akala mo ba, basta-basta ka namin paaalisin?” may sarkasmong sabi ng isang lalaki na kulang na lang liparin ng hangin sa payat. Hithit pa, boy.

“Wala akong panahon sa walis tingting na katulad mo.”

“Aba’t!  Gago ka, ah! Birahin na natin ‘to!”

Umamba siya nang suntok at kada suntok niya ay tumatama lamang sa hangin dahil sinasalag ko ang bawat sugod niya. Hindi ko na sana papatulan, e. Kaya lang makulit, siya lang rin ang mapapagod sa ginagawa niya. Mamaya niyan hikain pa ‘to.

“Puta!” Hinihingal na mura ng lalaki. “Napapagod lang ako sa’yo..”

“Kasi naman, bakit ka sumusuntok sa hangin?” nakangisi 'kong tanong. “O, siya. Maiwan ko na kayo. Salamat sa exercise na hindi nakakapagod.”

“Ahh!” Nilingon ko ang isang lalaki na medyo may laman na susugod sa gawi ko at may hawak itong kahoy, pero mabilis akong nakaiwas sa ginawa niyang paghampas. “Hindi ka na makakaligtas rito! Patutulugin ka namin ngayong gabi!”

“Mauna kang matulog.” Pagkasabi ko niyon ay malakas ko siyang binayagan dahilan kung bakit siya ngayon nakaluhod sa harapan ko at namimilipit sa sakit.

Nakangiwi ang lalaki at nabitawan niya ang kahoy. “Aray! Hayop kang babae ka! Mapapatay talaga kita!” Sa bawat pag-ngiwi niya katumbas niyon ang pag ngisi ko sa kanilang dalawa.

“Jobert! Tawagin mo sila boss. Tingnan natin kung makaalis ka pa ng buhay rito.”

Aba, aba, magtatawag pa siya. Napailing na lang ako sa pagsigaw nilang dalawa. Imbis na maghintay ay naglakad ako paalis ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang salubungin ako ng isang batalyong kabataan at may dala silang mga kahoy. Fuck! Alam kong dehado ako sa dami nila pero wala na akong magagawa.

“Boss, siya ‘yung babaeng pakielamera!” Turo ni kuyang tingting sa akin. Crying baby pala ang mga ito, e. “Boss, kayo na po ang bahala sa kaniya. Lumpuhin po natin ang babaeng ‘yan! Tingnan natin kung may tapang ka pa.”

Tinaasan ko sila ng kilay. “Crying baby, sumasali ka pa sa mga gang. Iyakin ka naman pala.”

“Woy! Ano bang problema mo sa mga bata ko, ah?” mayabang na tanong ng isang lalaki na nakapamulsa, hinuha ko siya ang tinatawag na boss ng mga ito.

I just sighed heavily. “Bahala kayo.”

Nilampasahan ko silang lahat at malayo na ako sa kanila. Sa pag-aakalang hinayaan na nila ako may kung anong tumama sa hita ko at sumikdi ang hapdi niyon at pakiramdam ko may nakatusok sa hita ko at hindi ako nagkamali. Pagbaling ko sa aking hita may nakatusok na stick. Shet! Ang sakit!

“Masakit ba?”

Nag-angat ako nang ulo at nakita ko ang lalaking binayagan ko kanina.

“Hindi pa natatapos diyan ang lahat. Sabi kasi ni boss, dalhin daw kita sa kaniya. May isang bote ng alak roon, at ikaw ang pulutan.” Anito, sabay ngisi na kamukha ng demunyo. Hindi pala kamukha, siya na talaga ang pumalit kay satanas.

Kung sakali kayang magpabugbog ako para pag nakita ako nila Mommy and Daddy mag-alala sila sa akin. Maranasan ko man lang na maging concern sila sa akin pag nawala ako, o magka-injury. Iiwan kaya nila ang trabaho para alagaan ako? Alam 'kong ang panget nang ganitong pag-iisip.

“Hey, bakit hindi ka nagsasalita? Tumatawag ka na siguro ng mga santo, ‘no?” pukaw nitong lalaki na malakas ang loob purket nadaplisan niya ako. “Ito ang bagay sa’yo-”

Pumikit ako at hinintay ang paglatay ng kahoy sa katawan ko, ngunit ilang segundo pa ang lumipas wala akong natamong hampas. Sinubukan kong imulat ang aking kanang mata at nanlaki iyon nang makita 'kong may isang lalaki, naka-coat ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nakahawak siya sa braso ng lalaking gusto akong hampasin ng kahoy at naaaninag ko kung paano ang pag-ngiwi nito sa sobrang sakit ng pagpilipit na ginagawa ng estrangherong lalaki sa braso niya habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig ng lalaki upang mapigilan ang pagsigaw nito.

After a few seconds, the strange man let go of the man's arm. Tumakbo ang lalaki ang mga ugok at hindi na sinubukan pang manlaban. I was shocked at what he did and before I could even open my mouth to ask, he grabbed me and pulled me away.

“Hey, sino ka ba-”

“Shut up. Just follow me.”  He said, and his voice sounded familiar to me. I think we've met somewhere?

Nang makalayo kami ay tumigil na siya sa pagtakbo at binitawan na rin niya ang kamay ko. Sa kagustuhan kong makita ang mukha niya inabot ko ang coat na may pa-sumbrelo sa ulo niya at mabilis ko iyong tinanggal, subalit mabilis niyang naibalik iyon sa ulo niya at hinawakan ang kamay ko. Puta, ninja ba siya? Ang bilis ng mga galaw niya.

"Troublemaker, just a kind warning. If you don't stop causing trouble, you're going to end up in a lot of trouble. Don't get yourself in any trouble you can't even handle." Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking kamay. “Ilagay mo sa lugar ang katapangan mo.” 

“Wait!” Pigil ko sa kaniya nang akmang maglalakad na siya paalis. “Do I know you? Para kasing nagkita na tayo.”

“Hindi kita kilala.” malamig ang boses na sabi nito sabay alis.

Kumirot ang sugat ko sa hita kaya’t hindi ko na siya kinulit pa. Pabulong na lang akong nagpasalamat sa kaniya. Ang ipinagtataka ko lang, paano niya nasabing troublemaker ako? Mababaliw na ako kakaisip! Aminado kasi akong troublemaker ako pero ang nakakaalam lang ‘nun ay ang mga nasa school o mga kilala ako.

Lumingon ako kung saan ilang hakbang na lamang ay papunta na sa loob ng subdivision. Umakto ako sa harap ng mga Guard na ayos lang ako, ayokong mapahiya, ‘no. Pagkatapos ko sabihing kaya ko ang sarili ko dahil nasa tamang edad na ‘ko, tapos malalaman nilang may sugat ako. Siguradong tatawanan ako ng mga ito.

“Hi, Ma’am Olive.” Bati ng mga ito sa akin. As usual, pekeng ngiti ang ibinalik ko at iniiwasan ko ang aking mukha na mapangiwi sa sakit. “Asan po pala ang yosi?”

Naalala pa pala nila ang bagay na ‘yon. Pakingshet.

Kunot ang noo na humarap ako sa kanila. “Bukas na lang po. Ang sakit ng tiyan ko, natatae ‘yata ako sa kinain ko.”

“Luh! Sige po Ma’am. Baka rito pa kayo magkalat.” sabay na sabi ng mga ito.

Lumakad ako nang diretso na tila walang iniindang hapdi sa aking hita. Nang ako’y medyo malayo-layo na at saka ko lamang inilabas ang ngiwi sa aking mukha. Mabuti na lamang at malapit na ang aming bahay.

“Jusko, Olive! Anong nangyari sa iyo?!” Sinalubong ako ni Yaya Lena. Alalang-alala ito sa akin, na sana’y ganito rin sila Mom and Dad sa tuwing makikita nilang nasasaktan ako.

Sorry Yaya Lena. Bulong ko sa aking sarili. Mabilis akong dinaluhan ni Yaya Lena upang gamutin ang mga sugat na aking natamo.

***

HINDI ko maintindihan ang aking sarili habang nakasakay ako sa elevator patungo sa floor kung saan ang classroom namin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mawaglit sa aking isipan ang lalaking tumulong sa akin kagabi. Pakiramdam ko talaga nagkita na kami, e. Argh! Bakit ko ba iniisip ang lalaki na iyon? Dahil ba gusto ko ulit siyang makita? Duh! It’s a no, no, no. Tumulong lang siya, wala ng iba.

“Miss Perez! Why are you late?”  

Shems, bakit si Ma’am Pelaez pa ang dadatnan ko. Bad mood na naman ang lahat.

“Good morning, Ma’am. I’m sorry I’m late.” walang buhay 'kong bati. Hindi ko kasi talaga gusto kung paano kami tratuhin ni Ma’am Pelaez, imbis na mabubuhayan ka maiinis ka pa.

“Sit down, Miss Perez.” mahinahon na sabi nito na mabilis ko namang sinunod.

Wala akong itinuturing na kaibigan, wala rin akong pinagkakatiwalaan maliban kay Yaya Lena at sa mga magulang ko, wala ng iba kundi ang sarili ko. Hindi ako nakikipag-hangout or bonding sa iba, pero kilala ko naman ang mga classmates ko lalo na pag oras ni Ma’am Pelaez. Haha. Ako ang nangunguna at pasimuno sa classroom para lang hindi kami maging badmood pag oras na niya.  

“Miss Reyes! You’re late again!” Sigaw nito na nakapagpatigil sa aming lahat.

“Ma’am, I’m sorry po sadyang nagkaroon lang po ng-”

“I don’t need your explanation! I need your parents right now!”

“Pero-”

“No, buts!” Mataas ang boses na sabi nito. “Maybe you forgot you were a scholarship recipient, and people like you should not break the rules. You have no right to explain. If you break the rules, you will lose your scholarship and you will be kicked out of school.” 

“I’m sorry Ma’am, hindi na po mauulit. Nagka-emergency lang po-”

“Binigyan ba kita nang pahintulot na magpaliwanag?!” Putol na naman niya sa paliwanag ni Reyes at parang sinisilihan ang puwet kong sumagot dahil sa aking mga narinig.

“Mag-usap tayo sa office-”

“Ma’am Pelaez. I have a video here on my phone.” Segunda ko habang iwinawagayway ang cellphone na hawak ko dahilan kung bakit tumigil siya sa pagsasalita at balingan ako nang matatalim na tingin.

“So what?” Matapang na sagot nito.

I smiled devilishly. “Ise-send ko ito sa principal at papupuntahin ko si Mom and Dad para mag-report na nambubully ka ng mga studyanteng scholar.”

“You’re a b*tch.” Komento nito.

“I'm a b*tch when you're in front of me. I'm not afraid to admit it." Buwelta ko. 

“Sumusobra ka na, Miss Perez!” she exclaimed. “Hindi purket kilala at may kapit ang pamilya mo aasta kang ganyan! Baka nakakalimutan mo, tinagurian kang troublemaker rito dahil puro sakit ng ulo ang dulot mo sa school na ito.”  

Ngumisi ako para mas mainis siya. “Mas sumosobra ka. Just one click, masisira ang buong pangalan mo. Magbago-bago ka naman, Ma’am. Aminado naman akong pareho tayo ng ugali. Ang pinagkaiba lang ay estado sa buhay at mas basura ang iyong pag-uugali.”

Dahil sa sinabi kong iyon, kitang-kita ko kung paano mas lalong namula sa galit si Ma’am. Alam kong pikon na pikon na siya at handang manakit ano mang oras, pero bago mangyari iyon sisiguraduhin kong siya ang magiging dehado. Kaya hindi lumalaban ang mga scholar students dahil takot silang matanggalan ng scholar pag hindi sila pinaniwalaan, pwes, ibahin nila ako. I am willing to fight for what I believe is right. I hate anyone who is cowardly and does not stand up for themselves. I will never back down from a fight. Everyone should have the courage to stand up for what is right. 

Ipinaikot ko ang cellphone na hawak ko sa aking kamay at nang-aasar na ngumisi sa kaniya para ipamukha sa kaniyang hindi ako mag-aatubiling i-send ang video sa principal. Ang kapal ng mukha niyang magmatapang, tsk.

“Fine! Let’s have a deal.” She said in a calm voice.

Kabado yarn?

I rolled my eyes. “Hmm.. It’s depend kung i-aacept ko.”

“Lahat kayo ay ipapasa ko ng buong sem. Kahit hindi na kayo gumawa ng mga activities, projects or any kind of performance task. Deal, Miss Perez? At least, wala na kayong iisipin sa subject ko.” Pag-ooffer niya.

Isang malaking ngisi naman ang iginanti ko sa kaniya bago sumagot. “Okay. Deal.”

Fixed Deal.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 27

    Lumipas ang isang buwan.Isang buwan na parang ang bagal ng oras, pero wala namang nagbago sa sitwasyon ko. Hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko, pero kahit ganon, pinilit kong kumapit sa iisang bagay—na maayos na si Kuya Aragon.At ngayon, nandito na ako sa hospital kasama si Ninang Cherry.Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko habang naglalakad kami papunta sa garden. Hindi ko alam kung kaba ba o takot ang nararamdaman ko, basta ang alam ko, hindi ako ready sa kung anong makikita ko.“Olive, calm down,” mahinang sabi ni Ninang Cherry. “Okay na ang lagay niya. Huwag mo lang siyang bibiglain.”Tumango lang ako kahit pakiramdam ko hindi sapat ‘yon para pakalmahin ako.Pagpasok namin sa garden, agad ko siyang nakita.Si Aragon.Naka-wheelchair.At si Luna ang nagtutulak sa kanya habang dahan-dahan silang naglalakad sa pathway.Parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa isang buwan ko siyang hindi nakita o dahil sa kung anong mangyayari ngayon.Huminto ak

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 26

    “Olive, umuwi ka muna sa bahay. Doon tayo mag usap.” malamig na sabi ni Ninang sa akin.Parang biglang bumigat ang buong katawan ko.Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung tono ng boses niya o yung paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. Parang hindi na niya ako kilala. Ito ang uri ng tingin na ayoko. Alam ko sa sarili ko na wala akong kinalaman sa mga tumawag kanina. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang cellphone number ko at mas lalong hindi ko alam kung ano ang sinasabi nilang plano. Something feels off—parang may mali. It’s like someone is framing me just to put all the blame on me. Tiningnan ko si Luna. She looks satisfied with what happened. Is she the one framing me? Hindi na ako magtataka kung siya nga. Kilala ko na ang likaw ng bituka ng babaeng ito. Hindi ako papayag na basta niya lang akong sisiraan. Kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko kahit alam kong may kasalanan naman talaga ako, pero ‘yung magbayad ng tao para lang ipahamak si Kuya Aragon? Hindi ko ‘yun ma

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 25

    Hindi na alam ni Olive kung paano siya nakarating sa ospital. Basta ang alam ko lang tumatakbo ako. Halos hindi na ako makahinga. Hindi ko na nararamdaman ang paligid ko. Wala akong pakialam kung sino ang nakakasalubong ko, kung madapa man ako, o kung ilang beses akong muntik bumagsak. Kailangan ko makarating… “Kuya Aragon…” Paulit-ulit sa isip ko ang pangalan niya. Hanggang sa nakarating ako at nakita ko sina Ninang, Ninong at Luna. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng atmosphere. “Nasaan si Aragon?” halos pabulong kong tanong, hingal na hingal.Walang sumagot agad. Mas lalo akong kinabahan.“Please…” lumapit ako kay Ninang Cherry. “Ninang… nasaan po si Aragon?”“Nasa operating room…” nanginginig niyang sagot.Nanlalamig ang buong katawan ko.“Opera— bakit— anong nangyari?!”Hindi na ako makapaghintay ng sagot.Diretso akong lumapit sa pinto ng operating room pero biglang may humarang sa akin.It was Luna.“Anong ginagawa mo dito?” Matalim ang kaniyang tingi

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 24

    Sobrang lakas ng ulan pero ayaw na bumalik ni Aragon sa kubo. Ayaw niyang makita si Olive. Naiinis siya dahil sinamantala nito ang ipinakita niyang kabaitan at pag-aaruga dito. Alam niyang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa pamilya nito kaya nagawa niyang maging mabuti rito. Bukod pa rito, matalik na magkaibigan ang mga pamilya nila kaya’t pamilya na rin ang turing niya kay Olive. Subalit iba ‘yata ang nais nito. Gusto ni Olive na palagi lang siyang nasa tabi nito. His marriage to Luna is already planned. His future is set. And because of that, he no longer wants anyone telling him what to do—or whether he should change any of it. Kahit na si Olive pa ‘yan...Naglalakad si Aragon sa gilid ng kalsada, basang-basa, pero wala siyang pakialam. Kahit kumakapit na sa balat niya ang lamig, tuloy-tuloy lang siya.Humigpit ang panga niya habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari.“Damn it…” mariin niyang bulong.Hindi niya matanggap.Hindi niya matanggap na kayang g

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 23

    Ngumisi ako ng bahagya. “Kuya Aragon?” tawag ko sa kaniya. Wala akong natanggap na tugon. Fine.Kung ayaw mong magsalita, ako na ang kikilos.Dahan-dahan akong lumapit para tumabi sa kaniya. Hindi ako tumalikod, nakaharap ako sa kaniya. Pinagmasdan ko siya sandali. Walang pagbabago. Gwapo pa rin. Nakakainis pa rin.Unti-unti akong gumalaw palapit sa kaniya hanggang sa halos magdikit na ang mga braso namin. Wala pa rin siyang reaksyon.“Kuya Aragon…” mahina kong tawag.Walang sagot.Tulog na ba?O nagpapanggap?Bahagya akong ngumiti.Mas mabuti.Dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko hanggang sa tumabi ako nang tuluyan sa kaniya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya kahit may manipis na pagitan lang ng hangin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako tumigil. Inilapat ko ang ulo ko sa balikat niya at sumandal ako. Tahimik.Walang galaw.Kaya mas lalo akong naging kampante.“Wala ka namang gagawin, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko.Hindi ko alam kung para sa

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 22

    HINDI napaki-usapan ni Ninang Cherry ang Principal sa Carmelo University. Hindi sila pumayag na ibalik ako dahil may sinusunod na rules and regulations ang school at kasama doon ang pag suspinde sa mga lumalabag sa batas ng school. Suspended ako ng 2 weeks! "Mom, Dad. May gagawin kaming research ngayon at mas gusto ng mga ka-group ko na dito kami sa bahay gumawa." Nabaling ang isip ko sa nagsalita at hindi ako nagkamali. It was Aragon. Mukhang may group research sila. Naririnig ko ang boses niya mula sa Garden. Tatlong araw na ang lumipas, tatlong araw na hindi man lang ako kinausap ni Aragon. Para sa kanya, isa lamang akong hangin na dinadaan-daanan. Pasimple akong sumilip mula sa bintana upang hindi nila mahalata ang presensya ko. Umupo sila sa nakapabilog na upuan sa round table. May isang laptop at mga papers ang nakalagay sa table. Mukhang puspusan ang aaralin nila ngayon. Palayo na sana ako ng makita ko si Luna. Kararating lang niya at diretso siyang naupo sa tabi ni Arago

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 15

    “OLIVE?” “Olive?!” Biglang may umakbay sa akin kaya muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino ang pangahas na katabi ko. Bigla akong natauhan nang makitang si Christian iyon. Akala ko guni-guni ko lang na may tumatawag sa akin. Nakita ko na naman ang playboy na ‘to. Hays.

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 14

    Nasaan sila? Ibig sabihin, hindi sila umuwi kagabi? “Baka po sinusulit nila ang pagdalaw sa Maynila-” “Hi, Mom.” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Aragon... Lumapit si Aragon kay Ninang at nagmano siya. Automatikong napaharap siya sa akin. Shit! Bakit ba ako nakakaramdam n

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 13

    WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba.

  • WHEN TROUBLE COMES LOVE   CHAPTER 12

    I LAZILY got up from my bed when I heard someone knocking and calling me at the door. Balak ko sanang baliwalain na lang iyong kumakatok at pilitin ang sariling matulog pero alam kong hindi rin naman ako tatantanan nito kahit magbingi-bingihan pa ako. Mas lalo lang nila akong kukulitin. Binuksan ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status