Home / Romance / WHY HE LEFT / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: yourglowing
last update Last Updated: 2022-02-17 08:42:16

Chapter 3

Si Jaco? Bibili sa amin ng tinapay?

"Susmaryosep! Di mo sinabi agad!" Sita ni tiya kay ate Grace at nagmadali magtungo roon sa harap.

Natulala ako saglit pero agad ring bumalik sa katinuan. Wag mo siyang isipin, Anita. Bawal. Bawal. Bawal. Bawal.

"Mukhang naaddict ang batang 'yun sa ensaymada mo, Anita!" Humalakhak si mang Amor. Muntil nang lumuwa ang mata ko sa narinig.

"P-po?"

Tumawa si kuya Recto habang sinasalang ang nahalili na na mga tinapak papasok sa malaking kalan.

"Araw-araw atang bumibili ng ensaymada mo Anita. Minsan pa nga dumadaan rito ng umaga para bumili ng agahan." Ako ay nagulat sa narinig.

Papaano nangyari 'yun ay ang balita ni Mama ay may sarili silang gourmet chef sa hotel at sa kanilang mansyon. Pihikan sila sa mga tao. Lalo na sa mga pagkain.

"Ngayon nandito na naman. Oh, bakit gulat na na gulat ka?" Napailing ako saka ngumiti na lamang.

"Pasensya na po. Mayaman p-po kasi siya..." kaya bakit naman siya bumibili sa isang maliit na panaderya?

"Paborito daw kasi ang ensaymada mo, Anita. Minsanan nang naitanong ni Sela sa binata."

Napailing si kuya Recto habang nakapamewang.

"Ang rami pa ng binibili. Minsanan niya napakyaw ang isang tray." Napapalibutan ang katawan niya ng mga arina katulad ni mang Amor.

"T-talaga po?" Gulat kong tanong. Tumango si mang Amor at muling bumalik sa ginagawa.

"Ang gwapo ng batang 'yun. Lalaki ako pero naggwapuhan ako sa kaniya. Bakla na ba ako?" Humalakhak si mang Amor.

Napalingon ako sa bulwagan na kanina ay kinatatayuan nina ate Grace at tiya Sela. Sa labas 'nun ay mga estante ng mga tinapay. Marahil ay naroroon rin si Jaco.

Muli ay naaalala ko ang pagcorner sa akin ng mga magagandang babae ng senior high. May gusto daw sa akin si Jaco. Pero mukhang nafake news sila. Gusto ata ni Jaco ang ensamayda ko. Malaki ang pagkakaiba 'nun.

Napailing ako. Malabong magkagusto sa akin si Jaco. Nandidiri ito sa akin.

Ilang buwan siguro ang itinigal nang pagpapatayo ng panaderya bago magbukas na. Hindi naman ako umaasa na marami pa ring bumibili dahil naparami na ang mga gagandang café sa bayan. Handa naman akong ibigay ang allowance ko pangsweldo kina Mang Amor. Kahit malugi ang tindahan, okay lang. Pero wag na muling isasara.

Nakakalungkot kasi e. Dito ko lang nararamdaman na kahit papaano, nandito pa rin si Papa.

"Na-miss ko cinnamon bread niyo, Anita. Mas matamis at mas mura. Kaysa doon sa kabila." Napangiti ako sa sinabi ng isa sa mga naging suki namin noon.

"Masarap naman talaga ang mga tinapay niyo. Kahit may pagkasutil ang nanay mo." Ngumiti na lamang ako.

Sympre di nawawala sa usapan ang Mama ko.

Binalewala ko na lamang sila. Gusto ko ang ideya ni tiya Sela na dagdagan ng mga kakanin tulad ng paborito kong kutsinta. Hinakayat ko siya na ilagay ang mga paninda niya sa bakery. Mas nakakahikayat tignan kong marami ang mga paninda doon. Saka para hindi na siya mahirapan magpwesto sa bayan.

"Paano kong magbenta rin tayo ng hotcake tuwing umaga? Para di lang pandesal o mga tinapay. May dagdag menu lang." Si ate Grace nang minsanan magusap kami sa bakery tungkol sa sumisikat na ngayong taglilimang piso na hotcake.

"Pwede rin. Pero di ba mabulilyaso ang mga tinapay natin?" Naririto rin sina tita Solly.

Tahimik akong nakikinig. Inaalala ko kasi na may exam pala ako sa English bukas. At may long quiz sa Algebra II. Nakalimutan ko atang magaral dahil nawili ako kakahele ng mga tinapay.

"I-try lang natin, Mama. Kapag hindi effective ay itigil na lang natin."

"Ikaw ba, Anita? Anak, ano sa tingin mo?" Napalingon silang lahat sa akin nang biglang tanungin ako ni tito Fred. Iyong Papa ni kuya Recto. Pinsan rin ni Papa ko.

"P-po? Okay lang naman po... mas nais ko lang po na magfocus tayo sa mga pandesal." Mababa ang tono ng boses ko.

Kahit ilang buwan na itong panaderya, nahihiya pa rin ako kapag sinasali nila ako sa usapan. Pakiramdam ko, napakalaki ko ng tao.

Napabuntong-hininga si ate Grace. Hindi ko nais na magkaroon kami ng hotcake. Nais ko na bumili ang mga tao sa amin ng pandesal lamang. Baka magsawa ang mga tao. Baka akala nila pare-pareho ang lasa.

"P-pero nakita ko po kasi sa internet. Lagyan kaya po natin ng mga mesa saka upuan ang panaderya? Kung may nais magsnack o magalmusal, pupwedeng tumuloy. Dadagdag rin tayo ng menu. Katulad 'nang mga kape saka y-yung...hotcake." Suhestiyon ko. Isang bagay na inaalala ko nitong nakaraan. Marami ng mga café sa bayan pero ayaw ko naman na mawalan ng pagasa ang mga tao rito sa panaderya sakaling walang nais bumili. Bubuhayin ko pa rin itong panaderya.

Napapalakpak si ate Grace.

"Iyan ang pinupunto ko!" Umismid si kuya Recto.

"Si Anita nakaisip."

"Parang mga café lang, Anita?" Si tita Solly. Tumango ako.

"O-opo. Maganda naman po ang pintura sa panaderya. Dagdagan na lang po natin ng ilang decorasyon. Okay na po."

Tumango si tito Fred.

"Sang-ayon ako kay Anita. Nagtitiwala ako sa batang 'to." Nahihiyang ngumiti ako.

"Sinong gagawa nang bagong recipe?" Si tiya Sela na agad napatingin sa akin.

"Sino pa ba? E sa tinapay princess natin, si Anita!"

Natawa ako. Naku naman. Mukhang di ako makakapagaral nito. Paniguradong magiisip na naman ako ng bagong recipe para sa hotcake. Pero imbis na mabahala ay napaexcite na lamang ako!

Bahala na!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WHY HE LEFT   Jacob Konstantin Avaceña

    I’ve had it bad with Anita Diane. The first time I met her, I knew it. She’s interesting. She’s gullible, innocent, young, and fucking pretty. She’s also the best baker, respectful, who knows house chores, humble, can handle money so well, patient, loving, wife material, polite, who knows how to swim, love kids, with gorgeous smile and those eyes that speaks for her soul. The quality of girls that are rare to find. She just got it all. Iyong tipo ko talaga na babae.And then I was instantly attracted. That wasn’t impossible, dude. And I stalked her ‘cause she’s just so cute. I watched her moves. I learned huge things about her and all. I bit my lips. I want her mine. Bagay kasi kami.I chuckled inwardly. Bagay nga kami pero di ako magugustuhan ‘nun. She likes Prince Charming who will take care of her, protect her, eternally. And I am no Prince Charming. May Prince Charming bang may sakit sa puso?Ngumuso ako. Ngayon pa lamang ay nagaalala na ako sa kaniya. Ayoko kong iwan siya sa mund

  • WHY HE LEFT   Chapter 70

    Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata. "He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin."Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. "I think he's disappointed."Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya."He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.Kumunot ang noo ko. "You want to see him?" "P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?

  • WHY HE LEFT   Chapter 69

    This is stupid. Ano na naman ba ang kasalanan ko? But Jaco is the most stupid one. Bakit kailangan niyang magpakamatay?Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako. May nangyari. Sigurado ako dahil hindi mababaliw ang Obrei na ito.Ako ang sinusumbatan ng letseng Obrei. Paano ko ito naging kasalanan? Eh I was waiting for him! Umawang ang labi ko at saglit na natulala. Is this because of what he saw earlier? Teka. Imposible. I know he's too jealous. Like, dramatically and exaggerated jealous... pero not to the extent na iccrash niya ang helicopter, diba?Nanindig ang mga balahibo ko. Alam kong seloso siya. Alam kong... kaya niyang gawn iyon. Tulala ako pagkatapos umalis ni Obrei. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala kasi napakaimposible naman. Pero... "Magpahinga ka muna, Anita. May pasok ka pa mamaya..." naramdaman ang salabal na ipinatanong ni tiya sa akin."Pasensya na po dahil naistorbo ko paggising niyo..."Bumuntong-hininga si Mama."Mabuti at napaal

  • WHY HE LEFT   Chapter 68

    It was never easy to move on. Diego got married today. Jaco is no where to be found. I wanted to talk to him and ask alot of things. Hindi ko alam kung para saan. Ngunit patuloy ko mang lokohin ang sarili ko, binabagabag pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin.Totoo man o hindi. Gusto ko pa rin malaman. Napabuntong-hininga ako.Diego and I officially done. Mahirap tanggapin para sa akin. He's been my confidante for years. I fell in love with him for years now. Hindi ko lang matanggap kung papaano ko siya nakayang bitawan man lang. Kung papaano ko tinanggap ang lahat ng nangyari sa amin.Maybe I knew for sure... deep in my heart, this will eventually happen. Because I never moved on from Jaco. Kahit ilang taon pa lamang 'yan. Kahit nagmahal ako ulit. Nandidito pa rin siha.Bakit nga ba hindi? Akala ko 'nung una, nakalimot na ako. Tinanggap ko na ang nangyari sa amin. That he fooled me. My bestfriend lied. They hurt me. I didn't know I was raising my loathed and hatred for them. Hindi pa

  • WHY HE LEFT   Chapter 67

    "Ano ba, Jaco!" Pumiglas ako dahil naiirita na naman ako sa kaniya.Malamlam ang tingin niya sa akin. Puno ng pagpapakumbaba."Galit ka ba? Bakit? Anong ginawa ko... pagusapan natin." Para atang naginit ang kalamnan ko sa narinig."Wag kang umarte na okay na tayo. Jaco, sa tuwing nakikita kita... kumukulo ang dugo ko. Anong bago ngayon?" Maanghang sa sabi ko.Napayuko siya."But... w-we were o-okay..."Umismid ako."Akala mo lang 'yun. Sige, salamat sa pagsama. Makakaalis ka na at sana di ka na magpapakita sa akin." Tinalikuran ko na siya."Anita naman. Ang sakit na..." Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mababang boses niya."A-akala ko pa naman, nagiging okay na. Saan ba ako... nagkamali?" Pumiyok ang boses niya.Hindi ko na mapigilan ay humarap sa kaniya para sampalin siya. Kumaliwa ang mukha niya at unti-unting bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko."Nagpakita sa bahay ko si Obrei, Jaco. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" Kitang-kita ko

  • WHY HE LEFT   Chapter 66

    "Bakit?" "Anita... kailangan ng anak ko si Jaco." Tumaas ang kilay ko."At anong kinalaman ko dito?" Humalukipkip ako.Hindi siya makatingin sa akin pero kitang-kita ko pa rin kung papaano siya kinakabahan dahil nanginginig siya ng todo. Gusto kong matawa. Nasaan na ngayon nagmamalaking Obrei?"Alam natin ang sagot niyan, Anita. Jaco is here because he wants you back and-..."Mabilis kong pinutol ang kung anumang sasabihin niya."Teka nga. Sinasabi mo na ako may hadlang kaya nangungulila ng isang ama ang anak mo?" Hindi siya makapagsalita."Wag mo akong lapitan kung ganun'. Dahil nakapagusap na kami ni Jaco at pinal na ang sagot ko." Nagtiim bagang ako. Umatras na ako para umalis pero ang gaga ay hinablot ang braso ko. Parang may kung anong sumabog sa pagkikimkim ko ng maramdaman ang panlalamig niya. Ramdam ko ang kaba at takot niya. Pero akala ata niya ay madadaan niya ako sa paganito."A-anita... please can you... c-can you tell Jaco to see M-meredith? My daugter is sick and he o

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status