Share

Chapter 70

Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata.

"He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.

Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.

Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin.

"Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin.

Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso.

"I think he's disappointed."

Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya.

"He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.

Kumunot ang noo ko.

"You want to see him?"

"P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.

Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status