Chapter 5
Napalingon ako sa likod ng mga lalaki. Mas lalo ata akong napunta sa kapahamakan. Si Jaco.
"J-jaco, pare? Sama ka? Tirahin natin. Sariwa pa ata e." Napapikit ako sa sinabi ng lalaki. Nilapit nito ang mukha sa akin. Mabilis akong umiwas at lumuha sa takot.
"Hindi ako interesado." Tumawa ang mga lalaki. Mas lalo akong nawalan ng pagasa. Ano pa ba ang maaasahan kay Jaco?
"Sige. Doon kami sa kubo. Sunod ka na lamang kung..." di na natuloy ang sasabihin ng lalaki ng biglang hinagis ni Jaco ang bagpack niya sa kaniya saka siya sinugod ng suntok!
Nanlaki ang mga mata ko!
Lumuwag ang pagkakagapos sa akin ng lalaki sa likod at napamura nang makita kung papaano tinadtad ng sipa sa sikmura ni Jaco ang lalaki kanina!
"Bitawan niyo ang bata, tangina niyo."
"Siraulo ka palang gago ka!" Sumugod ang lalaking kanina pa tinititigan ang dibdib ko. Di pa nakakalapit ay sinipa siya ni Jaco kaya napaatras. Hinagis ako ng lalaki sa pader. Napapikit ako ng tumama ang mukha ko rito.
"A-aray..."
"Tangina ninyo. Sinugatan mo pang tarantado ka."
Hinagilap ko shoulder bag ko na suot-suot ko pa rin. Mabilis akong tumakbo papaalis sa lugar kahit na nahihilo na ako. Nakarating ako sa bukana kung nasaan ang mga pedicab. Pumara agad ako at sumakay.
"Sa barrio 8 po."
Napaiyak ako ng muling kumirot ang noo ko. Kinapa ko ito at nakita ang dugo sa mga daliri ko.
"Hija, napaano ang sugat mo? Umaagos..." si mamang driver. Umiling ako saka ngumiti.
"Sorry po. Nabundol po sa pader." Patingin-tingin ito sa akin. Itinago ko ang aking mukha ko saka inayos ang sarili. Nadumihan ang damit ko nang itulak ako ng lalaki sa pader.
Nagbayad na ako saka nagtatakbong pumasok sa bahay namin. Sinalubong ako ng katahimikan. Mas lalo akong napaiyak ako. Tumungo agad ako sa banyo para maghubad ng damit at magbihis.
Iyak ako ng iyak habang naliligo. Kahit anong paligo ko ay damang-damang ko pa rin ang takot para sa aking sarili. Mama, Papa, natatakot po ako. Anong gagawin ko?
Umiiyak ako habang ginagamot ang sarili. Malalim ang sugat at may pahaba. Sa taas ng noo ito. Siguradong mapapansin ni tiya Sela. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang paghagulhol.
Tatawagan ko si Mama. Agad kong hinagilap ang cellphone sa bag para icontact ang Mama ko. Pero cannot be reached ito. Nagtext ako na baka sakaling matanggap niya agad. Napatitig ako sa numero ni tito Marcio screen. Hindi naman kami malapit. Siguradong may may importante siyang inaabala. At sino naman ako? Anak lang ako ni Mama. Wala siyang pakielam sa akin.
Malalakas na katok ang siyang nagpatigagal sa akin. Dali-dali kong inayos ang sarili at pilit na tinatago ang puting bandage sa buhok ko.
"S-saglit lang po!"
"Open this fucking door, Anita Diane!" Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang may-ari nang boses na 'yun!
Kahit kinakabahan ay mas nananaig ang gulat sa akin. Tinungo ko ang pinto ng bahay namin.
Bumungad sa akin si Jaco na madumi ang suot na tee-shirt sa kaniyang uniporme. Nawala ang polo na suot nito kanina. Nakakuyom ang mga kamao. Magulo ang buhok at nakatiim ang bagang. At madumi ang mukha.
"Ano pang ginawa nila sayo?!" Napakislot ako ng bigla itong sumigaw.
"W-wala po."
"Don't fucking lie in front of me, Marrero. How far did they fucking touch you?!"
Napayuko at mabilis na umiling. Naiiyak na naman ako.
"G-ginapos lang po..."
"Siguraduhin mo lang. Dahil tatanungin ko sila." Binantaan niya ako. Masama ang titig niya sa aking noo. Yumuko lalo para iiwas ang sugat.
"Malalim ba?" Di ako nakapagsalita.
Tumawa siya ng parang baliw. Tawang walang kabuhay-buhay.
"Of course, son of a bitch." Bigla siyang umalis sa harapan ko.
Agad kong sinara ang pinto. Napasilip ako sa bintana kung saan siya sumakay 'nung magara at malaking sasakyan niya. Pinaharurot niya ito paalis sa lugar.
Napayakap ako sa mga tuhod ko sa sobrang takot. Mas tumriple ang takot ko sa mukha ni Jaco ngayon. Ngayon ko lamang siya nakitang ganun.
Papa... natatakot po ako. Anong gagawin ko?
I didn't know that would change things... for me. Lumipas ang Grade 8 nang di ko madalas makita si Jaco. Ang grupo ni Criselda ay mainit ang tingin sa akin. Para akong tinutusok. Di ko alam kung anong nangyari kung di lang minsang napagusapan ng mga babae nang minsang nasa CR ako.
"Nakakatakot si Jaco. Nasa hospital ang tatlong lalaking nagtangka kay Anita. Di daw tinantanan ni Jaco hanggang sa di nakulong ang tatlo. Grabe, girl. Sayang. Mga graduating 'yun sa college." Nanlaki ang mga mata ko. Para akong natuod sa kinatatayuan ko ngayon. Di makagalaw.
"Totoo ang chismis na may gusto si Jaco kay Anita. Titig pa lang niya kay Anita. Naku! Ang sarap sabunutan ni Anita! Ang haba ng buhok!" Nagsitawanan sila.
Kinagat ko ang ibabang labi. Mali ang kanilang interpretasyon.
"Mukhang iwas na si Anita sa mga lalaki. Pati si Andrew, nadamay! Naku. Anghel pa naman 'nun. Nagkapasa e. Sayang makinis na mukha."
"Ay shocks! Kaya pala umiiwas kay Anita! Patay na patay 'yun kay Anita pero mas mahal ata ang buhay!"
I’ve had it bad with Anita Diane. The first time I met her, I knew it. She’s interesting. She’s gullible, innocent, young, and fucking pretty. She’s also the best baker, respectful, who knows house chores, humble, can handle money so well, patient, loving, wife material, polite, who knows how to swim, love kids, with gorgeous smile and those eyes that speaks for her soul. The quality of girls that are rare to find. She just got it all. Iyong tipo ko talaga na babae.And then I was instantly attracted. That wasn’t impossible, dude. And I stalked her ‘cause she’s just so cute. I watched her moves. I learned huge things about her and all. I bit my lips. I want her mine. Bagay kasi kami.I chuckled inwardly. Bagay nga kami pero di ako magugustuhan ‘nun. She likes Prince Charming who will take care of her, protect her, eternally. And I am no Prince Charming. May Prince Charming bang may sakit sa puso?Ngumuso ako. Ngayon pa lamang ay nagaalala na ako sa kaniya. Ayoko kong iwan siya sa mund
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata. "He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin."Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. "I think he's disappointed."Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya."He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.Kumunot ang noo ko. "You want to see him?" "P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?
This is stupid. Ano na naman ba ang kasalanan ko? But Jaco is the most stupid one. Bakit kailangan niyang magpakamatay?Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako. May nangyari. Sigurado ako dahil hindi mababaliw ang Obrei na ito.Ako ang sinusumbatan ng letseng Obrei. Paano ko ito naging kasalanan? Eh I was waiting for him! Umawang ang labi ko at saglit na natulala. Is this because of what he saw earlier? Teka. Imposible. I know he's too jealous. Like, dramatically and exaggerated jealous... pero not to the extent na iccrash niya ang helicopter, diba?Nanindig ang mga balahibo ko. Alam kong seloso siya. Alam kong... kaya niyang gawn iyon. Tulala ako pagkatapos umalis ni Obrei. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala kasi napakaimposible naman. Pero... "Magpahinga ka muna, Anita. May pasok ka pa mamaya..." naramdaman ang salabal na ipinatanong ni tiya sa akin."Pasensya na po dahil naistorbo ko paggising niyo..."Bumuntong-hininga si Mama."Mabuti at napaal
It was never easy to move on. Diego got married today. Jaco is no where to be found. I wanted to talk to him and ask alot of things. Hindi ko alam kung para saan. Ngunit patuloy ko mang lokohin ang sarili ko, binabagabag pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin.Totoo man o hindi. Gusto ko pa rin malaman. Napabuntong-hininga ako.Diego and I officially done. Mahirap tanggapin para sa akin. He's been my confidante for years. I fell in love with him for years now. Hindi ko lang matanggap kung papaano ko siya nakayang bitawan man lang. Kung papaano ko tinanggap ang lahat ng nangyari sa amin.Maybe I knew for sure... deep in my heart, this will eventually happen. Because I never moved on from Jaco. Kahit ilang taon pa lamang 'yan. Kahit nagmahal ako ulit. Nandidito pa rin siha.Bakit nga ba hindi? Akala ko 'nung una, nakalimot na ako. Tinanggap ko na ang nangyari sa amin. That he fooled me. My bestfriend lied. They hurt me. I didn't know I was raising my loathed and hatred for them. Hindi pa
"Ano ba, Jaco!" Pumiglas ako dahil naiirita na naman ako sa kaniya.Malamlam ang tingin niya sa akin. Puno ng pagpapakumbaba."Galit ka ba? Bakit? Anong ginawa ko... pagusapan natin." Para atang naginit ang kalamnan ko sa narinig."Wag kang umarte na okay na tayo. Jaco, sa tuwing nakikita kita... kumukulo ang dugo ko. Anong bago ngayon?" Maanghang sa sabi ko.Napayuko siya."But... w-we were o-okay..."Umismid ako."Akala mo lang 'yun. Sige, salamat sa pagsama. Makakaalis ka na at sana di ka na magpapakita sa akin." Tinalikuran ko na siya."Anita naman. Ang sakit na..." Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mababang boses niya."A-akala ko pa naman, nagiging okay na. Saan ba ako... nagkamali?" Pumiyok ang boses niya.Hindi ko na mapigilan ay humarap sa kaniya para sampalin siya. Kumaliwa ang mukha niya at unti-unting bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko."Nagpakita sa bahay ko si Obrei, Jaco. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" Kitang-kita ko
"Bakit?" "Anita... kailangan ng anak ko si Jaco." Tumaas ang kilay ko."At anong kinalaman ko dito?" Humalukipkip ako.Hindi siya makatingin sa akin pero kitang-kita ko pa rin kung papaano siya kinakabahan dahil nanginginig siya ng todo. Gusto kong matawa. Nasaan na ngayon nagmamalaking Obrei?"Alam natin ang sagot niyan, Anita. Jaco is here because he wants you back and-..."Mabilis kong pinutol ang kung anumang sasabihin niya."Teka nga. Sinasabi mo na ako may hadlang kaya nangungulila ng isang ama ang anak mo?" Hindi siya makapagsalita."Wag mo akong lapitan kung ganun'. Dahil nakapagusap na kami ni Jaco at pinal na ang sagot ko." Nagtiim bagang ako. Umatras na ako para umalis pero ang gaga ay hinablot ang braso ko. Parang may kung anong sumabog sa pagkikimkim ko ng maramdaman ang panlalamig niya. Ramdam ko ang kaba at takot niya. Pero akala ata niya ay madadaan niya ako sa paganito."A-anita... please can you... c-can you tell Jaco to see M-meredith? My daugter is sick and he o