Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-05-05 11:26:24

Chapter 3

“Uh... a-ayos na ako. B-bumuti na rin ang pakiramdam ko,” I lied.

Bahagyang nalukot ang gwapo niyang mukha. Hindi yata kumbinsido sa sinabi ko. Inangat niya ang kamay at dinama ang noo ko. Napasinghap naman ako sa ginawa ng Boss ko.

“Mainit ka pa rin. May gamot akong dala. Inumin mo ‘yan pagkatapos mong kumain,” malamig niyang sabi.

My eyes darted to him. “I... I don’t…” kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin!

“Is there anything bothering you?” he asked.

Yes! I screamed mentally. Gusto kong utusang magdamit siya. Ano bang nakain ng lalaking ito at hindi man lang nagsuot ng shirt?

Tinignan niya ang tray na may mga pagkain.

“Hindi mo gusto ang pagkain?”

Marahan akong tumango bilang sagot. Hindi naman sa nag-iinarte. Pero sa tuwing nagkakasakit ako mas pinipili ko pa ang matulog kaysa kumain, nagsusuka ako kapag sinusubukang kumain lalo kapag sopas ‘yon, o sabaw. Kaya mahirap akong alagaan.

“I don’t like s-soup…”

“Oh, you want me to cook another meal? Ano bang gusto mong kainin?” marahan niyang tanong.

Pakiramdam ko para akong kiniliti sa tono ng pagtatanong niya.

Nagtataka tuloy ako sa kinikilos ni Sir Azrael. Bigla yata siya naging mabait ngayon. Dati naman noong baguhan pa lang ako walang oras na hindi sumisigaw ang lalaki. Sobrang striktong na Boss kaya takot ang mga empleyado sa kanya. Pero ngayon parang ibang Sir Azrael ang kaharap ko. Hindi kaya dahil sa nangyari sa amin kaya ganito siya makitungo sa akin?

Iniiwasan kong maisip ang pangyayari kagabi. Pero itong utak ko minsan hindi makontrol.

Umiling ako. “W-wala akong gustong kainin.”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Guys, Yoo-hoo! Kung hindi n’yo napapansin. Nandito pa ako,” untag ni Scaxy.

Agad akong napatingin sa kinaroroonan ng pinsan ko. Nakahakipkip ito habang nakasandal sa pader malapit sa pinto.

“You can leave her. Ako na ang bahala sa kanya,” Sir Azrael said without looking at her.

Lumitaw ang kakaibang ngiti sa labi ni Scaxy

“Okay, sir. Ingatan mo ‘yang pinsan ko, ha?” tumingin ito sa akin. “Be a good girl, couz.” Tumaas-baba pa ang kilay nito.

Bago ko pa mabato ng unan si Scaxy, mabilis na itong lumabas sa silid.

“S-sorry, may pagkamakulit ang pinsan ko,” sabi ko sa lalaki.

“It’s okay.”

Tinignan ko siya habang kumukuha ng pagkain. He cut a piece of bread and brought it closer to my mouth. Hindi ko binuksan ang bibig ko. Nakakahiya naman ang ginagawa niya. Para akong batang kailangan subuan.

“Open your mouth,” utos niya.

I glared at his hands. “Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Hindi ako kakain.” Tinulak ko ang kamay niya papalayo

Marahas siyang bumuga ng hangin.

“Okay, you choose, kakainin mo ‘to, o ikaw ang kakainin ko?” matigas niyang sinabi, nauubusan na ng pasensya.

My jaw dropped low when I took note of what he was implying. Pakiramdam ko uminit ang buong mukha ko.

“Pervert!” sigaw ko.

“Huwag matigas ang ulo, Ms. Villegaz. Ilang beses mo na akong sinuway. Hindi na ako natutuwa.” May pagbabanta sa kanyang tinig.

Labag man sa loob ko. Napalitan akong kunin ang mangkok na may lamang sopas at sinimulang kainin. Ayaw kong tuluyan nang mawalan ng pasensya ang Boss ko. Ang hirap pa naman kapag siya ang nagagalit.

Pagkaraan ng ilang segundo nagsalita ako.

“M-may hihilingin sana ako, sir.”

Gusto kong may mapag-usapan kami para mabaling ang atensyon niya doon. Naiilang kasi ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Habang nagtatagal sa loob ng silid si Sir Azrael nahihirapan akong huminga. Parang lumiliit ang space niyon dahil sa lalaki.

“Gusto ko ng mag-resign sa trabaho,” dagdag ko bago pa siya makasagot.

Dumaan ang sandaling katahimikan bago sumagot ang lalaki.

“Biglaan yata ang naging desisyon mo, Ms. Villegaz?” tanong niya, halata sa boses ang disgusto.

“I’m sorry, sir. Matagal ko ng pinagplanuhan ‘to pero ngayon ko lang nasabi.”

Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.

“Pinagplanuhan mo na pala tapos ngayon mo lang sinabi kung kailan may nangyari sa atin. Ginagawa mo ba ‘to para iwasan ako?” he asked drily.

Nahigit ko ang aking hininga. Hindi ko inasahan ang magiging tanong niya. Naalala niya pala ang nangyari sa amin!

Napalunok ako. “H-hindi... matagal ko ng napag-isipan…”

“Don’t bvllshil!t me, Canna. Plinano mo lahat nang ‘to. Bakit? Naisipan mo ng sumama sa taksil mo ex-boyfriend?” akusa niya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Anong kinalaman ng ex-boyfriend ko dito?

“H’wag mong idamay si Rave,” malamig kong sinabi.

“Ipagtatanggol mo pa kahit ginago ka na?” halata ang iritasyon sa mukha niya.

Nagsimula ng uminit ang ulo ko. “Tapos na ang relasyon namin ni Rave. Wala siyang kinalaman sa pag-alis ko sa trabaho.”

“Talaga ba? O baka naman umaasa ka pang magkabalikan kayo?” nanunuyang tanong niya.

Umawang ang labi ko at ‘di makapaniwalang tinignan siya.

“Sinusundan mo ba ako?”

Umigting ang kanyang panga. “Alam ko ang bawat galaw mo, Canna. Simula pa lang ng relasyon ninyo alam ko na. Lahat ng kagaguhan ng bastardong…”

Sinubukan kong sampalin pero maagap niyang nahawakan ang papulsuhan ko.

“Huwag mong sagarin ang pasensya ko.”

Umismid ako. “Walang sasagad ng pasensya mo kung hindi ka makikialam.”

“Subukan mong sagarin ang pasensya ko talagang masasagad ka sa akin. Tignan natin kung makakalakad ka pa bukas,” may pagbabantang sabi niya.

Parang sinilaban ang mukha ko sa labis na hiya.

“Bastos!”

He let out a heart stopping smirk. “Hindi lang ‘yon ang gagawin ko sa ‘yo kapag sinagad mo ang pasensya ko.”

Umusbong ang inis sa aking didbib. Pero sa halip na sagutin ang lalaki pinili ko na lamang ang manahimik.

“I'll sign your resignation letter,” basag niya sa katahimikang bumabalot sa amin.

Agad akong napatingin sa kanya. A smile breaks into my face, I can't believe what I just heard. Akala ko mahihirapan pa akong kumbinsihin siya.

Tumayo ang lalaki at tinungo ang glass window, he moves the curtains aside and stares outside. Ang sinag ng araw ay madramang tumatama sa mukha niya. Hindi ko maiwasang humanga sa kakisigan na taglay ng Boss ko. I lost myself staring at his face. His smooth, sharp jawline, straight pointed nose, perfect shade of gray eyes, and pink lips that's tempting me to reach out and touch them. Papaanong ang tulad niya ay nagmumukhang perpekto?

He's so hot no doubt. His body built perfectly, I can practically see his hard chest muscles. Dati pa napapansin ko na ang malakas na dating ni Sir Azrael. Pero binabalewala ko lamang ang nakikita lalo pa't alam kong Boss ko siya at bawal magkagusto sa kanya.

Palihim kong sinaway ang sarili. Kung saan-saan na naman naliligaw ang isip ko.

“Kung gano'n, hahayaan mo na akong umalis sa kompanya?”

Tumiim ang titig niya sa akin. “Aalis ka ng kompanya pero hindi ka pwedeng lumayo sa akin.”

Nagsulubong ang mga kilay ko.

“Anong ibig mong sabihin, sir?” naguguluhang tanong ko.

“Hindi ko hahayaang lumayo ka, Canna. Lalo na kung…” binitin niya ang ibang sasabihin bago bumaba ang tingin sa tiyan ko.

Wala sa sariling napahawak ako doon.

Tumikhim siya at iniwas ang tingin. “Dinadala mo ang anak ko,” napapaos niyang sinabi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Special Chapter

    Habang naglalakad sila papunta sa master bedroom, biglang bumukas ang pinto sa dulo ng hallway.“There you both are!” an excited voice exclaimed. Si Zaire iyon, pregnant glow and all, habang hinahaplos ang baby bump nito. “Jai and I just arrived! We’ve been looking for you both everywhere. But first of all, where are those two little devils, huh?”Agad silang napatingin sa isa’t isa. Sabay-sabay nilang hinarangan ang pinto.“Uh... they’re, uh, getting ready,” Thara blurted out, forcing a smile. “Gusto nilang surpresahin ang lahat, so they asked us to… allow them to make uh—”“Entrance,” Rozein finished for her. “You know how dramatic they can be, right?”“Yes, yeah, of course,” Zaire laughed softly. “I seriously wanted to see them though.”“Oh, you will. They’re just getting ready,” mabilis niyang sabi.“Yes, they are,” dagdag ni Rozein. “They really wanted you to see them, but they wanted to surprise you with their, you know, new dresses and stuff.”“Right… I totally get it. Nasa iba

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Special Chapter

    “Dana, pakidala mo nga ang mga orange sa kabilang table. I want someone to start making the fresh juice now,” tawag ni Thara habang abala sa kusina.“Alright!” sagot ni Dana. Muntikan pa nitong mabangga ang isang katulong.Napangiti si Thara, saka muling bumalik sa paghiwa ng mga kamatis.Sino nga ba ang mag-aakalang ang simpleng family dinner ay magiging ganito ka-stressful? Matagal na niyang pinaplano ang gabing ito. Simula pa noong dumating sa buhay nila sina Elara at Thaliene, ang kanilang kambal. Four years have passed, eksaktong ika-anim ng Hunyo. Dalawang munting anghel na babae na parehong kopya ni Rozein.So much for wanting a baby boy, naisip niya habang napangiti ng bahagya.Ngayong araw ay ikaapat na kaarawan ng kambal. She and Rozein planned to make it special. Isang malaking family dinner kung saan lahat ng kamag-anak ay naroon.Darating sina Freiah kasama si Franco at si Frances, ang kanilang cute na anak na tatlong taong gulang. Si Zaire at Jai ay kasal na rin ng dalaw

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 104

    Sa loob ng kotse, walang nagsasalita. Tahamik lamang na nakatingin sa bintana si Thara habang nilalaro ang mga daliri, tila may mabigat na iniisip.Alam ni Rozein na may bumabagabag sa isip ng asawa. He wanted to speak, but he knew she wasn’t ready yet. Marahan niyang inilapat ang kamay sa nanginginig na mga daliri ni Thara. Tumigil ito, sabay lingon sa kanya.“Are you okay?” tanong niya.“Yeah. Just tired.” Pinilit nitong ngumiti. “You sure?”“Yes. I’m sure.” Sinalubong nito ang kamay niya at marahang pinisil.Pero alam niyang nagsisinungaling ito. Kita naman sa mga mata ng babae.Pagdating nila sa mansion, tahimik pa rin si Thara. Habang kumakain sila ng hapunan, nakipag-usap ito ng kaunti kina Dana at sa mga kasambahay, pero halatang wala ito sa sarili. Wala na ang dati nitong sigla, ang tawang nakakahawa.As they lay in bed, Rozein turned off the bedside lamp. Si Thara ay nakatalikod na sa kanya. Huminga siya nang malalim at inayos ang unan, pero bago tuluyang pumikit, napatingin

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 103

    The air hostess heard the instruction for them to disembark. She was ready to help them with their bags, pero tinanggihan nila. Sila na mismo ang nagbuhat ng mga iyon at sabay lumabas sa private plane area.“So, where are you headed now? The Montefiore's estate?” tanong ni Rozein habang naglalakad sila palabas.“I don’t know… pero pwede naman akong tumuloy sa Silvana mansion for a few days, right?” sagot niya sa pagod na boses.“Hindi ba delikado?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.“Yes, it is… But we just got married personally, Rozein. We need to spend some personal time together,” paliwanag niya.“What would Allesandro think about that?”“I wouldn’t like it one bit!” Isang matalim at pamilyar na boses ang biglang sumingit. Parang kidlat na dumaan sa pandinig nila.Nagulat silang pareho nang makita si Allesandro, galit na galit, at may hawak na baril. Nakatutok iyon diretso sa kanila. Mabigat ang bawat hakbang nito habang papalapit.“Back from your London loving trip?” mapanu

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 102

    “Thank you,” bulong nito, bago siya halikan ng mainit na parang iyon ang huling halik na ibibigay nila sa isa’t isa.“I can’t believe it. thought you didn’t want to marry me anymore. I thought I ruined everything,” sabi niya habang nakatingin pa rin dito. “You almost did, actually,” biro ni Rozein.“I’m sorry.”“It’s okay. Let’s not waste any more time, shall we?” Hinawakan nito ang kamay niya.Tumaas ang kanyang kilay. “What do you mean?” Sa halip na sagutin siya, ngumiti lamang ito.“Remember the time I told you that I wanted to buy time?” “Yeah?” she asked, brows furrowing.“Well, come with me. You’re about to find out why.”“Teka lang, Rozein—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin siya nito palabas ng banyo.“What is the meaning of this?” Nanlalaki ang mga mata ni Thara habang sinusundan ito ng tingin.“I didn’t know how long it would take. But I can’t wait any longer. I want to marry you. Here. And now,” sagot ni Emeliano, mahinahon pero puno ng damdamin,” sagot ni

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 101

    There's something wrong, na parang may kulang, at ramdam na ramdam niya iyon. Parang may invisible gap sa pagitan nila, isang puwang na pumipigil sa kanila na maging buo.Rozein seemed to have a built-in cold wall in their relationship. He wasn’t open with her like he used to be, not even on the flight back home, hindi nito ginagawa na special o memorable. Ang init ng pagmamahal, mga biro, ang maliliit na haplos ay wala na.Kinagat niya ang ibabang labi at sumulyap kay Rozein. He was focused on his laptop, typing as if nothing else mattered.Napabuntong hininga siya at umupo ng maayos.“Hey,” her voice was soft but firm, trying to bridge the distance between them.Ngunit parang walang narinig si Rozein.“Rozein.” Nilakasan niya ang pagtawag sa pangalan nito.Pero wala pa rin.“Mr. Montefiore,” tawag niya na unti-unting nauubos ang pasensya.Tumingin ito kaagad sa kanya na parang nagising sa concentration. “What?”She smiled a little, teasingly.“Okay, fine. I’ll just pretend like you

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status