EDNALYNRamdam ko ang mainit na titig ni Everette sa akin. Alam ko sinusundan niya ako ng tingin simula ng pumasok ako ng k'warto, hanggang magbihis at ito nakahiga na ako sa kama.Para akong tuod sa gilid na halos isang tulak lang ni Soibeh, laglag agad ako sa sahig. Sobrang laki kasi ng katawan ng ama nila idagdag pang matangkad ito kaya ako na nag-adjust. Gumilid ako ng hindi masikip ang dalawa bata.“Mommy, bakit po ang layo mo? The space is still big, isn't it daddy? Baka po mahulog ka sa baba masasaktan ka,” ani pa ni Siobeh, tumingin sa ama at sa akin. Binulungan ito ng ama, ewan kung ano ang sinabi ni Everette, bakit humagikhik si Soibeh.I cough to get their attention. Tumingin si Soibeh nakangiti at si Everette na kakamot kamot sa buhok niya.“Kasi anak masikip na kung uusod ako sa inyo,” gano'n ang paliwanag ko.“Gusto mo po kayo ni Daddy, ang tabi?” napamulagat ako napansin kong nag-iwas ng tingin si Everette. Alam ko na ngayon ito ang ibinulong kay Soibeh, ng magaling niy
Ednalyn“Sir Mama mo ‘yon anong okay lang ang sinasabi mo? Ibaba mo na lang ako, malapit sa office ako na ang bahala,”“What? Bakit ka bababa, No! Sabay tayong papasok. At isa pa, I don't care if she gets mad at me,”“Eh, Mama mo iyon Everette, kahit na nga hindi mo pa alam ang katotohanan kung bakit ka napunta sa kanila, still kinupkop ka kanila. Kung hindi ka napunta sa kanila hindi natin alam kung buhay ka pa ngayon,”“And so? Hindi ka pa rin bababa dahil lang nasa office si Mama. Ano naman ngayon? wala naman siyang magagawa kahit na magalit siya,”“Ewan ko sa'yo Everette,” wika ko na lang kasi tingin ko desidido talaga ito na suwayin ang Ina.Kabado ako paglabas namin ng kotse ni Sir Everette. Mabuti na lang wala pang gaanong tao sa labas, nakakahinga pa ako ng matiwasay. Pero, paano pagpasok ng entrance sa lobby? I'm sure marami ulit mga marites na naghuhuntahan behind my back.Diba? Sa amin napunta ang tingin ng receptionist pagpasok pa lang ng lobby. Hindi lang sila matagal tum
Ednalyn“Sir naman bakit mo naman pinilit paalisin si ma'am Maryjane,” sermon ko kay Sir Everette, nang tuluyang makaalis ang ina nito sa office.Hindi ko alam anong i-react sapilitan kasi pinalabas ng guard sa office si ma'am Maryjane, dahil ayaw umalis ako ang inaaway. Ang ginawa ni Sir Everette, tinawag ang guard at pinadampot si Ma'am Maryjane, palabas ng office.Narito na kami sa loob ng office at nasa harapan ako ni Sir Everette, at ito naman parang stress kanina pa nakahaplos sa sentido habang ako walang tigil sa kakatalak sa kanya.“Baby, can you please turn down your voice? It's hurting my ears. Kanina pa walang tigil ang bibig mo sa ingay,” tamad nitong sabi sa akin pero na-amuse nakatawa.Nag pamaywang ako sa kaniya at sinamam ko siya ng tingin. “Paano ako titigil eh, Nanay mo ‘yon tapos pinalayas mo lang ng gano'n,” irap ko sa kanya.He softly chuckled. Pinagmasdan ako tila naaliw pa sa panermon ko sa kanya.“Damn, mainit ang ulo ng, baby ko.”“Tse! Nakakaurat ka,” saad ko
EdnalynHindi pa ako tapos sa ginagawa ko ng mapansin kong nakatayo si Sir Everette sa harapan ko kaya dali-dali akong nag-angat ng tingin upang alamin kung may kailangan siya sa ‘kin.“May iuutos ka, boss?” tanong ko sa kanya ngunit sandali ko lang siya tiningnan dahil nasa monitor ulit ng desktop ko ang atensyon ko habang inaantay ang sagot niya sa ‘kin.“Nakalimutan mo agad?” aniya tila kasi dismayado ang boses niya ng magtanong siya sa akin.Inisip ko kung anong tinutukoy niya tapos napatampal ako sa aking noo ng maalala aalis pala kami ngayon, mabilis akong tumingin sa aking braso kung saan nakasuot ang relo ko.“Hala! Oo nga lunch date nga pala kasama si chairman Emilio ang Lolo ni Sir Everette bakit nakalimot ko,” mahina kong sambit umangat ulit ako ng tingin sa kaniya.“Sir, hindi ba tayo ma-tra-traffic? Malapit ng alas-onse,” sabi ko pa sa kaniya.“Mas matatagalan tayo kung hindi ka pa nagliligpit d’yan. Hurry up, baby, ayaw ni Lolo, ng pinag-aantay siya,”“Edi Ikaw na lang n
Bumalik kami ni Everette sa office ngunit nagpaalam ang binata sa akin na patungo siya sa main office, kasi may pirmahan na mga papers.Meron din meeting si Sir Everette, ng alas tres ng hapon. Kailangan niyang mag-attend kasi mga executive ang mga kasama niya sa meeting na iyon.Ngunit mamaya babalik ang binata, kasi sa bahay raw ito matutulog. Bago raw mag-uwian susunduin niya ako.Malapit na sana ang uwian nakaligpit na ako bumaba. Nag chat na rin si Everette, on the way na raw ito at sa baba na lang ako antayin at make sure na sarado ang office nito. Ngunit ang balak kong pag-alis naabala kasi may sumulpot na babaeng makapal ang mukha. Sino pa walang iba kun'di si Lucinda.Lumapit sa akin naging alerto ako. Aba mahirap na masampal ako nito hindi yata ako papayag na hindi rin 'to jumbagin nakaka ubos ng pasensya.Nasa gilid na ito ng table ko. Mga tatlong hakbang pa namam kaya kere lang.“Talagang makapal ang mukha mo ano!?” sabi nito na matalim ang tingin na saad nito sa akin.Hin
Ednalyn“Kumusta?” tanong ni Sir Everette, nang makaikot ito sa driver side at sumakay.Pinagmasdan ko muna ito bago ako sumagot. T-shirt na lang ang suot nito katulad sa madalas nitong isuot noong nasa training camp pa kami.White t-shirt at denim maong pants.“Ikaw kumusta ang meeting?” balik tanong sa kanya.“Ayos naman. Sabi nga pala ni Lolo, sa weekend sa bahay tayo mag-stay kasama ang kambal,” wika nito.Nag-aalala ako baka magtungo roon ang Mama nito makita pa ng dalawang bata ang pangit na ugali ng Ina ni Everette.“Why is there a problem?” kunot ang noo na tanong niya sa akin.“Wala naman,” saad ko lang.“Kung nag-aalala ka sa Mama? You have nothing to fear. Hindi iyon maka porma kapag sa mansyon ni Lolo. Relax, kasama mo ako,”“Yeah kalmado naman ako ah,” sagot ko.Tinaasan ako ng kilay. “Pero natatakot ka?” aniya.Tumulis ang nguso ko nagulat pa ako ng halikan niyon ni Everette. Umalis naman ngunit maduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa.Mas lalo tuloy ak
Ednalyn“Siobeh, Tobias! Narito na kami ni Daddy. Nasaan kayo?” Sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng apartment namin.Naiwan pa si Everette sa labas kasi binababa pa nito ang grocery na aming dala. Dumaan pa kasi kami kanina sa supermarket. Kahit anong tanggi ko na ‘wag na dahil may stock pa naman kami sa bahay pero makulit si Everette, wala akong nagawa ng tumigil na ito sa tapat ng grocery store at ayaw naman umalis pinagbigyan ko na lang.Tumingin ako sa pinto ng dumating si Everette. Nilapitan ko kasi daming bitbit.“Sabi ko na sa'yo tulungan kita,” ani ko sa kaniya tinaasan lang ako ng kilay.“Ako na magaan lang naman ‘to,” giit nito.“Lakad na, baby, ayos lang ako. Kung magtatalo pa tayo rito paano ko ‘to madadala sa kusina,”“Bahala ka nga kung ayaw mong magpatulong.” wika ko na lang sa kaniya muli nauna lumakad.Apat na plastic bag ng grocery ang dala nito. May isa pang bag ng lechon manok at ng donut pasalubong sa mga bata at kay Ate Diday.“Ilagay mo lang sa dining table, s
Ednalyn“Tobias, Siobeh. H'wag makulit sa titser n'yo ha?” bilin ko sa kanila pagdating sa learning center na pinapasukan ng kambal kong anak.Hinatid namin ni Everette, bago kami pareho ng pumasok. Susunduin naman sila ni Ate Diday. Papasok pa kasi ako kahit ayaw akong papasukin ni Everette. Mag-ayos na lamang daw ako ng aming dadalhin mamaya sa bahay ni Chairman Emilio.Kaso nga lang may tatapusin ako ngayon. Wala kasi ako sa Monday. Kailangan kong matapos bago mag-lunch ang ni incode ko kahapon. Kailangan na sa accounting department. Sabi ko na lang undertime ako. Ito kasi si Everette, sa main office raw ito ngayon papasok. Ihahatid lang niya ako sa extension then alis agad.“Mommy, ingat po,” bilin ni Siobeh pinanggigilan akong halikan sa magkabila kong pisngi.Bumungisngis ako kasi ganito ito maglambing to the point na hindi mo matataangihan ang sobrang sweet ng anak kong ‘to.Tumingin ako kay Tobias magaan ko kinurot ang pisngi nito pagkatapos hinila ko sa akin pareho ko na sila